Kasalukuyang nasa kusina na ako at nag hihintay kung anong oras matatapos sina Kuya Rom kasama ng mga kaibigan niya, kaya habang nag hihintay ay naisipan ko nalang munang kumain dahil hindi pa pala ako naka pag dinner
Habang hinahanda ko ang pagkain ko ay sumagi sa isip ko 'yung eksenang ginawa ko kanina sa babaeng haliparot na kasama ng Bebe Mike ko
"Haayst ang arte arte---ay Butiki!"ani ko at biglang napa tili dahil sa pagka gulat ng may biglang mag salita mula sa likuran ko.
"Petra" ani ng lalaki kaya mabilis akong napa harap dito, subalit parang mahihimatay na naman ako ng mapag sino ang lalaking nag salita
" ho?" Sambit ko na ikina ngiti naman nito.
'Nako naman huwag ka ng ngumiti, nakaka laglag panty na eh at ayaw ko ng mahimatay'tili ng isip ko at pakiramdam ko ay matutuyuan ako ng tubig sa lalamunan ko dahil sa ayus niya ngayon, Posting buhay naman oh wala siyang pang itaas at basang basa ito ng tubig,, marahil ay naligo na ito kasama ng mga kaibigan nito sa Pool area
Mamamiya, teka ilan ba ang abs niya, isa dalawa, tatlo ,Pito! Enebe self mag tigil ka masyado kang halata.
"Petra, ayus kalang? "Rinig kong sabi niya kaya napa balik ako ng tingin sa gwapo niyang mukha at napa lunok na naman ako ng sariling laway
"Po? " parang tangang sabi ko
"Ang sabi ko, pahingi ng Towel, eight towels para sa mga kasama ko" wika nito.
"O-opo opo"wala sa sariling tugon ko at nag madali ng umalis sa kina tatayuan ko at sa pag mamadali ko ay kamuntikan pa akong madapa dahil sa katangahan ko, pano ba naman kasi lumilipad parin ang isip ko duon sa yummy at sexyng katawan ng bebe Mike ko.
Pagka tapos Kong makuha ang Walong malaking tuwalya ay mabilis na akong bumalik at nakita kong naroroon parin ang Bebe Mike ko sa kina tatayuan niya at talagang hinintay niya talaga ako, kiyaa! Hinintay niya ako, haayst self umayos ka
"Thanks" aniya pagkatapos kong ibigay ang isang tuwalya. Ngumiti naman ako habang kinikilig parin ang buong sistema ko pati ang mga atay at balun balunan ko kasama narin ang kaluluwa ko ay tahimik na kinikilig
'Waah! Mahal na ata kita Bebe Mike ko' sigaw ng kabilang isip ko kaya mas lalo akong napa ngiti sa kaniya. Pagka tapos niya akong talikuran ay nag tungo na ako kung nasaan sina Kuya Rom, at hayun nanga para akong nanunuod ng live show halos malaglag ang panga ko at matulos ka kina tatayuan ko ng makita ko ang mga kaibigan ni Kuya Rom, si Paulo na kahalikan nito ang partner nitong halos makita na lahat ang buong kaluluwa dahil sa nipis at iksi ng suot nito, si Jego naman ay parang batang nilalaro ang malulusog na dibdib ng babaeng kasama nito. Si Kuya Romuel naman ay nasa Swimming pool kasama nito ang nobyang si Bianca at parehong naka pikit habang nag hahalikan ang mga ito. Ang dating crush ko na si Josef ay ito lamang ang naka tulog na, naka subsob ang na ang ulo nito sa ibabaw ng lamesa at marahil dahil sa kalasingan ay naka tulog na ito, habang si Kiel naman ay naka upo ito habang may babaeng naka luhod sa harapan nito at tumataas baba ang ulo nito, hindi ko naman makita kung anong ginagawa ng babae dahil naka talikod ito sa gawi ko pero dahil may pagka Green minded ako ay kaagad ko ng nahulaan kung ano ang ginagawa ng babae sa harapan ni Kiel habang si Fego naman ay parang balewala lang dito ang nasa paligid nito dahil patuloy parin ito sa pag inom ng alak kasama nito si Sebastian na tanging mga ito lamang ang walang ginagawang milagro dahil mga ito lamang ang walang partner kaya nag-iinuman nalamang ang mga ito. Napansin korin ang babaeng kasama kanina ni Mike ay naka tulog narin.
"iwan mo nalang d'yan 'yang mga hawak mo dahil busy pa sila" ani ng pamilyar na tinig kaya naman ay gulat akong napa lingon dito.
"Ay Bebe ko ikaw pala---ay sorry Mike pala si-sige ho iiwan ko nalang ang mga ito dito sa lamesa" saad ko, subalit ng akmang mag sasalita pa sana ako ng biglang maka rinig ako ng busina ng sasakiyan mula sa labas.
"Oh, i think ang Young lady na'yan"ani nito na ikina kunot nuo ko naman.
"Ho? Sino po 'yon?"nag tatakang sabi ko
"Buksan mo nalang baka mainip pa'yon" tugon nito kaya kaagad na akong tumalima at tinungo nanga ang fron door upang tignan kung sino ang nasa labas ng bahay. Subalit hindi paman ako nakaka pag salita pagka tapos kong buksan ang pinto ay kaagad na itong pumasok na animoy ito ang may-ari ng bahay.
"Miss Bakit po?"ani ko subalit hindi man lamang ako nito pinansin ,grabe napaka ganda niya pero parang pamilyar siya kung saan ko ngaba siya nakita. Pero parang napaka sungit naman ng mukha niya ,naka kunot nuo ito habang nag tatagis ang bagang nito, parang galit pero bakit naman ito magagalit at sino sa mga kaibigan ni Kuya Rom ang sadya nito
"Sebastian!" Malakas na sabi ng babae na ikina pitlag ko sa kina tatayuan ko, grabe! Boses palang parang napaka maka pangyarihan na.
"Fvck! Wala akong ginagawa Mahal,nag iinuman lang kami ni Fego, see wala akong kasamang babae 'yang babaeng nakikita mong natutulog sa tabi ko partner 'yan ni Mike" mabilis na paliwanag ni Sebastian at napangiti pa ako ng makita kong hilain ng babae na 'yon si Sebastian sa tenga
"Grabe syota bayan ni Sebastian?" Mahinang sabi ko.
11:35pm ng mapa tingin ako sa orasan, habang ako ay nasa kusina mag-isa kong tinatapos lahat ng mga hugasin, ayaw ko munang pumunta sa Pool area dahil ayaw kong maka panuod ng live show, kaninang pag alis ni Sebastian kasama ng Girlfriend nito ay pumasok narin sa loob ng bahay sina Fego at Mike upang mag pahinga na sa goes room ng mga ito. Subalit bago rin ako pumasok ay nakita kopang gumagawa ng milagro sina Kiel, Paulo at Jego kasama ng mga babaeng partners ng mga ito. Habang sina Kuya Rom at Bianca naman ay hindi ko alam kung saan sila nag punta, dahil pag baling ko kanina sa Swimming pool ay wala na sila duo.
Kina umagahan, alas singko palamang ng umaga ay bumangon na ako, kailangan kong maging maaga at maunang magising sa kanilang lahat dahil ipag luluto kopa ng almusal sina Kuya Rom kasama ng mga kaibigan nito. Pagkatapos ay pupunta naman ako sa kabilang bahay upang asikasuhin naman si Ninang Carmela
"Haaayst Umagang kaya Ganda ko, hmmm ang sarap naman ng simoy ng hangin"mahinang sabi ko habang nag uunat ako ng katawan ko sa Pinto ng kusina. At dahil nakalimutan kong isarado ang mga bintana ay malayang nakaka pasok ang mabangong simoy ng hangin dulot ng mabangong amoy ng malawak na Flower farm sa labas ng bahay na ito.
"Good morning" paos ang tinig na wika ng pamilyar na tinig ng isang lalaki ang siyang nag pagulat saakin mula sa kina tatayuan ko, gulat ko itong hinarap at napa lunok na lamang ako ng sariling laway ng mapag sino ko ito.
'Anak ng tokwang ang gwapo gwapo talaga, kung ganito ba naman kagwapo ang unang tao na makikita ko tuwing umaga, pakiramdam ko ay kompleto na ang araw ko. s**t kahit bagong gising ang mukha niya napaka presko niya parin
"Hey Petra, ang laway mo tumutulo"aniya sabay hawak niya sa baba ko upang isara ang bibig ko, grabe hindi kona pala namamalayan na naka nganga na pala ako at peste nakaka hiya, tumulo talaga ang laway ko as in nakaka hiya
"Huh? Eh, eh sorry, hmm good morning po"nahihiyang sabi ko, ngumiti ito naman ito dahilan upang mas lalong bumilis pa lalo ang t***k ng marupok kong puso
"Good morning too, hmm by the way marunong kabang mag timpla ng kape? P'wedi moba akong igawa?" Aniya na ikina ngiti ko naman at mabilis ang pag tango ng ulo ko
"Opo-opo bebe ko, ipag titimpla kita" tugon ko na ikina kunot nuo naman niya, haayt bakit ba napaka gwapo ng lalaki na 'to
"Bebe?"nag tatakang sambit niya, at halatang hindi niya talaga alam ang ibig sabihin ng salita na 'yon
"Eh gusto ko pong 'yon nalang po ang itawag ko sa inyo, gusto ko pong tawagin kang bebe ko" lakas loob na sabi ko, na siyang lalong mas nag pakunot nuo sa kaniya
"Why?"
"Wala lang, gusto kulang po kaya huwag kana pong umangal kung hindi ay hindi kita ipag titimpla ng kape mo." Aniko kaya nag kibig balikat na lamang ito.
"Okey, whatever" tugon nito at tinalikuran na ako, wow may pagka attitude ang bebe ko hmmm lagyan ko kaya ng gayuma ang kape niya
' haayst loka-loka ka self akala mo naman marunong' malditang saad ng isip ko, hmm pero bakit hindi ko subukan, a-ha! Mag patulong kaya ako sa may marunong gumawa ng gayuma
"Petra, make it faster please" anito na ikina pitlag ko sa kina tatayuan ko, ano ba 'yan akala mo naman may flight na hinahabol pinag mamadali pa ako.
Pag katapos kung gumawa ng kape nang asawa ko, este bebe Mike ko, kaagad na akong pumunta ng terrace kung saan ko siya nakitang pumunta. Nakita kong may kausap siya sa cellphone nito subalit ang labis na nag pakunot nuo saakin ng marinig ko ang huling sinabi niya sa kausap nito.
"Bye Cindy, yes pupunta ako d'yan, just take care yourself my Queen" rinig kong sabi ni Mike sa kausap nito, parang gusto ko tuloy agawin ang cellphone na hawak niya at singhalan kung sino man ang sinasabihang Queen ng asawa ko.
'Tsssk aba! Sinong Cindy don't tell me may kabit na kaagad ang bebe Mike ko, ofcourse not Akin lang ang bebe ko, at kung sino man ang Cindy na 'yon ay kabit lang siya' malditang saad ng isip ko, we'll totoo naman ah ayaw kong mapunta sa iba ang bebe ko.
"Aheeem"agaw pansin ko sa kaniya, pagka tapos ay nakita ko ng ibinaba na niya ang Cellphone niya at ibinulsa na niya iyon.
"Heto na ang kape mo, hindi ko alam kung anong gusto mo sa kape, kaya ginaya ko nalang ang kapeng laging tinitimpla ko kay Kuya Rom satwing bibisita siya dito." Saad ko na ikina tango naman niya.
"Block coffee without Sugar ang kape ko" tugon niya, na ikinalaki naman ng mata ko
"Ay sorry nilagyan kopo 'yan ng asukal" nahihiyang sabi ko
"It's okey, thank-you"tipid niyang sabi kaya lihim akong napa ismid, parang gusto na ata niyang umalis ako, pero ayaw kopa gusto ko siyang usisahin kung sino si Cindy pero parang mag mumukha naman ata akong tsismosa, pero bahala na lalo na narinig ko kaninang pupuntahan niya ang Cindy na 'yun.
"Hmm Bebe ko, pu-puwedeng mag tanong?"ani ko at lumapit sa kaniya at naupo sa bakanteng upuan na kaharap niya.
Humigop muna ito ng kape, pagka tapos ay ipinatong na nito ang baso sa babasaging lamesa.
"Hmm sure" tipid niyang sagot, kaya napa hugot ako ng malalim na hininga bago nag lakas loob na itanong ang gusto kong itanong. Ganito ako eh kapag may gusto akong malaman hindi ko pina palampas
"Kwan kase, hmm ano kasi ahh--itatanong kulang kung sino si Cindy? Pasensya kana na curious lang kasi ako dahil nakita kong napaka saya mo habang katawagan mo siya kanina."lakas loob na sabi ko at halos pigilan ko ang pag hinga habang hindi hintay ko ang magiging sagot niya.
Bigla ay nakita ko na naman ngumiti siya, ano ang nakaka ngiti sa tanong ko, ngumi ngiti ba siya dahil sa binanggit kong pangalan? Kitang-kita ko pano kumislap ang mga mata niya bago mag salita.
"Si Cindy ang Childhood crush ko, at nililigawan kona ngayon, siya ang babaeng pina pangarap ko" sagot niya, na siyang halos mag pa durog ng puso ko.
Aray ko naman, may iba na pala siyang napupusuan, hinde! Bebe ko Akin kalang ayaw kong mapunta ka sa iba, waaah! Parang gusto kong umiyak at sabihin sa kaniyang ako nalang, pero bahala na may pag-asa parin naman ako eh hindi pa sila kasal kaya saakin parin ang bebe ko.
Parang gusto ko tuloy pag sisihan kung bakit pa ako nag tanong, heto tuloy parang pinipiga ang puso ko sa nalaman
//continue