CHAPTER -3

1396 Words
PETRA -Pov "Petra aalis na kami, ingatan mo si Mommy ha, next week pa akong babalik dito" wika ni Kuya Rom, hapon na at alas kwatro narin ng hapon at iyon ang oras ng pag balin nina kuya Rom kasama ng mga kaibigan nito sa maynila "Opo kuya 'wag kapong mag alala, ako na pong bahala kay Ninang"tugon ko bago bumaling sa Bebe Mike ko, haayst isang gabi ko pa lamang siyang nakikilala ay mahal kona kaagad siya 'Huhu masakit man mawalay sa'yo aking mahal, mag titiis ako hanggang sa pag babalik mo' pag dadrama ng loka-loka kong isip, subalit bago paman maka upo si Kuya Rom sa tabi ng Bebe Mike ko ay mabilis akong lumapit dito upang hagkan ang pisngi ng asawa ko, ang bebe Mike ko Nakita kong nagulat ito sa ginawa ko, subalit wala akong pakealam at narinig kopang lihim na nag pipigil sa pag tawa ang mga kaibigan nito. Pagka tapos ay bago maisara ni Kuya Rom ang pinto ng Van na sinasakiyan nila ay nakita kopang pinahid ni Mike ang pisngi nito gamit ang panyo nito, kaya dahil sa ginawa nito ay lihim akong nasaktan 'Ang arte arte naman pala ng bebeko, ayaw ba niya sa kiss ko? Aba! Siya lang kaya ang kauna unahang lalaking hinalikan ko ,ang unang lalaki na nadampihan ng mahiwagang makapal kong mga labi. Ang swerte nga niya tapos mag iinarte pa pa salamat s'ya gwapo siya at bebeko na siya, kung hindi baka kanina kopa 'yun nirebatan' ani ng isipan ko kaya napa ismid na lamang ako dahil sa kalokohang tumatakbo na naman sa isip ko. Maka lipas ang Apat na taon, Four years narin mag mula ng huli kong makita ang Bebe Mike ko, huli ko siyang nakita nung magka ruon ng problema si Kuya Rom tungkol sa lovelife nito na umanoy nagka hiwalay na ito sila ng kaibigan ko na si Bianca at mag mula ng magka hiwalay ang mga ito ay isang beses na lamang sa isang taon dumadalaw si Kuya Rom dito, subalit araw-araw naman nakiki pag video call upang makita at makumusta nito si Ninang Carmela, ngayon ang araw ng pag tatapos ko sa pag-aaral at nabanggit ni Kuya Rom na uuwi raw umano ito upang e celebrate ang araw ng Graduation ko, at wish ko lang ay sana pasamahin ni Kuya ang mga kaibigan niya lalong lalo na ang bebe Mike ko, araw-araw ko siyang naiisip at na mimiss nalaman ko narin na kasintahan na umano ni Mike 'yung babaeng nabanggit niya nuon saakin na nag nga-ngalang Cindy, pero kahit ganuon ay ayaw ko paring sumuko. palagi akong updated sa social media, IG, f*******:, Twitter maging sa television, lahat ng news na may kaugnayan sa Bebe Mike ko ay updated ako, kaya lahat ay nalalaman ko tungkol sa kaniya, lahat ng social media accounts niya ay laging kasama nito sa mga post ang girlfriend nitong si Cindy, kaya hindi ko mapigilan ang sarili kong maka ramdam ng inggit sa babae na 'yon. Napaka ganda niya at napaka perpekto ng hubog ng katawan nito binagayan pa ng kulay Mais nitong mga buhok, kaya naman ng minsang napapa titig ako sa mga magazine kung nasaan ang larawan ng Bebe Mike ko at habang kasama nito sa litrato ang nobya nitong umano na si Cindy ay lihim akong napapa nalangin na sana ay ako nalang ang babaeng kasama ni Mike sa larawan, na sana ay ako nalang si Cindy. "Petra iha, congratulations heto nga pala nag pa cargo si Bianca nung maka raang araw at ibigay koraw ito sayong regalo niya ngayong graduation mo"wika ni Aling Cora ang pumukaw sa malalim kong pag-iisip, Si Aling Cora ang ina ng matalik kong kaibigan na si Bianca, mag mula ng mag hiwalay sila ni kuya Rom ay nangibang bansa na ito. Kaya naman wala na akong kaibigan dito. Dahil lahat ng mga kababaihan at dito ay ayaw akong kaibiganin dahil sa itsura ko, dahil sa nakaka diri umano ang pag mumukha ko. "Talaga po? Wow salamat po Aling Cora, mahigit dalawang taon na si Bianca sa Saudi ah, mukhang hindi na maka alalang mag bakasyon man Lang dito" saad ko. "Kaya eh, ilang beses na naming sinabihan na mag bakasyon man lang dito tutal tapos na rin naman ang kontrata niya duon, tsaka sobrang namimiss na namin ng mga kapatid niya" tugon nito. "Petra nariyan na sina Senyorito"tawag ni Mang Pedrik ang isa sa mang gagawa sa Sun flowers farm. "Oho sige po ,Aling Cora lalabas na po ako salamat po ulit dito at kapag naka pag online po ako mamaya, tatawagan kopo sa video call si Bianca" aniko "Sige iha, at tutulong narin ako sa kusina"tugon nito. Nag madali kong tinungo ang kabilang bahay kung saan madalas si Kuya Rom satwing bibisita ito dito, pagka lapit ko palang ay natanaw kona itong kakalabas pa lamang ng sasakiyan subalit biglang nag salubong ang kilay ko ng matanaw kong may isa pang babaeng bumaba sa kabilang Pinto at naka alalay pa dito si Kuya Rom "Kuya!" Agaw pansin ko sa mga ito, kaya kaagad na napa tingin ang mga ito sa gawi ko, nakita kong ngumiti ng malapad si Kuya Rom ng makita niya ako pero ang babaeng kasama nito ay biglang napangiwi ang mukha nito habang naka tingin sa mukha ko 'Aba hindi ko nagugustuhan pag kakangiwi ng mukha ng babae na 'to ah' ani ng isip ko kaya hindi ko mapigilang mapa taas ng kaliwang kilay. Habang tini tignan ko mula ulo hanggang paa ang babae, pero infernes maganda siya "Congratulations Petra, here's my gift for you" wika ni kuya Rom, kaya napa baling ang tingin ko dito pagka tapos ay bumaba ang tingin ko sa maliit na kahon na hawak nito. Kaya naman ay napa ngiti na ako dahil kahit hindi ko paman nakikita ay nahuhulaan kona kaagad ang laman ng kahon dahil nasasanay na ako satwing may ereregalo si Kuya Rom saakin ay palagi nalang mamahaling alahas ang laging nireregalo nito saakin. "Hi Congrats ito naman ang gift ko for you"ani ng babaeng kasama ni Kuya Rom kaya ang kaninang pag salubong ng kilay ko ay biglang nawala, dahil napaka lambing ng boses niya at palagay ko ay mabait rin ang babae na ito. "Kuya sino siya?"usisa ko habang hindi parin inaalis ang tingin sa babae. Tumaas naman ang kaliwang kilay ko ng makitang hinakbayan ito ni Kuya Rom bago hinagkan sa nuo ang babae. "Love, siya si Petra naikwento kona siya sa'yo diba?"ani ni Kuya na ikina tango naman ng babae, pagka tapos ay bumaling naman si Kuya Rom saakin habang naka ngiti. "Petra, si Brenda ang girlfriend ko" pag papakilala ni Kuya sa babae, kaya naman ng akmang mag sasalita na sana ako subalit kaagad rin akong natigilan ng may apat na sasakiyan na mag-kaka sunod na huminto sa tabi ng sasakiyan ni Kuya Rom. Kaya duon naman nabaling ang pansin naming tatlo at ganuon na lamang ang sayang naramdaman ko ng makita ko ang mga kaibigan ni Kuya Rom, lalo na ng mapa dako ang tingin ko sa Bebe Mike ko 'waaah! Nandito siya for me! Kiyaaa this is it ito na ang pinaka masayang graduation ko, nandito na ang bebe Mike ko, luh! Nandito ba siya para aminin na mas maganda ako sa amerikanang syota niya o nandito siya para masilayan ako sa araw ng graduation ko, waaa! Kinikilig ako gusto kong takbuhin ang pagitan namin at yakapin siya ng sobrang higpit pero teka! Teka teka anong ginagawa ng babae na 'to dito' pag wawala ng kalooban ko At kaagad rin napawi ang ngiting sumilay sa mga labi ko ng mapadako ang tingin ko sa babaeng bumaba sa kabilang pinto, biglang sumikip ang pag hinga ko ng makita ko kung paano alalay ni Mike ang magandang babaeng kapartner nito, at hindi ako pwedeng mag kamali dahil kahit sa larawan kulang ito nakita ay alam kong ito na na nga ang babaeng karebal ko, este ang babaeng kabit ng asawa ko, shet! Kung nakakamatay lang siguro ang selos marahil kanina pa ako bumulagta dito. "Ang ganda niya"manghang wika ng isip ko " anak ng tinapa naman Petra, huwag kang mag pakabog syempre tumalikod ka para makita rin nila ang ganda mo lalo na kung naka talikod ka" sigaw naman ng kabilang isip ko. //Continue Ang feeling mo Petra. ABANGAN ang unang pag kikita nina Cindy at Petra.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD