CHAPTER -12

1573 Words
"Satingin mo sasaktan ko ang apo ko?"naka taas kilay na sabi ng matanda "Bakit hindi, tignan mo si Mike diba ikaw rin ang dahilan kung ba't siya naka ratay hanggang--- Hindi naituloy ni Petra ang kaniyang sasabihin ng bigla na lamang siyang hampasin ng matanda gamit ang tungkod nito. " it's not my fault, anyway kasalanan ng apo ko kung bakit siya naka ratay, masyado siyang tanga pag dating kay Cindy, kung hindi niya sinalo ang bala para sana kay Cindy edi sana wala siya ngayon d'yan at hindi mang yayare sakaniya 'yan"malamig na sabi ng matanda 'Anong klaseng tao ito, sariling apo pinahamak jusko! huwag niyo sanang hayaang manaig ang kasamahan ng matanda na 'to' ani ng kalooban ni Petra Three years later, marami ng nag bago sa mag-inang Petra at Mico mag mula ng tumira sila sa malaking bahay ng mga Monteregno, gustohin man ni Petra na tumakas kasama ang kaniyang anak, subalit hindi naman niya maituloy ang matagal na niyang binabalak na pag takas dahil naiisip niya si Mike, tatlong taon na ang lumipas mag mula ng malaman niyang hindi pa pala ito patay, bagkus ay matagal na panahon na itong naka Comma. Napapalibutan ng maraming bantay ang mansyon na iyon at bawat sulok ay merong naka kabit na CCTV footage, ang pinag papasalamat na lamang niya ay ang tuluyang pag galing ng kaniyang anak. Masigla na ulit ito at napaka bibong bata sa edad na mahigit Limang taon gulang ay napaka talino nito. Habang lumalaki si Mico ay mas lalong nagiging kamukha ito ni Mike. "Mama, kailan po ba ako papasok sa school? Si Cassy po pumapasok na siya sa school, gusto korin pong maka pasok sa paaralan Mama katulad ni Cassy" ani ni Mico at ang tukoy nito sa anak ng Kusinera sa mansyon ng mga Monteregno, si Cassy ay ka edad lamang ni Mico at ito ang unang naging kaibigan nito. Dahil hindi pumapayag ang lola ni Mike na lumabas sila kaya mahigit tatlong taon na silang naka kulong sa malaking bahay ng Monteregno, maging ang pag gamit niya ng Telephone ay pinag bawal rin. Kaya naman kapag nababagot si Petra ay tinutuon na lamang niya ang kaniyang pansin kina Mike at Mico. Siya ang nag lilinis at nag aalaga kay Mike, paminsan ay nag kukwento siya dito kahit alam niyang hindi naman siya maririnig at masasagot nito. "Hintayin muna natin magising ang Papa mo anak, para maka labas na tayo dito at para si Papa rin ang mag hahatid sayo sa School"aniya habang sinusuklay niya ang hanggang balikat na buhok ni Mico. Oo nga't lalaki ang kaniyang anak pero ewan ba niya kung bakit ayaw nitong mag pagupit, kapag gusto niyang pagupitan ang buhok ng kaniyang anak ay mabilis itong tumatanggi. iniidolo nito ang isang Boyband na hanggang balikat ang buhok nito kaya iyon ang ginagaya ng kaniyang anak. "Hmm okey po" sagot na lamang nito "Bakit anak nag sasawa kana ba sa pag tuturo ni Mama?"Aniya, oo nga't nahinto na siya sa pag tuturo subalit hindi sa kaniyang anak, patuloy parin siya sa pagiging Teacher sa kaniyang anak, at kung minsan ay kasama nito si Cassy sa mga tinuturuan niya "Gusto naman po, kaso gusto ko naman po masubukan ang pumasok sa paaralan katulad ng mga batang napapanuod ko sa tv at katulad ni Cassy"naka busangot nitong sagot. "Soon anak, ipag pray molang palagi na gumising na ang papa mo para maka pag aral kana at maka labas na tayo dito"aniya at hinalikan sa nuo ang anak. Pagka alis ni Mico ay naisipan ni Petra ang maligo muna. Sinulyapan muna niya ang naka ratay na si Mike pagka tapos ay lumabas na siya ruon upang mag tungo sa kabilang kwarto nila ng kaniyang anak. Mahigit sampong minuto lamang ay natapos narin siya sa pag ligo, pagka tapos niyang ayusin ang kaniyang sarili at patuyuin ang kaniyang buhok na hanggang balakang ay lumabas narin siya upang bumalik sa kwarto ni Mike. Dahan-dahan niya binuksan ang Pinto ng silid nito, pagka tapos ay pumasok narin siya, subalit kaagad rin siyang natigilan ng makitang naka mulat ang mga mata ni Mike habang ito ay naka tingin lamang sa kesame. Mabilis siyang lumapit dito, kasabay ng pag pindot niya sa Red Bottom kung saan konektado iyon sa Room ng matanda at sa Private doctor nito. "Ma-Mike" aniya habang may ngiti sa labi, hindi maipa liwanag ni Petra ang labis na kasiyahan dahil sa wakas ay gising na si Mike ang lalaking ama ng kaniyang anak at ang lalaking labis niyang minamahal. Kumunot lamang ang nuo ng binata pagka tapos ay napa baling ang tingin nito sa Pinto kung saan nag mamadaling pumasok ang matandang Donya at ang Doctor nito "Apo"naiiyak