Kasalukuyan ng naka sakay ang dalawa, at si Mike ang nag mamaneho, habang nasa biyahe ay tahimik lamang sila at parehong walang gustong mag salita sa kanilang dalawa.
iniisip parin ni Mike ang mga sinabi sa kaniya ng kaniyang Asawa, hindi niya mapigilang maka ramdam ng inggit kay Manuel dahil sa sobrang pagka giliw ng kaniyang anak dito. Siya ang tunay na ama pero ibang lalaki ang kumakalinga dito.
Pina pakeramdanan ni Mike ang kaniyang katabi, tahimik lamang ito kaya pinakeramdaman naman niya ang kaniyang sarili at Puso. Subalit ganuon na lamang ang pag tataka niya sa kaniyang sarili dahil wala man lang siyang maramdaman na kakaibang especial na pakiramdam para sa babaeng katabi niya na siyang asawa na niya.
'Bakit wala akong maramdaman sa'yo Luisa, Asawa ba talaga kita? Bakit hindi ko iyon maramdaman sa'yo? Bakit pakiramdam ko may tinatago kayo saakin ni Lola, bakit hindi ko maramdaman sa aking puso ang pag mamahal sayo bilang aking asawa at ina ng anak ko' ani ng isip ni Mike habang seryoso paring nag mamaneho.
Oo nga't naniniwala siyang anak nga niya si Mico dahil nararamdaman niya iyon, at kitang-kita naman ang sobrang pagkaka hawig nila kaya hindi maitatangging Dugo at Laman nga niya si Mico, kahit saang anggulo tignan ay sobrang kawangis niya ang bata. Sobrang saya ng pakiramdam niya kapag si Mico ang kasama niya subalit taliwas naman iyon sa babaeng katabi niya, kahit saan niya hagilapin sa kaniyang puso ay wala talaga siyang Especial na nararamdaman kay Luisa.
Sa kaniyang malalim na pag-iisip ay bigla na lamang silang natigilan at nabulabog dahil sa lakas ng mag kakasunod na putok ng baril na kanilang naririnig. Sumasabay naman ang malakas na pag tili ni Petra sa ingay ng mga putok ng baril kaya mas lalong hindi maka pag Focus si Mike sa kaniyang pag mamaneho at mabuti na lamang ay kaagad niyang naipreno ang sasakiyan, subalit bigla na lamang silang nagulat ng makita nila ang apat na tao na nag papalitan ng putok ng baril
Hindi alam ni Mike kung ano ang nag tulak sa kaniya, upang paandarin ang sasakiyan patungo kung saan ang mga nag babarilan pag lapit ng kaniyang sasakiyan ay bumusina siya ng maraming beses dahilan upang mag si alisan ang mga armadong naka Motor
Namalayan na lamang ni Mike ang kaniyang sarili na bumababa na siya ng sasakiyan at patakbong lumapit sa isang kotse kung saan ang dalawang lalaki na palagay niyang mga Bodyguards ito. Hanggang sa mapa dako ang kaniyang tingin sa isang matandang lalaki na sugatan ang isang binti nito at napansin niya rin ang isang magandang babae na umiiyak katabi ng matanda. Kaagad niyang nilapitan ang matanda at tinulungan ito. Ngunit bago siya umalis ay sinabihan niya ang dalawang lalaki na sumunod na lamang sa Hospital
Habang si Petra naman ay nangi-nginig parin sa sobrang takot ,first-time niyang maka rinig ng magkakasunod na putok ng baril at iyon ang unang beses na maka kita siya sa personal na nag babarilan. Pakiramdam ni Petra ay hihimatayin na siya dahil sa sobrang nerbiyos at lihim siyang nag papasalamat na dahil hindi nila kasama si Mico
"Teka-teka sino ba kayo? Naiinis at nag tatakang sabi ni Mike sa tatlong lalaki na kanina pa siya tinatawag at ang mga Mata ng mga ito ay animiy naka kita ng multo.
Kaninang pag pasok pa lamang nila ng Hospital ay ilang minuto lamang ay dumating ang tatlong lalaki at kasama ng mga ito ang dalawang Bodyguards ng tinulungan niya. Pagka kita pa lamang ng tatlo sa kaniya ay tinawag na siya ng mga ito sa kaniyang pangalan na siya namang ikina pag taka niya dahil hindi niya kilala ang tatlong lalaki, subalit alam ng mga ito ang pangalan niya
"Brad kami 'to, anong nangyare sayo? YAng akala namin patay kana papaanong----
"Anong patay pinag sasabi niyo at sino ba kayo? Bakit niyo ako kilala?" Banas niyang sabi sa tatlo
"Brad ako 'to si Romuel at sila naman sina Fego at Jego? Hindi moba kami natatandaan mga kaibigan mo kami?"ani ng nag nga-ngalang Romuel, Moreno ito ,matangkad sa kaniya ng konti at naka army cut ang buhok nito.
Subalit akmang mag sasalita pa sana ito ng bigla na lamang maagaw ng kanilang pansin ang isang may kaedarang lalaki habang kasunod nito ang mga armadong lalaki na palagay ni Mike ay mga tauhan nito
Kaagad nilapitan ng bagong dating ang kaninang nag pakilalang Romuel, tinanong ng matandang lalaki ang tungkol sa anak nito umano hanggang sa mag salita ang babaeng kaniyang tinulungan, nag yakapan ang mga ito at nag-iyakan at ilang sandali lamang ay ipinakilala na siya ng babae sa tatay umano nito.
"Tatay, siya nga po pala ang nag ligtas saamin ni Tito Felipe" wika ng babae na nag pakilala sa kaniya kanina sa pangalang Alena
"Actually kasama ko ang asawa ko, pero nasa car siya at naka tulog dahil sa sobrang pagod at takot narin siguro"ani ni Mike friendly na ngumiti.
"Ganun ba, sayang naman hindi na namin napag pasalamatan at nakilala" tugon ng babae
Lumapit sa kaniya ang tatay ng babae at naka ngiti itong nag salita sabay lahad ng kamay nito "Thank-you Mr---
"Mike Monteregno po" pag papakilala niya at naka ngiting naki pag kamay siya dito.
"Napaka familiar ng pangalan mo iho by the way I'm Rodulfo Del Castro at maraming salamat sa pag tulong mo sa anak ko at sa kasama niya."
"Walang anuman ho Sir, nagkataon lang na duon rin kami napa daan "sagot niya at ilang sandali lamang ay nag paalam narin siya sa mga ito at hindi na niya pinansin ang tatlong lalaki na kanina pa siyang gustong kausapin
"Hey wait! "Habol ng nag nga-ngalang Romuel ,hindi niya namalayan ang pag habol nito sa kaniya hanggang sa maka labas na siya ng Hospital at patungo na sana siya kung nasaan ang kaniyang Sasakiyan.
"What? "Malamig niyang sabi sa lalaki. At halatang halata sa kaniyang mukha ang pagka banas sa lalaking kaharap niya, Dahil may pagka makulit rin pala ito.
"Mike, hindi ko alam kung anong nangyare sayo sa loob ng mahigit Anim na taon pero hindi moba talaga kami natatandaan, Ako ako to Brad si Romuel----
"Tsssk how many times I told you na hindi kita kilala o kayo ng mga kasama mo, please tol huwag kang mag pumilit dahil hindi talaga kita kilala at kailangan ko ng umalis dahil nag hihintay na ang asawa ko" mahinahon niyang sabi dito at konting konti nalamang ang kaniyang pasensya ay masasapak na talaga niya ito dahil pagod nanga siya at heto kinukulit pa siya ng lalaking hindi niya kilala.
Tinanong pa siya nito kung sino ang kaniyang asawa at halatang nagulat ito. Subalit, asik lamang ang sinagot niya dito at tinalikuran na niya ito.
Pag pasok pa lamang ni Mike nang Sasakiyan ay kaagad ginugulo ng tatlong lalaki na iyon ang kaniyang isipan, ang daming gumugulo sa kaniya at napaka daming tanong na gusto niyang masagot subalit satingin niya ay dito lamang niya malalaman ang lahat ng sagot at wala sa Canada kundi nandito sa pilipinas.
Sa Five star hotel sa Makati siya nag Pa reserve ng kwarto para sa kanilang mag-asawa, nung nasa Canada pa lamang sila ay siya na ang umasekaso sa lahat, hinanda na niya ang kaniyang tutuluyan at kakailanganin sa kanilang pag dating. Hindi maipaliwanag ni Mike sa kaniyang sarili kung bakit pakiramdam niya ay matagal na niya iyon ginagawa.
Sa pag kakaalam niya at sinabi sa kaniya ng lola niya ay isang beses lang umano siya naka punta ng pilipinas, subalit salungat naman iyon dahil pakiramdam niya ay naka punta na siya sa hotel na kaniyang pinapasukan. Katulad ngayon buhat buhat niya ang natutulog na asawa habang nag lalakad siya papasok sa marangyang malaking Hotel na iyon
Malakas talaga ang pakiramdam niya na naka punta na siya duon, hindi nga lang niya alam kung kailan iyon, basta malakas ang pandama niyang hindi lang once or twice siyang naka pasok ruon.
Hindi naka ligtas sa kaniyang pansin ang mga Mata ng mga empleyado na halatang nagulat ang mga ito at kung titignan siya ng mga ito ay parang matagal na siyang kilala ng mga ito. At lalong bumakas ang gulat sa kanilang mata ng mapadako ang tingin ng mga ito sa babaeng buhat buhat niya.
"Sir Mike! Ikaw nga, akala ko nag mamalikmata lang ako"anang lalaki na bigla na lamang lumapit, naka suot ito ng formal suit at may suot itong malaking salamin sa mata
"what?" Malamig at naka kunot nuong sabi niya sa lalaki
"Sir How are you ang tagal----
"Do I know you?" Malamig parin niyang tanong na ikina palis ng ngiti ng lalaking kaharap
"Ay si Sir naman wala ka pa rin pag babago pala biro ka parin, sige nanga baka nala limutan mona nga ang pangalan ko dahil sa tagal moba naman na wala. Sir ako 'to si Austin secretary ni Mr Sandoval, lagi kanga tinatanong saakin ng anak ko kung nasaan nadaw ang ninong Mike niya, tinanong ko naman si Sir Sebastian sabi niya nasa ibang bansa kana raw at hindi kana babalik dito sa pilipinas" ani ng Lalaki
"What? "Naguguluhan niyang tanong at mas lalo pang kumunot ang nuo niya na halos mag salubong na ang makapal niyang kilay.
"Haaayst si Sir parang na amnesia na kaagad, by the way kasama ko si Thea Sir---
"At sino naman iyon? "Putol niya sa sasabihin nito, Naiinis narin siya dahil sa sobrang kadaldalan nito.
"Si Thea sir Asawa ko dati mo pong Secretary at 'yung anak namin si Monic inaanak mo siya sa binyag, haayst ano bang nangyare sayo Sir, parang hindi mona talaga kami kilaka" saad ng lalaki na animoy parang batang nag tatampo dahil lumabi ito.
"I'm sorry, pagod lang siguro ako hmm sige Austin kailan na namin mag pahinga ng asawa ko" aniya na ikina gulat nito tsaka duon lamang nito napansin ang babaeng natutulog na buhat-buhat niya kaya nanlaki ang Mata nito
"Sorry, pero Asawa poba kamo? Akala ko ho si Ms Cindy ang papakasalan mo Sir, kasama mo panga akong bumili ng Engagement ring na ibibigay mo kay Ms Cindy sa Anniversary niyo nuon eh" pag dadaldal pa ng lalaki kaya nababanas na siya lalo na't pagod na pagod rin siya galing sa mahabang byahe at idagdag pa ang buhat buhat niya, hindi niya akalain na sobrang bigat pala ni Petra. Para itong tulog mantika dahil hindi man lang ito nagising sa kadaldalan ng lalaki.
Subalit naagaw ng kaniyang pansin ang pangalan na binanggit nito sa kaniya. Kilala niya ang pangalan na iyon, iyon ang pangalan na palagi niyang napapana-ginipan at nakita niya sa kaniyang panaginip na iniligtas paniya ang nag nga-ngalang Cindy.
Subalit pagod na pagod na talaga siya at naririndi na siya sa kadaldalan ng kaharap kaya tinanguan na lamang niya ito at tinalikuran na.
Kina umagahan, pag gising ni Petra ay nagulat pa siya dahil sa kaniyang pag mulat ng mata ay ang gwapong mukha ni Mike ang kaagad niyang nakita, gusto pa sana niya itong pag maadan habang natutulog subalit bigla na lamang tumunog ang kaniyang Cellphone, dahilan upang magising narin ang binata.
"Hmmm" nainis na ungol ni Mike dahil sa ibgay ng tunog na nang gagaling sa Cellphone ni Petra
"Fvck sagutin mona Luisa, ang ingay! "Inis na sabi ni Mike at tinakpan nito ng unan ang tenga nito
"Oo na" naka ngiting sabi niya at bumaba na ng kama upang kunin ang kaniyang Cellphone sa loob ng kaniyang LV bag niya.
"Hello"aniya ng masagot na niya ang tawag.
"Good Morning Luisa mabuti Online ang messenger mo, open mo ang video cam mo gusto kang makita ni Mico" ani ng nasa kabilang linya at duon lamang niya napansin na sa messenger pala ito tumawag.
"Oo, sige "aniya at pinindot na ang Video Call at napangiti siya ng makita ang kaniyang anak na ganadong nag aalmusal habang katabi nito si Manuel
"Good morning Mama"
"Good morning rin sa inyong dalawa ang aga niyo atang nagising ah" aniya
"Mama Eight na po" ani ni Mico sabay subo ng hawak nitong Hotdog.
"Mama, may isusumbong po ako sa'yo" ani ng anak na ikina ngiti niya lalo kahit kailan talaga parang babae ang kaniyang anak. May pagka marites
"Sige anak ano 'yon?"
"Si Daddy Doc po, ang ingay ingay niyang matulog, palagi niya po binabanggit ang pangalan mo mama sabi niya ganito po oh" ani ng bata sabay gaya nito kay Manuel kung paano mag salita habang naka pikit
"sh*t Luisa I'm coming ohh Damn Luisa you're so fvcking good----
Hindi na naituloy ni Mico ang pag susumbong nito ng bigla na lamang takpan ni Manuel ang bibig ng kaniyang anak.
"Sh*t anong pinag sasabi mo Mico, bye Luisa tatawag nalang ako mamaya" ani ni Manuel at kaagad ng pinatay ang tawag.
Habang si Petra naman ay napapa nga-nga at nanlaki ang kaniyang mata dahil sa narinig galing sa bibig mismo ng kaniyang anak.
//Continue