PETRA POV
Parang gusto kong pag babatuhin ang dalawang tao, na kanina pang nag haharutan habang masayang nag lalambingan ang mga ito sa ilalim ng matataas at malaking mga sun flowers, nag latag ang mga ito ng isang malaking Carpet dahil kasama na duon sina Kuya Rom kasama ang bagong Nobya nito. Nag pi picnic sila sa ilalim ng nag tataasang mga bulaklak, at heto ako bitter na bitter habang pinapanuod sina Mike at Cindy na nag lalambingan, naka unan sa mga hita ng babae ang bebe Mike ko, habang tuwang tuwa naman ang gago sa pag laro ng bulaklak na naka ipit sa tenga ng nobya nito
Ano? Sinabihan kong gago ang bebe ko? Umayos ka Self, hindi gago si Mike natural syota niya si Cindy e ikaw ano kalang ba sa buhay ni Mike? Aaarg para akong baliw nag tatalo ang isip ko pati narin ang kalooban ko.
Kina gabihan, heto na ako ngayon sa bintana ng, kwarto ni Ninang Carmela kasalukuyan kong pinapanuod ang pag alis ng mga bisita kasama narin si Kuya Rom, babalik na ang mga ito sa maynila dahil may mga trabaho pa umano ang mga ito.
kaninang nag memeryeda kami ay nabanggit na saakin ni Kuya ang oras ng pag alis nila kasama ng mga kaibigan nito. Gusto ko sananag maka usap man lang ang Bebe Mike ko kaso hindi ko magawa dahil palaging kasama nito si Cindy
Habang tinatanaw ko ang limang sasakyan na papalayo ay hindi ko mapigilan ang mga taksil kong mga luha na kumawala sa aking mga mata, dahil nang hihinayang ako sa sandaling mga oras na hindi ko man lang naka usap ang Bebe Mike ko.
One Year and Six months later, abala ako ngayon sa pag lalabas ng mga plastic chairs dahil, bukas ay kaarawan na naman ni Joy, si Joy ang nawawalang kapatid ni Kuya Rom at kahit wala siya dito ay patuloy parin ipinag hahanda ang kaniyang kaarawan. Kaya bago sumapit ang umaga ay nag sisiyahan muna ang lahat ng mga mang gagawa sa flower farm. sa gabi ay nag titipon ang lahat sa bakuran ng malaking bahay ng mga Kimson upang mag saya sa salo-sao na animoy parang pyesta sa sobrang dami ng handaan.
Papasok na sana ako ng bahay upang kumuha ng pang sapin sa mahabang lamesa ng may bigla akong mapansin na isang magandang babae. Pero satingin ko may pagka pusong lalaki ito dahil kung titignan ay para itong tomboy sa suot nitong army pants at kulay itim na long-sleeved shirt.
"Tao po, tao po"malumanay na sabi ng babae habang naka tayo ito sa harapan ng bahay, walang imik akong lumapit dito bago nag salita.
"Ano ho 'yon? "Magalang na sabi ko at parang gusto kong matawa dahil nagulat ko ata ang babae, pero bigla naman ako nainis dahil nakitaan ko ng ibang emosyon ang kaniyang mata habang naka titig siya sa Mukha ko.
'Tsssk masyado ba akong maganda para titigan ako ng babae na ito?'bulong ng isip ko
"Hi ako nga pala si Anne, itatanong kulang kung may tao bang naka tira dito? Hmm kaibigan ako ni Romuel, nabanggit niyang dito raw umano ang bahay ng mga parent niya" wika ng babae
"May nakikita kapa bang ibang bahay dito?"mahinang tugon ko, pero bakit parang napag sungitan ko ata.
"Huh?"
"Ha! Wala, Ako naman si Petra ,oo ito nga ang bahay ng mga magulang ni kuya Romuel tuloy ka." naka ngiting wika ko na ikina tango naman nito.
Naupo ito sa single chair na yari sa nara, ilang saglit ko itong pinasadahan ng tingin at ewan koba bakit kakaiba ang pakiramdam ko sa babae na ito, magaan na agad ang loob ko dito at parang may kahawig siya. "Hayyst sana all maganda"mahinang bulong ko nalang.
"Kaibigan ka kamo ni Kuya Romuel? "Pag uusisa ko.
Tumango naman ito at ngumiti. "Oo actually kasama namin siya pero nasa kabilang bahay ang dalawa pa naming kasama. Ang layo niyo sa mga kabahayan no, napaka tahimik dito "saad nito, hmm may pagka madaldal rin pala ang babae na 'to at satingin ko makaka sundo ko ito.
"Alam ko, tuwing ka arawan ni Ate Joy. Umuuwi talaga dito si Kuya at pinag hahandaan ang kaarawan ni ate Joy kasama ng mga kababariyo namin" tugon ko
Naging mahaba pa ang pag uusap namin dahil ang sarap niyang kausap, hanggang sa maalala kong oras na pala para kumain si Ninang.