na sabi ng matanda habang hinihimas nito ang pisngi ni Mike "Grandma" paos ang tinig na wika ni Mike dahilan upang tuluyan ng mapa iyak sina Petra maging ang matandang Donya. "Ohh Ang Apo ko" anang matanda at napa yakap na ito sa binata. Kitang kita ni Petra ang sobrang pag mamahal ng matanda sa apo nito, kung titignan habnag ito ay umiiyak ay hindi aakalain ng kahit na sing na kaya nitong guwama ng masama katulad ng pag papa-patay sai isang tao. Maya-maya lang ay pagka tapos kompermahin ng doctor na maayos na si Mike ay napa hinga sila ng maayos subalit ang labis na nag pagulo sa kanila ng sabihin ni Mike na wala itong maalala maliban lamang sa pangalan nito at ang tungkol sa lola lamang nito natatandaan nito. "Doc anong nangyare bakit nagka ganito? Bakit walang maalala ang apo ko maliban saakin?"nag tatakang tanong ni Donya Mitshin "Normal lang 'yan sa katulad niyang dumanas sa mahabang pagkaka comatose, mag kakaroon siya ng temporary amnesia, maybe one or two months ay babalik na ang memorya niya" ani ng Private doctor Samantala pagka tapos mag paalam ng Doctor ay naiwan sa silid na iyon sina Petra, Mike at ang Donya. Napapa yukong iniwas ni Petra ang kaniyang mukha ng mabasa at makita niya ang pag tatakang rumihistro sa mata at mukha ng binata. "Who are you?"paos parin ang tinig na wika ni Mike habang naka kunot nuo paring naka tingin sa dalaga. "She is your wife, grandson"s sagot ng matanda ang siyang nag paangat ng ulo ni Petra at napa tingin siya sa matanda. Kitang kita niya ang pag babanta sa mata ng matanda at nababa niya duon ang salitang "wala kang sasabihin, sumunod ka sa kasunduan at ngayon na ang araw ng pag papanggap" "Wife? Paanong--- Hindi na naituloy ni Mike ang kaniyang sasabihin ng mag salita ang matanda "siya si Luisa apo, siya ang asawa mo six years ago" ani ng matanda Akmang mag sasalita ang binata subalit hindi na nito naituloy ang sasabihin dahil bigla na lamang bumukas ang Pinto at pumasok duon ang isang pinag papawisan na bata. "Mama, mama look po oh nakaya kopong ayusin ang sirang piano ni Cassy ang galing kopo diba?"masayang pag babalita ni Mico sa ina, at hindi na nito napansin ang Donya at ang nag naka kunot nuo na si Mike. Samantala Titig na titig naman si Mike sa batang lalaki, dahil kahit pawisan ito ay hindi parin maitatago ang angking kagwapuhan nito subalit ang ipinag tataka niya ay kung bakit kamukhang kamukha niya ang batang lalaki. Hanggang balikat ang buhok nito at kapareho niya ay Mistiso rin ito. "Anak huwag kang sumigaw, nandito ang lola mo at--- Hindi na naituloy ni Petra ang kaniyang sasabihin ng bigla na lamang lumakas lalo ang tinig ng kaniyang anak pagka tapos nitong mapa lingon kay Mike na ngayon ay naka upo na ito sa kama "Papa!"masiglang sigaw ng bata at mabilis itong lumapit sa natitigilan paring binata. Habang si Mike naman ay Nagulat pa siya dahil sa napaka bilis na kilos ng bata. Kaagad umakyat ang bata sa kaniyang kama at ng maka lapit ay mahigpit itong yumakap pagka tapos ay pinag hahalikan nito ng sunod sunod ang kaniyang pisngi at hindi na niya mabilang kung naka ilang beses na ang pag hagkan nito sa kaniyang pisngi. Hindi alam ni Mike pero nama layan na lamang niya ang kaniyang sarili na napapangiti at kung minsan ay napapa tawa narin dahil halos lahat na ata ng mukha niya ay pinag hahalikan ng bata habang naka yakap parin ang malilit nitong mga braso sa kaniyang leeg. "Papa, I'm glad gising kana po, yeheey! Makaka pasok na ako sa school"masiglang sabi ng bata na ikina asim naman ng mukha ng matanda. "Mico, hindi pa tuluyang magaling ang Papa mo, bumaba kana d'yan big boy kana baka nabibigatan na ang papa mo sayo"ani ng matanda at sinenyasan nito si Petra na kunin na ang bata. Subalit naka ngiti lamang na umiling si Mike. "It's okey Grandma, nakaka tuwa siya hmm by the way so totoong asawa kita at siya ang anak natin?" Mabait ang tinig na wika ni Mike pagka tapos ay bumaling ito kay Petra habang himas ng isang palad nito ang malambot na buhok ni Mico Hindi naman alam ni Petra kung ano ang kaniyang isasagot ayaw niyang mag sinungaling pero ano ngaba ang magagawa niya, gayung hawak sila sa leeg ng matanda. Oo nga't totoong anak ni Mike si Mico pero hindi naman talaga sila mag asawa "Yes Apo, mag-asawa kayo ni Luisa at si Mico ang anak niyong dalawa, Ang naging bunga ng pag mamahalan niyo"ani ng Donya, ito na ang sumagot dahil napaka tagal sumagot ni Petra. //Continue
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD