bc

UNEXPECTED LOVE (Petra and Manuel)

book_age4+
1.5K
FOLLOW
3.5K
READ
drama
tragedy
comedy
serious
like
intro-logo
Blurb

Babaeng labis na nag mahal sa unang lalaking inibig nito, subalit kahit ginawa na niya ang lahat ay hindi parin siya nito magawang mahalin, ngunit habang patuloy niyang minamahal ang lalaking hindi naman siya magawang mahalin ay hindi niya alam na may isa pang puso ang labis na umaasa at pilit na tumatawag ng kaniyang pansin hanggang sa dumating ang araw na hindi niya akalain na mapapa-ibig siya sa lalaking nuon paman ay labis niyang tinatanggihan.

chap-preview
Free preview
CHAPTER -1
PETRA -Pov "Nako! Bakit kapa nag lalagay ng ganyan, kahit anong gawin mo hindi kana gaganda" ani ng isang inggiterang anak ng tsismosang kapit bahay namin. Nasa harapan ako ng isang mahiwagang salamin kung saan nakikita ko ang pinaka maganda kong mukha sa balat ng mga kabayo este ng mundo. Katatapos ko lamang mag lagay ng konting lipstick sa makapal at mapang akit kong mga labi na dinaig pa ang kinagat ng isang daang bubuyog dahil sa sobrang kapal. Yes, ako si Petrang kabayo, este Petra Lusia Cabiao ang may pinaka magandang mukha dito sa bayan ng Quirino Tagaytay, sa sobrang ganda ko ay takot ang lahat ng mga daga sa mukha ko, meron akong maraming tigyawat at animoy binagsakan ng durian dahil sa wala ng espasyo sa kutis ng mukha ko dahil nag sisiksikan na lahat ng mga tigyawat ko, sobrang mahal na mahal nila ako kaya hindi nila ako iniiwan at sa sobrang pag mamahal nila ay dito na sila namimisa at nag paparami ng lahi sa mukha ko, makapal ang mga labi ko at may malaking mga ngipin, makapal rin ang kilay ko na halos magka dikit na. Pero kung ano ang ikina pangit este ikina Ganda ng mukha ko ay kabaliktaran naman ng katawan ko Yeah Pak na pak!, kung katawan rin lang naman ang labanan syempre hindi ako mag papahuli sa linyahan, sabi nga ng mga kaklase ko ay katulad ni Miss World Megan Young ang height at pangangatawan ko, pero mas malaki lang ang pang upo ko, meron akong Sexyng katawan na ikina iinggitan ng mga kababaihan dito sa lugar namin. At heto nanga nag aayus ako dahil kaarawan ngayon ng anak ng amo ko at sa kabilang bahay gaganapin 'yon dahil hindi p'wede dito sa malaking mansyon, kase ayaw ni ninang Carmela ang maingay. Si Ninang Carmela ang amo ko at pangalawang ina ko narin, dahil ulilang lubos na ako. Katiwala ng mga Kimson ang mga magulang ko at ng mamatay sila ay naiwan ako dito sa mayamang pamilya ng mga Kimson hanggang sa sila na ang nag palaki saakin at nag paaral, pero nagka sakit si Ninang Carmela lagi na lamang tulala mag mula ng mawala ang bunsong anak nito at mamatayan ng asawa. At dahil sa kinikilala kona siyang ina at sa labis na utang na loob ko sa pamilya nila ay ako na ang nag aalaga sa kaniya, meron pa siyang panganay na anak at iyon ay si kuya Romuel ang may kaarawan sa araw na'to. " ano ba Petra, tumigil kana d'yan dahil kahit anong gawin mo hindi ka parin gaganda"saad pa ng babaeng kasama ko, nako nako nako konting konti nalang masasapak kona talaga ang babae na 'to pasmado na naman ang bibig grabe maka pang lait tssk "Oo na nand'yan na" pairap kong tugon pagka tapos ay pinasadahan ko ulit ang ayos ko, pak dyosang dyosa talaga ang kasexyhan ko, huwag lang tumingin sa mukha Sinilip ko muna si Carmela sa kwarto niya at ng makita kong mahimbing ng natutulog ay bumaba na ako upang maka punta na sa kabila sa bahay na yari sa bato, oo bato lahat walang kahoy dahil bakal at bato lamang lahat ng pagkaka gawa ng bahay na 'yon So ayun nanga excited ako masyado at todo ayus ako sa sarili ko dahil panigurado ay kasama na naman ni Kuya Rom ang mga gwapo niyang mga kaibigan. As in napaka gwapo talaga at nakaka laglag panty talaga dating pala nila parang mahihimatay na ako, dalawang beses kona nakita mga kaibigan ni Kuya Rom at pangatlo na sa araw na ito. "Petra bakit ngayon kalang?"usisa saakin ni Bianca ang Nobya ni Kuya Romuel. "Bakit dumating naba sila? Hinintay kopa kasing maka tulog si Ninang" tugon ko na ikina singkit naman ng mata niya at pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "Ayus na ayus ah--- "Che! Huwag mo akong tignan ng ganyan, bantayan mo si Kuya baka magugulat ka nalang naagaw na pala ni Poyang si Kuya Rom"aniko na ikina ngiwi naman ng mukha niya. "Hindi 'yon mangyayare no, mahal ako ni Romuel" kumpyansang tugon niya kaya wala akong masabi kundi ang Sana All mahal. Si Bianca ay ang matalik kong kaibigan at siya ang mutya ng bayan namin dahil sa angkin ganda niya na talagang napaka daming kalalakihan na nagkaka gusto dito, subalit tanging si Kuya Romuel lamang ang lalaking pumasa at napansin ng kaibigan ko, sabagay sobrang bagay naman talaga nila dahil napaka gwapo ni Kuya Romuel,mabait at mayaman pa, first love nila ang isa't-isa kaya sana all may jowa. Magka sunod na kaming pumasok sa loob at kaagad naman akong nilapitan ni Kuya Rom ng makita niya ako "Petra, salamat at nandito kana kanina kapa gustong puntahan ni Bianca, si Mommy kamusta siya kumain naba siya bago mo iniwan?"saad nito "Maka iwan naman 'to, syempre naman kuya inuuna ko muna si Ninang no, tsaka hinintay kopa siyang maka tulog bago ako nag punta dito"tugon ko at akmang mag sasalita pa sana ako para batiin at kumustahin ito ay hindi kona nagawa dahil tinawag na ito ng mga bagong dating na mga kaibigan nito. Kiyaaa! Heto na sila, ang gugwapo talaga nila, nako sana sa gabi na'to malaman kona ang mga pangalan nila, taga maynila raw ang mga ito at katulad ni Kuya Rom ay katatapos rin ng mga ito sa pag-aaral "Brad happy birthday Rom"naka ngiting bati ng isang morenong lalaki "thank-you Brad"ngiting tugon ni Kuya Rom, pagka tapos itong batiin ng mga kaibigan ay tinawag nito si Bianca at ipina kilala sa mga kaibigan nito. "Love, sina Kiel, Josef at Paulo" pag papakilala ni kuya Rom sa tatlong kaibigan nito. Kiyaa gustong mag lulundag ng puso ko dahil sa wakas ay nalaman ko narin ang mga pangalan nila. At halos mahimatay ako ng bumaling ang mga ito saakin, ipina kilala naman ako ni Kuya Rom sa mga ito subalit nginitian lamang ako ng mga ito. Anak ng tipaklong ngiti palang nakaka himatay na, at OH-my god Paulo pala pangalan ng Moreno na 'yon. Crush kona talaga sila "Ohh nandyan na pala sina Mike" wika ng nag ngangalang Josef habang naka tingin ang mga ito sa bandang likuran ko, kaya naman ay dahil sa kriyosidad ay lumingon ako upang makita kung sino ang mga bagong dating at halos manlaki ang mga Mata ko at maiihi ako sa sobrang kilig ng mamukahan ko ang mga bagong dating. Syempre kilala ko sila dahil madalas ko silang napapanuod sa Television laging laman ng mga balita,,pero hindi naman sila mga artista sadyang sikat at kilala ang mga ito sa buong bansa Nang maka lapit ang mga ito ay binati ng mga ito si Kuya Romuel pagka tapos ay ipina kilala kami ni Kuya Rom sa mga ito, unang pinakilala ni Kuya ay ang Nobya nitong si Bianca kasunod ako "Petra, sina Sebastian, Fego, Mike at Jego mga kaibigan ko"ani ni Kuya Rom, katulad ng tatlong naunang ipinakilala ni Kuya Rom ay nginitian rin ako ng apat subalit ang nag nga-ngalang Mike lamang ang naki pag kamay saakin. Syempre mabilis koyun tinanggap, sa pitong boys na mga kaibigan ni kuya ay ito lamang ang naki pag kamay saakin. Waaah baka siya nanga ang destiny ko, ang lambot ng kamay niya, ang sarap hawakan "Aheem Ms Petra, baka pwede mo ng bitiwan ang kamay ko" ani ng nag nga-ngalang Mike, subalit Hindi kona nagawang bitiwan ang kamay niya dahil ng makita ko ang mga ngiti niya ay biglang nag slow-motion siya sa paningin ko, shaaks! Napaka gwapo niya talaga at dahil duon ay hinimatay na ako. Nagising ako dahil sa sobrang ingay na nag mumula sa background sound system, kaagad akong napa kunot nuo kung bakit ako naka tulog at kaagad naman akong napa tampal sa nuo ko ng maalala kona kung paano ako katanga kanina, jusmiyo ngiti palang 'yon hinimatay na ako pano pa kaya kung hinalikan na niya ako "Ahh ang landi ko, pero ano ngaba pakiramdam ng mahalikan lalo na kung si Mike ang ang---- "Petra mabuti naman at nagising kana" malakas na sabi ni Bianca na ikina tigil ko. "Bakit ba? Sinong nag dala saakin dito?"aniko ng maalala kong b****a kami ng Pinto kanina, at ngayon ay nasa sala na ako at naka higa sa malaki at mahabang sofa "Edi sino pa, edi ang Boyfriend ko tsaka tumayo kana d'yan hindi namin kaya ni Ami ang pag asikaso, may mga dumating pang bisita si Romuel at nakaka inis lang dahil mga babae at parang mga tuko kung maka kapit sa mga kaibigan ni Rom"saad ng kaibigan ko na ikina taas naman ng kaliwang kilay ko. 'Mga babae?'pag uulit ng isip ko "Baka nobya ng mga kaibigan ni Kuya Rom ang mga babae-- "Hindi, si Romuel rin ang nag sabi saakin na si Sebastian lang ang may Nobya sa mga kaibigan niya. At single ang anim na boys, at yung babae mga hindi rin kilala ni Rom pero sinabi niyang pang One night lang daw para sa anim na mga boys, hindi pwede si Sebastian dahil susunod daw dito ang girlfriend na nag ngangalang Vanessa ba 'yun" pag kukwento pa ng tsismosa kong kaibigan. "Ohh hindi naman pala mga nobya bakit ganyan ang mukha mo?"sabi ko na ikina irap naman niya "Pano ba naman ang aarte at ang kakapal ng mga Foundation lalo na yung babaeng naka lingkis kay Mike ba pangalan nun, grabe napaka arte" sabi pa nito kaya naman ay buhat sa narinig ay napa tayo na ako 'Aba mauunahan pa ata ako ha' gigil na sabi ng isipan ko. Bago nag tungo na ng kusina upang mag hanap ng pwedeng gawin at idahilan upang maka lapit ako sa mga kaibigan ni Kuya