CHAPTER -18

1444 Words
MANUEL POV Sa sariling resort ko dinala ang mag-inang Luisa at Mico. Hindi ko alam kung anong naisip ko kung bakit ko dito sila dinala at hindi sa condo ko, we'll siguro gusto ko naring marelax si Luisa, dito ay walang ingay at sariwang hangin at dito ay hindi siya basta basta masusundan ng G*gong Mike na iyon. Oo g*go siya dahil pinaiyak niya ang babaeng pinaka mamahal ko, nasasaktan ang kalooban ng babaeng mahal ko dahil sa lalaki na iyon. Kaninang makita ko siyang tumatakbo habang umiiyak ay naka ramdam ako ng galit sa taong nag paiyak sa kaniya, gusto kong basagin ang mukha ng lalaki na iyon subalit nag pigil lamang ako dahil ayaw kong magalit saakin si Luisa kapag sinaktan ko ang lalaking mahal niya. At iyon ang nag papahina saakin ang isiping sobrang mahal na mahal ng babaeng mahal ko ang lalaking hindi naman siya kayang mahalin Ilang taon na kaming mag-kasama at magka kilala ni Luisa 2 months pa lamang ang pinag bubuntis niya nuon ng makilala ko siya, sobra akong nagandahan sa kaniya at sa unang kita ko palang sa kaniya ay bumilis bigla ang t***k ng puso ko, siya lamang ang unang babae na nag paramdam saakin ng kakaibang pakiramdam na kahit kailanman ay hindi kopa naramdaman sa mga babaeng nakilala at dumaan sa buhay ko. Lagi lamang siyang tahimik at kung minsan ay nakikita kong tahimik siyang umiiyak habang hinahaplos nito ang maliit na tiyan. nag tataka ako kung bakit wala akong makitang kasama niya at hindi rin siya lumalabas sa tinitirahan nito. Kaya nag lakas loob akong lapitan siya at kaibiganin, lagi ko siya dinadalhan ng pagkain at kung minsan ay duon na ako nag luluto sa bahay nito upang magka sabay kaming kumain, satwing araw ng Check-up nito ay lagi niya akong kasama hanggang sa mabanggit na niya saakin ang tungkol sa naka raan nito. Halos lahat ng kwento ng buhay nito ay naikwento na niya saakin, kung gaano siya kabaliw sa ama ng anak niya at ipinakita rin niya saakin ang litrato ng dating mukha niya, at isa iyon sa nagustuhan ko sa kaniya. Nag pagka totoo siya at hindi niya inilihim ang dati niyang mukha bagkus ay sobrang proud pa ito dahil kahit ganuon raw umano kapangit ang mukha niya ay napaka dami paring nag mamahal sa kaniya at hindi siya ikina hiya. Na ikwento niya rin na isa sa dahilan kung bakit siya pumayag mag paganda at mag pabago ng mukha dahil iyon kay Mike subalit nawala siya ng gana ng malamang patay na umano ang lalaking pinaka mamahal niya. Lumakas lamang ulit ang kaniyang loob ng malamang nag dadalang tao siya at upang maka pag simula ng bagong buhay kasama umano ang anak nito ay nag pagka layo-layo ito at napadpad na nga ito sa Canada at katabi lamang ng tinitirahan niya. Hanggang sa maka panganak niya ay hindi ako nawala sa tabi niya, isa akong Doctor subalit hindi naging dahilan ang trabaho ko upang mawalan ako ng time sa kaniya time to time ko siyang kinukumusta tinatawagan ko siya kapag natapos ko ang isang pasyente pagka tapos ay kung minsan ay sa bahay na niya ako nakikikain kapag ginagabi na ako ng uwi, nag te-text lamang siya na duon na ako kakain dahil nag luto umano ito at habang tumatagal ang pag sasama namin bilang kaibigan ay mas lalong lumalalim ang nararamdaman ko sa kaniya Hanggang sa isang araw nag tapat ako ng feelings ko sa kaniya, sinabi ko sa kaniyang mahal na mahal ko siya at handa akong mag hintay subalit ang tanging tugon niya lamang ay Hindi paraw nito nakakalimutan ang ama ng anak niya, sobrang mahal na mahal paraw umano nito si Mike, ngunit hindi hindi parin ako nawalan ng pag-asa. Patuloy ko parin siyang nililigawan, araw-araw akong nag bibigay ng bulaklak at mga chocolates ,kahit anong bagay na makaka pag pasaya sa kaniya binibigay at ginagawa ko, pinapa ramdam ko palagi sa kaniya na nandito ako laging nag mamahal at nag hihintay lamang sa kaniya, Subalit pilit niya parin inuulit saakin na tanging pag mamahal bilang Kaibigan lamang ang kaya niyang ibigay saakin. Subalit wala sa dugo namin ang basta-basta na lamang sumusuko, hanggat kaya kopang masaktan titiisin ko para sa kaniya at hanggang sa mahal parin siya ng puso ko ay hindi ko parin siya susukuan at patuloy ko parin siyang mamahalin Samantala hindi naman mapigilan ni Petra ang mamangha dahil sa linis at ganda ng tanawin na kaniyang nakikita, nakangiti niyang nilingon ang binata na kanina pa naka tingin sa kaniya. "Kaninong resort 'to Manuel ang ganda at ang linis mukhang alagang alaga" "To my future wife" tipid na sagot ng binata at hindi pa sana nito e aalis ang tingin sa magandang mukha ng dalaga subalit naagaw ang kanilang pansin sa anim na tao na papalapit sa gawi nila. "Manuel anak, sabi kona nga ba ikaw na 'yan" magiliw na sabi ng ina ng binata, na siyang ikina gulat ni Petra Hindi niya akalain na naroroon rin ang mga magulang ni Manuel at sa tingin niya ay mga kapatid naman ng binata ang apat na babae na halos mga kamukha rin ng binata. Sa gulat niya ay kaagad siyang napa tingin sa binata subalit nginitian lamang siya nito at hinakbayan. "Huwag kang mag-alala mababait ang family ko"mahinang bulong ng binata, subalit hindi iyon naging sapat upang mawala ang kaba ni Petra "Nay, Tay " naka ngiting sabi ng binata ng maka lapit ang mga magulang nito, pagka tapos mag mano ng binata, ay niyakap naman nito ang mga magulang pagka tapos ang apat na babaeng mga kapatid nito Habang si Petra naman ay nanlalamig ang kaniyang kamay dahil sa hindi niya maipaliwanag na kaba, hindi niya alam kung bakit kailangan niyang naka ramdam ng ganuon samantala wala naman silang relasyon ng binata. "Anak hindi mo sinabing may kasama ka pala sa pag uwi dito" ani ng ama ng binata ng mapa baling ito kay Petra "Oo nga naman anak, aba'y sino itong napaka gandang babae na ito? Nobya moba" naka ngiting sabi naman ng ina nito "Hello po good afternoon" nahihiyang sabi ni Petra, subalit kinakabahan at nahihiya man ay lakas loob niyang hinawakan ang mga kamay ng magulang ng binata upang mag Mano sa mga ito bilang pag bigay galang "Magandang hapon rin iha, ang ganda mo naman" anang ina ng binata "At mukhang mabait pa" wika naman ng asawa nito "Kuya ipa kilala mo naman saamin itong kasama mo ng makilatis naman namin" ani ng isang babae na siyang pinaka matangkad sa apat "Oo nga naman kuya" pag sang ayon naman ng pinaka mataba at maliit sa apat na babae Subalit hindi paman naibubuka ni Manuel ang kaniyang bibig upang ipakilala si Petra ng may biglang tumawag sa kaniyang pangalan "Nuel!" Marteng tawag ng babae at patakbo itong lumapit sa binata at nagulat na lamang si Manuel ng bigla na lamang siyang yakapin ng babae "Bernadette? What are you doing here? "Naka kunot nuong sabi ng binata Habang si Petra naman ay halos mag salubong na ang dalawang kilay habang naka tingin siya sa mukha ng babae na ngayon ay naka lingkis na sa kanang braso ng binata. Pamilyar sa kaniyang ang babae at sa tingin niya ay nakita na niya ito subalit hindi lang niya matandaan kung saan at kailan niya ito nakita, basta alam niyang nakita na niya ang pag mumukha ng malanding babae na animoy isang tuko kung maka kapit. "Syempre alam kong uuwi ka kaya nag punta ako dito, by the way tito tita nasa loob po ang gift ko para sa inyo happy anniversary" anang babae pagka tapos ay hinalikan pa nito ang braso ni Manuel na ikina irita naman ng binata "Hey! Lumayo kanga muna Bernadette hindi moba nakikitang may kasama ako?"ani ni binata sabay hapit nito sa bewang ni Petra na ikina gulat naman nito. "So? As if namang may pakealam ako" naka taas kilay na sabi ng babae "Nay, Tay At mga kapatid ko pinapakilala ko sa inyo ang asawa ko, si Luisa" deretsong sabi ng binata ng ikina gulat ng lahat lalong lalo na si Petra, nanlaki ang kaniyang mata at mabilis na napa tingin sa binata subalit mas lalo lang nito hinigpitan ang pagkaka hawak nito sa kaniyang bewang. "What! No, No way! Saakin ka ikakasal at napag usapan na 'yan!" Gulat at sigaw ng babae bago ito bumaling sa mga magulang ng Binata "Tito, tita!" Anang babae subalit umiling lamang ang mga magulang ni Manuel bilang pag tugon na nag sasabihing wala rin alam ang mga ito. //Continue Hayyyst kahit saan talaga Petra fake wife nalagi ang papel mo
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD