"Luisa, sasama rin ako tutal pauwi narin naman ako eh, next month sana pero sasabay na ako sa inyo sa Sunday "ani ni Manuel, kasalukuyan nasa bahay ng kaibigan si Petra upang sabihin dito ang kaniyang pag punta ng pinas kasama ang kaniyang mag-ama
"Pero Manuel---
"Walang pero pero basta sasama ako sa inyo"agad na sabi ni Manuel kaya hindi na naka pag salita pa si Petra bagkus ay napa titig na lamang siya sa gwapong mukha ng kaibigan.
Ewan ba ni Petra kung bakit nararamdaman niya naman ulit ang napaka pamilyar na pakiramdam na nuon ay kay Mike niya lamang naramdaman. Lalo na ng mag tama ang mga mata nila ni Manuel, pakiramdam niya ay nabulabog ang napaka daming paro paro sa kaniyang tiyan at nag hahabulan ang mga kabayo dahil sa sobrang lakas ng t***k ng puso niya.
"Luisa"sambit ng Doctor sabay hawak sa kanang kamay niya
"Ma-Manuel"kinakabahan naman niyang sambit sa pangalan nito. At bahagyan pa siyang napa singhap ng bigla na lamang hilain nito ang kaniyang kamay at dinala iyon sa balikat nito kasabay ng pag yakap nito sa kaniya.
"I miss you Luisa"mahinang sambit ni Manuel sa pangalan niya.
"Ma-Manuel anong ginagawa mo---
"Luisa Mahal kita, nuon at hanggang ngayon walang nag bago, please give me a chance Luisa"mahinang bulong nito habang magka yakap parin sila.
"Manuel, hindi tama 'to"aniya at mahinang itinulak ang binata
"Alin ang hindi tama? Matagal na akong nanliligaw sa'yo Luisa, hanggang ngayon ba mahal mo parin ba siya? Wala naba talaga akong pag-asa?"
"Hindi tama ito Manuel, may anak ako at---
"At ano siya parin? Siya parin ang mahal mo? Petra ako ang totoong nag mamahal sa'yo ikaw rin ang may sabi kung gaano kamahal ng Mike nayon ang nobya niya"nanlulumong saad ng Binata
"Hindi mo kasi naiintindihan Manuel--
"Ang alin ang hindi ko maintindihan, lahat lahat ikinuwento mona saakin, alin paba ang hindi ko alam at hindi ko maintindihan? Malinaw pa sa sikat ng araw na hindi ka kayang mahalin ng lalaking minamahal mo pero ako itong totoong nag mamahal sa'yo hindi mo ako makita kahit napaka tagal na natin magka sama"buong pag daramdam na wika ng Binata
"Manuel" naiiyak na sambit niya sa pangalan ng kaibigan.
"Hindi kita susukuan Luisa, mag hihintay ako kung kailan mare-realize mo na ako ang tamang tao na tunay na nag mamahal sa'yo " anang binata at tumalikod na.
Lumipas ang ilang araw at ngayon Ay Sunday na at alas otso ng umaga ang flight nilang pabalik ng pilipinas, mabuti na lamang at nasa Europe ang lola ni Mike kaya wala ng hahadlang sa kanila. Timing naman pag dating nila ng Airport ay siya rin ang pag dating ni Manuel
"Daddy Doc!"masiglang tawag ni Mico ng makita nito ang binata kaya patakbo itong lumapit tsaka nag pabuhat kaagad at pinugpog ito ni Mico ng halik sa pisngi dahilan upang mapa tawa ang binata
"Namiss mo si Daddy Doc huh? "Naka ngiting sabi ng binata sabay gulo nito sa buhok ng bata.
"Super po"bibong tugon ng bata at yumakap pa ito
"Mico, big boy kana diba? Bumaba kana baka marumihan pa ng sapatos mo ang suot ng---
"It's okey Luisa, sobrang namiss korin itong batang 'to"saad ni Manuel tsaka bumaling ito sa naka kunot nuong si Mike.
"Manuel pare"saad nito sabay lahad ng kanang kamay nito sa kaharap
"Mike"tipid na tugon naman nito sabay tanggap sa kamay ng kaharap.
"Daddy, sasama kapo saamin?"naka ngiting sabi ni Mico at parang naka limitan na nito ang prisensya ng tunay na ama nito dahil ayaw na nito bumitaw sa leeg ni Manuel
"Yup, mag babakasyon ako at anniversary ng parents ko"naka ngiting tugon ni Manuel sa bata na ikina saya naman nito.
"Yehey! Kung ganun po, makaka sama kapo namin at 'yung promise mopo nuon na tuturuan mopo akong mag surfing, sabi mopo tabing dagat lang po ang house niyo po dito sa phillipines po diba?"bibong sabi ni Mico
"Come here Mico, papasok na tayo ng mama mo"malamig na sabi ni Mike at
kinuha na nito ang bata sa bisig ni Manuel.
Dahil twelve hours ang biyahe ay alas nuwebe na ng gabi sila naka rating ng NAIA airport ,gising na gising parin si Mico dahil naaliw ito sa pakiki pag laro sa iPad nito. At parang ayaw na nitong humiwalay kay
Manuel at satwing kukunin naman ito ni Mike ay mabilis ang pag tanggi ng bata, umiiling ito at mas lalong kumakapit kay Manuel
"Mico anak, huwag ng matigas ang ulo bukas mag kikita parin naman kayo ni Daddy Doc at tuturuan kaniya mag Surfing----
"No Mama, makaka limutin kapo eh tsaka gusto ko pong maka sama si Daddy Doc baka po maka limutan niya ulit ang promise niya saakin na mag seSurfing kami sa beach nila"naka busangot na sabi ni Mico at konti nalang ay maiiyak na ito.
Isa iyon sa mga ugaling hindi maintindihan ni Petra sa kaniyang anak, kapag may gusto ito ay hindi na nito binibitawan at kapag pinanga-ngakuan ay hindi na nito hindi hiwalayan ang taong nangako dito. Alam niyang hindi ganuon ang kaniyang ugali, kaya naisip niyang marahil ay minana nito kay Mike ang pag uugali na iyon.
"Sige na Luisa, baka umiyak 'to, napaka hirap pa naman patahanin ng batang 'to huwag kang mag alala bukas na bukas ihahatid siya" Ani ni Manuel kaya wala ng nagawa si Petra kundi ang bumuntung hininga na lamang at tumango. Dahil ayaw rin naman niyang duon pumalahaw ng iyak si Mico lalo na't napaka lakas ng boses nito.
"Sige, basta huwag kang pasaway sa daddy Doc mo ha, be a good boy sweety" Ani ni Petra at hinagkan sa pisngi ang anak
"Yehey! Opo mama thankyou po I Love you"masayang sabi ng anak at yumakap ito sa kaniya.
"I Love you too anak" tugon niya
"Bye Papa take care my mama po I Love you" ani ng bata nang bumaling ito kay Mike upang yumakap
"I Love you too son" mahinang tugon ni Mike sa anak habang naka kunot nuo parin.
Aangal pa sana si Mike subalit huli na dahil naka talikod na si Manuel habang buhat buhat nito ang kumakaway na anak.
"Hayaan muna, hindi naman papabayaan ni Manuel ang anak natin parang anak narin niya si Mico" wika ni Petra na ikina kunot nuo lalo ni Mike
"Ganuon naba kalaki ang tiwala mo sa lalaki na 'yon? kahit sarili mong anak ipinag kakatiwala mo samantala hindi mo naman siya ka ano-ano" naiinis ang tonong wika ni Mike
Tumango naman si Petra bago sumagot "kilala ko si Manuel at oo Malaki ang tiwala ko sa kaniya at kaya Kong ipag katiwala sa kaniya ang anak ko dahil mabuti siyang tao. Siya ang naka sama ko at nag alaga saamin simula ng ipag buntis ko si Mico Two months palang ang anak natin sa Tiyan ko naging katuwang kona siya, siya ang takbuhan ko satwing kailangan ko ng tulong at palagi siyang nandyan para saamin ng anak mo" inis rin na tugon ni Petra at buong pag tatanggol niya kay Manuel sa pag mumukha ni Mike dahilan na ikina tahimik ng lalaki
//Continue