Nag paalam muna ako saglit dito, subalit nag sabi ito na sasama ito dahil gusto raw umano nitong makita si Ninang Carmela, pinayagan ko naman dahil mukha naman siyang mabait
Pagka tapos kong kunin ang mga pagkain at gamot para Kay Ninang ay nag tungo na kami ng kasama kong babae sa silid ni Ninang Carmela. At ganuon na lamang ang laking gulat ko ng mag salita si Ninang at tinawag nitong Joy ang babaeng kasama ko. Hindi ko alam ang gagawin at mararamdaman ko lalo na't napaka tagal na panahon ngayon lamang nag salita si Ninang Carmela, umiiyak ito hanggang sa lumakas lalo ang pag hagulgol nito at ayaw nitong bitiwan ang babaeng nag nga-ngalang Anne at nag patuloy ito sa pag tawag ng Joy sa babae kaya wala na akong nagawa kundi ang turukan ng pampa tulog ang kawawa kong Ninang.
Pag-katapos ay kaagad ko naman tinawagan ang cellphone number ni kuya Rom upang ibalita dito ang nangyare kanina lamang at hindi rin naman nag tagal ay humahangos na itong dumating ng bahay kasama nito ang kaibigan na si Paulo. Sinabi ko ang mga naganap kanina subalit hindi paman ako natatapos sa pag sasalita ay may biglang tumawag sa cellphone nito at ganuon na lamang ang pag tataka ko dahil nag madali na itong umalis.
Kina gabihan, sobrabg malungkot ako dahil ang buong akala ko ay makaka rating ang Bebe Mike ko lalo na't nasanay na akong lagi itong pumu-punta dito satwing pupunta rin si Kuya Rom dito sa tagaytay. Subalit tanging sina Paulo at Kiel lamang ang nakita ko, kasama ng mga ito sina Anne at Layla
Kasalukuyan ako ngayon nag lalagay ng mga Plato sa mahabang lamesa para sa mga mang-gagawa na nag tipon tipon sa bakuran ng pamamahay ni Ninang. Malungkot man ako dahil hindi ko nakita ang bebe Mike ko, may kalahating saya rin naman akong nararamdaman para sa Ninang Carmela ko, dahil kanina bago paman sumapit ang gabi ay nagising na ito at ang labis na ikina gulat at saya ng puso ko para Kay ninang ay ng malamang si Anne at ate Joy ay iisa lamang. Masaya dahil sawakas ay gumaling na si Ninang at naka balik na sa kanila si Ate Joy, pero mas lalo sana ako sasaya kung makikita ko ngayong gabi ang Bebe Mike ko.
"Petra"
Halos mabitawan ko ang hawak kong babasaging mga plato dahil sa sobrang pagka gulat at sa sobrang pag bilis ng t***k ng puso ko pagka tapos kong mabusesan ang lalaking tumawag sa pangalan ko.
's**t! Dumating siya'tili ng isip ko kaya naman ay hinanda kona ang napaka ganda kong ngiti dahil pinag handaan ko talaga ang araw na ito para sa kaniya kaya nag palit ako ng kulay nang Braces saaking mga ngipin. Naka ngiti akong humarap subalit kaagad rin napawi ang ngiti saaking labi ng makita ko kung sino ang kasama ng Bebe Mike ko. Tssk walang iba kundi ang kabit niyang si magandang Cindy.
"Bebe ko"pilit ang ngiting sabi ko at lumapit na ako sa kanila
"Hi Cindy, kasama ka pala"aniko tsaka binalingan ang magandang diwatang kasama ng bebe ko.
"Bakit may problema ba?"malamig niyang sabi na halos kilabutan na ako, grabe bakit parang nakaka takot naman satwing mag sasalita ito ng napaka seryoso.
"Wala po, ang ganda ng new hair style mo bagay sayo" tugon ko
"Si Romuel?"ani naman ng Bebe Mike ko, kaya napa baling ako ng tingin dito.
"Nag mamadali siyang umalis kanina hindi ko alam kung bakit"sagot ko na ikina tango naman nito.
"Ganun ba, sige papasok muna kami sa loob, napagod kami sa byahe"ani ng Bebe ko, tsaka hinapit na nito sa bewang ang nobya nito.
'Tsssk ang sakit sa mata, pati balun balunan ko nasasaktan na, kailangan ba talagang sweet palagi? Haaayst langgamin sana kayo' ani ng isip ko at nag prisinta na akong samahan sila sa kanilang guess room.
Pagka pasok nila sa loob ng kwarto ay nag paalam na akong lalabas na, pero ang to too ay gusto ko muna silang pakinggan.,kaya nanatili muna ako sa labas ng pintuan. Haayst nagiging marites na talaga ako satwing pupunta sila dito at heto na naman naririnig ko na naman silang nag lalambingan at rinig na rinig ko pang nag Aylabyuhan ang nasa loob.
"Petra? Anong ginagawa mo diyan?" Ani ni Paulo kasama nito si Anne este si Ate Joy pala
'Lagot na nahuli nila akong nakikinig, anong idadahilan ko, nako petrang kabayo ka tumakbo kana'tili ng isip ko bago ngumiti sa kanila ng halatang hilaw na hilaw.
//Continue