Samantala ilang sigundo lamang ay bumangon narin si Mike at kaagad itong nag tungo ng banyo habang siya naman ay lumabas muna upang umorder ng kanilang makakain. Nang matapos ay timing namang pag balik niya ay kakalabas lamang ng binata sa banyo. Parehong tahimik lamang sila habang kumakain pagka tapos ay naka tanggap ulit siya ng tawag mula kay Manuel. Kaagad niya iyon sinagot at pinakinggan ang nasa linya
"Sigurado ka? Oo sige Manuel salamat"aniya at pinatay na ang tawag
"Sino 'yun?"kunot nuong tanong ni Mike, kasalukuyan na silang pasakay ng kotse. Nang maka upo sa tsaka naman niya ito sinagot
"Si Manuel, e susunod niya raw si Mico sa Tagaytay ,sinabi niyang alam rin niya ang Kimson Flowers farm"tugon niya
Mahigit Dalawang oras ang naging biyahe nila at hindi rin nag tagal ay naka rating narin sila sa malawak na lupain ng mga Kimson. tirik na tirik ang init ng araw dahil mag tatanghalibnarin.
Malayo pa lamang ay natanaw na ni Petra ang kaniyang Ninang Carmela na may hawak na sunflowers, marahil ay narinig nito ang sasakiyan na parating kaya lumingon ito sa gawi nila, naka tayo lamang ito habang naka kunot nuo.
Nang maka lapit ay huminto ang sinasakiyan nila malapit sa ginang, at ganuon na lamang ang pagka gulat na rumihistro sa mukha nito. Nang makita siya nito na kakababa lamang.
"Petra? Oh my God iha ikaw nga!"hindi maka paniwalang sabi nito at kaagad na lumapit sa kaniya habang siya ay sinalubong naman niya ito ng mahigpit na yakap
Sobrang namiss niya ang ninang Carmela niya kaya hindi niya mapigilang mapa iyak.
"Mano po Ninang, pasensya napo ngayon lang ako dumating at hindi na ako naka habol kahapon gabi na po kasi kami naka rating at nagka problema pa sa daan, For you po Ninang Belated happy birthday Ninang" aniya, pagka tapos niyang mag mano ay yumakap siya ulit dito habang nag papaliwanag, kumalas lamang siya nang ibigay na niya ang regalo niya dito
"Walang problema iha, ang mahala nandito kana sobrang namiss kita Petra you look good now iha, tumaba ka ng konte"naka ngiting sabi nito
"Namiss korin po kayo Ninang, anong ginagawa niyo po dito sa labas ang init-init?"
"Kumuha lang ako ng bulaklak teka kamusta kana? Nasaan nga pala ang apo ko, hindi moba kasama ang anak mo? Bakit parang---Ma Mike? "Ani ng Ginang at bigla na lamang ito natigilan ng mapadako ang tingin nito sa lalaking kakalapit lamang at dala-dala nito ang kanilang maleta
"Hello Madam, kamusta ho kayo? Belated Happy Birthday po"ani ni Mike at nag mano pa ito sa natitigilang matanda. Nanlaki ang Mata nito at halos mag kulay suka na ang mukha ng ginang dahil sa sobrang pag gulat na animoy naka kita ng multo.
"Mommy bakit po ang tagal----Maaa! "Ani ng babae na kakalabas lamang at napa tili kaagad ito ng makitang bigla na lamang hinimatay ang Ginang, mabuti na lamang ay kaagad itong nasalo ni Mike.
"Jusko anong nangyare? Ma! Mommy"ani ni Anne
"Hinimatay siya ate, Jusko Mike paki dala sa loob si Ninang "ani ni Petra kaya kaagad ng binuhat ng binata ang walang malay na ginang papasok sa bahay ng mga ito.
Samantala pagka tapos ihiga ni Mike ang walang malay na ginang sa kama nito ay kaagad kinausap ni Anne si Petra
"Petra, nangako ako sayo na hindi ko ipag sasabi na nakita ko si Mike sa Canada, pero bakit mo siya kasama dito? Bakit mo siya dinala dito. Jusko naman Petra hindi kaba nag iisip?" Ani ni Anne na halatang problemadong problemado
"Siya ang may gustong sumama dito Ate" aniya at napakamot na lamang siya sa kaniyang kilay
"Kahit na dapat pinigilan mo, lalo na't hindi pa bumabalik ang ala-ala niya, paano nalang kung makita siya ng mga kaibigan niya o si Cindy? Paano mo ipapaliwanag sa kanila at kay Mike ang katotohanan na hindi naman talaga kayo totoong mag-asawa,, sige nga Kaya mobang harapin si Cindy o si Vanessa lalo na ang mga kaibigan niya? Kapag naka harap mo sila. Nako naman Petra ikaw lang ang sinabi Kong pumunta dito, hindi ko sinabing isama mo siya at wala akong balak sabihin iyon sayo, dahil alam kong iyon ang dapat kong gawin ,haayst malaking gulo ang pag dala mo kay Mike dito Petra." Ani ni Anne at napapasapo na lamang ito sa nuo nito.
"Sorry ate hindi na ako naka pag-isip eh, tsaka hindi moba nabanggit sa Asawa mo ang tungkol kay Mike? "Aniya at ang tukoy niya sa asawa nitong si Paulo
"Wala, gusto korin sabihin sa kaniya kaso naisip Kong madaldal pala ang isang 'yon baka wala pang benty kwatro oras nasa harapan niyo na si Cindy o ang ibang Apolo, hindi mo alam ang mga kakayanan nila Petra kaya ako ang natatakot para sa'yo dahil s problemang pinasok mo
"Ate alam mo naman ang dahilan kung bakit ako nag papanggap bilang asawa ni Mike, 'yon ay kagustuhan lahat ng demonyita niyang lola. Ang pag papanggap ko ang kapalit ng pag tulong niya sa pag salba sa buhay ng anak ko at kapag sumira ako sa usapan ay ilalayo niya saakin ang anak ko at iyon ang hindi ko kaya ate, binag bantaan niya rin akong hindi ako aabutan ng bukas kapag sumira ako sa usapan" naiiyak na pag tatapat niya, na ikina gulat nito
Dahil hindi niya sinabi dito nuon ang tungkol sa pag babanta ng matanda sa buhay niya, maging ang ginawa nitong pag papa-Ambush sa mga Apollos ay hindi niya iyon sinabi dito.
"Pasalamat nalang tayo dahil bumalik sa France si Cindy, pero ang mga Apollos Petra hindi ko alam ,ako ang kinabahan dahil sa pinasok mo ilang oras lang ay babalik na sila dito mamaya dahil nasa beach lamang sila ngayon at duon rin sana kami papunta ni Mommy kung hindi lang kayo dumating" ani ni Anne na ikina kaba lalo ni Petra.
Naisip niyang oras naba para aminin niya ang lahat kay Mike, o hihintayin pa niya ang pag dating ng mga Apollos at maka harap ng mga ito si Mike. Sa isipin na iyon ay ipinilig niya ang kaniyang ulo, buo na ang kaniyang disisyon aamin na siya kay Mike
"Ate Anne-----
Hindi na naituloy ni Petra ang kaniyang sasabihin ng marinig niya ang malakas na sigaw ni Mike
MIKE POV
heto ako ngayon sa bintana at tinatanaw ang napaka lawak na mga bulaklak, hindi ko maipaliwanag saaking sarili kung bakit pakiramdam ko ay naka punta na ako sa lugar na ito. Hanggang sa mapadako ang tingin ko sa malawak na Sunflowers, bigla ay naka ramdam ako ng kirot sa aking ulo kasabay ng mga nakikita ko saaking isipan kaya napa pikit ako ng mata habang sabunot ko ang aking buhok dahil habang lumilinaw ang mga mukha ng mga tao sa making isipan ay mas lalong tumitindi ang pag sakit ng ulo ko.
Nakikita ko sa aking isipan ang dalawang tao na masayang nag yayakapan habang naka upo sa banig ang mga ito at nasa tabi lamang ng mga bulaklak ang mga ito, at nakikita korin kung gaano kasaya ang mga ito habang nag hahabulan at may hawak na mga rosas ang magandang babae
"Hahaha babe, ang daya-daya mo naman eh, sabi ko isang kiss lang kapag nahuli mo ako"natatawang sabi ng babae habang magka lapit ang mga katawan ng mga ito. Ang mga braso ng lalaki ay naka palibot sa bewang ng babae. Habang ang mga braso ng babae ay naka patong sa magka bilang balikat ng lalaki
Parehong masaya at habang pinag hahalikan ng lalaki ang buong mukha ng babae "I love you so Much Mrs Cindy Willford Munteregno"anang lalaki at hinalikan nito sa labi ang babae
"Anong Misis ka diyan, hindi kapa nga nakaka pag propose eh, nilalagay mona ang Apelyedo mo sa pangalan ko Mister Miker Monteregno"naka ngiting sabi ng babae at mahinang ipinalo ang hawak nitong isang rosas sa nuo ng lalaki
"ahhh! "Muling sigaw ni Mike dahil sa sobrang sakit ng kaniyang ulo.
//Continue