Chapter 24:Almost “Pasensya ka na sa inasal ni Icay kanina, ha? Hayaan mo at kauusapin ko siya mamaya kapag nagising siya.” Pinagmasdan ko si Icay na nasa hita ni Stephen, doon na kasi ito nakatulog matapos magwala at umiyak nang dahil kay Cosmo. Ngumiti ako at bumuntong hininga. “Kahit huwag mo nang pagsabihan ang bata. Bata pa siya, hindi niya pa naiintindihan kaya ganoon ang reaksyon niya kanina.” “Pero kahit pa, Aubri. Kawawa naman si Cosmo kasi ipinagtabuyan siya ni Icay. Pakisabi na lang na sorry, ha?” Tumango ako. “Sige. Mauna na rin ako, ha? Kanina pa naiinip si Cosmo doon sa kotse.” “Salamat, Aubri.” Matapos kong magpaalam sa kaniya ay hinalikan ko muna ang noo ni Icay, tsaka ako tumayo para umalis. Naglakad na ako palabas nang wala man lang lingon-lingon pa. Hindi na naman

