MIKE POV
Damn sobrang sakit ng ulo ko, kakagising ko lamang subalit si Cindy na kaagad ang hinahanap ng mga Mata ko, hilot ang sintido ay bumangon na ako upang makaligo na, subalit pag bangon ko pa lamang ay kaagad akong napa kunot nuo dahil sa ayos ko
Damn bakit wala akong suot, sh*t totoo kaya 'yung kagabi? Basta napana ginipan kong may nangyare saamin ng girlfriend ko at 'yon ang first night namin
'Hmm baka sa sobrang kalasingan ko, hindi kona matandaan ang pag hubad ko sa sariling saplot ko, baka ganun nga ang nangyare' bulong ng isip ko, ngunit nang maka tayo na ako ay may nakita akong kulay pula sa higaan, at hindi ako tanga para hindi malaman 'yon. Sh*t so it's true? Hindi nga ako nanaginip? ,I'm with cindy yesterday night? Sh*t nangako ako sa kan'ya na gagawin lang namin ang bagay na 'yun kapag naikasal na kami
Pagka tapos kong matitigan ang patunay na nakuha kona ang v*rginity ng pinaka mamahal kong babae ay napa ngiti ako, we made love sh*t, ang saya ko.
Nag tungo na ako sa banyo upang maligo, subalit kaagad kong napansin na hindi pala ito ang cottage namin dalawa ni Cindy, so kaninong room to? Haayst bakit wala man lang akong maalala ganun naba talaga ako ka sobrang kalasing kagabi para hindi ko matandaan kung paano ako napunta dito.
Kinuha ko nalamang ang mga suot kong nag kalat sa sahig at isunuot ko 'yun ulit. Pagka tapos ay lumabas na ako upang mag tungo sa cottage namin ni Cindy at duon nga'y nakita kong natutulog siya at kasama nito sa kama si Layla.
'Hmm natulog ba siya ulit dito?'nag tatakang tanong ng isip ko, lumapit ako sa kaniya upang titigan siya at napansin kong tulog mantika parin siya hmmm baka sobrang napagod ko siya kagabi kaya siya naka tulog ulit, pero bakit dito? Bakit hindi sa kamang hinigaan ko?'ani ng isip ko subalit sinawalang bahala ko nalamang at inilapit ko ang mukha ko sa kaniya upang hagkan ang nuo niya, pagka tapos ay nag pasya na akong maligo.
Ilang minuto lamang ay tamang tama pag labas ko ng banyo ay nakita kong gising na si Cindy, naka hawak pa ito sa nuo nito at marahil dahil parin sa hangover kaya nito hinihilot ang sintido nito.
"Good morning babe"ani ko at lumapit sa kaniya upang hagkan siya sa nuo.
"Hmm good morning"tugon niya at yumakap siya sa bewang ko habang naka pikit ang Mata nito. Mukhang antok na antok parin siya
Kahit napaka daming natatakot sa Queen ko, pero pag dating saakin at sa pamilya nito ay napaka lambot niya at napaka lambing iyon ang ugali ng babaeng pinaka mamahal ko.
Hinalikan konulit siya nuo pagka tapos ay yumuko ako upang buhatin siya ng pang bridal style "still sore? "Bulong ko na ikina kunot nuo niya.
"Sore what? What did you mean babe?"aniya habang naka kunot nuo parin.
"Ohh c'mon don't be shy my Queen, I know everything we did yesterday night" aniko na siyang mas lalong nag pakunot nuo sa kaniya.
"Hmm really? Sobrang nalasing ako babe kaya wala akong maalala, hmm anong ibig mong sabihin? Anong ginawa natin?"aniya
"Alam kong nangako ako sa'yo na gagawin lamang natin 'yon sa unang gabi ng kasal natin, but believe me babe ang akala konga nanaginip lang ako pero it's true ginawa nga natin 'yun after I saw the ----
"Ewan ko sa'yo ibaba muna ako kaya kona babe maligo mag isa" putol niya sa sasabihin ko kaya naman ay pinasok kona siya sa banyo pagka tapos ay lumabas narin ako dahil ayaw niya talagang bana bantayan ko siya sa pag ligo, haayst ano pabang kinakahiya niya eh may nangyare nanga saamin.
PETRA POV
"Petra? Bakit ganiyan ang mukha mo? Matagal pa ang halloween" saad ni Layla ng maka pasok ito at naupo ito sa tabi ko habang ako ay naka higa lamang at naka tulala sa kisame
"Huy! Bakit para kang na engkanto diyan? Ang laki ng eyebugs mo Petra, hindi kaba natulog?" Ani ulit nito, Ngunit nanatili lamang akong tahimik iniisip ko parin ang tungkol sa ginawa kong kagagahan
"Petra ano ba, ayusin mona 'yang sarili mo, mag aalmusal na, mamayang alas nuwebe uuwi na tayo "inis na ani nito , ngunit ng walang matanggap na tugon ay bumuntong hininga na lamang ito at tinapik ako nito sa braso bago tumayo na.
"Lalabas na ako, bumangon kana diyan " saad uli nito, subalit hindi na ako nag abala pang lingunin ito hanggang sa maramdaman ko ang pag alis niya at marinig ko ang pag bukas Sara ng pinto
Ilang minuto akong naka tulala hanggang sa marinig kona ang pag kalam ng sikmura ko 'haayst hindi nga pala ako naka kain kagabi, pano ba naman kasi ibang dinner ang kinain ko'tili ng isip ko kaya mabilis kong pinilig ang ulo ko upang mawala na 'yon sa isip ko. Subalit kahit anong gawin ko ay hindi parin mawaglit waglit sa isip ko ang lahat ng bawat detalye ng mga nangyare saamin ng Bebe Mike ko.
Tumayo na ako upang mag tungo sa banyo at nang maka pasok ay saglit akong tumigil sa harapan ng salamin at pinaka titigan ang nakaka takot kong pag mumukha.
"Ayan na naman kayo, Manganganak na naman kayo, kailan niyo ba ako iiwan? Sabi nila mahalin mo para iwan ka, haayst mahal na mahal kona nga kayo eh, ilang taon ko kayong iningatan kaya pwede ba iwan niyo na ako, umalis na kayo para naman gumanda na ako" aniko habang kinakausap ko ang mga tigyawat ko sa harap ng salamin, hinaplos ko ang mga tigyawat ko na halos mamimisa na dahil sa laki at sobrang dami. Habang hinahaplos ko ang Oily kong pag mumukha ay bumaba ang tingin ko sa Labi ko at muli ay naalala ko naman kung gaano kasarap humalik ang bebe Mike ko.
Maya-maya lang ay napag pasyahan ko ng maligo at habang naliligo ako at sinasabunan ko ang makinis kong mga binti ay muling nanumbalik muli sa ala-ala ko ang mga naganap saamin ng bebe Mike ko
Hindi ako maka paniwala at masasabi kona talaga sa sarili ko na ganap na talaga akong babae at hindi na talaga ako V*rgin, subalit hindi ko 'yon pinag sisisihan bagkus ay panalangin ko na lamang ay mag bunga nga ang isang gabing kalokohan ko. Ang gabing pinag saluhan namin ng lalaking pinaka mamahal ko
At kahit sa isipin na sa buong akala ni Mike ay si Cindy parin ang kasama nito at katalik nito ay pinag sawalang bahala ko na lamang. kahit sobrang sikip na ng dibdib ko at ramdam na ramdam ko ang kirot sa puso ko dahil sa isiping Ako ang kasama niya at katalik pero ibang pangalan ang sinasambit nito satwing uulos ito. Ang buong akala ni Mike ay si Cindy parin ang kasama nito at sa buong gabi ay hindi lang tatlong beses narinig kong binanggit ni Mike ang pangalan ng nobya niya habang sila ay nag tatalik.
//Continue