Rom, lalo na duon sa bago kong crush, kiyaaa! Oo crush kona si Mike Kaya lagot saakin kung sino man 'yang babaeng lumilingkis sa papa Mike ko. "Petra are you okey now?"ani ni Kuya Rom ng maka lapit ako sa kanila, dala-dala ang lalagyan ng cubes ice for cocktails Ngumiti ako, kaya lumipataw ang malalaki Kong mga ngipin at lumantad ang bagong lagay kona kulay itim na braces, dahilan upang mapa ngiwi ang mga babaeng kasama ng mga kaibigan ni kuya Rom Pero inirapan kulang ang mga ito, aba! Sino sila para tarayan ako. mas hamak na mas sexy pa ako sa mga ito at hindi naman magaganda, mas maganda parin ako sa kanila ng lalo na kapag naka talikod ako. Yes lunalabas talaga ang ganda ko kapag naka talikod ako "Petra?" "Huh? Oo kuya ayus na po ako"gulat na tugon ko at napa tingin ako sa gawi ng Bebe Mike ko, haayst napaka g'wapo niya talaga hmmp pero teka hindi ko gusto itong nakikita ko, aba! May Tansong naka yakap sa braso ng Bebe Mike ko, Jusmiyo may kilay paba 'to bakit parang wala. Haayst ayaw ko talaga sa nakikita ko! Kaya naman pagka tapos kong ilagay sa lamesa nila ang lalagyan ng Cubes ice ay, kinuha ko ang mga pinag-gamitan na nilang mga baso at ng matapat ako kina Mike ay tumayo ako sa tabi ng babaeng naka kandong habang naka yakap sa Bebe ko, haayst ang landi talaga kaya sa inis ko ay kunwaring hindi ko sinasadya ang pagka hulog ng malamig na tubig sa isang basong hawak ko At naipa ligo ko iyon sa babaeng naka kandong kay Mike. "Sorry, sorry sorry! Hindi ko sinasadya" tarantang sabi ko pagka tapos ay nag madali akong pumunta ng kusina upang kumuha ng trapo, trapo na para sa sapatos ang nakuha ko, at bahala na mukha naman siyang paa. Tili ng tili ang babaeng katabi ng Bebe Mike ko, aarg ang sakit sa tenga, lalabas na ata tutuli ko "Petra anong ginagawa mo?"kunot nuong wika ni Kuya Rom ng makitang bumalik ako "Tatrapuhan kulang po siya, hindi ko sinasadya kuya"tugon ko at balewalang tinrapuhan ko ang mukha ng babae, kaya mas lalo itong nag titili "Ay sorry ang ulo mo pala ang basa, akala ko po yung mukha niyo, akala kopo basahan sorry ulit--- "Aah! Ikaw pangit ka walang hiya ka"sigaw ng babae saakin na ngayon ay burado na lahat ang kororete niya sa mukha, hindi ko mapigilang mapa ngiti ng makita kong nag kalat ang pulang lipstick niya at wala na na rin itong Kilay, as in wala na talaga "Sorry hindi ko talaga sinasadya"sabi ko at bumaling sa mga kaibigan ni Kuya Rom na halatang Aliw na aliw sa panunuod saamin, lalo na ang Bebe Mike ko, parang walang pakealam sa babaeng katabi niya "Sige pumasok kana sa loob Petra, hmm Miss mag palit ka nalang may mga dala rin siguro kayong Extrang pamalit" wika ni Kuya Rom kaya tumango na lamang ako bago tumalikod na //Continue

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Dominating the Dominatrix

read
52.6K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
784.1K
bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
17.7K
bc

The Slave Mated To The Pack's Angel

read
378.2K
bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
552.5K
bc

The Lone Alpha

read
123.0K
bc

The CEO'S Plaything

read
15.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook