"Tell me about yourself Luisa"naka titig na wika ni Mike, habang si Petra naman ay kanina pa kinakabahan kung paano siya makiki pag usap dito. Gayong hindi siya marunong mag sinungaling at hindi niya ugaling manloko tao lalong lalo na kay Mike
'Mike ako 'to si Petra, patawarin mo ako kung kailangan kung sumunod sa kagustuhan ng lola mo, hindi ko gustong lokohin ka---
"Hey Luisa are you okey?"ani ng binata sabay pitik sa nuo ng dalaga dahilan upang magulat si Petra, bahagyan pa siyang napa igtad dahil sa gulat, masyadong napa lalim ang pag-iisip niya kaya nawala sa isip niyang magka harap pala sila ni Mike
"Huh? Ah anong sabi mo?"lutang niyang tanong sa binata
"Ang sabi ko ayus kalang ba? Kanina pa ako nag sasalita at nag tatanong dito, nasa Jupiter ata ang isip mo masyadong malayo eh"naiiling na sabi ng binata.
"Ha? Eh sorry, ano nga 'yun ulit pasensya kana"aniya kaya ngumiti lamang ito. Kahit sobrang pumayat ang binata ay wala paring kupas ang kagwapuhan nito
"Hmm okey, I said tell me about yourself, mag kwento ka tungkol sa buhay mo at tungkol saatin, kailan tayo kinasal at pano tayo nagka kilala" interesadong tanong ng binata, halata ang excitement sa boses nito kaya mas lalong nakaka ramdam ng konsensya si Petra
'Kung alam mulang Mike, sana hindi mag bago ang kabutihan mo kung sakaling malaman mo ang totoo, kapag dumating ang araw na bumalik muli ang memorya mo' wika ng isipan ni Petra
"Nag kakilala tayo, nung highschool ako sobrang cush kita nuon at satingin ko mahal narin kita, kaibigan mo si Kuya Rom kaya dahil sa kaniya nakilala kita sa araw ng kaarawan niya"unang kwento ni Petra na siya namang totoo, walang halong kasinungalingan
"Tapos?" Saad ni Mike na halatang bitin na bitin sa kaniyang pag kukwento.
"May Girlfriend ka nuon, sobrang mahal na mahal mo siya tapos sa gabi ng kaarawan ni Ate Joy, pareho tayong lasing pero ikaw ang mas malala dahil mas madami ang nainom mo. Pero ako alam ko ang mga ginagawa ko, so ayun nangyare nanga ang hindi dapat mangyare dahil baliw na baliw ako sayo nuon, at 'yun ang dahilan kaya nabuo si Mico ang anak natin" lakas loob na pag amin ni Petra. Wala na siyang pakealam kung ano man ang mararamdaman ng binata sa kaniya. Ang importante lamang sa kaniya ay nasabi niya dito ang totoo, kahit bumalik man ang ala-ala nito ay hindi na siya matatakot kung paano aaminin dito ang tungkol kay Mico. Mas confident siyang aminin dito ang tungkol sa ginawa niya nuon ngayong wala itong maalala.
"Kung ganuon, kaya kita pinakasalan dahil nabuntis kita?"seryoso nang saad ni Mike
"Yes apo, pero natutunan morin siyang mahalin ng malaman mong buntis siya, kaya iniwan mo ang dating nonya mo para sa magiging anak niyo ni Luisa" ani ni Donya Mitshin na kakapasok lamang, buhat sa narinig ay napa pikit na lamang si Petra dahil gustong gusto niyang sabihin ang totoo kay Mike subalit hindi na niya alam kung paano.
Natatakot rin siya na baka kapag bumalik na ang memorya ni Mike ay tuluyan na siya nitong kamuhian dahil sa kasinungalingan na kagagawan ng Demonyitang matanda.
MIKE- POV
nagising ako dahil sa biglaang pag sakit ng ulo ko, hinihingal pa ako at pinag papawisan ng malapot. pagka tapos kong makita ang nakakatakot saaking panaginip ay bigla na lamang akong nagising. Kasabay ng matinding sakit saaking ulo.
Nakita ko sa panaginip ko na nakiki pag barilan ako sa mga armadong naka itim na mga kalalakihan. May mga kasama ako subalit hindi ko maaninag ang mga mukha nila
Nakita korin ang isang lalaki na akmang babarilin nito ang isang babae na naka suot ng kulay itim na damit subalit hindi korin maaninag ang mukha nito. Ngunit paulit ulit sumisigaw sa isip ko ang pangalan na binanggit ko sa panaginip ko.
Sinigaw ko ang pangalan ng babae na iyon, kasabay ng pag yakap ko sa kaniya at nakita ko sa panaginip Kong nabaril ako ng apat na beses kaya iyon ang dahilan kaya ako napa bangon ng higa at hinihingal nang magising ako bigla.
"Mike!" Nag aalalang sambit ni Luisa sa pangalan ko, naupo ito sa tabi ko at binigyan niya ako ng isang basong tubig. Pag katapos kong uminom ay natigilan naman ako dahil pinunasan niya ng bimpo ang mga pawis ko saaking mukha at leeg.
"Pawis na pawis ka, ayus kalang ba? Ano bang nangyare bakit bigla ka na lang sumigaw sa pag gising mo?"nag aalalang sabi ni Luisa.
"Luisa, anong nangyare saakin? totoo ba ang sinabi ni Grandma na naaksidente ako sa sasakiyan?" Aniko at tumitig ako sa kaniyang kulay kape na mga mata
"Ha? Eh, ano-ano kase hmmm matulog kana ulit, nasa tabi mulang ako hmm bukas nalang tayo mag usap"aniya at tumitig ako sa kaniyang magandang mukha
PETRA POV
Para na akong sasabog sa sobrang kaba satwing mag tatanong si Mike, halos lahat na nga lang ng tinatanong niya ay hindi ko masagot ng maayos at sa tingin ko ay nakaka halata na siya.
Sumapit ang araw na tuluya nangang magaling si Mike, nakaka laro na nito ang anak namin na si Mico at ewan koba habang pinapa nuod ko sila parang nag iba na ang nararamdaman ko ngayon sa kaniya, hindi katulad nuon na lagi akong kinikilig at masaya sat'wing ngi-ngitian niya ako, ngayon parang normal nalang ang lahat saakin
"Mama sabi ni Papa pupunta raw po tayo ng Mall!"Malakas na sabi ng anak ko, na animoy isa akong bingi dahil sa lakas niyang mag salita
"Talaga? "Naka ngiti kong sabi sabay baling ko sa naka ngiting si Mike
"Ayus lang ba?"aniya at kumamot Pa ito sa batok nito.
"Oo naman"sagot ko
"At sinong may sabing pwede na kayong lumabas?"ani ng lola ni Mike, haayst heto na naman ang bruha panira ng moment
"Bakit Grandma, bawal naba kaming lumabas?" Nag tatakang wika ni Mike
"No apo, ayus lang naman na lumabas kayo kaso kakagaling mo palang eh baka---
"No worries La, I'm fine kaya kona ang sarili ko. see malakas na ulit ako" ani ni Mike kaya hindi na naituloy ng matanda ang kaniyang sasabihin.
"Okey Apo, pero mag pasama parin kayo ng mga tauhan"ani ng matanda at halatang napipilitan lamang itong pumayag sa kagustuhan ng apo nito.
"Papa, Mama I'm so happy po! "Bibong sabi ng anak ko habang ito ay kumakain ng icecream
"Why anak?"ani ni Mike
"Kase po, firstime kopong lumabas na kasama kayong dalawa ni Mama, dati po kasi palaging si Daddy Doc ang lagi naming kasama ni Mama"wika ng bata na ikina palis ng ngiti ni Mike.
"Daddy Doc?"kunot nuong tanong ni Mike
"Si Manuel isa siyang Doctor, kaibigan ko siya at siya ang naka sama ko mag mula ng ipag buntis ko si Mico"balewalang sagot niya
Akmang mag sasalita pa sana siya ulit ng may biglang tumawag sa pangalan niya.
"Petra! " tawag ng isang babae sa kaniya kaya naman ay napa lingon silang dalawa ni Mike sa pinanggalingan ng tinig na iyon.
Halos manlaki ang mata niya ng mapag sino ang babaeng tumawag sa kaniya, at kitang kita niya kung paano manlaki ang mata ng babae nang mapadako ang tingin nito kay Mike
"Ate Anne"mahinang sambit niya
"Mike"rinig niyang sambit ni Anne kaya napalingon siya sa katabi niya at nakita niyang kumunot ang nuo nito
"Ate Anne"tawag niya sa pangalan nito upang mabaling ang tingin nito sa kaniya
"Petra"ani ng babae at lumapit sa kaniya upang siya ay yakapin. Pagka tapos ay humiwalay rin ito at humarap naman ito kay Mike
"Ma-Mike? Bu-buhay ka? Petra anong ibig sabihin nito?"naguguluhang baling nito sa kaniya
"Ate sinong kasama mo? Kasama moba si Paulo?"kinakabahan niyang tanong hindi niya alam kung paano ipapaliwanag kung sakaling kasana nga nito ang asawa nitong si Paulo
Umiling ito "hindi, si Nestle ang kasama ko" sagot nito habang napapa kunot nuo parin. Buhat sa narinig ay napa hinga siya ng maayos pagka tapos ay bumaling siya kay Mike.
"Mike, kausapin ko muna siya ha ikaw na muna ang bahala kay Mico, Anak mag Behave ka kasama si Papa ha babalik rin kaagad ako"aniya pagka tapos bumaling sa anak
"Yes po mama"sagot ng bata
"Explain"malamig na sabi ni Anne, habang magka harap na silang nag uusap sa isang walang katao-tao na Cafe
"Ate ano kasi, hmmm Tama si Mike nga ang kasama namin ni Mico at buhay nga siya"naka yukong sabi niya kaya naman ay narinig niya ang pag singhap nito
"Paano? At bakit parang hindi niya ako kilala?"naka kunot nuong sabi ng kaharap
"Matagal na Comatose si Mike at pagka gising niya wala na siyang maalala, mahigit isang linggo na---
"Pano kayo nagka tagpo hindi ba lumayo ka dahil rin sa kaniya?"naguguluhan parin nitong sabi, kaya naman ay e kinwento niya ang mga nangyare simula sa pagkakaka sakit ng anak niya hanggang sa makilala niya ang Lola ni Mike. Subalit hindi na niya sinabi sa kaharap ang tungkol sa kasalanang ginawa ng matanda dahil alam niyang kasama ito nuon nung araw na e ambush ng mga tauhan ng matanda ang grupo ng apollo
"What! bakit ka pumayag na maging fake Wife ni Mike? Are you insane Petra malaking gulo ito kapag nalaman ni Cindy ang tungkol kay Mike. At hindi mo alam ang mga kayang gawin ni Cindy kapag si Mike na ang dahilan" gulat na sabi Anne pagka tapos niyang sabihin dito ang kapalit ng pag tulong ng matanda para kay Mico
"Pumayag na ako Ate, dahil iyon lang naman ang kapalit ng pag ligtas niya sa buhay ng anak ko----
"Bakit? At karapatan niyang tulungan si Mico dahil apo rin niya si Mico, at hindi na dapat siya humiling ng kahit na anong kapalit"dismayadong wika ni Anne.
"By the way Birthday ni Mommy next week huwag kang mawawala, sasaya si Mommy kapag nakita ka niya. Mahigit anim na taon kaniyang hinihiling saamin----
"Hmmm susubukan ko ate diko alam kung makaka balik paba ako ng Tagaytay lalo na ngayon kasama na namin si ----
"Ayaw ko ng maraming dahilan Petra, basta pumunta ka. sa makalawa babalik na kami ng pilipinas ni Nestle" ani nito at marami Pa silang pinag usapan at mahabang kumustahan bago natapos ang pag uusap nila, nag paalam narin itong aalis na dahil oras na umano ng business meeting nito para sa mga bagong ginawa nitong desonyo ng mga Gowns.
Problemado siyang lumapit sa mag-ama niya at naka kunot nuo siyang tinanong ng binata
"Sino siya? Bakit parang kilala niya ako?"nag tatakang sabi ni Mike na kaagad namang naunawaan ni Petra
"Si Ate Anne, anak ng pamilyang nag palaki saakin at asawa ng kaibigan mong si Paulo" matapat na pag amin niya. Ayaw na niyang dagdagan pa ang mga kasinungalingan na ipinasok ng matanda sa isipan ni Mike. Hindi kaya ng konsensya niya ang manloko lalo na sa kagaya ni Mike na daig pa ang isang sanggol na walang ka alam-alam sa mga taong nakaka paligid dito.
"Kung ganun 'yung Rom na nabanggit mo saakin nuon at si Paulo na binanggit mo saakin ngayon sila ang mga kaibigan ko?"ani ng binata. Kaya tumango na lamang siya bilang pag tugon.
Samantala dalawang araw ang lumipas. Malungkot na tinitignan ni Petra ang larawan nila ng ninang Carmela niya. Mag mula ng mawala ang mga magulang niya ay ito na ang naging pangalawang ina niya kaya sobrang mahal na mahal niya ito.
"Luisa"ani ng pamilyar na tinig sabay katok nito sa pinto ng silid nilang mag-ina
"Bukas 'yan"aniya at maya-maya lang ay pumasok narin ang binata at tumayo ito sa harapan niya
"Luisa, hindi karaw kumain ng almusal sabi ni Manang may problema ba?"tanong ni Mike sa kaniya. Habang tumatagal na nakakasama niya si Mike ay malinaw na kay Petra ang lahat sa kaniyang sarili. Nag tataka man ay sinawalang bahala na lamang niya, basta ang alam lamang niya ay wala na siyang nararamdaman pa sa lalaking dati na niyang minahal at pinag alayan ng kaniyang sarili. Kung paano nangyare iyon ang hindi niya alam
"Hmm wala akong gana, si Mico?"mahinang tugon niya
"Nakiki pag laro na kay Cassy, hmm siya ba ang mommy mo?"ani nito kaya napa tingin siya dito at nakita niyang naka tingin ito sa hawak niyang litrato
"Pangalawang ina ko"sagot niya
"Namimiss mo siya?"
"Hmm Oo, kaarawan na niya sa Sunday---
"Edi pumunta ka, ano bang pinoproblema mo?"putol ni Mike sa kaniyang sasabihin
"Sa pilipinas 'yon---
"Edi mag pa booking na tayo---
"Tayo?"kunog nuo niyang sabi
"Oo tayong tatlo ni Mico, sasamahan ka namin" naka ngiting tugon ni Mike kaya nabuhayan ng loob si Petra subalit kaagad rin nawala ang ngiti sa kaniyang labi ng maalala niya si donya Mitshin, panigurado hindi ito papayag na pumunta ng pilipinas si Mike
"Pero baka, hmmm pano ang lola mo?"
"Kung si Grandma ang inaalala mo, nothing to worry Luisa akong bahala"kumpiyansang wika ni Mike.
//Continue