CHAPTER -9

1741 Words
Kinabukasan hapon na ng maka labas si Petra ng hospital, pag labas pa lamang ay isang kulay itim na limousine na ang nag hihintay sa kanila pahatid sa Airport kung saan nag hihintay ang private airplane ng mga Kimson Mag mula ng malaman ni Petra ang tugkol sa pagka matay ni Mike ay wala na siyang naging tulog dahil sa sobrang pag hihinagpis, hindi siya maka paniwala sa nalaman. Makakaya paniyang maikasal sa ibang babae ang lalaking pinaka mamahal niya ang mahag lamang sa kaniya ay ang makita itong masaya at kahit hanggang tanaw na lamang siya dito ay masaya at kontento na siya. Pero ang malamang wala na si Mike ay para naring siyang unti-unting pinapatay dahil sa sobrang sakit ng puso niya. Matapos ang napaka habang byahe ay naka rating narin sila sa NAIA at ang mga tauhan ng mga Santiban ang sumundo sa kanila. At dahil madaling araw pa lamang ay sinabihan siya ng ninang Carmela niya na bukas pa sila pupunta ng Hospital kung nasaan sina Romuel kasama ng mga kaibigan nito. At hindi na siya nag salita pa dahil ramdam na ramdam niya ang pagod sa buo niyang katawan. Kina umagahan ay pagka tapos lamang mag almusal nina Carmela at Petra ay nag tungo na sila ng Hospital, hindi na nila naka sama si Aling Teresa dahil susunod lang umano ito. Ilang minutong biyahe ay naka rating narin sila at hindi na silang nag abala pang mag tanong sa information area dahil nasabi na sa kanila ni Mrs Paulyn ang Room number ng mga Apollo's "Joy anak! "Tawag ni Carmela sa anak nito ng maka lapit na sila dito, pagka tapos mag yakapan ay tsaka naman nag tanong ang ginang kung kumusta na umano ang Anak nitong si Romuel, napa hinga lamang ito ng maayos ng malamang maayos na ang mga ito maging ang pinag bubuntis ng asawa nito ay ligtas narin. "Ate Joy Si-si Mike? "Kinakabahang tanong ni Petra kaya napa baling sa kaniya ang babae. Malungkot itong umiling bilang pag tugon kaya naman ay tuluyan ng nawalan ng Malay si Petra pagka tapos niyang makompermang wala na talaga si Mike. Nagising si Petra sa isang hindi pamilyar na silid, kulay puti ang lahat ng nasa paligid, kaya naman ay ipinikit niya ulit ang kaniyang mata at ikinalma ang sarili pagka tapos ay muli niyang idinilat ang kaniyang mata. tsaka lamang niyang napag tantong nasa Hospital bed pala siya ng maalala niya kung bakit siya hinimatay. "Ninang"mahinang tawag niya sa ginang na mataman lamang na nag babasa ng pahayagan. Bahagyan pa itong nagulat pagka tapos ay ibinaba na nito ang hawak na binabasang dyariyo. " iha kumusta ang pakiramdam mo?"ani nito sa nag aalalang tono, malungkot namang ngumiti si Petra bago mag salita. "Ninang wala na talaga siya, ninang nasaan po ang katawan ni Mike gusto ko po siyang makita, huhuhu gusto kopo siyang mayakap kahit sa huling sandali lang po please"umiiyak na niyang sabi, kaya mas lalong nag alala ang ginang. "Tamana na iha, makakasama 'yan sa dinadala mo" pag aalo nito dahilan upang saglit na mapa hinto sa pag iyak si Petra. "Ano ho?" Naguguluhan niyang tanong, kaya naman ay hinaplos ng ginang ang kaniyang maganda na niyang mukha. "Buntis ka iha, mahigit three weeks na kaya huwag kana masyadong umiyak, makaka sama 'yan sa baby mo at sa skin mo sa mukha" ani ng ginang na ikina tigil naman ni Petra at sa pagka gulat ay napa awang ang kaniyang labi at nanlaki ang kaniyang singkit na niyang mata. Mahigit isang oras rin pagka tapos ikalma ni Petra ang kaniyang sarili, kahit gustohin man niyang huwag umiyak ay hindi niya parin mapigilan ang mga luhang kumakawala sa kaniyang mata. "Ate Anne, gusto ko pong makita si Mike"garalgal ang tinig na wika niya, ng maka lapit siya dito at hindi na siya nag abalang tignan ang mga kasama nito. "I'm sorry Petra, pero wala na"ani nito na nag pakunot nuo sa kaniya "Anong wala na? Papaanong wala, wala ba siya sa Morgue ano nasaan--- "ipina cremate na ang bangkay niya kahapon, hindi rin namin nakita at hindi rin namin alam, ngayon lang din nalaman" ani naman ng isang babae, maiksi ang buhok nito at napaka lamig at seryoso ng awra nang mukha nito Halos hindi naman maintindihan ni Petra ang mga sinagot ng babae, dahil ayaw pumasok sa isip niya ang mga sinabi nito, kaya ipinaulit pa niya dito upang makompermang totoo ba ang narinig niya. "A-ano? " tulalang tugon niya "Kinuha na ng lola ni Mike ang abo ng bangkay ni Mike, pagka tapos ipa cremate"ani nito kaya naman ay tuluyan na siyang napa upo sa tabi ni Anne habang siya ay naka tulala parin at patuloy na naman sa pag agos ang kaniyang mga luha. 'Kung ganun tuluyan ko na siyang hindi makikita, kahit bangkay man lang niya hindi ko nakita at hindi ko man lang siya nayakap.'pag wawala ng kalooban niya. Tatlong taon ang lumipas, umiiyak habang buhat-buhat ni Petra ang walang malay niyang dalawang taon gulang na anak papasok ng hospital Mag mula ng mawala si Mike at malaman niyang nag dadalang tao siya ay tuluyan na siyang nag pakalayo layo, kung saan walang nakaka kilala sa kanya, meron siyang sapat na naipon nuon kaya iyon ang ginamit niya upang mag pagka layo-layo, ngunit nag paalam naman siya ng maayos sa mga Pamilya Kimson at wala naman pag tutol ang mga ito dahil nakaka unawang pumayag naman ang mga ito, ngunit hindi niya sinabi sa mga ito kung saan siya pupunta kaya naman ay heto na siya ngayon nakikipag sapalaran sa Canada, isa na siyang kindergarten teacher at isa sa mga batang tinuturuan niya ay ang kaniyang anak, lagi niya itong kasama at hindi iniiwan kahit siya ay nag tatrabaho, subalit isang pag subok sa kanilang mag-ina ang hindi niya inaasahang mang yayare Merong leukemia ang kaniyang anak, kaya hindi niya ito maiwan-iwan. Sobrang bait at malambing na bata si Mico at ito lamang ang meron sa kaniya kaya sobrang mahal na mahal niya ang kaniyang anak. "Manuel kamusta ang anak ko? Tell me, okey na siya diba?" Kinakabahang ani ni Petra sa kaniyang kaibigan na isang pilipino Doctor na matagal ng naninirahan sa Canada, magka lapit lamang ang tinitirahan nila kaya ito ang unang naging kaibigan niya at ngayon ay nanliligaw narin sa kaniya. "I'm sorry Luisa, pero sobrang Malala na ang sakit ni Mico, kailangan ng maka hanap ng Bone marrow donor para sa kaniya, dahil baka kumalat sa lahat ng buto niya sa katawan ang--- "No! Please Manuel gawin niyo ang dapat gawin para mailigtas at mabuhay lang ang anak ko, please Manuel nakiki usap ako"umiiyak na sabi ni Petra. Sobrang awang awa siya sa kaniyang anak, dahil napaka bata pa nito para maranasan ang sobrang pag hihirap nito. Siya ang ina subalit wala siyang magawa upang gumaling ang kaniyang nag-iisang anak, sinubukan na niyang magpa tingin upang maging donor ng kaniyang anak subalit hindi sila match ng anak niya, at sabi sa kaniya ni Manuel ay kung hindi sila match ni Mico ay marahil ay sa tatay nito ang maka match ng bata. Subalit paano? Anong gagawin niya gayung tatlong taon ng patay ang ama ng anak niya. "Kailangan maisagawa ang bone marrow transplant Luisa, one week lang ay baka hindi na kayanin ni Mico Ang leukaemia niya. Wala kabang ibang kamag anak? Kapatid o mga magulang pwede silang matignan baka sakaling may mag match para kay Mico" saad ni Manuel kaya mas lalong napa iyak si Petra, ulilang lubos na siya at tanging ang anak lamang niya ang natitirang kadugo niya. Sunod-sunod ang pag iling niya bilang pag tugon kaya walang nagawa ang binata kundi ang yakapin siya. "Luisa, kung wala sayo baka sa pamilya ng ama ni Mico" saad pa ng Doctor,kaya naman ay saglit na napa isip si Petra, wala siyang kilala at alam sa mga kamag anakan ni Mike, ang alam niya ay wala itong kapatid at nag iisang taga pag-mana ayun narin sa mga nabasa niyang information tungkol sa lalaking pinaka mamahal niya. At kahit matagal ng wala si Mike ay patuloy parin niya itong minamahal "Walang kapatid si Mike, wala rin siyang mga magulang"mahinang tugon niya. Dalawang araw ang lumipas, wala paring maayos na tulog si Petra at hindi narin siya nakaka pag trabaho maging ang pagkain niya ay nakaka limutan na niya, dahil abala siya sa pag hahanap sa pwedeng maka tulong sa kaniyang anak. Hanggang sa sumapit ang dapit hapon at kasalukuyan na siyang palabas sa pinto ng kaniyang apartment ng may biglang lumapit sa kaniya na limang mga naka yunipormadong mga kalalakihan na siyang labis na nag pakaba sa kaniya, pagka tapos ay napa dako naman ang kaniyang tingin sa isang magarang limousine ,duon nga'y nakita niya ang isang may katandaang babae, kulay itim lahat ng buhok nito at halatang alagang-alaga ng isang saloon. dahil wala man lang makikitang puting buhok dito gayung may hawak na tungkol ang babae, at medyo kumukulubot narin ang balat nito dahil sa katandaan at nahahata iyon kahit mistisa ito. "Petra, Petra Petra Luisa Cabio, sawakas at naka harap narin kita" ani ng babae, kaya napa kunot nuo ang dalaga dahil hindi nito kilala ang matandang babae, kaya nag tataka siya kung bakit alam nito ang buong pangalan niya at halatang kilalang kilala na siya nito. "Mawalang galang na ho, sino ho kayo at anong kailangan niyo po?"magalang niyang wika sa babae, at hindi niya mapigilang pasadahan ito ng tingin dahil kahit hindi niya ito kilala ay alam niyang napaka yaman marahil nito Nakapa donya ng dating nito, nakaka silaw rin ang mga suot nitong puro nag lalakihang mga alahas, mukha itong masungit dahil sa naka simangot nitong mukha maging ang hawak nitong tungkod ay kulay ginto rin. " satingin ko ikaw ang may kailangan saakin Petra, we'll hindi na ako mag paligoy ligoy pa, nandito ako para tulungan ang apo ko"ani ng babae, kaya mas lalong naguluhan si Petra sa tinuran ng babaeng kaharap "Apo? Anong--- Hindi na niya naituloy ang kaniyang sasabihin ng mag salita ito "si Mico, apo ko siya at anak siya ni Mike diba?" Ani ng babae na siyang labis na nag pagulat kay Petra Nanlaki ang mata niya at pinaka titigan ang mukha ng babaeng kaharap, at duon lamang niya napansin na may pagkaka hawig nga ito kay Mike, kahit kulubot na ang balat nito sa mukha. Ay hindi parin maitago ang kagandahan nito //Continue
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD