CHAPTER -4

1553 Words
PETRA POV "Bebeko" malakas na tawag ko kay Mike ng maka bawi ako sa pagka gulat at sa pagka tulala sa magandang diwata na kasama nito. "Petra congrats"bati ng prinsipe ng buhay ko, kiyaa! Sobrang namiss ko talaga siya ilang taon korin siyang hindi nakita at naka usap sa personal grabe mas lalo siyang naging matipuno at gumuwapo sa paningin ko. "Salamat"naka ngiting tugon ko, napansin kong tumaas ang kaliwang kilay ni Cindy at napa tiim bagang ito, 'aba anong problema ng kabit na 'to huwag mo ako tignan ng ganiyan baka nakaka limutan mong nasa teritoryo ka ng legal wife' parang gusto ko tuloy batukan ang sarili ko dahil kung ano ano pinag sasabi ng makitid kong utak. Binati narin ako nina, Paulo, Kiel at Fego infernes dahil lahat ata sila may Partner mukhang ako lang ata itong walang ka partner dito ah, ang sakit nila sa mata Si Paulo ay may kasama itong magandang babae at sexy rin ito, subalit mukhang maarte at hindi ko kaagad gusto dahil hindi magaan ang loob ko dito, ipinakilala ito ni Paulo saakin kaya nalaman kong Bernadette ang pangalan ng babaeng partner nito. Si Kiel naman ay mukhang mabait ang mukha ng kapartner nito, subalit mabigat parin ang loob ko dito pagka tapos ipakilala ni Kiel ang babae na nag nga-ngalang Layla. At ganuon rin si Fego napaka ganda rin ng nobya nito, hindi na ito nag abalang ipakilala ang ka partner nito dahil inunahan kona bago paman "kilala kopo siya, diba ikaw si Kesha Del Castro? lagi akong bumibili ng mga bagong magazine mo"aniko na ikina tuwa naman ng babae. First-time ko maka meet ito pero masasabi kong magaan na kaagad ang loob ko dito, mukha siyang mabait, masiyahin at palagay kong masaya itong kasama at masarap maging kaibigan Lahat sila ay may regalo saakin kaya sobrang saya ko, hanggang sa mag salita si Mike upang ipakilala ang kasama nito, ayaw ko sanang pakinggan kung paano niya ipakilala saakin ang girlfriend niya subalit hindi ko naman alam kung ano ang idadahilan ko o kung ano ang gagawin ko, subalit bago paman ako maka pag salita ay naunahan na kaagad ako ni Mike, ipinakilala nanga niya saakin ang girlfriend nitong si Cindy. Sobrang seryoso ng mukha nito at hindi mababakasan ng kahit na anong emosyon, sobrang lamig rin nitong tumingin. Dahilan kaya nahihiya kong ilahad ang kamay ko dito. "Ha- Hi" nauutal kong sambit at nakaka ramdam ako ng hiya ng ilahad ko ang kamay ko dito upang maki pag handshake, subalit malamig lamang tinignan ni Cindy ang kamay kong naka lahad. "Grabe, para siyang manika na Hindi nag sasalita hmm teka Pipi ba siya?, tsaka ano kaya ang problema niya bakit nakaka tunaw naman ata siyang tumitig. Bago kopa man bawiin ang kamay kong naka lahad ay bigla na lamang iyon tinanggap ni Cindy, naki pag handshake rin siya saakin subalit bigla na lamang ako napa daing at napa ngiwi ng biglang pisilin ni Cindy ang kamay ko. Malakas ang pagkaka pisil nito sa kamay ko at animoy parang madudurog na dahil sa lakas ng pagkaka piga nito sa kamay ko. Grabe may pagka bakal pala ang kamay ng Cindy na ito, parang madudurog na lahat ng buto ng mga daliri ko, dahil sa higpit ng pagkaka hawak niya. Parang pinipiga niya ang kamay ko, grabe ang lakas niya, gusto kung sumigaw dahil sa sobrang sakit subalit nginitian niya ako ng mala demonyo "Nice to meet you Petra"malamig na sabi niya na ikina lunok ko ng sariling laway, grabe anong klaseng babae 'to Samantala pagka tapos kumustahin nina kuya at ng mga kaibigan nito si Ninang Carmela ay nag tipon tipon na kami sa dining area, gusto ko sana maka tabi sa upuan ang bebe Mike ko subalit napapa gitnaan na ito nina Cindy at Paulo, habang ako ay heto katabi ko sa upuan ang nobya ni Kuya Rom at sa gawing kanan ko naman si Kiel. Grabe anong nagustuhan ng Asawa ko dito sa Cindy na 'to, napaka tahimik mula kanina hindi kopa naririnig mag salita ang babae na 'to ,mabuti hindi napapanis ang laway niya. Tssk ganito ba ang gusto ng bebe ko sa isang babae? Tahimik "What?"malamig na sabi ni Cindy at nagulat pa ako dahil akala ko naka focus lang ito sa pag kain, maramil naramdaman niya siguro ang paminsang pag tingin ko sa kaniya. Ang lakas naman ng pandama ng babae na 'to Hindi ko kasi maiwasang huwag siyang sulyapan, aaminin ko sobrang nagagandahan ako sa kaniya lalo na ngayon lang ako maka kita sa personal ng babaeng kulay Green ang mata, parang mata ng pusa Uminom muna ako