CHAPTER -11

1320 Words
Nag mamadaling inimpake ni Petra ang kanilang mga gamit mag-ina, pagka tapos nilang mag usap sa demonyong lola ni Mike ay umuwi na muna siya upang kunin ang mga importanteng gamit nila. Tumawag na rin siya kay Manuel upang mag patulong at nag offer naman itong duon muna silang mag-ina sa Bahay nito. Na siya namang kaagad na sinang ayunan niya, dahil walang ibang makaka tulong sa kanila ruon kundi ang kaniyang kaibigan lamang. Pagka tapos niyang kunin ang kakaunting mga gamit nilang mag-ina ay ipina hatid na niya ang mga 'yon sa Driver ni Manuel, pagka tapos ay bumalik na siya ng Hospital upang alisin na duon ang kaniyang anak. Naisip niyang itatago niya ang kaniyang anak at hindi niya hahayaang mailayo ito sa kaniya kaya naman ay lakad takbo siya ng maka pasok na sa malaking Hospital na 'yon, subalit halos takasan siya ng ulirat ng makitang wala na ruon ang kaniyang anak "Mico? Mico anak?"tawag niya sa pangalan ng anak, shbalit wala siyang Mico na makita, ang alam niya ay bukas pa gigising ang kaniyang anak sabi ng Doctor nito. Kaya naman nagka idea na siya kung nasaan ang kaniyang anak. Mabilis niyang nilisan ang silid nito at patakbong tinungo ang silid kung nasaan ang matandang babae, subalit ganuon na lamang ang kabang lumukob sa kaniya dahil wala narin duon ang matandang babae. "Hindi, hindi ang anak ko, Mico! Mico nasaan ka anak!"umiiyak na niyang sigaw, kaya naman ay nag silapitan ang ibang mga nurse upang pakalmahin siya, subalit ayaw niyang tumigil at titigil lamang siya kapag nakita na niya ang anak niya, pero saan naman? Saan niya hahanapin ang anak niya gayung ngayon lamang niya nakita ang matanda Natatakot narin siya na baka mapano si Mico lalo na't kaka-opera palamang nito. "Luisa! "Tawag ng lalaki sa kaniya kaya napa angat siya ng tingin habang luhaan parin ang mga mata niya "Manuel, huhuhu Manuel ang anak ko, ang anak ko Manuel, tulungan mo akong hanapin natin ang anak ko Manuel, hindi ko kakayanin mawala siya saakin Please tulungan mo ako"umiiyak na pag mamakaawa ni Petra at napayakap na siya sa butihing Doctor "Shhh Stop na Luisa, Oo hahanapin natin si Mico"pag aalo nito sa kaniya. Dalawang Oras ang lumipas ay wala paring tigil sa kakaiyak si Petra, iniisip niya kung ano na ang kalagayan ng anak niya, lihim lamang niyang dalangin na sana ay walang gawing masama ang lola ni Mike sa kaniyang anak. dahil patawarin siya ng Diyos kapag may mang-yareng masama sa kaniyang anak ay baka maka patay siya. Si Mico lamang ang meron siya kaya ipag lalaban niya ito, Kasalukuyan na silang nasa byahe kasama ang kaibigang si Manuel at habang nasa daan lamang naka tutok ang tingin ni Petra ng biglang pukawin ng isang malakas na Ringtone ang kaniyang pag iisip. Kaagad niyang kinuha ang kaniyang Cellphone at nakitang unknown number ang tumatawag kaya nag tataka niyang ipina kita iyon kay Manuel "Sagutin mo at e loudspeaker mo"ani ng kaibigan kaya iyon naman ang ginawa ni Petra "Petra, Petra, Petra naka pag isip kana ba?"wika ng matanda sa kabilang linya, kaya naman ay napa kuyom ng kamao si Petra dahil sa sobrang pag titimpi " nag mamakaawa ako sa'yo please ibalik mona saakin ang anak ko, hindi ko kayang mawalay siya saakin please nakiki usap ako, huwag mong ilayo saakin ang anak ko"umiiyak na pakiusap niya sa kausap, subalit tinawanan lamang siya ng matanda. "So pumapayag kana?"paninigurado ng nasa linya. "Oo pumapayag na ako, huwag mulang ilayo saakin ang anak ko, nakiki usap ako"tugon niya at iyon lamang ay binabaan na siya ng tawag. Kina gabihan, hindi mapakali si Petra pagka tapos niyang maka tanggap ng mensahe na ipapasundo siya ng matanda, kahit anong pag pigil sa kaniya ni Manuel ay buo na ang disisyon niya, kung ang anak na niya ang pag uusapan wala siyang hindi kayang gawin. "Luisa, memoryado mo naman diba ang cellphone number ko diba?"ani ni Manuel na ikina tigil naman ni Petra sa pag lalakad "Oo bakit" "Naisip kulang, baka tanggalan ka nila ng cellphone mas mabuti nayung alam mo ang number ko"tugon ng binata at ginagap nito ang kamay niya pagka tapos ay masuyo iyon pinisil. "Maraming salamat Manuel"aniya pagka tapos ay yumakap sa butihing kaibigan. Napa hiwalay lamang sila ng may biglang bumusina sa labas ng bahay ng binata kaya naman ay sinilip nila iyon sa bintana at duon ay nakita nila ang isang kulay itim na magarang sasakiyan. Na satingin nila ay iyon nanga ang susundo kay Petra "Luisa, kahit anong mangyare mag update ka saakin" ani ng binata, pagka tapos ay niyakap n nito ang kinakabahang dalaga Tumango naman bilang pag tugon si Petra pagka tapos ay kumawala na siya sa bisig ng kaibigan. Mahigit isang oras rin ang naging byahe dahil sa sobrang traffic tsaka hanggang sa maka rating si Petra sa napaka laking kulay puting mansyon Pag baba pa lamang niya nang sasakiyan ay kaagad na siyang sinamaha ng limang mga tauhan papasok sa marangyang mansyon na iyon, subalit hindi niya alam kung mansyon ba matatawag iyon, kung gayong dinaig pa ang isang palasyo. Habang nag lalakad papasok ay hindi mapigilan ni Petra ang mamangha dahil sa daming magagandang desenyo at kulay ginto ang lahat ng mga iyon, sa kaniyang pagka mangha ay hindi na niya namalayan ang pag hinto ng mga tauhan sa tapat ng isang Pinto, habang siya ay nag patuloy parin sa pag lakad lakad at naeengganyo ang kaniyang mata dahil sa napaka gandang tanawin na buong buhay niya ay nuon lamang siya naka pasok sa ganuong kalaki at kagandang bahay. Natigilan lamang siya ng maka bangga siya ng isang napaka tigas na dibdib. "Ay kabayo ako!"gulat na sabi ni Petra at kamuntikan na siyang mawalan ng balanse sa pag tayo at mabuti na lamang ay maagap siyang nahawakan ng isang tao sa kaniyang bewag "Damn!"mahinang nura ng lalaki subalit hindi iyon naka takas sa pandinig ni Petra. "Minura mo ako?,Hoy gwapong sementado ang dibdib, napaka lawak naman dito bakit hindi ka man lang tumabi o duon ka dumaan" ani ni Petra sabay turo sa dulo "Tsssk"asik na lamang ng lalaki at binitawan na siya nito, at duon lamang napansin ni Petra na sobrang lapit pala nila ng lalaki "Master, pasensya na! Mis sumobra ka duon tayo pupunta" ani ng isang tauhan sabay turo sa kaninang silid na nadaanan lamang ni Petra Hindi naman tumugon ang lalaki at seryoso na lamang itong nag lakad palayo sa kina tatayuan ni Petra. "Tsss, guwapo ka sana kaso mukha kang masungit"mahinang bulong ni Petra at napa lingon na siya sa isang tauhan na naka bantay sa kaniya. Sakaniyang pag harap dito ay Tumalikod narin ito at nag tungo sa isag silid na tinuro nito kanina Nasa tapat na siya ng Pinto ng maka ramdam siya ng sobrang kaba at halos mabingi na siya sa sobrang lakas ng t***k nang puso niya. Dahan-dahan iyon binuksan ng tauhan pagka tapos mabuksan ay ang unang sumalubong sa kaniya ay ang napaka bango at lamig ng silid na iyon. Kinakabahan man ay hinakbang na niya ang kaniyang paa upang maka pason na. Halos matulos siya sa kaniyang kina tatayuan ng makita niya ang isang lalaking mahimbing na natutulog habang may mga aparatos na naka kabit sa katawan ito. Kahit pumayat ito at nag matured tignan ay hindi siya pwedeng mag kamali, mabilis ang bawat pagtibok ng puso niya na animoy maging ang kaniyang puso ay kaagad nitong nakilala ang lalaking naka higa sa malaking kama. "Ma-Mike"garalgal ang tinig na wika niya, Hindi siya maka paniwala na nakikita ngayon ng dalawang mata niya ang natutulog na si Mike. "Suprise?"sarkastikong wika ng matanda ang pumukaw sa atensyon ni Petra, kaagad niyang nilingon ang pinang galingan ng boses na 'yon at hindi nga siya nagkamali, dahil si Madam Mitchin Montergno ang nasa harapan niya ngayon. "Na-nasan si Mico? Nasaan ang anak ko?"kinakabahan niyang tanong sa matandang kaharap niya. //continue
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD