"It's hard to explain but please... Andra trust me, hindi ganun hindi..."
"Yes, sa una ay pag hihiganti. Pero nang mag tagal nag iba na ang nararamdaman ko sayo. I know it's wrong. but—."
Tumawa ng malakas si Gov. Nang marinig ang sinabing iyon ni Perseus. Kita ko ang panggagalaiti niya sa sariling anak ng mapatingin ako sa kanya.
"Nag ka gusto ko sa sarili mong kadugo Perseus?" Nanliliit ang matang tanong ni Gov. Habang ang mata'y pabalik balik ng tingin sa amin.
"Shut up Dad!" Sigaw ni Perseus. Bumaling siya sa akin upang muling lapitan. Kahit pa nanlalabo ang mata ko ay pinilit ko siyang titigan.
Kumikirot ang puso ko sa mga oras na ito. Hindi ko masikmura ang mga nangyayari. Unti-unti ako napa hikbi hanggang sa humagulgol. Hindi ko alam. Kung ano ang gagawin ko. Nanlalamig ako kasabay ng nag hahalong puot at pait sa aking sistema.
"B-bakit?" Nanginginig ang boses na tanong ko kay Perseus. Kita ko ang pamumula ng mata niya ng nahanap niya ang paningin ko.
"Mahal kita Andra. I will still always love you. Whether I'm a part of your life or not... please let me explain.." nanghihinang sabi niya.
Napapikit ako sa aking narinig. Hindi iyon ang gusto kong marinig sa kanya. Hindi ang pagmamahal niya. Bakit? Bakit ako? Anong kasalanan ko sa kanya?
Umiling ako. Kasabay ng pag pikit niya ng mariin. Tumalikod ako sa kanya dala ang bagsak na balikat. pinilit kong inihakbang ang mga paa ko. Kahit pa nanghihina ito.
Nagsimula kami sa mali at matatapos kami sa mali. Hindi ko alam kung saan ako huhugot ng lakas para makabangon. Paghihiganti lang ang lahat ng ipinakita niya sa akin. Walang puwang ang katulad ko sa kanya.
Maling iniibig ko ang sarili kong kapatid. Maling ibibigay ko sa kanya ang lahat. Paano ko iyon malilimutan? Paano?
Na abot niya ang pulso ko. Hindi niya akong pinilit paharapin sa kanya. Ngunit napatigil ako sa ginawa niya. Bumuhos ang luha ko. Pakiramdam ko ay napapaso ako sa hawak niyang iyon.
"Do not leave me, please... Hindi ko kaya Andra... Hindi ko kaya..." Pag mamakaawa niya. Pinahiran ko ang luha ko gamit ang isang kamay ko. Alam kong kaya niya. Kaya niyang mag patuloy pagkatapos ng lahat ng ito!
"M-magkapatid tayo Perseus!" Halos pumiyok ako ng sabihin ko iyon. Sobrang sakit. Napakasakit. Hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko.
Kita ko ang panggigilid ng luha niya. Na hindi ko alam kung totoo pa iyon. Dahil pakiramdam ko bawat lumalabas sa bibig niya ngayon, at sa kanyang ama ay purong kasinungalingan lang.
"A-and.. all this is just revenge against me and my mother. Ngayon ay nag tagumpay ka at panalo kana.. at ang sakit nadinulot mo ay sobra sobra na. Panghabang buhay kong dadalhin ang sakit na idinulot mo sa akin!" Pilit kong binubuo ang boses na sabi ko.
"I fell into my own trap.. talo ako sa ideyang iyon... Hindi ko alam na mahuhulog ako sayo... Mas malalim pa kaysa sa iniisip ko... Please don't leave me.. I'll be good..." Kasabay ng pag kadurog ng boses niya.
Binawi ko ang kamay kong nadudumiha sa marumi niyang pagkatao. Tulad ng ama niya ay isa rin siyang halimaw. Halimaw na magdadala sa akin sa kapahamakan.
Kita ko ang masamang titig sa akin ni Gov. Gusto kong sampalin ang mukha niya. Siya ang tao sumira sa buhay namin ni Mama. Siya ang sumira ng lahat.
"Get in my car. Ihahatid kita pauwi sa inyo." Si Gov.
Napatingin ako sa kanya. Puno ng galit ang ibinigay kong titig sa kanya. Nag iwas ito ng tingin at binuksan ang kotse upang makapasok ako ruon. Ngunit hindi ko iyon pinansin.
"Pagsisihan mo lahat ng ito. Lahat ng paghihirap ng Mama ko. Sa bawat oras segundong nahihirapan siya." Madiin ko sabi.
Tumikhim siya at tumawa ng kaunti. At isinarado ang pinto ng kotse, ang buong pansin ay itinuon sa akin.
"Do you think someone like you can bring me down?" Kastigo nito sa akin.
"Tatagan mo ang batong tinatapakan mo ngayon." Puno ng pag babantang sabi ko.
"Nobody can take me down, lalo ang isang katulad mo lang. You are just a mistake of your mother."
"One mistake would have never been born in this world." Madiin sabi niya.
"Mabubulok ka sa kulungan. Pangako iyan Zeus Calderon!" Ako. Puno iyon ng tapang at pagbabanta.
Kaagad umangat ang kamay nito. Nakahanda na ako sa pag sampal niya. Ngunit bago pa niya iyon magawa ay umalingawngaw na ang putok ng baril.
"Don't you dare to hurt her!" Si Perseus. Kaagad nagkagulo ang mga guard ni Gov. Nang biglang bumagsak ito at may tama sa balikat.
Kagaad ni Perseus tinakbo ang distansya naming dalawa. Niyakap niya ako ng mahigpit. Umalingawngaw muli ang sunod sunod ng putukan.
"Andra!" Si Perseus. Ngunit bago pa niya maitutok ang baril sa mga taong nag puputukan ay kaagad itong bumagsak. Nang tamaan ito ng baril sa tagiliran.
"Perseus!" Sigaw ko. Ngunit Pinilit nitong icover ako sa gitna ng putukan.
Pero bago ko pa man siya maharap ay mahawan at kinuha na ako ni Gov. Si Perseus naman ay hawak ng mga tauhan ng tatay niya.
Mabilis niya kaming napag layo. Hindi ako pumasag ng hawakan niya ako. Kita ko ang matalim na titig ni Perseus. Itinayo siya ng mga tauhan ni Gov. Ngunit si Gov ay patuloy akong hinila patungo sa bingit ng tulay.
"I will kill you for the second time... Siguraduhing kong hinding hindi kana mabubuhay pa." Aniya at mabilis akong itinulak sa mataas na bangin.
Nag katitigan kaming dalawa bago pa man ako bumagsak. Kung mabubuhay man ako ay hinding hindi ako titigil. Hanggat hindi ko siya napapabagsak.
If you believe in Karma, then you will understand that everyone has to be ready to face the consequences of their actions .
Revenge does more harm to the person dealing it out than anyone else. Nang mahulog ako sa bangin, idineklara ko na ang laban.
I put a fire between us. Ang una kong instinct ay sirain ang taong nagkasala sa akin.
Napasinghap ako sa sarili kong hangin, ng maramdaman ko ang malakas na alon na humampas sa aking katawan. Naramdaman ko ang mainit na sikat ng araw. Ngunit nanunuot ang lamig ng tubig na bumabasa sa aking paa at likod.
“Ahh...!” Napapikit ako ng maramdaman ko ang sariwang dugo na lumalabas sa aking nuo. Ang huling ko alaala ay inihulog ako sa bangin.
“Zeus Calderon.” Banggit ko sa pangalan iyon.
Hindi niya puwedeng malamang buhay ko. Kung malalaman niya iyon ay tiyak na susuyurin niya ang buong Dela Rosa. Upang maitago ang baho niya.
“Hija!” Napatingin ako sa matandang babae na nakatayo mula sa aking pag nakahiga. Kaagad itong lumuhod upang suyurin akong mabuti.
“Anton!” Sigaw nito.
“May babae rito! Kailangan niya ng tulong sugatan ito!” Natataranta na sigaw nito. Naramdaman ko ang pag dami ng taong nasa paligid ko. Ngunit ako ay tila nabibingi sa buong paligid. Pakiramdam ko ay hinahati ang ulo sa sobrang sakit.
Unti-unti muling bumigat ang aking talukap.
Nang magising ako ay nasa isang madilim na silid na ako. Napapaligiran ng kahoy ang buong paligid ng idilat ko ang mata ko. May kaunting siwang ito. Kaya’t alam ko na di pa nag didilim. Ngunit ang kulay ng araw ay kahel na.
Naramdaman ko ang pag iinit ng sulok ng aking mata. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang sakit sa nangyari.
Pinunasan ko iyon at mabilis na tumayo. Ngunit bago ko maibaba ang mga paa ko sa sahig, napigil na ako ng matandang babae na tumulong sa akin.
“Kailangan mong mag pahinga muna, Hija.” Aniya at dala ang isang lugaw sa mangkok.
Napailing ako at napaluha.
“Ka-kailangan ko na pong makaalis.” Nanginginig na sabi ko. Pinilit niya akong ihiga ngunit mas nag pumilit akong bumangon.
“Ikaw ba ang babaeng hinahanap ng mga tao sa tulay ng bayan, palabas ng Dela Rosa?” Tanong ng matanda sa akin.
Natigil ako sa tanong niyang iyon. Hinahanap ako? Sinisigurado niya talagang patay ako.
“Ikaw nga iyon.” Hindi na tanong ang tono niya. Isa nang pag kukumpirma iyon.
“Kung ako po ba ang taong yun, ituturo niyo po ba ako?” Tanong ko. At binalingan ang titig sa matanda.
Naiwas ito ng tingin. Sa ikinilos pa lang niya ay alam ko na.
Tumayo akong muli. Ngunit nakuha niya ang pulso ko. Kaagad niyang inilagay ang balabal na nakalagay sa kanyang balikat.
”Mag iingat ka. Kung papasok ka ng Dela Rosa, patungo sa kung saan man. Dumaan ka sa sentro. May sakayan ruon.” Aniya. Puno ng awa ang tingin na iyon. Pinahiran ko ang luha ko at tumango.
Hinabay ko ang mapunong savannah upang makarating ruon. Binalot ko ang mukha ko ng tela. Habang pasakay sa sakayan.
“Hija delikado ngayon. Nakatakas raw ang taong gustong pumatay ka Gov. Dapat ay di muna kayo dumadaan ng tulay.” Aniya.
Hindi ako kumibo. Bumaba ang tingin nito sa akin. Ngunit iniwas ko ang tingin ko sa lalaki.
“Papasok po ng Dela Rosa.” Ako. One way ang sinakyan ko. Inabot ko ang perang baon ko bago ang trahedya, na siyang ibinigay ko sa manong.
Nang marating ko ang pamilyar na bahay, naabutan kong madilim ruon. Pero si Mama ay nakita kong tulala sa labas. Tingin ko ay hinihintay niya akong makauwi ng bahay. Nanginginig ang labi kong tinawag ko ito.
“M-ma!” Ako.
“Anak ko!” Halos takbuhin ni Mama ang pagitan naming dalawa. Naramdaman ko ang mainit na bisig ni Mama, halos humagulgol ako. Gusto kong isumbong sa kanya ang lahat ng nangyari. Ngunit ayaw kong dumagdag pa ako sa isipin niya.
“Aalis na po tayo Ma.” Umiiyak kong hinawakan ang pisngi nitong basa.
“Hinahanap ako ng halimaw anak!” Pag susumbong nito sa akin na mas lalo akong napaluha.
Durog na ang puso ko sa lahat. Ngunit mas lalo pa itong nadurog sa sinabi ni Mama.
Hindi ako nag sayang ng oras. Kaagad kong inimpake ang aming mga gamit. Nag iwan naman ako liham para kay Auntie. Ayoko siyang madamay sa lahat ng ito. Lalo’t may apo at mga anak siyang nagsisimula pa lang sa karera ng buhay.
Lumuhod ako sa kinauupuan ni Mama. Nang idala ko siya sa isang hospital. Tahimik itong nakatingin sa akin. Nanggigilid ang luha kong pinagmasdan siya mabuti.
“Ma, magagaling po ang mga Doctor rito, at mapapagaling ka nila.”
“Tutulungan ka nilang gumaling.” Nagigilid ang luhang sabi ko.
Ngumiti ito at inilibot ang mga mata sa bawat sulok ng kisame.
“Dito na tayo titira Anak?” Masayang tanong ni Mama.
“Kasama ka anak ko?” Malambing nitong tanong sa akin habang hinahaplos ang aking pisngi.
Umiling ako at hinalikan ang malambot niyang palad. Kasabay nun ang pag buhos ng panibagong luha ko.
“H-hindi.... Ma, ikaw po. Hindi ako pwedeng tumira rito. Hindi tayo pwedeng mag kasama rito.” Ako.
“Andra!” Durog na sigaw nito. Napayuko ako sa tuhod ni Mama. Sobrang sakit ng dibdib ko. Sobrang sakit na iwan siya sa isang mental hospital. Ngunit ito lang ang paraan ko.
“M-makinig... ka sa mga doctor Ma, gagaling ka.. babalik po ako.” Halos humagulgol na ako. Napaluhod narin ako sa harap niya.
“Sasama ako Anak, saan kaba pupunta? Maganda ba iyon? Masaya?” Sunod sunod na tanong ni Mama.
“Hindi ka pwedeng umalis ng ikaw lang Andra.” Umiiyak na yugyug niya sa balikat ko.
“Andra..”
“Andra... Anak patawarin mo si Mama, magiging mabait na si Mama. Di na magagalit si Mama.... Kainin mo na ang lahat ng gusto mo ha? Anak...”
“Anak...! Hindi na magagalit si Mama, anak...!”
Hindi ako nag taas ng tingin. Patuloy ang pag buhos ng luha ko. Habang nakatingin sa marmol na sahig ng hospital..
“Andra!” Humagulgol na tawag sa pangalan ko ni Mama.
Hinawakan ni Mama, ang dalawang kamay ko. Tila nakikiusap ito. Ngunit tumayo ako at binawi ko iyon. Tumalikod ako at hindi na siya nilingon. Nag patuloy ang pagtawag niya sa akin. Ngunit hindi ko na iyon pinansin.
Bumuhos ang luha ko. Kasabay ng malakas na pag buhos ng ulan.
Pangako Ma, babalik ako.
Babalik ako. Kapag sapat na ang kapangyarihan na mayroon ako upang ipaglaban ko ang nangyari sayo.