"Na mahal kita!!!"
"HA?!"
"A-Ah--- ano--- w-wala pala!! Wala akong sinabi."
Ano ba naman kasi 'tong dila ko, kainis!! Kung ano anong nasasabi ko.
"Meron kaya."
"Wala nga!!"
"Meron eh!!"
"WALA NGA! Gusto mo sundot sundutin ko 'tong mga pasa mo sa mukha!!?" Atsaka ko tinuro turo yung mga pasa nga niya sa mukha.
Bigla naman siyang napangiti kaya nginitian ko lang din siya.
"Ano ba kasi talaga yung sinabi mo?"
Putengene talaga nito ni Dean, ayaw akong tantanan.
"Tangina mo, naisigaw ko na nga eh. Hindi mo ba talaga narinig?" Umiling agad siya habang may nakakaasar na mukha.
Ewan ko ba, naaasar ako ngayon sa pagmumukha niya. Mukhang inaasar ako.
"Dean Wolter, ayaw ko ng paulit ulit. Kaya tantanan mo na ko habang may awa pa kong nakikita sayo. At kung hindi, mag dasal dasal ka na mabubuhay ka pang buhay dito sa ospital." Sarcastic kong sabi.
"Joke lang talaga yun Kira. Pero teka, kelan daw ako pwedeng makalabas dito?"
"Ewan ko. Hindi ko kinausap yung doktor eh!!!" Padabog naman akong umupo sa upuang kinuha ko kanina atsaka ako humalumbaba.
"Ang taray naman nento!!" He said. Inirapan ko lang siya atsaka ako nag-make-face na lang.
ZEUS'S POV.
"Sam!! Nakita mo ba si Dean?" Tanong ko ng nakasalubong ko dito sa may school si Sam. Hinanap ko siya kanina sa Science Prof nila kaso hindi naman daw pumasok si Dean.
"Hindi eh, baka nag-suicide na." Natatawa niyang sabi. Tangina saan naman nagpunta yun si Dean? Wag niyo ngang sabihing tinuluyan na nun yung buhay niya?
"Wag kang mag-alala Zeus. Mga ilang araw lang mapapanood na natin si Dean sa TV na nakabigti o di kaya tumalon ng building." Bigla ko namang binatukan si Sam kasi kung ano anong mga naiisip niya na maka-gaguhan.
"Pwede ba Sam? Hindi ka nakakatulong. Nakaka-gago ka!"
Tumungin naman ako muli sa paligid at nagmasid na baka makita si Dean o di kaya ay kung sino man.
Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa kaya agad kong kinuha yun.
Tangina akala ko may tumatawag na, txt lang pala. Humanda sakin 'tong nag-txt kapag walang kwenta 'toh.
From: Kulet
NANDITO KAMI NI DEAN SA OSPITAL NAMIN!!! PUMUNTA NA LANG KAYO DITO KUNG HANAP NIYO KAMI AT PASUNDO NA DIN PALA!!!
Ano? Magkasama sila ni Dean? Paano nangyari yun? Putah! Ang daya din minsan nitong si Dean eh.
"Sinong nag-txt?" Napalingon ako kay Sam na mukhang kanina pa nakatingin sakin.
"Ahhh, si Kira. Nandun daw sila sa ospital kasama si Dean."
"Eh? Paano naging magkasama yung dalawang yun? Atsaka bakit sila nasa ospital? Sinong na-ospital? Si KIRA?" Sam asked.
"Hindi ko din alam. Basta hindi ko pa alam ang buong storya. Tara na! Baka mawala na naman yung dalawang yun."
Mabilis ang ginawa naming pag alis ni Sam papuntang ospital.
"Papatayin ko talaga yun si Dean. Bubugbugin ko pa yun kapag nakita ko! Hindi kaya itinago lang ni Dean si Kira para lokohin tayo? Paano niya nalaman kung nasaan si Kira? Nagtataka talaga ako!"
"Sam Fonce, can you shut your mouth up for an hour?" I asked. Kanina niya pa sinasabi yung mga katagang yun simula ng pumasok kami ng ospital. Nakakabingi na siya.
Napatigil naman kami sa VIP Room Number na sinabi nung Nurse doon sa front desk.
Kakahawak ko palang ng doorknob mula dito sa labas ay rinig ko na agad ang mga sigawan nung dalawa.
"DEAN WOLTER!!! SINASAGAD MO BA TALAGA PASENSYA KO? KELAN MO KO TATANTANAN?"
"Ehem! Ehem! Excuse me po. Hindi kita tatantanan!!"
"Talaga?? HINDI MO AKO TATANTANAN?"
"Ahhh--- Kira!! Wag! Bata pa po ako! Tama na! Itigil mo na! Masakit!! Sorry na po!! Kira-- ahhh!!"
Agad ko namang binuksan yung pinto kasi hindi ko na nagugustuhan yung mga naririnig ko dito sa labas.
Pagpasok ko ay nawala ang ingay na naririnig ko mula sa labas at napatingin ako sa may pwesto ni Dean. Nakahiga si Dean sa hospital bed habang si Kira naman ay nakadagan sa ibabaw ni Dean at sinasabunutan niya ito.
Parehas silang nagulat dalawa ng makita nila kami ni Sam.
"Z--Zeus? Sam?" Napatingin pa sa isa't isa sina Dean at Kira bago nila na-realize na lumayo sa isa't isa.
Bumaba naman sa may hospital bed si Kira at para siyang kinikilabutan na ewan na naglakad papunta sa kabilang side ng kama ni Dean at naupo sa upuan.
Masama naman naming tinignan ni Sam si Dean na ngayon ay ang lapad lapad ng ngiti.
Pero teka... Bakit puro pasa 'tong gagong 'toh?
"Bakit ka mukhang ube dyan na nakabilad sa higaan Dean? Anong nangyari sayo?" Agad naman niyang kinuha yung unan na nasa may likudan niya atsaka niya ibinato sakin.
"Ang gwapo ko namang UBE Zeus Dallo." Tapos bigla siyang nag-smirk.
Ha.Ha.Ha kahit kailan hindi mawala wala ang kahanginan niya.
"So ano nga? Ano na ngang nangyari? Saang lupalop ng kalawakan mo nakita 'tong si Kira, Dean?" Wika ni Sam.
Nagkatinginan muna sina Dean at Kira na para bang nagdadalawang isip pa sila kung sasabihin ba nila samin yung totoo o hindi?
Tumango tango naman bigla si Kira atsaka naman ngumiti si Dean at tumingin samin ni Sam.
"Kinidnap siya ni Cheska. Gusto niyang balikan ko siya kaya ginamit niya si Kira." Ani Dean.
Cheska Yien... Ano bang nangyayari sayo? Bakit siya ganito? Ganto ba talaga niya kamahal si Dean kaya pati kahit sarili niyang pinsan kaya niyang muntikang patayin?
Damn you, Cheska. I swear to not let you live peacefully if something bad happens to Kira.
You once played with my feelings and I can't forget that. I already fell for you that time but I didn't thought that you were just killing time by using me even though you're already in a relationship with my best friend.
"Ouch! f**k you Dean Wolter, curse you!" Napaurong ako sa kinatatayuan ko ng bigla akong batuhin muli ni Dean ng unan.
Tumawa naman sina Sam at Dean kasi masyado akong nagulat dun sa pagbato nila sakin ng unan.
"UUWI KA BA NGAYON DEAN?! KASI KUNG HINDI, AALIS NA KO!!!" Umirap si Kira atsaka siya naglakad papuntang pinto at mukhang hinahantay niya kami ni Sam.
"Uuwi ako, bubuhatin ako nina Sam at Zeus eh. Diba?" Nginitian niya kami ng malapad tapos si Sam naman napa-facepalm lang.
"Ano? bahala ka dyang nakahiga--" wika ni Sam.
"BUHATIN NIYO NA YAN SAM AT ZEUS!!! KUNDI MALALAGOT KAYO SAKIN!!!"
Hindi talaga ako natutuwa kay Kira kapag nireregla siya tapos magagalit, para siyang laging nasa palengke kung sumigaw. Nakakabingi siya.
Binuhat ko na lang naman 'tong lumpong 'toh para matapos na ang usapan at sigawan.
"Ang pabebe mong lalaki ka noh? laglag kita dyan eh!!" Sarcastic kong sabi habang naglalakad na kami dito sa may hallway ng ospital.
"Daddy Zeus... Daddy Zeus." Tinignan ko naman si Dean na buhat buhat ko atsaka siya kumurap kurap ng ilang beses ng magtama ang mga tingin namin.
