Chapter 4

2505 Words
Chapter 4:Rendezvous Mabilis kong itinulak si Cosmo at gulat siyang tinignan. Kumunot ang noo niya at lumapit sa akin. “B-Bakit?” he asked. Mabilis akong umiling at hinawakan nang marahan ang labi ko. Pinisil-pisil ko iyon at ilang siyang tinignan. He licked his lips. “W-Wala…” Umiwas ako ng tingin. Inikot ko ang mga mata ko at nag-isip ng pwedeng sabihin. Nahihiya ako. Hindi ko inasahan ‘yong halik niyang iyon! Kahit pa ultimate crush ko siya, naiilang ako. Imbes na kilig ay kaba, ilang, at hiya ang nararamdaman ko. Nakagugulat! Hindi ako makapaniwala. “U-Uh, papasok ka na p-pala?” Ang likot ng mga mata ko. Hindi ako makatingin nang deretso sa mga mata niya. Nakakahiya pa rin. Dahil doon ay hinawakan niya ang baba ko at pilit na ini-harap ang mukha ko sa kaniya. Hinigpitan niya ang kapit kaya wala akong nagawa kung ‘di tignan na lang siya ngunit iwas pa rin ang mga mata. “Papasok muna ako. We’ll talk later night,” paalam niya at binitawan ako. Tumango ako. ”S-Sige.” Ngumiti muna siya tsaka siya umalis dala-dala ang plates niya. Kinuha ko ang phone ko at nag-text kay Leighanne na sunduin niya ako rito sa garden dahil hindi ako makagalaw. Ilang saglit pa ay dumating na siya, may dala-dalang milkshake. Kasama niya pa rin si Kendric na may dala namang burger. Mukhang galing pa sila sa Cafeteria. Natatawa sila habang nakatingin sa akin. Nang makalapit sila ay binatukan ako ni Leighanne kaya napa-‘aray’ ako. Sinamaan ko siya ng tingin ngunit agad ring nawala iyon nang i-abot niya sa akin ang milkshake na dala niya, ganoon rin si Ken, inabot niya sa akin ang burger na hawak niya. “Peace offerings,” sabay nilang sabi sabay ngiti at peace sign. Nakangiti kong tinanggap iyon. Ngiting hanggang tainga. “Bakit nagpa-sundo ka pa? Wala kang paa?” Kakagat pa lang sana ako sa burger nang biglang magtanong si Kendric. Binaba ko ang burger at walang emosyon siyang tinignan. Napangiwi na lang ako nang maalala ang nangyari kanina. “H-Hinalikan...” Hindi ko maituloy ang sasabihin ko. “Hinalikan?” tanong ni Leighanne. “H-Hinalikan ako ni… C-Cos-“ “ANO!?” Gulat ko siyang tinignan nang bigla siyang sumigaw. Gulong-gulo siyang tinignan ng boyfriend niya. “Nasaan ‘yong si Estrella!? Halika rito, Aubriana! Baka gusto mong isumbong kita kay Tita!” Magsasalita pa lang ako nang bigla akong hilahin ni Leighanne papunta roon sa building nina Cosmo. Sinubukan kong magpumiglas ngunit hinigpitan niya ang hawak niya sa akin. Para siyang si Mama kapag pinipilit ako! “Hoy, Leighanne! ‘Wag kang OA!” sigaw ni Kendric sa likuran. “Anong ‘wag akong OA!? Hinalikan niya si Aubriana tapos sasabihin mong huwag akong magis-“ “Hinalikan niya si Aubri!?” Sumigaw rin si Kendric kaya parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa. May sumilip na estudyante sa ika-unang palapag ng building. Hanggang sa parami na sila nang parami. Hindi nagpa-tigil si Leighanne at patuloy pa rin akong hinila hanggang makarating kami sa hagdan. Ayaw niya pa ring patigil. Nagpumiglas akong muli pero mas hinigpitan niya ang kapit niya sa akin. “Hoy, Leighanne, bitawan mo ako!” inis kong sabi. “Tumigil ka, Aubriana Peyton! Susugurin natin ang lalaking ‘yan!” sigaw ni Ken na galit na rin, hindi maipinta ang mukha. Patuloy niya kaming sinusundan ni Leighanne. Nang makarating kami sa second floor ay mas lalong nalukot ang mukha ni Leighanne. “Leighanne, tama na! Nakakabulabog na tayo ng tao! Mapapagalitan tayo ng m-“ “Wala akong pake!” sigaw niya kaya natahimik ako. “’Wag ka na lang magsalita, Aubri! Isang