Chapter 3:Kiss
“Ayos lang naman ako here, ikaw ba?”
Pinagpupunit ko ang mga dahon na hawak-hawak ko ngayon. Nandito ako sa garden ni Lola, kausap sa phone si Cosmo. It’s twelve midnight at kanina pa kami magkausap. Mga ten yata nang evening. Wala kasi akong magawa so sabi ko, wala akong makausap. He offered na tatawag daw siya para may makausap raw ako.
Choosy pa ba ako? Crush ko na ang tatawag sa akin, magi-inarte pa ba ako? Hindi na rin, ano.
“Ito, inaaral ko ‘yong scripts para sa play next next week para sure. Magiging busy rin kasi ako mamaya dahil sa plates na gagawin ko.” I heard him heaving a sigh.
Oo nga pala, architectural ang kinukuha niyang course. Bukod raw kasi sa pagiging artista ay iyon rin ang gusto niya, ang maging Architect. Not bad kasi bagay naman sa kaniya maging Architect. Nakita ko na rin ang mga plates niya ‘cause some of it were uploaded on his social media accounts. I stalked him kasi kanina.
Hindi ko siyang pwedeng jowain nang hindi ko nakikita ang laman ng social media niya. Chos.
“Ang busy mo naman pala, Architect Estrella.” Ngumisi ako at umupo sa isang upuan hindi kalayuan sa akin.
“Yea.” I heard him chuckle.
Nagpande-kwatrong upo ako at nangalumbaba habang nakatingin sa isang puno na naglalaglagan ang dahon. An idea popped out of my mind.
“Kailan nga pala ang play niyo, Architect? Manonood kasi ako.”
“Really?”
I hummed, waiting for him to continue talking. Nangunot na lang ang noo ko nang nanatili na siyang tahimik. Hindi na siya sumagot.
“Hello?”
Paulit-ulit akong nag-‘hello’ ngunit parang wala siyang naririnig. Wala na ring tunog sa kabilang linya kaya inalis ko ang phone ko sa tainga ko at tinignan. On-going pa rin naman ang call namin pero hindi na siya sumasagot.
“Hello, Cosmo? Still there?”
Sinubukan ko ulit magsalita ngunit wala na talaga. Inis kong inalis ang phone ko at pinindot ang end button ng call namin. Napasimangot na lang ako dahil na-realize ko na nakatulog na siguro siya.
“’Kainis, tulugan ba naman ako,” I murmured.
Masama ang loob, tumayo na ako at pinagpagan ang sarili ko. Tahimik akong pumasok sa loob ng bahay at umakyat sa itaas ng kwarto ko kung saan nakita ko si Leighanne na tulog na tulog na. Nakanganga pa.
Natawa na lang ako sa itsura niya. Kinuha ko ang phone ko at pigil ang tawang kinuhanan siya ng photo. Naka-isip ako ng magandang ideya na gawin sa picture niya kaya ngumisi ako. Yari siya sa akin bukas.
Kinabukasan, papikit-pikit pa akong pumasok sa loob ng classroom. Mabuti na lang at wala pa si Ma’am Mijares dahil paniguradong pagp-push up-in niya ako sa field kung late ako. Ayaw ko ng ganoon dahil ayaw kong atakihin ako ng sakit ko kaya sinisikap kong gumising nang maaga para lang hindi ako mahuli sa klase.
Bait ko kayang estudyante. Wala akong late ni isa, huh. Baka absent meron pa, pero kaunti lang iyon. Kadalasan pa ay may check up ako kaya kailangan kong lumiban.
“Aubri, ‘di ka na p*kpok, Aubri?”
Pangb-bwisit ang sinalubong sa akin ng kaibigan kong si Kendric. Sinamaan ko siya ng tingin kahit pa papikit-pikit ang mata ko. Napahikab pa ako kaya tuluyan nang nawala ang mata ko.
“Tigilan mo ako, Ken, ang aga-agang pangb-bwisit ‘yan.” Tsaka ako umupo sa armchair ko at umub-ob.
Inaantok pa ako dahil anong oras na inabot ang usapan namin ni Cosmo. Tinulugan pa ako kaya bwisit na bwisit na talaga ako simula kagabi. Ang antukin naman ng future jowa ko.
“Ikaw naman, Aubri my loves, ‘di ka na mabiro, e.”
Narinig ko ang pag-halakhak niya kaya inis ko siyang tiningala. Sinamaan ko siya ng tingin na mas lalo niyang ikinatawa.
“Bakit ba kasi antok na antok ka, ha?” tanong niya nang matapos siyang tumawa. ”Ikaw, ha. Saan ka galing kahapon? Hindi ka um-attend ng last class mo,” dagdag niya pa.
“Ha?”
“Saan ka-“
“Hang chismoso mo, sarap paputukin ng labi mo,” inis kong sabi at muling umub-ob.
“Bwiset.”
Natahimik ang paligid pero hindi pa rin ako tumingala. Antok na antok ako, gusto kong matulog pa.
“Ma’am, si Aubriana, natutulog!”
Mabilis akong tumingala dahil sa isinigaw ni Kendric. Sumimangot na lang ako nang magtawanan silang lahat. Bwisit talaga. Wala pa si Ma’am!
“Bwisit ka, Kendric Arioles!” sigaw ko sabay hagis sa kaniya ng bag ko.
Humagalpak siya ng tawa habang naka-hawak sa tiyan niya, animong tawang-tawa talaga siya sa kalokohan niyang bwisit siya. Sarap pasabugin ng ngala-ngala niya. Bwisitin niya na ang lahat, ‘wag lang ang kulang sa tulog na si Aubriana Cuarez!
“Love you, too, Aubri!” sagot niya, tawang-tawa pa rin.
Ilang saglit pa ay dumating na si Ma’am kaya nagtuloy-tuloy na ang araw ko. Ang mas nakaka-bwisit lang ay walang paramdam si Cosmo. Pero, wala naman akong karapatang magreklamo, e.
Awts gege.
“Ano na nangyari sa inyo ni Morius?”
Nasa hallway na kami ni Leighanne at Kendric patungong cafeteria. Nagsisilbi akong thirdwheel sa kanilang dalawa dahil ako lang ang walang kasama. Boyfriend kasi ni Leighanne si Kendric kaya palagi akong thirdwheel tuwing magkakasama kaming tatlo. Ayos lang rin naman sa akin dahil nakakalibre ako sa kanila lalo kapag may date silang dalawa na kasama ako.
Hindi rin naman pwedeng mag-date sina Leigh at Ken nang wala ako. Sinabi ko na sa kanila ‘yan, dati pa lang dahil mapapagalitan si Leighanne kapag hindi ako kasama. Baka daw may mangyaring kababalaghan. Chos. Ako talaga nagsabi niyan, naniwala naman silang sinabi talaga ‘yon nila Tita at Tito. Isa pa, kaya sinabi kong kailangan palagi akong kasama ay para palagi akong libre ng foods. Saya kaya maging thirdwheel.
“Ayon, buntis na ako.” Gulat akong nilingon ni Ken. “Charot. Ang assumera ko naman.”
Binatukan ako bigla ni Leighanne kaya napa-‘aray’ ako sabay sapo sa parteng binatukan niya. Charot charot lang naman, e. Joke lang ‘yon. Ang killjoy niya naman masyado. Bawal na ba chumarot ngayon? Magtatawanan nga dapat kami kasi ‘yon ‘yong bonding.
“Baliw ka ba? Feelingerang ‘to. ‘Di ka naman Fil-Am pero bakit ang feelingera at ambisyosa mo?”
Sumimangot ako dahil sa sinabi niya. Inakbayan naman ako ni Ken sabay tawa.
“Baby, ang sama mo naman kay Aubri.”
Gusto kong masuka sa sinabi niya. Baby!? Ew!
“’Kadiri!” sigaw ko.
Humagalpak nng tawa si Leigh sabay hampas sa braso ko.
“Girl, ikaw na nga lang makiki-thirdwheel magrereklamo ka pa. Ginusto mo ‘yan, panindigan mo.” Tumawa siya ulit.
Pina-ikot ko ang mga mata ko sabay tanggal sa braso ni Kendric na nasa likuran ko. Dinilaan ko siya sabay tulak papunta kay Leigh.