Anong nangyayari sa kanya? Para siyang sinaniban na ewan.
"Tangina mo Dean Wolter. Kung gusto mong makalabas dito sa ospital ng nabubuhay manahimik ka lang diyan."
"Da-Da-Daddy Zeus? Ano pong gagawin niyo sakin? Wa-Wa-Wag po!! Bata pa-pa-pa po ako!" Napatigil ako sa paglalakad atsaka ko masamang tinignan si Dean.
Bigla naman ngumiti ng malapad 'tong kingkong na 'toh atsaka ulit kumurap kurap yung mga mata niya.
Kahit kelan ayaw ko ng inaasar ako dahil maikli lang pasensya ko.
Binitawan ko ang pagkakabuhat ko kay Dean kaya diretso laglag siya sa sahig.
"ARAY!! Pv+@^&!^@ +@^& !^@!! ZEUS DALLO!!"
Tinititigan ko lang ngayon si Dean na namimilipit sa sakit dahil sa pagkakabagsak niya sa sahig.
"Wag na wag mo kong pa-cute-tan Dean Wolter dahil hindi ka naman cute." Atsaka ko na siya nilagpasan at iniwan.
"HOY!! Hindi ko kaya kayang makatayo!!! Ang sakit ng pwet ko!!! ZEUS DALLO, I CURSE YOU!! Humanda ka sakin pag gumaling na 'tong mga pasa ko!!" Nagpatuloy lang ako sa paglalakad ng hindi siya pinapansin, I didn't even spare him a glance.
"Sam, ikaw naman magbuhat dun sa damulag na yun." Tumango naman agad si Sam atsaka siya nag-jog papalapit kay Dean. Hinabol ko naman agad si Kira na patuloy paring nag lalakad atsaka ko siya inakbayan.
"Okay ka lang ba?"
Tanging tango lamang niya ang sagot na natanggap ko habang nakasimangot siya. Hayyy, I can't stand seeing her sad face.
"Zeus, may gusto sana akong itanong sayo." Medyo mahinahon na niyang sabi.
"Sige lang, ano ba yun?"
"May gusto ka ba sakin?" Wika niya. I stood stunned in my position and stopped walking. Napahinto din sa paglalakad si Kira atsaka niya ako tinignan na nasa likudan niya.
"A--Ano?"
"Ang sabi ko kung may gusto ka ba sakin?!" Naka-cross arms niyang sabi atsaka siya mas lumapit sa pwesto ko.
Nagsimula na namang gumana ang puso ko at kung bakit ay hindi ko parin malaman.
Parang lalabas na ang puso ko sa kaba, nararamdaman ko lang 'toh kapag malapit si Kira sakin.
Ayon sa nabasa kong libro ng mga bampira, tanging pag ibig lang ang makakapag patibok ng puso naming mga bampira dahil literal naman talagang hindi tumitibok ang puso namin.
Kahit na para akong kinakabahan nginitian ko si Kira atsaka ako humakbang ng isa papalapit din sa kanya, napaurong naman siya bigla at ramdam ko ang kaba naman niya ngayong nararamdaman.
"Oo, gusto kita."
Kitang kita ko ang biglaang paglunok niya pagkarinig niya ng sinabi ko. Napaiwas siya ng tingin at parang hindi siya mapakali. Naglakad siya pauna sakin kaya nakatalikod na siya ngayon.
"Ano kasi... Zeus---"
"Don't worry, I can wait Kira. You don't have to gave me your answer immediately." Bigla naman siyang napaharap sakin at parang hirap na hirap talaga siyang sabihin yung gusto niyang sabihin sakin.
"No Zeus. I want to give you my answer now. I'm happy that you like me, alam mo ba... Gusto din kita, dati. Kaso kasi---"
"Dahil ba 'toh kay Dean?" Nakita kong para naman siyang biglang nagulat sa tanong ko kaya napayuko siya atsaka tumango.
Napapikit ako saglit atsaka bumuntong hininga ng malalim, naiyukom ko din ang kamao ko dahil sa sakit na nararamdaman ko.
Hinawakan ko ang magkabilang balikat ni Kira atsaka ko hinawakan ang baba niya at inangat ang ulo niya para makita ko ang mukha niya.
Shit, I want her. I love this girl. I want to kill Dean right now.
"Kira, It's okay. Don't feel sorry for me. I understand every decision and choice you make because I love you. I can't deny everything right now. I want to tell you and show you how I love you. But if you want Dean, It's okay to me. Just seeing you happy makes me relieved. We're still friends, right?"
I lied. I want her to be mine. Yes, tell me... I'm so possessive. Gusto ko siyang agawin, gusto ko akin lang siya like what Cheska did. But there's one thing stopping me, I might hurt her. I don't want to see her mad at me and resentful.
"I'm really sorry Zeus. I like you, but I love Dean Wolter." Binigyan ko muli siya ng isang matamis na ngiti atsaka ko siya niyakap.
I don't want to let her go right now. I'm afraid that she will hear my fast heart beat right now but theirs no more to hide about my feelings right?
Kira... I want to be selfish when it comes to you, but I don't have the rights. Mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya na parang ayaw ko na talaga siyang pakawalan pa.
"Zeus... We're still the BEST of Friends don't be sad." Naramdaman ko din ang pagyakap niya sakin. Nanatili akong tahimik kasi wala akong gustong sabihin sa kanya ngayon at gawin kundi ang yakapin lang siya.
"Kung hihilingin ko din naman Zeus na dalawa ang puso ko di ko naman din magagamit ang isa diba? Dalawa nga ang puso ko, pero nag iisang tao lang naman ako. Atsaka, nag iisang Kira Mae Yien lang sa mundong 'toh ang makikilala mo sa buong buhay mo. Mas may makikilala ka pang better sakin Zeus."
"Stop talking, you know I'm so embarrased right now." Narinig ko lang na tumawa siya kaya napatawa din ako at kung bakit ay hindi ko alam.
"Argh!!! PWEDE BANG MANAHIMIK KA DYAN DEAN!! GUSTO MONG ILAGLAG DIN KITA DYAN KATULAD NG GINAWA SAYO NI ZEUS!!!" Narinig kong malapit na samin sina Sam kaya kumawala na ako sa pagkakayakap ko kay Kira.
Napatingin naman kami pareho ni Kira sa dalawang nag aaway na 'yun na hindi kalayuan samin.
"Ang tahimik tahimik mo kasi Sam nakakapanis kaya nang laway yang katahimikan mong taglay!!" Napatingin naman ako kay Sam na ang sama sama na ng mukha.
Naku Dean Wolter, kung ako sayo hindi na ako muling mag sasalita pa kapag ganyan na yung mukha ni Sam.
Natawa naman ako bigla ng bitawan ni Sam si Dean kaya nalaglag na naman siya sa sahig.
"AHHH!!! ARAY NAMAN!!! MASAKIT KAYA!! DOBLE NA TULOY SAKIT NG PWET KO!!! Kira, pwede bang ikaw na lang magbuhat sakin?!" Biglang ng pout si Dean at nag puppy eyes pa habang nakatingin kay Kira.
Seryoso siya? Magpapabuhat siya sa babae =________=
Tangina din minsan nitong si Dean Wolter eh, hindi ko alam kung paano nila nagawang tawaging KING OF ALL 'toh eh.
Nagulat naman ako ng biglang lumapit si Kira kay Dean at mukhang bubuhatin niya nga talaga 'tong mukhang sanggol na 'toh.
Pero mabilis akong lumapit sa pwesto ni Dean atsaka ako ang nagbuhat sa kanya.
"Ako na magbubuhat sa damulag na 'toh." Nakangiti kong sabi atsaka naman tumango si Kira.
+++
Nasa kotse na kami ngayon at ako na yung nag-drive tapos sina Kira at Dean nanduon sa may backseat habang si Sam katabi ko dito sa frontseat.
Sa totoo lang kanina pa ako naiinis kay Dean. Nagpipiling bata na naman 'tong lalaking 'toh. Well, ganyan talaga ang totoong Dean Wolter. Para siyang nagiging sanggol na bagong anak kapag may nagugustuhan siyang babae. Hindi ko alam kung bakit ganyan yung style niya =_______=
Sa totoo lang nakakaasar siya.
"Ahh!! Aray! Dito oh!! Ang sakit!! A--Aww!!" Daing niya habang hawak hawak niya yung kamay ni Kira.
"Dito?!"
"Oo, dyan.. Ang sakit!!"
Hayyy, hindi ko alam pero kailann pa naging uto uto si Kira? Kanina niya pa hinihilot ng hinihilot yung noo ni Dean.
"Siguro naman okay na yang noo mo at pwede mo nang bitawan yang kamay ni Kira, diba?" Ani ni Sam na may galit sa mga boses niya. Tsss, di pa nga pala niya alam na talo na kaming dalawa kay Dean.
"Just shut your fvcking mouth bro!! Hindi parin magaling eh!! Ang sakit parin baka mamaya, yung pwet ko na yung ipahilot ko kay Kira kasi iyon yung mas masakit. Ilaglag ba daw ako ng dalawang beses!!" Bigla naman siyang hinampas ni Kira sa balikat.
"Aray naman Jagi!!"
(Jagi means Babe or sweetheart)
"DEAN!!!" Sabay sabay naming sigaw tatlo.
"ANO?!"
"UMAYOS KA NGA!! NAGPIPILING BATA KA NA NAMAN HA!! YAN BA EPEKTO NANG PAGKAKABUGBOG SAYO? EH KUNG BUGBUGIN KAYA ULIT KITA AT BAKA BUMALIK KA SA AYOS?!" Banta ni Sam. Naging tahimik kami at walang nag tatangkang mag salita.
Nakakatakot kaya si Sam. Mas nakakatakot magalit 'tong si Sam may dugong DEE 'toh!!
"Sige!! Subukan mo Sam, at ako ang makakaharap mo!!" Ani naman ni Kira. Tsss... Ipinagtanggol pa!! Sa bagay, baka nga matalo pa ni Kira 'tong si Sam.
"Tsss.... Fine!! Umayos ka na kasi Deeaann!!"
Bigla naman akong kinilabutan kasi nag-turn like Dean si Sam. Putengene, ako na lang ba matino sa loob ng kotseng 'toh!
"Bati na tayo ha?"
Mas lalo akong kinikilabutan habang tumatagal.
MASTER M'S POV.
Lumabas muna ko nang bayan para maglibot libot. Ang saya saya ko, feeling ko sobrang lakas ko dahil bampira na ko. Salamat talaga Sam dahil ginawa mo akong ganito pero taksil ka pala. Mahina at walang kwenta, nagpapatalo sa nararamdaman.
Dahil sa bwiset na pag ibig na yan hindi na niya magawa ang pinangako niya sa ama niya at ang malala tinalikuran na niya kami at sumapi sa mga mabubuting bampira.
Ang mga bampirang naniniwala sa propesiya na matatalo nang isang babaeng bampira ang mga katulad naming masasama.
Ang babae lang daw sa propesiya ang makakaubos samin at tatalo. Tsss... Asa siya, sa galing ko magtago mahahanap niya ko?!
In your dreams girl in the prophecy...
Napagtanto kong nandito ako ngayon sa medyo magubat na daan. Wala naman sigurong nakatira dito.
Magandang lugar 'toh para pagtambayan, pero habang naglalakad ako, parang naaamoy kong may taong papalapit sakin.
Nagtago agad ako dun sa isang puno at sumilip para makita kung sino yun---
Literal akong napanganga sa nakikita ko ngayon.
Yung babaeng. mahal na mahal ko kaso iniwan niya ko dahil sa bisyo kong pagnanakaw.
Kamusta na kaya siya?! Sila ng anak ko.
Sinundan ko siya nang patago tapos may bigla na lang may kotse ang tumigil sa may gilid niya.
Teka? Baka mapaano siya!!
"Tita Denis, sabay na po kayo samin?!" tanong ng isang lalaking nasa loob ng kotse.
"Oh Sige, oh si Kira? Jusko, salamat at nahanap niyo na siya at ikaw naman DEAN!! Nakipagsuntukan ka na naman bang bata ka at mukha ka nang ube dyan?!"
"Ma!! hindi po, iniligtas ko lang po si Kira."
Ano? Si D--Dean?
"Ikaw bata ka!! Parang bagong anak lang kita at nagpapababy mode ka na naman." sabi ni Denis... Ang ex-wife ko atsaka siya pumasok na sa kotse.
Si... Si... Si Dean?! Si Dean ang anak ko?!
P--Pero--
Kahit kelan nasa panig ko talaga ang swerte. Masaya ako't magandang lumaki ang anak namin ni Denis.
Pwede ko siyang isama sa gagawin kong pagpatay sa babaeng nasa propesiya hanggang sa...
Kami na ang mag hahari sa buong mundo.
[CONTINUE...]