Chapter 22:Almost Kiss “Tep, lumala ba kalagayan ni Tita?” We’re now on our way sa house nila. Nag-taxi lang kami since hindi rin dala ni Stephen ang motor niya, malapit lang kasi sa University ang bahay nila. Ngunit, ayaw ko namang maglakad at isa pa, baka hingalin ako. Ako pa ang maging problema ni Stephen kung sakaling atakihin na lang ako bigla. “Nanghina siya lalo, Aubri. Wala na siyang ibang bibig kung ‘di ang makita siya. Ayaw ko mang isipin ‘to pero pakiramdam ko ay hindi na kaya ni Mama. Parang may hinihintay na lang siya, na hindi ko naman alam kung ano." He sniffed. I can’t help but to watch him weep beside me. Maski ako ay naluluha na rin. Mabait na ina si Tita, sa tagal nang panahon na nagkasama kami noon ay kilalang-kilala ko na siya. Wala siyang ibang pinaga-alala kung ‘