“Ang sama ng ugali niyo. Mga kampon talaga kayo ng kasamaan. Kapag talaga naging jowa ko si Cosmo, who you kayo sa akin. Friendship over na tayong lahat. Ha. Mark my words!”
Nagkatinginan sila at parehong umiling. Bigla silang tumawa nang malakas kaya hinampas ko sila.
“Luh, bhie, assumera siya, o!” Tinuro ako ni Leigh sabay ngiwi.
“Oo nga, bhie!” Ngumiwi rin si Kendric.
Sa inis ko sa kanilang dalawa ay tinulak ko sila papasok ng Cafeteria at nilayasan sila. Nakakainis talaga minsan ‘yong dalawang ‘yon. Asarin ba naman daw ako. Galing talaga. Pag-break-in ko kaya silang dalawa?
“Bwiset kayo pareho,” I murmured.
Patuloy kong pinagsisi-sipa ang mga batong nagkalat sa dinaraanan ko. Nasa garden na ako ngayon at wala akong balak na bumalik sa Cafeteria kahit pa hanapin nila ako. Suyuin nila ako, baka sakaling bumigay pa ako. Bwisit.
Tiningala ko ang ulo ko at parang nag-form into two hearts ang mata ko nang makita ang building nina Cosmo. Sa kalalakad ko ay hindi ko namalayang dinala na pala ako ng sarili kong mga paa sa building ng crush ko. Urgh! I love myself na talaga, super!
Dali-dali akong naglakad papunta roon at sinalubong naman ako ng malamig na hangin nang biglang humangin nang malakas. Hinawakan ko ang laylayan ng suot kong skirt at pinigilan iyon sa paglipad.
May napamura sa likuran ko kaya mabilis ko iyong nilingon sabay hawak sa laylayan ng skirt ko sa likod. Kita na pala iyon! At ang mas nakakahiya pa ay si Cosmo ang nakakita noon! Papaano ay narito pala siya sa likuran ko, mukhang papunta na rin siya rito sa building nila. May dala-dala pa siyang mga plates niya siguro.
“Omygosh,” I whispered.
Parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa ngayon. Nakakainis! Badtrip ‘yong hangin dahil wrong timing!
Umiwas ng tingin si Cosmo at lumapit sa akin. Iwas pa rin ang tingin niya kaya mas lalong namula ang buong mukha ko. Parang gusto ko na lang tumakbo paalis rito pero hindi ko na pwedeng gawin ‘yon dahil mas magmumukha pa akong tanga lalo’t nasa harapan ko na ngayon si Cosmo.
“Please, hold the hem of you skirt tightly. Malakas ang hangin, masisilipan ka,” biglang sabi niya kaya feeling ko, lahat ng dugo sa katawan ko ay umakyat na sa ulo ko.
Hiyang-hiya na ako rito! Paniguradong nakita niya na ang undies ko! Nakakainis. Nakalimutan ko kasing magsuot ng cyclings kaninang umaga lalo at nagmamadali ako!
Hinipan ko ang buhok ko para harangan ang mukha ko. Nang mawala ang hangin ay binitawan ko na ang palda ko at nahihiyang tinignan siya. Lumapit siya sa akin, akmang may ibubulong.
“Buti na lang ako lang ang nakakita. I saw your pink underwear,” bulong niya na nagpatayo sa balahibo ko.
He chuckled after seeing my reaction. Nanlalaki ang mga mata ko at naka-slightly opened na naman ang bibig ko. Isinara niya ang bibig ko at matalim na tinignan ang labi ko kaya na-conscious ako. Mariin akong pumikit, at ilang saglit pa ay wala akong maramdaman kaya idinilat ko ang mata ko.
Binitawan niya ang baba ko at nag-pigil ng tawa. Alanganin na lang rin akong nakitawa para hindi halata ang pagka-pahiya ko na naman. Kotang-kota na ako ngayong araw na ito! Bawas points na tuloy!
“Akala mo hahalikan kita?” natatawang tanong niya.
Hindi ako makasagot sa tanong niya, bagkus ay ngumiti na lang ako at kinamot ang ulo ko.
“Pwede naman?”
Gulat ko siyang tiningala at huli na ang lahat dahil naglapat na ang labi naming dalawa.