ng tubig bago ko siya tinugon "hmm wala naman, nagagandahan lang ako sa'yo" wika ko na ikina tango naman niya ng mahina at hindi na nag salita dahil nag patuloy na ito sa pagkain, napansin korin ang paminsang pag lagay ni Mike ng pagkain sa Plato ni Cindy, at todo asikaso ito ng bebe ko at sa tanawing nakikita ko sa paminsang pag subo ni Mike kay Cindy ay libo libong kutsilyo iyon na sumasaksak sa dibdib ko. Aaaarg ang sakit sa mata, sa harapan kopa talaga nag lalandian ang mga ito ,putik napapaligiran ako ng mga Couples with partners talaga at ako lang itong nag-iisa na napapa sana all nalang. Sana pala hindi nalang ako sumabay sa kanila kumain, lahat sila may kapareho at parang gusto ko nalang umalis at samahan si Ninang Carmela sa kwarto niya. AUTHOR POV kasalukuyang nasa silid ang mag kasintahang Mike at Cindy, pagka tapos nilang kumain kanina ay nauna ng mag tungo si Cindy sa silid na naka laan para sa kanilang dalawa ni Mike "Hindi ko nagugustuhan kung paano ka tignan ng Petra na 'yon" naka taas kilay na wika ni Cindy habang ito ay naka upo sa gilid ng kama "Why, Babe what's wrong with her?" "I think she like you" ani ni Cindy na ikina iling naman ng nobyo "Ganun lang talaga si Petra palabiro at masiyahin don't tell me nag seselos ka Babe dahil lang sa tinitignan niya ako"naka ngiting wika ni Mike sa Nobya dahilan upang mapa tiim bagang ang dalaga. "Alam mo kung anong ginagawa ko sa mga pinag seselosan ko, tsaka hindi ako nag seselos kay Petra sinasabi kulang kung ano ang napapansin ko"pairap na tugon ni Cindy "That's my Queen, huwag mona pansinin ang mga napapansin mo kay Petra may pagka loka-loka daw talaga 'yun sabi ni Romuel but she's nice, she so kind at hindi siya plastik. subukan mo siyang kaibiganin Babe alam ko magugustuhan mo ang ugali niya"ani ni Mike at hinalikan sa nuo ang nobya "Tsssk whatever" naka irap na wika ni Cindy at nahiga na ito. "Hmm Aha! May regla ata ang Queen ko, ang sungit sungit" natutuwang wika ni Mike at lumapit ito sa naka higang nobya pagka tapos ay pinag kikiliti niya ito dahilan upang mapa tawa ang Nobya "Hahaha Mike, huwag d'yan hahaha tamana na ,ayoko na hahaha ano ba"natatawang ani ni Cindy at pilit iniilagan ang makulit na mga kamay ng nobyo dahil kung saan saan na itong kumikili sa katawan niya. "Mag sungit kapa ulit babe hindi kita tatantanan kilitiin"natatawang saad ni Mike na ngayon ay ang mukha naman nito ang naka siksik sa leeg ng nobya at gamit ang bibig nito ay kinikiliti parin nito ang leeg ng nobya kaya naman ay halos mamaos na kakatawa si Cindy Samantala daig pa ni Petra ang pinag lihi sa ampalaya dahil sa sobrang pagka bitter nito. "Ang haharot, magkaka hiwalay rin kayo"naka busangot na sabi ni Petra habang ito ay nasa labas ng kwarto ng magka sintahang Mike at Cindy "Ang landi landi talaga ng asawa ko, huhu masyado mo akong sinasaktan bebe ko, sige lang ipapahiram muna kita sa kaniya" ani ni Petra at umakto pa itong umiiyak kahit wala naman luha habang naka hawak ang isang kamay nito sa bandang puso nito nito. "Petra anong ginagawa mo?"ani ng isang tinig ang nag pagulat at nag patigil sa ginagawa ni Petra, gulat niya itong nilingon pagka tapos ay tumawa ng peke bago napa kamot sa ulo nito 'Putik! Nakaka hiya bakit ba dito pa ako nag dadrama, ano ngayon ang idadahilan ko? patay baka isipin nitong nakikinig ako sa mga ginagawa ng dalawang tao na nasa loob ng kwarto, bakit hindi ba? Haayst ano ka ngayon Petrang kabayo tumakbo kana' tili ng isip niya "Petra, ayus kalang?" Saad ulit ng lalaki kaya bahagyan pang napa igtad si Petra dahil sa pagka gulat, nag wawala ang kaniyang kalooban at isip kung ano ngaba ang idadahilan niya o kung ano ngaba ang gagawin niya. "Ha? Eh, ano kasi hmm kwan, ano kasi nag pa practice ako sa pag acting para sa pag apply ko, parang gusto ko nalang kasi mag Artista, tama mag artista yung palaging ina-api dahil sa kaniyang kapangitan" nahihiyang tugon niya at hindi niya alam kung bakit iyon ang nasabi niyang dahilan "Bahala na, sana maniwala" bulong ng isip ni Petra kaya napapa tango na lamang si Paulo. "Okey akala ko, kung ano na ang ginagawa mo d'yan sa labas ng Pinto ng kwarto nina Mike" wika ng lalaki Kung hindi lang siguro sa maraming mga pimples sa mukha ni Petra ay marahil ay nakita na ni Paulo ang pamumula ng pisngi ng dalaga. //Continue
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD