Chapter 15:Sister “Saan ba kasi tayo pupunta, Cosmo? Hindi kaya hanapin ako nina Mama?” Tumigil sa paglalagay ng mga kagamitan namin sa compartment ng kotse niya si Cosmo, hinarap niya ako at pinag-pamewangan. Natawa ako dahil sa itsura niya. He looks cute. Ngumuso siya kaya mas lalo akong natawa. Seriously, I missed him. I missed all of these. Him infront of me, smiling nor pouting at me, laughing with me, joking with me, and too many to mention. I missed doing these things with him. Ito na lang ulit ang araw o oras na nagawa naming muli ang mga bagay na palagi naming ginagawa noon na nahinto dahil sa career niya. Of course, him. I missed him so much; everything about him. Hindi maipalagay ang saya ko sa isiping narito na naman siya sa harap ko, nakangiti sa akin. Nakakasama ko siyang

