Chapter 23:Walk Away “Cosmo, please. Talk to me!” Matapos kong makapasok mula sa kotse niya ay natulala na lang siya at hindi na ako pinagpapapansin. Sinubukan ko siyang kulitin ngunit ayaw niyang magpatinag. Talagang natitiiis niya ako. I tried to explain pero ayaw niyang makinig. “H-Hindi ko naman alam na gagawin niya ‘yon. Tsaka muntik lang ‘yon… Hindi niya pa rin ako nahalikan.” I sighed. “Sumama ako sa kaniya dahil sa Mama niya, hindi para sa kaniya. Kung hindi ako nakapagpaalam, I’m sorry. Dead bat ang phone ko, naka-charge pala-“ “Alam mo bang halos mabaliw ako kahahanap sayo sa University?” Kalmado lang ang boses niya pero halata pa rin ang galit doon. “Hindi ko alam kung saan kita hahanapin. Ipinahanap kita sa buong University pero wala ka doon. Tatawag na sana ako sa parents

