Kabanata 19

3798 Words
"AHHHHH!!!" "ANO YUN??!!!" Napasigaw ako kasi... "Ang daming dugo sa kama ko!!" naiiyak kong sabi. "Aish! Babaeng 'to talaga! Ang akala ko kung ano na." Sabi ni Dean na bagong gising. Bakit ang dami kasing dugo dito sa kama?! Ano bang nangyari? "Ano ba Kulet. Diba may regla ka tuwing 28?" nasabi naman ni Zeus. Teka, 28 ba ngayon? Oh my GOSH!!! Napatakbo agad ako papuntang CR para magpalit. s**t, ang daming dugo sa pajama ko >____FRED'S POV. (Dean Father) Nandito ako ngayon sa office ko at nakatingin sa lumang picture naming mag pamilya. "Papa!! Gusto kong maging katulad mo." "Oo, basta pagbutihin mo ang pag aaral mo ha." "Opo Papa.ove na love kita Pa!!" "Ikaw din Dean." Di ko namalayan habang inaalala ko yun ay naiyak na pala ako. Bakit pa kasi 'toh nangyari sakin. Bwiset na Dee kasi yun. Dahil sa kanya naging miserable buhay ko. Ipapangako ko na mabubuo ulit tayo Denis. Nangako ako dati... babalikan ko kayo. KIRA'S POV. Umalis muna ko sa bahay. Ang init init sa loob eh, mag SM muna ko, papalamig kasama 'tong tatlo. Nasa SM na nga pala kami at nandito sa food court at nakaupo. "Uupo lang ba tayo dito?" tanong ni Dean. "Well, kung gusto mo tumuwad ka para masaya." Sagot ko. "Im not comfortable here." sabi naman ni Sam. Wow ahh!! Ayaw niya ng napapaligiran ng tao? "Me too." sang ayon naman ni Zeus. Napairap na lang ako sa tatlong 'toh, kanina pa ko kinukulit na umuwi. Mas makulet pa ata sakin. Well, tangina ng tatlong 'toh. Sumama sama tapos gustong gusto nang umuwi. Bahala kayong magdusa dyang mangulet sakin. Gusto ko munang magpalamig. Pero maya maya ay naramdaman kong nasigaw yung mga alaga ko sa tyan. Nagugutom na naman ako, hehehe. "Tara, Starbucks tayo." naka-pout kong sabi. "Hay, buti naman at aalis na din tayo. Baka di ko makapagpigil, makain ko 'tong mga taong 'toh eh." bulong ni Sam. "Makain?!" taka kong tanong. Bigla naman napatingin sakin si Sam na para bang gulat na gulat siya sa sinabi niya. "Ha? A--Anong sinasabi mong m--makain Kira? Maghintay ka nga." sabi niya sabay akbay sakin. Narinig ko talagang MAKAIN eh. Kakainin niya yung mga tao dito sa food court? Well, baka nagugutom na lang din siya kaya niya yun sinabi. Urgh! kelangan ko na nga ata maglinis ng tenga. Kung ano anong naririnig kong di naman tama eh. "Na-i-style ka naman Sam eh!!" sabi ni Zeus sabay tinanggal niya yung pagkakaakbay sakin ni Sam. "Ang bagal niyo kasi mamaya maunahan ko pa kayong dalawa." sabi naman ni Sam. "I--Ikaw din?" tanong ni Zeus at Dean kay Sam. "Oo, since birth." tipid na sagot ni Sam. "Tangina niyo, back off na kayo mga dude!! Ako mananalo." sabi naman ni Dean. Teka, ano bang nangyayari? Di ko ma-gets. Yan ba ang tinatawag na usapang lalaki? Oo nga, sila lang yung nagkakaintindihan eh. "ANG DAYA NYO TALAGA!!!" sigaw ko sabay lakad palayo sa kanila. Hindi ko alam kung sumunod yung tatlong yun sakin. Bahala sila dyan. Nag uusap sila na akala nilang silang tatlo lang ang magkakasama. Hello from the other side ahh!! Nandito pa ko diba? Pagdating ko sa Starbucks, bumili agad ako nung lagi kong binibili na Choco Mocho Coffee tapos naupo ako dun sa isang table. "Kira, sorry na." Napatingin naman ako sa bigla na lang umupo sa tabi ko at inakbayan ako. "Kailangan manggulat Dean?" galit na tanong ko tapos nagpout siya bigla. Putengene... Yung galit ko biglang nawala!! Bakit ka nag-ppout Dean? Itigil mo yan!! Naaakit ako! Bakit ba ang gwapo niya? Bakit ba ang cute cute niya? Bakit ba mahal na mahal ko siya? Bakit ba nainlove ako sa kanya? "Uy!!" natauhan ako nang piningot ni Dean yung ilong ko. "Aray!! Mahaket nga eh!! Bwihet ka DEAN!!" sigaw ko. "Anong pangalan mo?" tanong nIya. "Hira Hae--" Naku, anong sinasabi ko? HIRA HAE? Tapos tumawa siya nang tumawa pati sina Zeus at Sam. Well ang sama nila sakin. Nakakainis. Sinabunutan ko nga si Dean ng malakas. "Ahhh-- Aray!!" sabi niya. "Hitawan mo huna ho Dean!!" sigaw ko tapos binitawan niya nga ko kaya binitawan ko na di siya. Sina Zeus naman, tinatawanan lang kaming dalawa ni Dean. At ng mapatingin ako ulit kay Dean, nakatingin din siya sakin at kinindatan pa ko. Ako naman 'tong biglang namula. Well, bakit ba siya biglang kumindat? Masakit kaya mata niya? "YA!!!" sigaw ni Zeus na ikinagalit naming dalawa ni Dean. "Ba't ka na sigaw Zeus? Anong nangyari sayo?" tanong ko. "Nothing." cold nyang sabi tapos naka poker face pa siya. Anong nangyari? Nagalit ba talaga siya? Naisipan ko na naman na umalis na sa Starbucks kasi ubos na yung iniinom ko. Pumunta kami dun sa .ay QUANTUM. Well, ako na yung bumili ng mga token. Tapos nakita ko na lang yung tatlo na nandun sa may basketball are kaya lumapit ako dun. Naisipan naming mag-one-on-one kaming apat. Naka-ready na kami sa tig-iisang ring. Tapos ang mga matatalo, babatukan ng pinakamalaking nai-shoot yung tatlong konti. Sabay sabay na naman kaming naghulog ng token at nag umpisa na. Wala akong pake dun sa tatlo, basta shoot lang ako nang shoot. Lahat ng bato ko, laging shoot wala pa kong sablay pero ewan ko dun sa tatlo kung ano na. Maya maya pa ay natapos na yung oras. "Naka 64 ako," sabi ni Dean. "72," sabi naman ni Zeus. "64 din," sabi ni Sam. "Ahahahahaha!! Talo! Ako 102. Ahahahaha!!" tawa ko tapos binatukan ko na sila isa isa. "Takte!! ang sakit mo naman mangbatok!!" singhal ni Sam. "s**t!!" naiinis namang sabi ni Zeus at Dean. Ang OA naman nila. Para silang hindi lalaki. Naglaro pa naman kami ng naglaro, kumain, at kung ano ano pa. Sina Sam at Zeus naman ang KJ. Hindi kami sabaya ni Dean kumain nakatingin lang sila. Nang medyo maggagabi na, umuwi na namankami. Hayyy, ang saya ng araw na 'toh. "Masaya ba?" tanong ko tapos tumango lang yung tatlo sa backseat. Napangiti lang ako ng malapad at nagdrive na ako paalis. Nakauwi naman kami agad. Pagkababang pagkababa namin ng kotse ko, nagpapaunahan lumapit sakin yung tatlo. Nagulat ako ng unang nakalapit sakin si Zeus tapos akbayan ako. Napangisi na lang ako atsaka ko tinanggal yung pagkaka-akbay niya sakin at hinarap ko silang tatlo. "Ano bang problema niyong tatlo? Nasipsip ba kayo sakin? Oo alam ko namang good friend ako pero hindi tayo talo. Okay?" Naglakad na naman ako papasok ng bahay at iniwan ko yung tatlo. Habang naglalakad ako papasok ng bahay. Sa may pinto palang, may narinig na agad akong nag uusap sa may sala. "Di ko lang talaga alam Fred, galit parin sayo si Dean." Teka? Si Tita Denis yun ah. Sinong kausap niya? Atsaka sinong Fred? "Alam ko Denis. I-eexplain ko naman sa kanya lahat eh." Ani naman nung kausap ni Tita Denis. Nagulat ako ng biglang may humawak sa kamay ko na nasa doorknob at binuksan yung pinto. Si Dean pala. Nauna naman siyang pumasok sa bahay at napatigil siya ng makita niya kung sino yung nasa may sala na nag uusap. Nakita kong tinikom ni Dean ang mga kamao niya at mukhang galit na galit pa siya. "ANAK!!" sigaw ni Tita Denis at sinalubong niya ang anak niya. Bigla namang hinawakan ni Sam ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. "Bakit?" Tanong ko. "Let's leave them alone. Hayaan natin silang mag usap." Ani Sam. Napatingin naman ako kay Zeus na bigla na lang tumango at mukhang sang-ayon din sa sinabi ni Sam. Bago pa ako makapag-react ay hinila na ako ni Sam paakyat sa kwarto ko. Nalaman ko ding Papa pala ni Sam yung lalaking kausap si Tita Denis. Eh? Bakit naman nandito yung Papa ni Dean? DEAN'S POV. Niyakap ako ni Mama tapos sina Kira naman ay iniwan na kong nakatanga dito at dumiretso na sa kwarto niya. "Bakit siya nandito?" Tanong ko agad. Oo na, sabihin niyo ng parang ang sama kong anak pero hindi ko na makayanang makita pa ang pagmumukha niya. "Anak... gusto na tayong balikan ng papa mo. Gusto nyang mabuo na ulit tayo." nakayukong sabi ni Mama. "Bakit? Ganun ganun na lang ba yun? Pagkatapos niya tayong iwan without explanation ngayon babalikan niya tayo?" "Anak, ipapaliwanag ko ang lahat. Kung bakit ko nagawang iwan kayo at kung saan ako nag punta. Atsaka kung bakit ako duguan nung gabing yun..." Nagulat ako ng sabihin niya yun. Pano kung ikwento na nga niya ang nangyari dati? mapapatawad ko ba siya? Gusto ko lang naman kasi talagang malaman kung bakit niya kami iniwan eh mahal na mahal niya naman pala kami. Ang gulo njya kasi. Iiwan niya kami kasi mahal niya daw kami. Diba ang gulo? Naupo muna ko sa sofa kasi hinila ako ni Mama tapos mag kukwento palang sana si Papa nang may biglang dumating. "FRED!!" sigaw ni Mam Nicole at di ko alam kung bakit ganun na lang sila makatingin ni Sir Renz kay Papa. "N-Nicole." Nauutal na banggit ni Papa. Napatayo bigla si Papa sa kinauupuan niya at mukhang aktong aalis na siya ng sa isang iglap ay nakita ko na lang ngayon na hawak na nina Mam Nicole at Sir Renz si Papa. "Renz!! Hindi ako ang pumatay sa kanila. Si Dee yun!!" sigaw ni Papa. "Anong hindi? Nandun ka nung namatay sila!! Traydor ka!! Pinatay mo sila! Pinatay mo ang mga kaibigan mo!" sigaw ni Sir Renz. Teka, ano bang nangyayari? "Pa!! Anong nangyayari?" taka kong tanong atsaka pa ako napatayo sa kinauupuan ko. "Ano? PA? Anak mo si Dean?!!!" Pasigaw na tanong ni Mam Nicole. Tumango lang naman si Papa bilang sagot. "Wag niyo pong sasaktan ang pamilya ko, sasabihin ko ang lahat sa inyo at gusto kong marinig din yun ng pamilya ko." "Sasabihin mo nang ikaw si DEE?!" sigaw ni Sir Renz. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit nila ginaganyan si Papa at wala akong maintindihan sa mga nangyayari. "RENZ!! Let him go and explain what's going on." suway ni Mam Nicole tapos na upo na silang tatlo at handang makinig sa ikukuwento ni Papa. FLASHBACK Naglalakbay kaming magkakaibigan ngayon dito sa gubat. Tutulong kaming maghanap kay Dee. Ako kasi ang pinuno nang gobyerno ng mga tao. Madilim na at tanging liwanag ng buwan na lamang ang ilaw namin. Nang maya maya, nakaramdam na kami nang mga kaluskos sa paligid na hinala namin ay si Dee na yun. Inihanda na namin ang mga armas namin para sa pagsugod ni Dee. "Lumabas ka na dyan Dee!!!" sigaw ni Erik na isa sa mga kasama ko. Nag iikot kami para mahanap kung nasaan si Dee masyado siyang mabilis gumalaw, kung saan saan siya pumupwesto. "Arhk---" napalingon kami bigla sa may kanan namin ag nabigla na lang kami na nakahiga na ang isa naming kasamahan at naliligo sa sarili niyang dugo. "JADE!!!" sigaw ko at mabilis ko siyang nilapitan pero huli na ang lahat dahil naubusan na ata siya nang maraming dugo. "Ahh---" "Ahh---" Sunod sunod ng namamatay isa isa ang mga kasama ko. Anim kaming lahat, pero ngayon ay ako na lang ang natitirang buhay.. "DEE!!! Magpakita kang demonyo ka!!!" Nakarinig na lang ako ng isang malakas na tawa pagkasabi ko ng mga katagang yun. Maya maya pa ay may biglang lumabas sa isang parte ng mga puno na dilim. "Ikaw?" gulat kong tanong. Ngumiti lang siya sakin at mabilis niya akong nalapitan at nakagat sa may leeg ko. "Aurgh!!!!" "Fred?!!" Boses iyon ni Nicole. Napatigil sa ginagawa niya sakin si Dee atsaka muli niya akong binigyan ng nakakatakot na ngiti. Kinagat niya ang pulso niya atsaka doon may lumabas na maraming dugo. Nagulat ako ng pilit niyang pinainom sakin ang sarili niyang dugo. Teka... Ga--Gawin niya kong bampira? Hindi ko na alam pa ang mga sunod na mga nangyari. Nakaramdam na lang ako ng biglaang pagkauhaw at gutom na para bang mahigit ilang daang taon akong hindi nakainom. "Fred!! anong ginawa mo sa kanila?? Wag mong sabihing ikaw si---" napatingin ako sa sarili ko. Nagulat ako ng makita kong duguan ako at nakaupo habang nasa may kandungan ko naman ang walang kalaban labang si Erik na patay na. Napatingin ako muli kay Nicole na mukhang hindi makapaniwala sa mga nangyayari. "Hulihin nyo na siya!!" sigaw ni Renz sa mga kasamahan nila pero bago pa sila makalapit sakin ay nakatakas na agad ako nang mabilis. Alam kong hinahabol nila ko ngayon, nagtago ako sa isang puno para di nila ko makita. "Nasaan na yun?" "Wala na. Natakasan na tayo." sabi nung dalawa tapos ng di ko na sila marinig pa ay binalak ko agad na pumunta sa bahay. Alam kong hindi yun magandang ideya dahil mag aalala ang pamilya ko kung bakit ako duguan. Pero mas maganda na din 'toh para makapagpaalam ako sa kanila. I need to stay away from my family. Alam kong mapapahamak sila kapag malapit ako sa kanila. Maaari nilang gamitin ang pamilya ko para malaman kung nasaan ako. Kelangan ko munang lumayo para makapag isip ng paraan kung paano ko malilinis muli ang pangalan ko. END OF FLASHBACK "Binalak ko munang lumayo para hindi din malaman ni Dee kung nasaan ang pamilya ko. Baka gamitin nyang alas ang mga ito para sumanib ako sa kanya." nakayukong sabi ni Papa. "Teka lang!! Ba--Bampira ka Pa?! Niloloko niyo ba ko? O nababaliw na ko? At sina Mam Nicole at Sir Renz---" naputol ang mga sinasabi ko ng mapatingin ako kina Sir Renz at Mam Nicole. Pula ang mga mata nila ngayon at nakalabas ang mga pangil nila. "Hindi... Hindi!! Hindi 'toh totoo!!" sigaw ko. "Nak... Totoo lahat 'toh. Ginawa akong bampira ni Dee." sabi ni Papa. Napatingin ako kay Papa na kulang na lang ay mapaiyak ako. Niloloko lang naman talaga nila ako diba? Alam ko naman yan eh. Ganyan naman kasi dati si Papa. "Pano namin masisiguradong di ka talaga taksil Fred? At sino ba talaga si Dee? Hindi mo man lang sinabi sa kwento mo kung sino si Dee." Ani Sir Renz. Shit!! What the hell is going on? Anong Dee? Vampire si Papa pati sina Mam At Sir? Posible kayang si Kira din--- "Si Derik ay si Dee." sabi ni Papa. Napatingin ako sa reaksyon nina Mam Nicole at Sir Renz na gulat na gulat. "S--Si Derik?! Nahihibang ka na ba Fred? Baka naman nagpapalusot ka lang para di ka namin paghinalaan na ikaw si Dee?" Wika ni Mam Nicole. "Totoo po yun." Napatingin naman kami kay Sam na bigla na lang sumulpot. "Si Dad ay si Dee." cold niyang sabi. Ai Mam Nicole naman ay para namang naiiyak dahil sa nalaman niya. Bakit siya naiyak? Teka, tatay ni Sam yung tinatawag nilang Dee? Ang hirap mag sink sa utak lahat... ANO BA TALAGANG NANGYAYARI?! "Ano bang nangyayari?! Ang gulo!!!" Para na akong nasisiraan ng ulo. "Dean, mga bampira kami." sabi ni Mam Nicole. Literal akong napanganga sa sinabi ni Mam Nicole. "Pati sina Sam, Zane, Cheska, Kira, Rey, Roy, Justine, at Joshua ay mga bampira." "A--Ano?!" yung mga kaibigan ko? Bampira silang lahat?! "Pati ba sina Mark?!" Napayuko na lang ako kasi hindi ko na alam ang dapat ko pang ireaksyon. "Lahat Nak nang nasa Bolter Academy, mga bampira sila." sabi ni Papa. Hahaha? Ahahahahaha!! Natatawa na lang ako. Teka saan nila itinatago yung camera dito sa bahay nila? "To--totoo bang bampira ako Ma?" Napalingon kaming lahat sa may hagdan pataas at doon ay nakita namin si Kira na nakaupo sa may hagdanan at mukhang nakikinig sa pinag uusapan namin. "KULET!! Sabi ko sayo diba wag kang lalabas? At ikaw Zeus? Bakit mo pinayagang lumabas si Kira?!" galit na tanong ni Sam. Hindi naman siya kinibo ni Zeus at nag-headset lang ito. "Nak... Hndi pa ngayon ang tamang panahon para malaman mo---" "Bakit di niyo agad sinabi?!" "Nak... Hindi pa nga ngayon ang TAMANG PANAHON. Ang kulet mo talaga." pagbibiro ni Sir Renz. Bigla naman siyang nabatukan ni Mam Nicole at napailing. Napatayo na naman si Kira sa kinauupuan niya atsaka siya tumakbo papunta sa kwarto niya. "We need to talk to her." Rinig kong sabi nina Mam at Sir na sabay tumaas papuntang kwarto ni Kira. "Nak, sana mapatawad mo ko. Ginawa ko lang ang makakabuti para sa inyo at nga pala wag nyong tatanggalin ni Donna yang bracelet na yan. Proteksyon yan para di nila malaman na tao kayo ni Donna. Aalis na ko." sabi ni Papa at umalis na nga siya. Si Mama naman, umalis na lang muna din tapos sina Sam at Zeus naman nakiupo sa tabi ko. "Sorry pre, kung di namin sinabi sayo na bampira kami at di namin akalain na anak ka pala ni Tito Fred. Mabait yang tatay mo ang swerte mo nga eh." sabi ni Zeus na parang ikinagaan medyo nang loob ko. Oo alam ko namang mabait si Papa, at siya lang ang pinaka cool na Papa na nakilala ko. "Okay lang yun Pre baka nga lang mapahamak ako pag nalaman kong bampira kayo. Baka di ko pa kayong naging kaibigan." masaya kong sabi tapos nginitian na lang ako nila Sam at Zeus. KIRA'S POV. Mabilis akong nagtatakbo papunta at papasok sa kwarto ko. I can't believe that I was a vampire. I know na it's COOL, but why do I feel more betrayed? Bakit parang nagalit pa ko dahil bampira ako? Dahil ba di nila sinabi na bampira ako?! Gusto kong i-explain nila lahat. Bakit? Pagpasok ko sa kwarto ay dumapa agad ako sa may kama ko. Nagtalukbong ako ng kumot atsaka ako umayos ng higa ko. "Nak..." Si Mama yung tumawag sakin. Naku, ayan na si Mama. Ano na gagawin ko? Oo nga pala, kunwari may tampo ako. "Nak... we can explain to you whatever you want to know." "Go on Ma, explain to me everything." cold kong sabi atsaka ko tinanggal ang talukbong kong kumot. Nakaupo si Mama sa may tabi ng kama ko at nakangiti siya sakin ng malapad. Bakit ganun? Parang kinikilabutan na ako ngayon kay Mama? Dahil ba nalaman ko na bampira pala sila ni Papa? "Bampira ka nak. Magiging ganap na bampira ka na pag nag 18 ka na sa 15." "Ahhh, Okay." Ani ko. Tinignan naman ako ni Mama na para bang binaba niya ang nasa isip ko. Oo nga pala bampira si Mama. Edi ibig sabihin nakakabasa siya ng isip ng tao. "Mama!! Binabasa mo ba nasa isip ko?" Tanong ko. "Hindi, tinitignan ko lang kung galit ka pa ba samin ng Papa mo. Galit ka pa ba?" "Sa tingin mo ma?" Pangangasar ko. Napangiti naman si Mama atsaka niya ako niyakap. "Hayyy, naku nak. I'm happy because you're our daughter." "Ako din Ma!! Masaya ako kasi anak pala ako nina Edward at Bela, hihihi." "Naiintindihan mo ba kami Nak?" Kumawala si Mama sa pagkakayakap namin atsaka niya ako tinignan ng diretso sa mga mata. "Oo naman Ma. I understand you two ni Papa." "Thanks nak, because you understand us your mother." Sabi naman ni Papa na nasa may gilid ni Mama at kanina pang nakatayo. Nginitian ko lang sila at niyakap nila akong dalawa. "Nak... Wag mo nga palang tatanggalin yang bracelet na yan ha." sabi ni Mama. Tinaasan ko naman sila ng kilay. "Bakit naman Pa?! Ano bang meron dito?!" taka kong tanong. "Proteksyon yan anak. Do you want to know what does the meaning of those symbols?!" tanong ni Mama tapos tumango naman ako agad. Hinawakan ni Mama ang kamay ko atsaka niya isa isang itinuro ang mga nakaukit na nasa bracelet ko. "Etong araw na 'toh ay proteksyon para di ka maging abo pag tumapat ka sa araw." "Eh? Pero akala ko hindi pa naman ako totally na bampira?" "Anak. Habang lumalaki ka, unti unting nabubuhay ang dugong bampira mo. Lalo na ngayong malapit na ang 18th birthday mo." Ahhh, okay. Oo nga, yung mga bampira kasi nasusunog pag nakatapat sa araw. "Eto namang mukhang usok na 'toh ay proteksyon para di nila malaman/maamoy na tao ka." "EH??? Ano yun? Bampira na ba ako ngayon Ma? o Tao parin?" Ang gulo kasi eh >______[CONTINUE...]
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD