CHAPTER -17

1222 Words
"Mike!" Nag aalalang sabi ni Petra sa pangalan ng binata, habang patuloy parin ito sa pag sigaw at sabunot parin nito ang buhok. ilang sandali lamang ay tumigil rin sa pag daing ang binata at kasalukuyan na itong dahan-dahan nag lalakad habang hindi pinapansin at hindi pinapakinggan ang dalawang babaeng tumatawag sa kaniyang pangalan. Namalayan na lamang ni Mike ang kaniyang sarili na humahakbang ang kaniyang mga paa patungo sa bahay na yari sa bato. At malinaw na niyang nakikita sa kaniyang isip ang lahat ng mga naka raan, kaya patuloy sa pag agos ang mga luha niya dahil nakikita niya sa kaniyang isipan ang mga masasayang bonding nilang magka-sama ng babaeng pinaka mamahal niya. Marami silang alala ni Cindy sa bahay na bato na iyon, hanggang sa mapunta siya sa kusina at nakikita niya sa kaniyang balintataw ang naka ngiting si Cindy habang ito ay nag luluto at tinutulungan ito ng mga kaibigan nitong babae. "Mike!"ani ulit ng pamilyar na tinig ang umagaw sa kaniyang pansin. Pinunasan muna niya ang kaniyang mga luha bago humarap sa babaeng tunawag sa pangalan niya. "Anne" ani Mike ng mapa dako ang tingin niya sa babaeng kasama ni Luisa "Mike? Oh my god nakikilala muna ako?"tutup ang bibig na wika ni Anne bago napa baling ito sa umiiyak na si Petra "Luisa--- Hindi na naituloy ni Mike ang kaniyang sasabihin ng mag salita ang umiiyak na babae "Mike, nakaka alala kana?" Paninigurado ni Petra Tumango naman ang binata kaya mas lalong napaiyak si Petra "Mike let me explain" "Sino ka? Bakit sinabi niyo saakin ni Grandma na mag-asawa tayo?"ani ni Mike na ngayon ay naka kunot nuo na ito. "Mike, ako-ako to! Si-si Petra" tugon ng dalaga na ikina laki ng mata ng binata, halatang nagulat ito pagka tapos ay tinignan nito mula ulo hanggang paa ang umiiyak ang dalaga. "Patawarin mo ako kung kailan kong mag panggap---- "Patawarin? Damn you woman! Niloko mo ako, kayo ni Grandma, pinag samantalahan mo ang pagka wala ng memorya ko! Now tell me how can I forgive you Petra" tiim bagang na sabi ng binata "Mike pakinggan mo ang paliwanag ni Petra--- "Tumahimik ka Anne! Isa kapa, may alam ka pero kinunsinti mo ang babaeng 'to!---- "Huwag mo ako sigawan Moteregno!"balik sigaw rin ni Anne sa binata "Please ate, iwan mo muna kami" agad na sabi ni Petra kaya napa baling sa kaniya ang nag aalalang mukha ni Anne Bumuntung hininga muna ito bago sundin ang pakiusap ni Petra, pagka tapos umalis ni Anne ay naiwan na lamang ang dalawa "Magkano ang ibinad sayo ng Lola ko para sumunod ka sa kagustuhan niyang mag panggap bilang asawa ko" tiim bagang na sabi ng binata, subalit umiling lamang si Petra at pilit pinapakalma ang kaniyang sarili. "Maniwala ka Mike, hindi ko gustong lokohin ka--- "Sinungaling! Matagal ko ng alam na may gusto ka saakin, tsss kaya kaba nagpa retoke? Nag paganda ka upang magustuhan ni Lola para saakin. Then nag kakamali ka Petra, mawala man ang ala-ala ko hindi mo mapapalitan sa puso ko si Cindy" "Alam ko, oo aaminin kong minahal kita nuon at halus sambahin na kita dahil sa sobrang pagka humaling ko sa'yo! Pero nuon 'yon Mike, Nuon 'yon! At para sabihin ko sayo wala akong tinanggap na kahit sentimo sa lola mo, hindi ako mukhang pera para tumanggap ng maruming pera---- "So ano? kung hindi pera ano? Anong dahilan mo para lokohin ako at mag panggap bilang asawa ko!---- "Mike sh*t totoo nga, buhay kanga"gulat na sabi ng isang lalaki na kakapasok lamang kaya napa lingon dito sina Petra at Mike "Paulo" mahinang sambit ni Mike ng makita ang kaibigan kasunod ay napa baling naman ang kaniyang tingin sa pintuan kung saan magkaka sunod pumasok ang Anim na lalaki sina Sebastian, Josef, Fego, Romuel, Jego at Kiel isa-isa niyang binanggit ang pangalan ng mga kaibigan at nawala na sa isip niya ang umiiyak na babae. "Mike nakikilala mona kami?"ani ni Romuel, tipid namang ngumiti si Mike bago tumango kaya naman halos magkaka sabay na lumapit ang pito at nag group hug silang mag kakaibigan, kaya hindi na nila napansin ang pag alis ni Petra. Pigil ang mga luhang patakbo nilisan ni Petra ang bahay na iyon, gusto niyang lumayo sa lugar na iyon hindi niya kayang salubungin ang galit ni Mike sa kaniya pano pa kaya kung ang buong apollo na ang maka harap niya. Habang tumatakbo palayo ay napansin niya ang puting kotse na papunta sa gawi niya at dahil hindi tinted ang salamin ng sasakiyan ay kaagad niyang nakilala kung sino ang nasa loob ng sasakiyan na iyon. Malayo paman ay huminto na ito at bumaba ruon ang nag aalalang mukha ni Manuel habang naka dungaw naman ang ulo ng kaniyang anak sa bintana ng sasakiyan, patakbo niyang tinungo ang gawi ng binata at ganuon rin ito, patakbo rin siyang sinalubong nito hanggang sa magka lapit na sila kaya naman ay kaagad ng yumakap si Petra at duon na napa hagulgol ng iyak sa bisig ng matalik na kaibigan. "Luisa what's happened---- "Manuel, please ilayo mo ako dito" umiiyak na sabi ni Petra habang naka yakap parin sa binata kaya naman ay imbis na alalayan nito ang dalaga sa pag lakad ay nagulat pa si Petra ng bigla na lamang siyang buhatin ng binata na pang bridal style, subalit hindi na lamang umangal ang dalaga bagkus ay kumapit na lamang siya sa leeg ng binata "Mama are you crying?" Nag aalalang sabi ni Mico pagka tapos maipasok ni Manuel ang dalaga sa sasakiyan nito. Bumaling naman si Petra sa anak at Pilit na ngumiti kahit sobrang umiiyak ang kaniyang kalooban, ayaw niyang mag alala si Mico kaya pinilit pasiglahin ni Petra ang kaniyang boses "Hindi anak, masaya lang si Mama dahil nandito kana" aniya at hinalikan sa nuo ang anak Habang nasa biyahe ay naalala ni Petra ang kaniyang Ninang Carmela at ang ate Anne niya kaya bumaling siya sa nag mamanehong binata "Manuel, pahiram ng phone mo please, naiwan ko kasi ang bag ko nanduon ang cellphone ko, tatawagan kulang" aniya kaya tumango naman ang kaniyang katabi at kinuha nito ang Cellphone sa bulsa ng pantalon nito, tinawagan niya ang kaniyang phone at ilang sigundo lamang ay sumagot na ang nasa kabilang linya. "Hello who's this?" Ani ng babae sa kabilang linya kaya kaagad niyang nakilala ang ate Anne niya "Ate si Petra ito--- "God Petra Where are you? Ang sabi ni Mike nawala--- "Sorry ate umalis kaagad ako, hindi kopa kayang harapin si Mike lalo na ang mga kaibigan niya" aniya at napa luha na naman "I understand nasaan ka? Kaninong number 'to?" "Kay Manuel ate kasama korin ang anak ko, huwag kang mag alala paki sabi kay Ninang babalik rin ako kapag wala na sila Mike d'yan" aniya at nag paalam narin "Mama bakit kapo umiiyak, Sino po umaway sayo? Aawayin korin po" malambing na sabi ni Mico sabay pahid ng luha sa kaniyang pisngi. "Wala anak, okey lang si Mama kaya mag laro kana d'yan sa iPad mo anak" aniya at bahagyan pa siyang nagulat ng gagapin ni Manuel ang kaniyang kanang kamay pagka tapos ay pinag siglop nito ang kaniyang kamay, dahil duon ay naka ramdam ng kapanatagan si Petra sa kaniyang kalooban, pakiramdam niya ay safe na safe siya kapag kasama at hawak siya ng binata. //Continue
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD