Chapter 26:Meet The Parents “Bakit naman kasi nagpaulan ka?” Nagkatinginan kami ni Cosmo. He was about to answer Mama’s question but I just stopped him. Inilingan ko lang si Mama sabay kibit balikat. “W-Wala, Ma, trip ko lang. Sorry na." I sighed. Nagkatinginan kaming muli. Dismayado siyang napailing kaya ngumiti na lang ako. Matapos akong atakihin ng allergies ko kanina sa petrichor ay isinugod ako ni Cosmo sa ospital. Hindi naman kasi pupwedeng matagalan pa kami lalo’t nakakatakot na lumala iyong allergies ko. Mabuti nga at nadala agad ako para maturukan. Nagtanong pa nga iyong Doctor na iyon kung anong nangyari sa akin, ang sinabi ko na lang ay naabutan kami ng ulan kaya ganoon. Kilala ko naman iyong Doktor na iyon, alam niyang may allergy ako doon. Walang ibang ginawa si Cosmo ku