suntok lang, okay na!” segunda ni Kendric. Sa inis ko, huminga ako nang malalim. Nag-ipon ako ng lakas at sa isang saglit pa, bumwelo ako at malakas na binawi ang kamay ko kay Leighanne kaya nabitawan niya ako. Natigilan siya at galit akong nilingon. Namumula-mula na ang pala-pulsuhan ko ngunit hindi ko muna inintindi iyon at hinarap silang dalawa. “Ang OA niyong dalawa! Hinalikan lang ako ni Cosmo! ‘Wag kayon-“ “Hinalikan!? Lang!? Nila-lang mo lang!? Bwiset!” “Excuse me?!” Mabilis naming nilingon ang tinig na iyon. Gusto ko na lang magpalamon sa lupa ngayon nang makita ang isang Professor na nasa likuran na namin. Nasa likuran niya si Cosmo kaya mas lalo akong nahiya. Jusko po! Bakit ko ba naging pinsan ang isang ‘to!? “Hoy, Coston Morius Estrella! Panagutan mo ang pinsan ko!” Gulat ko siyang tinignan. ”Hoy!?” “What?” inosenteng tanong ni Cosmo. “Talagang sa harap ko pa kayo mag-gaganyanan? To the Dean’s office now!” Napakamot na lang ako sa ulo ko. “Yes, Dean. Don’t worry, ako na po ang bahala sa kanilang tatlo. Sorry po talaga sa istorbo.” Narito kaming apat sa Dean’s office dahil dinala kami ng Professor nina Cosmo. Pinasama sa amin si Cosmo kaya mabuti na lang dahil wala akong maisasagot sa Dean kung sakali. Kanina pa kinakausap ni Cosmo si Dean, puro rin siya hingi ng paumanhin. Ang Professor naman na nagdala sa amin ay pina-alis na ni Dean nang kausapin siya ni Cosmo. “Pasensya na po sa iskandalo, pagsasabihan ko po ang pinsan ko,” pagsingit ko sa usapan nila. Tinignan ako ni Dean at nginitian nang tipid. ”Sa susunod ay huwag kayong basta-basta magsigawan dahil class hours.” Tumango ako. ”Opo, pasensya na po talaga.” Pinasadahan ko ng tingin si Leighanne at Kendric na ngayon ay nananahimik na. Laking pasasalamat ko at hindi nila sinabi ang totoong dahilan kung bakit kami nagsisigawan kanina dahil kapag sinabi nila ay parang matatanggal na ang kaluluwa ko sa hiya. Lalo at sa harapan pa ni Cosmo! Nagtama ang tingin namin ni Leighanne kaya pinandilatan ko siya sabay nguso nang palihim kay Dean. Tumango siya at huminga nang malalim. “Sorry po talaga, Dean. Hindi na mauulit,” paumanhin niya sabay siko kay Kendric. “Hindi ko na talaga papayagang maulit pa ito, Ms. Cuarez. Kapag naulit pa ito, auotomatic suspended ka. Cleaning service for three days.” Nanlaki ang mga mata ni Leighanne at mabilis na umiling-iling. ”Hindi na po talaga, Dean! Promise!” Bahagyang natawa ang Dean. ”Ay siya, magsibalik na kayo sa mga klase ninyo.” Tumango ako. Sabay-sabay kaming tumayo sabay sukbit sa bag namin. Hinila ko ang braso ni Cosmo at sabay kaming lumabas. Nasa likuran naman namin sina Leighanne at Kendric na may pinagu-usapan na naman. Bakit daw ang harot ko. Nang makalabas kami, humarap ako kay Cosmo. Nahihiya akong ngumiti sabay hawi sa buhok kong nakakalat sa mukha ko. “Salamat, huh? Pasensya na rin sa abala at sa mga pinagsasasabi nina Ken at Leigh, mga kulang sa kain, e,” mahinang sabi ko para hindi marinig nang dalawa. “Hoy, ang kapal naman ng mukha mo!” Narinig pala ni Leighanne ang sinabi ko pero hindi ko na lang siya pinansin at inirapan. Mahinang tumawa si Cosmo at hinawakan ang siko ko na siya namang ikinataka ko. “Bakit?” I asked. “May dumi,” he whispered. Pinagpagan niya ang cardigan ko sa bandang siko. Para namang lumambot ang puso ko habang nakatingin sa kaniya. Ang maalaga niya kaya hindi na ako magtataka kung isang araw ay mahulog na lang bigla ako sa kaniya. Kung mahuhulog nga ako sa kaniya... hindi ko na lang pipigilin iyon. Kahit mahirapan ako. “Thanks,” bulong ko pabalik nang matapos. Ngumiti siya at ginulo ang buhok ko. ”Mamayang gabi, magkita tayo sa tabi ng bookstore. May mahalaga akong sasabihin sayo.” Huminga ako nang malalim at tumango. ”Sige.” “Aasahan kita doon, Aubriana.” Muli siyang ngumiti. “Sige. Pupunta ako.” Pagkatapos ng usapan namin ay nag-paalam na kaming tatlo sa kaniya na mauuna na kami dahil late na rin kami sa klase namin. Pumayag rin naman agad siya dahil may gagawin rin daw siyang plates. Naghiwalay na kami ng landas at habang papunta kaming tatlo sa building namin ay hindi na naman ako mapakali. Hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan ako sa mangyayari mamaya. May kutob ako pero may isa pa akong nararamdaman. May kaunti akong saya na nararamdaman na hindi ko naman alam kung para saan. Habang patagal nang patagal, mas lalong gumagaan ang pakiramdam ko kay Cosmo. Hindi ko alam kung ‘ito’ na ba ‘yon pero kung ‘ito’ na ‘yon, handa ako. Mabilis na lumipas ang mga oras at nag-uwian na. Hindi ako mapakali sa klase kanina, palipad-lipad ang utak ko sa kung saan. Hindi ko pa rin kasi maiwasan na hindi isipin ang dahilan kung bakit siya makikipag-usap at kung ano ba ‘yong sasabihin niya. Like, dapat ba akong kabahan? Magiging masaya ba ako? Masasaktan ba ako? Magugulat? Maiinis? Magagalit? Malulungkot? Matatakot? Kung ano-anong emosyon ang naiisip ko. Ang dami-daming tanong sa isip ko ngunit wala akong makuhang sagot ni isa man lang sa mga tanong na iyon. Napabalikwas ako nang biglang mag-ring ang phone ko. May tumatawag. Nang tignan ko kung sino, sumimangot na lang ako nang makitang si Stephen ang tumatawag, ex ko. Pinindot ko ang accept button at itinapat sa tenga ko ang phone ko. “Hello, Tep.” Magkaibigan na lang kaming dalawa ngayon. Nang maghiwalay kami ay wala kaming closure kaya galit na galit rin ako sa kaniya dati, kaya lang, nang bumalik siya ay nakipag-usap siya sa akin at nakipag-ayos. Ayos as in ayos, hindi balikan. As in ayos lang kami, walang galit, ganiyan. Pumayag rin ako at pinatawad siya dahil inaamin ko rin sa sarili ko na may mali ako sa naging relasyon naming dalawa noon. Secret kasi ang relationship naming dalawa. Pamilya niya lang ang nakakaalam, hindi alam ng pamilya ko dahil alam kong magagalit sila sa akin. Kinse lang ako n’ong panahong iyon. Legal kaming dalawa sa pamilya niya pero nahihirapan siya dahil tago nga naman ang relationship namin. Nahirapan din ako kaya kinakaya ko. Pinipilit ko siyang kayanin kahit sukong-suko na siya. Habang tumatagal, unti-unti na ring nasisira ang relasyon naming dalawa kaya iniwan niya rin ako. Nagalit ako sa kaniya, oo. Pero, na-realize ko rin ang mali ko. Hindi ko inisip ang nararamdaman niya noong panahong pinipilit ko siya kahit hirap na hirap na siya. Kaya ngayon, gusto ko ay kapag nagkaroon ulit ako ng karelasyon, hindi na tago. Wala nang maling gagawin. Ayaw ko nang masaktang muli. “Aubri, si Mama kasi…” Kumunot ang noo ko, nag-alala na rin sa Mama niya. Kahit hiwalay na kami, ayos pa rin kami ng Mama niya. Kung mag-usap kami ng Mama niya, parang dati lang rin. Kung mag-usap kami ni Mama niya, akala mo kami pa rin ng anak niya. Ganoon. Mas nakakapag-alala lang dahil pareho kami ng sakit ng Mama niya kaya kapag ganito ang bungad niya, alam kong may mali na namang nangyari. “Anong nangyari kay Tita?” “Sinugod na naman sa ospital si Mama, Aubri. Ang laki ng bill niya at wala akong ganoong pera. May extra ka ba dyan? Isa pa, walang bantay si Icay doon sa bahay. Kailangan ko nang mabayaran ang bill rito sa ospital para makauwi na kami...” Bumuntong hininga ako at mariing napapikit. “May extra ako rito,” mahinang sagot ko.”Ako pa ba ang magdadala riyan?” “Oo sana, wala kasing bantay si Mama. Pasensya ka na, Aubri, ha? Ikaw lang malalapitan ko ngayon. Alam mo namang wala sa hulog si Papa.” Bumuntong hininga ako at tinignan ang wrist watch ko. Kinagat ko na lang ang ibabang labi ko nang makitang six-thirty na. Seven ang usapan namin ni Cosmo na magkikita kami. Susko, paano ito? Ayaw ko naman ring pabayaan si Tita. “S-Sige, pupunta ako.” Bumuntong hininga ulit ako. “S-Salamat nang marami, Aubri, ha. Hihintayin kita rito sa ospital. Paniguradong magiging masaya si Mama kapag nakita ka niya.” Nagpilit ako ng tawa. ”Sige, Tep, see you.” Binaba ko ang tawag at lumabas na ng gate ng University. Nang may makita akong taxi ay pinara ko iyon at nagpadala sa ospital na pinagdalahan kay Tita. Inabot pa ako nang trenta minutos dahil sa traffic pero mabuti at narating ko agad ang ospital. Saktong pagpasok ko ng ospital ay tumunog ang phone ko. Akala ko si Stephen ang nag-text ngunit nagkamali ako dahil si Cosmo pala iyon. Cosmo Estrella: Nasaan ka na? Kanina pa ako rito. Will you come? Re-reply-an ko pa sana siya ngunit may tumawag sa pangalan ko kaya tumingala ako. Sinalubong ako ni Stephen kaya tinago ko na lang ang phone ko at lumapit sa kaniya. Napansin ko agad na kulang siya sa tulog dahil sa itim ng ilalim ng mata niya. Hindi naman sobrang itim ngunit mahahalata agad iyon. “Nasaan si Tita?” salubong ko. “Nasa taas, kanina ka pa hinihintay.” Tinapik ko ang balikat niya nang mapansin na malungkot siya. ”Ayos lang ‘yan, Tep, makakauwi rin si Tita, kayo.” “Salamat, Aubri.” Hinawakan niya pa ang kamay ko ngunit agad ko ring binitawan ‘yon at ilang siyang nginitian. Umakyat kami sa kwarto ni Tita. Parang nadurog ang puso ko nang makita si Tita, awang-awa ako. Pero, alam kong magiging okay rin siya dahil ayon raw ang sabi ng Doktor. Kailangan niya lang magpahinga pag-uwi. “Tita…” Lumapit ako at nagmano. “Aubriana hija, namiss kita. Salamat naman at dumalaw ka.” Ngumiti ako. ”Opo, Tita. ‘Wag po kayong mag-alala dahil makakauwi na kayo ngayon. Ako na po bahala sa bills niyo.” Nilingon ko rin si Stephen at nginitian. “Salamat naman at makakauwi na ako. Maraming salamat talaga, hija. Kaya ka pinapagpala dahil napaka-bait mong bata.” Natawa ako at niyakap siya. ”Sharing is caring, Tita.” Nang dumating ang Doctor ay nagpasama ako sa kaniya para bayaran ang bills nila. Sinamahan naman ako ni Stephen at todo pasalamat naman siya. Panay rin ang tapik ko sa balikat niya kada salamat niya. Kung ano-ano pang bagay ang pinag-usapan naming habang pabalik kami sa kwarto ni Tita. Pagbalik naman namin ay akmang magpapaalam na ako para sana habulin ang oras at mapuntahan pa si Cosmo kaya lang ay nanlumo ako sa sinabi ni Tita. “Hija, pwede bang manatili ka muna rito kahit saglit lang? Gusto pa kitang makasama nang saglit...” Lumunok ako nang ilang beses at tinignan ulit ang wrist watch ko. Pasado seven-thirty na. Kanina pa kaya naghihintay roon si Cosmo?? “Pwede ba, hija?? Sige na, please. Namiss talaga kita...” Tinignan ko si Stephen at tumango siya. Wala na lang rin akong nagawa at tumango sabay ngiti. “Sige na nga po.” Ngumiti ako. “Salamat, hija. Sobra-sobra.” Ngumiti na lang ako nang yakapin niya ako. Niyakap ko siya pabalik at hinaplos ang likuran niya. Bukas na lang siguro. Makapaghihintay naman siguro ang sasabihin ni Cosmo, e.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD