Kabanata 22

3664 Words
KIRA'S POV. Bumangon ako mula sa pagkakahiga ko. Putengene, inaantok pa ko!! Hindi ako pinatulog nung tatlong yun bwiset!! Sina Rey, Roy at Dean. Ewan ko ba. Bakit ganyan na si Dean?! Kinikilabutan na ko sa mga kinikilos niya but I find him cute in his way now. Hayyy!! Ewan. Naglakad na lang ako papuntang CR atsaka ginawa ang daily routine ko. Pagkatapos kong mag ayos at magbihis ay bumaba na naman ako para mag agahan. Nakita ko sina Rey, Roy, Zeus, Sam at Dean na nasa may dining area na. Mukhang okay na naman si Dean at medyo magaling na din ang mga pasa niya. Sina Sam at Zeus naman ay nag uusap sa gilid at inis na inis na tinitignan si Dean. Ang weird niya kasi talaga, hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya. Para siyang sinapian ng bagong anak na sanggol. "Good Morning Kulet!! Oh kain ka na." Napabalik ako sa sarili ko ng mapansin pala ako ni Zeus na nakatayo kanina pa dito sa may gilid habang nakatingin sa kanila. Tumango naman ako atsaka lumapit sa kanila at naupo sa pagitan nina Zeus at Dean. Teka, bakit parang laging ganito yung pwesto namin? Pwede bang palitan? Sa gitna naman ako ni Rey at Roy para tumigil sa kakaaway. Nag aaway na naman sila ngayon eh. "Ewan ko sayo." sabi ni Roy. "Nagtatanong lang naman eh!!!" cute na sabi naman ni Rey. "Eh bakit sakin? naiirita na kaya ako sa boses mo!!" Roy. "Gusto ko eh kasi cute ka!!" Rey "Talaga? cute ako?!" Atsaka naman nag beautiful eyes si Roy. "Oo at ngayon nagmumukha ka namang tanga!!! Ahahaha!!" Pangangasar naman ni Rey. "GRR!!! REY!!" Atsaka niya pinaghahampas si Rey. Tangina, kulang na lang na para akong nanonood ngayon ng comedy, mamaya magiging restling na 'toh. +++ "MS. YIEN!!! Your sleeping in my class. You may go out if you want now!!" Galit na sigaw ni Ms. Fai. Omo, natutulog na pala ako ngayon sa klase. "Sorry Mam inaantok lang po ako, hindi po kasi ako pinatulong ng dalawa kong pinsan eh." pagdadahilan ko. "I'll consider your excuse now but wag mo na ulit uulitin ang pagtulog mo sa klase ko kundi mapapaalis talaga kita sa kalagitnaan ng klase ko." Tumango lang naman ako atsaka humalumbaba. +++ Nandito ako ngayon sa may cafeteria at nakita ko si Donna na mag isang nakain. Mag isa lang din ako ngayon kasi si Dean ay may pupuntahan daw, sasamahan niya daw sina Justine at Joshua at kung ano man ang dahilan ay hindi ko alam. "KIRA!!" Mukhang nakita ako ni Donna na nakatingin sa kanya kaya tinawag niya ako at kumaway siya na lumapit ako sa kanya. Lumapit naman ako agad atsaka naupo sa harapan niya. "Uy, bes? Okay ka lang?" Tanong niya. Tinanguan ko lang naman siya atsaka ako umub-ob. "INAANTOK TALAGA AKO!! HUHUHU!!" Sigaw ko. Nakakainis!! Ayaw ko na!! Uuwi na lang ako ng bahay!! "Kira..." Pabulong natawag sakin ni Donna. "Oh?" "Ano... Kasi... nalakad mo na ba ko kay Sam?" Napatunghay ako agad bigla at para akong nagising sa tanong niya. Oo nga pala noh? Ilalakad ko kay Sam 'tong si Donna. Naku, bakit ko ba nakalimutan? "Ha? Hehehe... Ano kasi... nakalimutan ko eh--- PERO ILALAKAD TALAGA KITA, PROMISE!!" Atsaka ako nag-promise sign. "Sabi mo yan besty ha!! Alam mo bang naiingit ako sayo." Napatingin naman ako sa kanya ng nagtataka habang kumakain siya ng burger. "Bakit naman?" "Kasi mukhang may gusto sayo yung tatlo." Lalo lang gumulo yung sistema ko sa sagot niya. Tatlo? "Sinong tatlo?!" "Sina Zeus, Sam at Dean." "Ano?! Totoo ba yan Donna, gusto ako ni Dean? At pati yang mahal mong si Sam eh dinamay mo?" Nababaliw na ata si Donna. Oo nga, baliw na talaga siya. "Ang tanga mong babae ka. Hindi lang tanga, manhid pa. May gusto nga sayo yung kapatid ko, ang bobo mo." Wow ahh!! As in WOW! Hindi ko alam kung maniniwala ba ko sa sinasabi niya. Ayaw ko! No! Ayaw kong mag-expect. "Eh yung kay Sam. Paano mo naman nasabing may gusto din yun sakin?" "Ano... kasi tuwing pupuntahan kita sa Science Room niyo sa Section 9 lagi ko na lang nakikita si Sam dun na nakaabang at nakatingin lang sayo." "Naku!! eto talaga!! nilagyan agad ng malisya?" "Kasi nakakainggit. Titigan ka ba naman ng ganun? Ang saya kaya. Tapos yung mga tingin sayo eh, palihim pa." sabi niya atsaka ako napatingin sa hintuturo niyang nakaturo sa may green field sa labas. Napatingin naman ako doon. Nakita ko si Sam na nakatingin nga sakin. Nang mag tama ang mga tingin naman ay bigla siyang ngumiti ng malapad atsaka niya ako kinindatan. Napaiwas naman ako agad ng tingin at tinakpan ko na lang ang gilid ng mukha ko para hindi niya ko makita. "Diba? Kainggit!! Kinindatan ka pa!!" Sabi ni Donna atsaka niya hinawakan ang braso ko at niyugyog ako. Paking teyp naman oh, ang hirap naman kasing maging maganda. "Wag ka mag alala, ilalakad nga kasi kita Donna!!" Tumigil na naman siya sa pagyugyog sakin. "Sabi mo yan besty ahh!" "Oo nga!!" "Naku!! Kaya love na love kita besty eh!!" Atsaka siya lumapit sakin at niyakap ako ng mahigpit. Hayyy, love niya lang talaga ako kapag may favor siya de joke lang. "Oo na!! Oo na!! Hindi kita love!" +++ "BOLTERS COME HERE!!" Napatingin kami lahat kay Coach atsaka mabilis na lumapit sa pwesto niya. "May bago tayong member. Sam come in!!" Ano? Si Sam? "Bakit ka sumali?" pabebe biglang tanong ni Dean kaya naman siyang binatukan ni Justine. "Aray naman JUSTINE!!" Inis niyang sabi. Pfft! Pag nasasaktan lang siya umaayos eh. "Umayos ka nga Pre, ang sagwa mo!!" nadidiri na sabi ni Justine. Nagpout lang naman si Dean at bigla niyang binaling ang tingin sakin. Nagulat ako sa bigla niyang pagtingin sakin kaya umiwas ako ng tingin sa kanya. Maya maya pa naman ay nagpractice na kami. +++ Madali lang naman kaming nag-praktis kaya maaga aga kaming nag uwian. Napatingin ako sa wrist watch ko at ala sais palang. "Tara na Kira." Yakag ni Dean. "Ahhh mauna ka na umuwi Dean. May ilalagay pa ko sa locker eh. Sumabay ka na lang kay Zeus." "Eh? Paano kung mawala ka na naman? Ayaw ko! Hindi kita papayagang mag isa!!" Parang batang nagmamaktol niyang sabi. "Dean Wolter. Inuutusan kitang mauna ng umuwi. Sige na! Alis na! I-tetext agad kita kapag may nangyaring masama sakin. Alis na!! Uwi na!!" Atsaka ko siya hinila palabas ng court. Wala na naman siyang nagawa pa kaya umuwi na talaga aiya. Hayy, ayaw ko kasi muna siyang kasama. Naiirita ako kay Dean. Pumunta na agad ako dun sa mga locker room, ilalagay ko lang yung damit kong pam-basketball para di ko na dalhin kasi baka mamaya makalimutan ko pa. Pagkasara ko nang locker ko, laking gulat ko ng makita ko si Sam na nakasandal dun sa gilid ng locker ko. "Oh!! Sam!!" Iminulat niya ang mga mata niya, kasi nakapikit siya kanina, saka tumingin sakin. "Tara na sabay na tayo." Tumalikod siya sakin at naunang maglakad habang yung magkabila niyang kamay ay nakalagay sa bulsa niya. Mabilis ko naman siyang nilapitan atsaka ko pinulupot ang kamay ko sa braso niya. Nakita ko namang mukha pa siyang nagulat at napatingin sakin. "Ganyan ka ba talagang kumapit sa lalaki?" Tinignan ko siya at imbes na sagutin ko siya ay nginitian ko lang siya. Hindi na naman niya ako muling tinanong atsaka na lamang siya ngumiti. Nakarating na naman kami sa may parking lot at kotse ko yung ginamit namin. May bigla akong naalala nung mapatingin ulit ako kay Sam na naglalagay ng seatbelt niya. Sa tingin ko, eto na yung time para ilakad ko si Donna kay Sam. Aish!! Para lang sa kapakanan ng love team ng dalawa kong kaibigan gagawin ko 'toh. Pero bakit ganito? Parang iaalay ko buhay ko ngayon? Bakit sobrang kabado ko? Well, hindi ko pa naman 'to nagagawa before and I don't know what to say later. Maybe kelangan ko ng pampalakas ng loob. Ipinark ko na naman ang sasakyan ko sa isang Pub na malapit sa school namin. Madalas din ako dito kasi marami din ang estudyante dito atsaka kapag matitripan ko lang talaga. "Oi babae nasan tayo? Dito ka ba nakatira?" Tanong ni Sam. "Let's have fun Sam. Wag ka na lang maingay diyan at sumunod ka na lang sakin. Come on!!" Lumabas ako sa kotse atsaka ko binuksan ang pinto doon sa may pwesto ni Sam na ayaw pang lumabas. "Sam..." "Ayaw ko. Kala ko ba hindi ka nainom?" Tanong niya. Medyo natawa naman ako. "Nainom ako, okay na? Tara na kasi!" Atsaka ko siya hinila ng buong lakas ko palabas ng kotseng yun. Nang mailabas ko na siya sa kotse ay wala na siyang nagawa pa at sumunod na lang papasok sakin sa Pub. Pagpasok namin naupo agad kami doon sa may medyo sulok. May bandang tumutugtog at may kumakanta sa stage. Umorder na naman agad ako nang isang case ng Andy Cola at Tanduay. "Kira, masyado 'tong madami para sayo." "Ahahaha! Sam? Ayos ka lang ba? Kasama kita. Tayong dalawa uubos nito!! Cheers!!" Atsaka ko binigyan ng isang bote si Sam at nakipag-cheers. Maya maya pa ay natahimik na kami at medyo nawawala na ang kaba ko. Kaya ko 'to, para din 'to sa bestfriend ko. "Sam.../ Kira..." Napatigil din kami ng sabay atsaka napatawa. "Sige, mauna ka na Sam." Sabi ko atsaka ko tinignan ang boteng hawak ko na iniikot ikot ko. Feel kong mag hysterical ngayon. Bakit ganito? "Ano kasi Kira, may sasabihin ako sayo." "Ano yun?" Atsaka ako uminom. Medyo na-dedelay yung mga sinasabi ni Sam at para siyang nauutal tapos itigil. Napataas ang kilay ko ng yumuko siya atsaka bumuntong hininga. Waaah, bakit ganito? Parang medyo na-bublurd na yung paningin ko. "Gusto kita, Kira." SAM's POV. Nilalaro laro ko ang hawak kong bote. Hindi parin ako makatingin kay Kira at hanggang ngaon ay wala parin akong natatanggap sa kanyang sagot. Fvck, bakit ba ganito? Hindi ko na alam ang gagawin. Gustong gusto kong mapasakin si Kira. Ilang beses na din akong nag-tiis simula ng sinabihan ako ni Dad na patayin si Kira. Hindi ko ini-expect na mag kikita kaming muli. "Eh ano naman kung gusto mo ko?! Si Sam Fonce GUSTO AKO?" ngayon ay napatingin na ko sa kanya. Namumula na ang magkabila niyang pisngi at mukhang lasing na siya dahil sa mga pagpikit at tingin niya sakin. Sanay na akong uminom at kahit gaano pa ang inumin ko ay walang talab sakin ang alak. Tumayo si Kira sa pagkakaupo niya at mukhang matutumba siya kaya inalalayan ko agad siya. Nagulat naman ako ng bigla siyang tumawa. Shit, ano ba ang iniisip ni Kira? Bakit sa lahat ng nilalang sa mundo siya lang talaga ang hindi ko alam ang iniisip? Hindi ko alam kung ano na bang tingin niya sakin ngayon. Hindi ko alam... Wala akong alam. "Pfft!! Sorry Sam ha. Nag Jojoke ka ba?! Gusto mo uwi na tayo? Lasing ka na ata eh. Isang Sam Fonce? Hahaha!! Nababaliw ka na dre, gusto mo talaga ko?" She asked with hand gesture pa. Naupo na ulit siya sa upuan niya atsaka muling umuniom. Tinatry kong kunin yung iniinom niya para tumigil na siya pero ayaw niyang mag paawat. Shit, hindi ako maintindihan ng babaeng 'to dahil lasing na siya. Seryoso ako ngayon pero siya... Hindi ko talaga alam. Napailing na lang ako. Hinawakan ko yung kamay ni Kira at tinignan ko siya ng diretso sa mga mata niya. "Kira, seryoso ako at totoo 'tong nararamdaman ko sayo. Hindi lang kita gusto, mahal na kita!!" Sinubukan kong tignan ang magiging reaksyon niya pero hindi ko talaga siya mabasa. Hindi ko siya maintindihan. Put*ngin* naman kasi, bakit ko ba siya kinakausap ng lasing. "Hahaha. Sorry--- hahaha, natawa lang ako!! Wait lang!! (PAK) oh yan na natauhan na ko. Ano kasi Sam sorry, hindi kita gusto kaya habang maaga pa, wag ka nang umasa kasi di ako si PAG ASA." Napa-face palm na lang ako kasi hindi talaga siya matino ngayon. Pero kahit hindi siya matino, ang bigat bigat parin ng pakiramdam ko kasi mukhang rejected na ako. Napayuko na lang ako. Pero nagulat ako ng hawakan ni Kira ang baba ko atsaka niya ako mabilis na hinalikan. Nang makalayo na siya sakin hindi ko parin magawang gumalaw sa pwesto ko dahil sa gulat. Nakatingin lang ako ngayon kay Kira na nakangiti habang nakatingin sakin at mukha na talaga siyang lasing. Kahit hindi malakas ang tama ng binili niya ang bilis niyang malasing. "Kira---" napatigil ako sa pagsasalita ng ilagay niya ang hintuturo niya sa may labi ko. "Shh!! wag ka nang magsalita pa Dean." Dean? So inakala niyang si Dean ako? "Kira... Si Sam ako at hindi si Dean." Inis kong inalis ang hintuturo niya sa labi ko atsaka ako lumayo sa kanya. "Ayt!!! Sorry Sam. Hahahaha," Sa totoo lang ngayon lang ako nakakausap ng lasing na babae. At sa susunod ayaw ko na. This will be the first and last. "Kira ano nga pala yung sasabihin mo sakin dapat kanina nung nagkasabay tayo?" I asked. "Ha? Sasabihin?! Ah oo!!! Hahaha, wait. Saglit. Iisipin ko." Napatingin ako muli sa kanya at nakatingala siya ngayon at mukha talaga siyang nag iisip. Kahit kailan, kahit anong gawin at ikilos niya ang cute niya sa paningin ko. Wala akong magawa para hindi mahulog sa kanya. "Ahhh!!! Oo, tanda ko na--- ay hindi pala nakalimutan ko na eh!! Hahaha, hayaan mo na yun." Napakamot pa siya sa ulo niya atsaka naman ako napangiti na lang sa kanya. "HEY GUYS!! LET'S PARTY!! WOHOO!!" Napatayo pa siya sa kinauupuan niya. Sinabayan niya ng sayaw ang masiglang kanta ng banda sa stage. Maraming napagaya sa kanya. Ngayon ko lang napansin na karamihan sa nandito ngayon sa Pub ay mga estudyante talaga dahil kagaya namin silang naka-uniform parin. "YEAH!! WOHOO!!" Tumayo ako para paupuin si Kira pero masyado siyang magaslaw at makulit. "Kira ano ba!!" sigaw ko sa kanya. "SAM!! LET'S PARTY!!!" Wala na akong nagawa kaya naupo na lang ako ulit sa upuan ko. Nakalapag sa may tabi ko ang cellphone ni Kira at ilang missed call na galing kay Dean ang nakita ko sa may screen ng phone niya. Nakita kong nag-text naman ngayon si Dean at mukhang aalalang alala na siya. Dean: *Hoy babae, nasaan ka? Buhay ka pa ba? *Nakidnap ka na naman ba? Susugurin ko na ba si Kuya Zane para itanong kung nasaan si Cheska? *Ayos ka lang ba? Sumagot ka naman oh!! I-tinext back ko na lang si Dean at sinabi kong kasama ko si Kira. Pinapunta ko na din siya dito para ipasundo sa kanya si Kira. +++ Maya maya pa ay dumating na din si Dean. "Ang tagal mo naman!!" sigaw ko nang makalapit na siya samin. Napatingin siya kay Kira na bagsak na sa lamesa. "Anong nangyari?" "Nalasing na iuwi mo na." "Bakit hindi mo sya pinigilan? Sabagay makulet nga pala 'tong nilalang na 'to. Di ka ba sasabay samin?" tanong niya. "Hindi, may pupuntahan pa ako." Wala kong emosyong sabi. Sinadya ko 'yun dahil pinipigilan ko din ang galit ko. Gustong gusto ko si Kira pero mukhang si Dean ang gusto niya. "Ahhh sige, una na kami." Inilagay niya sa may likudan niya si Kira. "Sige." Sabi ko atsaka na sila umalis. +++ Lumabas na ko nang pub at pumunta dun sa tambayan namin dati nila Zeus nung mga bata pa kami. Umakyat ako dun sa isang puno na lagi naming pinag tatambayan. Tumingala ako at nakita ko ang bilog na bilog na buwan sa itaas. Hindi ko alam kung bakit may bigla tumulong likido sa may pisngi ko. Oo, lalaki ako. Bampira ako. Pero kahit ganito, may nararamdaman parin ako. Hindi naman ako ganito e. Hindi ko alam na isang makulet na babae lang pala ang makakapag paiyak sakin. Hindi ko talaga maintindihan. Wala akong maintindihan sa mga bagay bagay ma tungkol kay Kira. Magulo siya. Hindi ko alam ang tumatakbo sa utak niya. Pero mahal ko siya. "ARRGHHH!!!!" Sana hindi ko na lang ulit siya nakilala diba? Okay na talaga ako eh, kaso wala parin siyang pinagbabago kaya pati nararamdaman ko nung mga bata pa kami ay bumalik. Sa tagal kong mabubuhay sa mundomg 'to. Parang gusto ko ng wakasan ang buhay ko ngayon. I don't have any reason to live now. You're my life. You changed me. I could kill you if I wanted, I would regret now for all of my life if I killed you before. But you woke me up. And now, I just only love you. Pero... Hindi ako ang mahal mo. "Sam?" Napatingin ako sa may baba kung saan nakita ko si Zeus. T*ngin* nitong lalaking 'to, nag-eemo ako eh. "Uyyy pre, bakit ka nandito? Wag mong sabihing natambay ka parin din dito?" I asked pero imbes na sagutin niya ang tanong ko ay umakyat din siya dito sa puno at tumabi sakin. "Na-feel ko kasing may nagdadrama ngayon sa tabi tabi kaya hinanap ko. Anong problema mo?" Tanong niya. Yumuko lang ako at hindi ko ipinakita ang lungkot na nararamdaman ko. "Hu? Wala ahh. Ako? Iiyak? Isang Sam Fonce? Iiyak? Ano namang ikakaiyak ko?" I tried to be cheerful para maniwala siya pero hindi parin nagbabago ang tingin sakin ni Zeus at mukhang hindi siya naniniwala sakin. "Umamin na ba siya sayo?" Tanong niya. Nagbago naman ang mukha ko atsaka ko na ipinakita ang weak side ko. Ang malungkot na mukha ko. Hindi ko na kaya. Masyado nang mabigat ang nararamdaman ko. "Oo, kaso wala eh. Hindi ko naman alam na mababaested pala ngayon ang isang Sam Fonce. Malas siguro ako ngayon taon." "Tsss, okay lang yan erps. Umiyak din ako tulad mo." "Eh? Ano bang sinasabi mo?" Natatawa kong tanong. Well, hindi ko padin naman nakikitang umiiyak si Zeus. "Binasted niya din ako." Literal akong napanganga sa sinabi niya. Hindi na ako magtataka kasi kung sinagot ni Kira si Zeus, magwewelga ako. Mas gwapo kaya ako kay Zeus. Sam Fonce ata 'to pero pinakawalan niya? Tsk tsk tsk! "Bakit?" "Dahil hindi ako ang gusto niya. Si Dean ang gusto niya." DEAN'S POV. Buhat ko ngayon 'tong babaitang 'to sa may likudan ko. Isinakay ko agad siya sa may backseat ng kotse niya ng makarating kami. Mabilis lang naman ang naging byahe namin at nakarating agad kami sa bahay. Binuhat ko ulit siya at pagpasok namin sa bahay ay walang ka-tao tao. Kinuha ko ang cellphone na nasa bulsa ko at nakita kong nag-text si Mama. Mama: Nak, nandito nga pala kami ni Donna sa kaklase ko dati. Hindi namin namalayan na sobrang gabi na pala kaya baka bukas na kami makauwi. Atsaka nga pala hindi daw uuwi diyan sina Rey at Roy. "Uy, Dean. Sundo mo na ko? Bait bait mo naman." Sabi ni Kira atsaka niya ako niyakap ng mahigpit. Napailing na lang ako atsaka na ko tumaas sa may kwarto ni Kira. Pagpasok ko sa loob ay walang nanduon. Nasaan si Zeus? Si Sam naman mamaya pa daw uuwi. Ibinagsak ko na lang naman bigla si Kira sa kama niya, inaayos ko ang polo ko. Aalis na sana ako para magbihis ng uniform, hindi na ko nakapagpalit kasi nag aalala ako kay Kira kung nasaan na ba siya. Kaya nawala na sa isip ko mag palit ng damit, ng bigla kong naramdaman na may humawak sa kamay ko. Napatingin ako kay Kira na nakapikit parin hanggang ngayon at nakahawak sa kamay ko. "Dean..." Nakangiri siya habang sinasabi ang pangalan ko atsaka niya ako hinila ng malakas pahiga sa kamay kaya napahiga nga ako. Tatayo na sana muli ako ng bigla namang dumagan sa ibabaw ko si Kira. Medyo nakamulat na ang mata niya pero pinipigilan niya lang pumikit. Tinitignan ko lang siya ngayon at kinakabahan sa mga ginagawa niya. Hinahaplos niya ang bawat bahagi ng mukha ko. Hindi ko alam pero parang gustong gusto ko na siyang halikan sa mga oras na 'to. Sunod niyang hinaplos ang tenga ko habang ang kabila niyang kamay ay humahaplos sa may leeg ko. Napapikit ako sa ginagawa niya. Hindi pwede... Nagugulo ang sistema ko at may kumokontrol sa akin para haplusin naman ang likudan niya. Nanginginig pa ako sa ginagawa ko hanggang sa makagat ko ang dila ko. Agad kong hinila si Kira pahiga sa gilid ko atsaka ako ang pumaibabaw sa kanya. "Don't seduce me." Inis kong sabi sa kanya pero nakangiti lang siya at hinahawakan ang magkabilang pisngi ko. Lalaki ako, madali akong maakit. Hindi ko magawang tumayo, ayaw ko... Hindi ko alam ang gagawin. Hindi ko alam kung bakit ako ganito. Sh*t. "Kira... Stop what you're doing. Mamaya darating na sina---" naputol na ang sinasabi ko ng bigla niyang hinigit ang leeg ko papalapit sa kanya. Smack lang yung kiss pero ang daming pumapasok sa utak kong gustong gawin ng mas higit pa dun sa kanya ngayon. "Yah... Dean Wolter, bakit parang di ka marunong humalik? Ganyan lang ba kayang mong gawi---" hindi ko na siya pinatapos pa atsaka ko siya hinalikan talaga. Bawat galaw ng paghalik ko ay nasasabayan niya. Nagugulo na ang sistema ko at kung ano na lang ang gusto kong gawin ngayon. Bumaba ang haplos ko hanggang sa hita niya samantalang siya naman ay sa may leeg at dibdib niya ko hinahaplos. "Dean..." Nagulat ako ng umungol siya ng halikan ko siya sa may leeg niya. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti at mas lalo ko pang pinagpatuloy ang bawat paghalik sa kanya. I just want to do one thing to her now. I just want to taste her. She's so sweet. "Dean..." Napatigil ako saglit ng parang nagmamakaawa si Kira saakin sa tono ng pananalita niya. Bigla akong natauhan kaya napalayo agad ako sa kanya. Napatayo ako at napatingin kay Kira. Hindi ako makapaniwala na buksan ko na ang tatlong butones niya sa blouse at nakataas na din ang palda niya kaya kitang kita ko ang hita niya. Fvck Dean Wolter, anong ginawa mo sa kanya? [CONTINUE...]
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD