Chapter 16:Scene “Mamayang six PM na ang party ni Luvina, susunduin kita d’on sa bahay niyo mamaya. Kokotongan talaga kita kapag tinaguan mo ako. Hindi ka pwedeng hindi sumipot mamaya sa party, alam mo naman si Luvina. Isa pa, kailangan mong bantayan si Cosmo mamaya, kasama pa naman niya si Xylie." “I trust him, he won’t cheat,” kumbinsido kong sagot na sinamahan pa ng mariing pagtango. Ang tanga ko lang dahil wala akong tiwala sa boyfriend ko. Una pa lang, alam kong seryoso na si Cosmo. Talagang iyong schedules niya lang ang humahadlang sa amin. Kaya napagisip-isipan ko iyon kagabi. Talagang nagkamali ako sa parte na hindi ko siya pinagkatitiwalaan, na may pagdududa ako, na nararamdaman kong hindi niya na ako mahal, which is not true. Masyado akong napraning at nagpadala sa emosyon ko.

