"Ano ho?" Hindi maka paniwalang saad ni Petra pagka tapos sabihin ng matanda kung kaano-ano ito ni Mike
"Lola ho niya kayo pero---
"You heard me right? Now tell me, pumapayag kaba?" Ani ng matanda, sinabi nito kay Petra na tutulungan nito ang bata, subalit may kapalit at kailangan niyang mamili
Kaya kahit hindi paman niya nalalaman ang kapalit ng pag payag niya ay sunod- sunod ang pag tango niya bilang tugon. Lahat gagawin niya mailigtas lamang sa bingit ng kamatayan ang kaniyang pinaka mamahal na anak.
"Opo kung ano man ang magiging, kapalit nito ay tatanggapin kopo, at lahat gagawin ko para sa anak ko kaya nakikiusap po ako, kung magka match kayo ni Mico ay buong buhay kong tatanawing malaking utang na loob ho sa inyo ang pag tulong niyo " naluluhang wika ni Petra, tuwang tuwa siya ng malamang lola ito ni Mike, at nabanggit nito sa kaniya na matagal na pala silang pinapa bantayang mag-ina buhat sa malayo, nabanggit rin nito na lahat-lahat ng pinag gagawa ni Mike ay alam nito lahat, maging ang gabing unang may mang-yare sa kanila ni Mike ay hindi rin naka ligtas dito. Lahat ng kilala at malapit kay Mike ay inaalam ng matanda
"Kung ganon tsaka kona sasabihin sayo ang magiging kapalit ng pag tulong ko, kapag gumaling na ang bata. At kapag sumira ka sa kasunduan ay kukunin ko ang anak mo"seryosong wika ng matanda na ikina palis ng ngiti ni Petra. Gusto niyang isiping nag bibiro lamang ito, subalit nanatiling malamig at seryoso lamang ang mukha ng matanda.
Dalawang oras ang lumipas pagka tapos ng agarang operasyon para sa bone marrow transplant para kay Mico, laking pasasalamat ni Petra dahil dumating ang lola ni Mike, kaya kung ano man ipagawa o kapalit ng pag tulong nito ay buong puso niyang haharapin at gagawin, utang niya ang buhay ng anak niya dito. Kahit meron sa kasuluk sulukan ng puso niya ang pagka desmaya para sa matanda dahil bakit kailangan may kapalit pa ang pag tulong nito kung gayung anak ni Mike ang tinutulungan nito
"Manuel? "Agad na sabi ni Petra at mabilis na lumapit sa kaibigan nang maka labas na ito ng operating room
"Manuel si Mico kamusta ang anak ko?"kina kabahan niyang tanong sa kaibigan, tinanggal nito muna ang suot na mask pagka tapos ay isang matamis na ngiti ang sumilay sa labi ng binata dahilan upang mabuhayan ng loob si Petra
"Maayos naisagawa ang transplant surgery para kay Mico, ligtas na siya Luisa"ani ng kaibigan, kaya hindi na napigilan ni Petra ang kaniyang sarili ay niyakap na niya ang kaharap at habang patuloy sa pag luha ang kaniyang mga mata, subalit sa pag kakataon na 'yon ay umiiyak na siya dahil sa sobrang kaligayan para sa kaniyang pinaka mamahal na anak.
Ilang sandali lamang ay nag paalam na ang kaniyang kaibigan, dahil may iba pa umano itong mga pasyente na kailangan nitong asikasuhin. kahit nababasa ni Petra sa mga mata ng binata na ayaw pa siya nitong iwan ay nakaka unawa na lamang siyang ngumiti dito.
Pagka tapos mailipat ang kaniyang anak sa private room ay sinunod namang binisita ni Petra ang matandang babae na lola ni Mike
Sa una ay hindi akalain ni Petra na lola ito ng lalaking pinaka mamahal niya, ang akala lamang niya ay kapatid o nanay ito ni Mike, dahil khit kumukulubot na ang balat nito ay tuwid na tuwid parin itong tumayo, isama pa ang pagiging mistisa nito at ang kulay itim na itim nitong buhok. Kung titignan ito ay nasa fifty pataas ang edad nito.
"Kamusta ho kayo Ma-madam Mitshin---
"Maupo ka"seryosong saad ng ginang, kaya kaagad namang tumalima si Petra naupo siya sa tabi ng matanda, ilang minutong katahimikan bago nag salita ang ginang.
"Gusto kong permahan mo 'yan" ani ng ginang sabay abot ng brown envelope, kaya naman sa pag tataka ni Petra ay kinuha niya iyon at binasa muna.
Halos mapuknat sa pagkaka dilat ang kaniyang mata dahil sa mga nababasa niyang kasulatan ruon, sa gulat at pag tataka niya ay kaagad siyang napa lingon sa matanda.
"Ano to Joke? Sinasabi dito na mag papanggap akong asawa ni Mike, si Mike na apo niyo? Ang ama ng anak ko, paano ako mag papanggap kung matagal ng patay si----
"Hindi pa siya patay, hindi moba binasa lahat? "Malamig paring sabi ng matanda
"Anong hindi patay, tatlong taon na ho---
Hindi na niya naituloy ang kaniyang sasabihin ng mag salita ito. "Yes I know, three years tsssk three years Kong pinalabas na patay na ang apoko" wika ng matanda na ikina gulat naman ng dalaga
"Pinalabas, anong? Paano? Anong ibig niyong sabihin?"naguguluhang saad ni Petra at nag umpisa ng bumilis ang pag t***k ng puso niya.
"Making ka at sa sabihin ko sayo, pero once na sumira ka sa kasunduan, kukunin ko ang anak mo at ipapa ligpit kita" pag babanta pa ng matanda dahilan upag mamutla si Petra
"Nag-iisa Kong apo si Mike, ayaw ko siyang sumasali sa mga buwis buhay na trabaho na 'yan katulad ng grupo nilang Apollos, pero matigas ang ulo ng apo ko at kagustuhan parin niya ang sinunod niya hanggang sa maging kasintahan niya ang isang Mafia Queen, si Cindy Willford. You know her right? Yes you her and I know everything. Nalaman korin na balak ng yayain ni Mike si Cindy mag pakasal kaya ginawa ko ang paraan para mawala sa landas ng apo ko ang babae na 'yon, hindi ko siya gusto para sa apo ko. Mas mapapadali ang buhay ng apo ko kapag si Cindy ang pinakasalan niya. So sa kagustuhan Kong mawala si Cindy ay nadamay ang apo ko. Sinalo ni Mike ang bala ng baril na para sana kay Cindy, kaya mas lalo akong nagagalit sa babae na 'yon dahil kahit anong gawin kong pag papaligpit sa kaniya ay palagi nalang palpak ang mga tauhan ko. Hindi parin siya ma matay-matay tssk, kaya kinuha ko si Mike sa Hospital at pinalabas kong patay na siya, ilalayo ko siya sa mga kaibigan niya lalong lalo na sa Cindy na 'yon. I love my grandson so much kaya ayaw kong napapahamak siya" mahabang sabi ng matanda na ikina gulat ni Petra. Ang akala niya ay seryoso lamang ito kung titignan ngunit mabait dahil lola ito ni Mike, subalit nag kamali pala siya ng inaakala napaka sama pala ng matandang nasa harapan niya, ito ang nag Pa ambush nuon sa mga Apollos at ito rin ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay nasasaktan parin siya dahil sa pag aakalang patay na talaga si Mike
"Ganun kapo kasama? Kamuntikan ng makunan ang kaibigan ko, at muntik ng mamatay ang mga kaibigan ni Mike, dahil sa kagustuhan mong ipapatay si Cindy? Bakit hindi nalang po kayo maging masaya para sa apo niyo at hindi mo nalang siya suportahan kung saan siya masaya, bakit kailangan mopa siyang ilayo sa mga taong nag mamahal sa kaniya, si Cindy na mahal na mahal ni Mike, satingin mo anong mararamdaman ni Mike kapag nalaman niyang ikaw nag pautos na ipapatay si Cindy kasama ng mga kaibigan niya----
"Tumahimik ka, wala ng maraming salita. Pirmahan mon 'yan kung ayaw mong ilayo ko sayo ang anak mo at hindi kana aabutan ng bukas" pag babanta pa ng matanda, subalit umiling lamang si Petra
"Satingin mo, bubuhayin kita pagka tapos mong malaman ang mga dahilan ko kung bakit ko ginawa lahat 'yon" ani nito ,subalit natahimik lamang si Petra at namutla dahil sa mga narinig galing sa bibig ng matandang kaharap.
"mamili ka Petra papayag ka sa kagustuhan ko o kukunin ko si Mico at hayaan kona ang mga tauhan ko kung paano ka nila patayin" dugtong pa ng matanda
"Naging maka sarili man ako nuon, dahil sa pag mamahal ko kay Mike pero nuon 'yon, ngayon masaya na ako kasama ang anak ko. Hindi ako masama kagaya niyo!, kaya hindi ko matatanggap itong pinapa gawa mo!"lakas loob na sabi ni Petra at padabog ng umalis
//continue