Mahigit isang buwan ang lumipas, mag mula ng may mangyare kina Petra at Mike, umuwi na lamang ang mga kaibigan ni Romuel ay hindi parin nag pakita si Petra, hindi siya nag pakita sa mga ito lalo na kay Mike dahil natatakot siya na baka maalala ni Mike na hindi pala si Cindy ang naka sama nito
Mag mula sa araw na iyon ay walang araw ang lumipas na hindi inaalala ni Petra ang binata, araw-araw niyang tinitignan kung ano na ang update sa social media tungkol sa lalaking pinaka mamahal niya
Subalit bago paman umalis ng bansa si Petra ay nag pakita muna siya kay Mike, pinuntahan niya ito kahit sa huling pag kakataon lamang. dahil alam niyang pag balik niya ng pilipinas ay marahil sa araw na iyon ay wala na siyang babalikan na Mike dahil sa araw na iyon ay marahil ay kasal na ito sa babaeng totoong mahal nito.
Kasalukuyan siyang nasa Hospital ngayon at dalawang araw na siya naruon at nag papahinga, hinihintay niya ang araw na pag alis ng benda sa kaniyang mukha, sa Kabila ng pangu-ngulila niya kay Mike ay natuon naman ang kaniyang atensyun sa pag sasagawa ng plastic surgery para sa kaniyang mukha. Katulad ng ipinangako sa kaniya ni Joy o sa mas kilala sa pangalang Anne ay tinupad nga nito ang sinabi nitong papagandahin siya nito kaya naman ay sobrang pasasalamat niya sa lahat ng pamilya Kimson
"Petra, iha! god ako na ang na e-excite para sa bago mong mukha"masayang sabi ng Ninang Carmela niya.
"Ay sorry bawal kapa palang mag salita, haayst four days pa bago natin makita ang resulta at sobrang na e-excite ako kaya hindi na ako maka pag hintay"saad pa ng ginang
Sa loob-loob naman ni Petra ay halos gusto niyang tumili at sumigaw dahil sa kaligayahang nararadaman niya ,kinakabahan siya dahil baka hindi mag success ang operation at excited rin naman dahil sawakas ay nabago narin ang kaniyang mukha.
Sobra siya nag papasalamat sa mga taong tumulong sa kaniya at itinuring siya bilang totoong anak at kapatid.
Sumapit ang ikapitong araw na pananatili ni Petra sa hospital at pwede na rin siyang mag salita, kaya naman ay inusisa na niya ang Ninang Carmela niya kung bakit limang araw na ay hindi niya makita si Anne.
"Ninang si Ate Joy po?"aniya
"Nasa mga Santiban , excited na akong makita ang bagong mukha mo, para maka alis narin tayo sa hospital na ito "
"Bakit po? "Aniya at napatingin pa siya sa isa pang matanda na kasama nito. Ang babaeng nag aruga at kinilalang ina ng ate Anne niya
"Umuwi ng pilipinas, Two weeks na nag aalala nga ako eh dahil hindi ko siya makontak kahapon pa "ani ni Carmela
"Tumawag na ho ba kayo sa mga Santiban?"aniya, kaya naman ay buhat sa tanong na iyon ay napa tayo kaagad ang ginang upang kunin ang Cellphone nito.
"Oo nga no, bakit hindi ko naisip ang mga Santiban"ani ni Carmela at kaagad ng tinawagan ang Cellphone number ni Mrs Paulyn Santiban.
"Future bala-e ,oo ako nga to, yes by the way itatanong kulang kung bakit hindi ko makontak si Joy, what!? Oh my god anong nangyare? So ang anak ko kumusta siya? Thanks god sige uuwi rin kami diyan ,hmm yes Tommorow uuwi kami diyan" rinig niyang wika ng Ninang Carmela niya, hindi niya mapigilang kabahan dahil mukha itong balisa pag-katapos maki pag usap nito ay bumalik na ito sa tabi niya
"Ninang bakit po? " aniya
" nasa hospital lahat ng mga Santiban, nanganak naraw umano si Paula, at nagka ruon ng problema kaya hindi ko makontak si Joy" ani ng ginang na halatang sobrang nag aalala talaga ito.
"Ano ho 'yon? Ano pong probelma?"pag uusisa niya
" inambush silang lahat mag kakaibigan, maraming sugatan sa kanila kasama naruon ang kuya Romuel mo, pati ang asawa niya god, kamuntikan ng mawala ang apo ko at isang namatay sa kanila" tugon nito kaya naman ay buhat sa narinig ay nilukob siya ng kaba para sa lalaking mahal niya. Maging sa kaniyang matalik na kaibigan
Oo nagka balikan na ang kuya Rom at ang kaibigan niya at mag-asa na ang mga ito, ngunit buhat sa narinig tungkol sa binanggit nitong namatay ay hindi niya mawari kung bakit napaka bilis ng t***k ng puso niya at kung bakit siya kinakabahan ng sobra.
"Ninang sino ho ang namatay sa mga kaibigan ni Kuya Rom?" Kinakabahang tanong niya at lihim na nag dadasal para sa kaligtasan ng lalaking pinaka mamahal niya.
"Mamaya kona sasabihin iha, kapag natanggal na ang benda sa mukha mo" ani ng ginang at ng akmang tutol pa sana siya ay hindi na niya naituloy ang kaniyang sasabihin dahil pumasok na ang dalawang Amerikanong Doctor na nag sagawa ng kaniyang plastic surgery
Ang kanina kaba na lumulukob sa kaniya dahil sa balitang kaniyang narinig ay dinag-dagan pa lalo na't unti-unti ng tinatanggal ang puting telang naka harang sa kaniyang mukha.
"Beautiful "manghang wika ni Carmela kaya napangiti ang dalawang Doctor pagka tapos ay inabot sa kaniya ang isang pabilog na salamin, nangi-nginig man ang kaniyang kamay dahil sa kaba ay tinanggap niya parin iyon at dahan dahan inangat patapat sa kaniyang mukha.
Hindi niya mapigilan ang mapa singhap dahil sa sobrang pagka mangha sa kaniyang nakikita, ang dating napaka daming tigyawat ay ngayon ay napaka kinis na, ang dating napaka laking mata ay ngayon ay pinasingkit na, maging ang dating ilong na animoy ilong ng isang kingkong ay ngayon ay napaka tangos na at ang dating makapal na labi ay ngayon ay napaka nipis na at hugis puso na.
Kina hapunan, kanina pa napapansin ni Petra ang pagiging balisa ng ninang Carmela niya, kanina paniya ito tinatanong kung ano ngaba ang gumugulo sa isip nito.
"Ninang nahihilo napo ako sa inyo, bakit poba hindi niyo nalang po sabihin---
"Petra kaya mona ba? Babalik tayo ng pilipinas bukas, nag aalala ako sa magiging apo ko at sa mga anak ko"
"Pero hindi po ba sabi niyo daplis lang ang natamo ni Kuya Rom, at 'yung tinatanong kopo ninang hindi mo parin sinasagot" aniya, kaya naman ay napa hinto sa pag lakad ang ginang at napa tingin sa kaniya
"Iha hindi ko pwedeng sabihin sayo dahil baka umiyak ka, eh katatanggal lang ng benda sa mukha mo"nag aalalang saad nito
"Bakit po? Ninang naman eh pinapakaba mo lalo ako eh"
"Si-si Mike" malungkot na sagot nito, hindi lingid sa kaalaman ng Ninang Carmela niya ang labis na pag mamahal niya para Kay Mike, naikwento na niya dito ang tungkol sa dinadala niyang problema at maging tungkol sa pagka humaling at ginawa niya kay Mike ay naikwento narin niya dito. At mabuti na lamang ay wala siyang narinig na masakit na salita dito, bagkus ay pinayuhan pa siya nito.
"Bakit po ninang, Anong meron kay Mike? Anong nangyare sa kaniyang? Kasama poba siya sa mga nasugatan? "Sunod sunod niyang tanong kasabay ng pag bilis nang t***k ng puso niya dahil sa sobrang kaba.
"Wa-wala na s'ya iha, Si-si Mike pa-patay na siya" nahihirapang tugon nito at napa tutop na lamang ito ng sariling bibig upang pigilan ang pag iyak nito.
Halos tumigil naman sa pag hinga si Petra at parang pinag takluban siya ng langit at lupa buhat sa kaniyang narinig, napa awang ang kaniyang bibig at nanlaki ang kaniyang mata. Hindi na niya namamalayan ang kaniyang mga luha na kumawala sa kaniyang mga mata na animoy wala ng balak tumigil sa pag agos.
Napa iling siya ng kaniyang ulo kasabay ng pag taas baba ng kaniyang balikat dahil sa pag habol ng kaniyang hininga, biglang sumikip ang pag hinga niya at pakiramdam niya ay dinurog siya ng pinong pino
"Hindi, sabihin mong nag bibiro kalang ninang, hindi huhuhu hindi ang Bebe ko, huhu Mike"umiiyak na ani ni Petra at napa yakap na lamang siya kaya Carmela
"Tamana iha, bawal sa skin ng mukha mo ang---
"Wala akong pakealam, ano pang silbi ng ganda ko kung wala na ang lalaking dahilan kung bakit ako narito ngayon" putol niya sa sasabihin ng ginang at humagulgol na siya.
//Continue