Kabanata 18

1869 Words
SAM POV. "Nak!! Mukhang success ang plano mo at pangiti ngiti ka dyan." Napahinto ako bigla sa paglalakad ng biglang sumulpot si Dad sa harapan ko. Te--Teka... Yung PLANO? Oo nga pala. Kaso, nakalimutan ko na yun. "Kasi Dad, hindi ko kaya..." Napayuko agad ako pagkasabi ko nun. Ayaw ko kasing makita ang disappointed na mukha ni Dad. "ANONG IBIG MONG SABIHING HINDI KAYA?! BUMALIK NA NAMAN BA YANG NARARAMDAMAN MO PARA SA KANYA?!" sigaw ni Dad at itinulak niya pa ko sa pader tapos sinakal pataas. Tangging paghawak lamang sa kamay ni Dad na nakasakal sakin ang nagawa ko. Hindi ko kayang matanggal ang kamay niya sa leeg ko. Ang lakas niya. "DERIK!!!" Sabay kaming napatingin ni Dad sa direksyon ng babaeng bigla na lang sumigaw. "Anong ginagawa mo kay Sam?! Bakit mo siya sinasakal?!" Tanong ni Tita Nicole. Binitawan na naman ako ni Dad atsaka ako napahawak sa leeg ko. Umubo ako ng sunod sunod at huminga. "Wala Nicole, meron lang kaming di pagkakaintindihan." sabi ni Dad. Inalalayan naman ako ni Tita Nicole na tumayo. Pinilit ko namang ayusin ang sarili ko atsaka na ako umalis. Siguro hindi muna ako uuwi sa bahay. Baka matuluyan ako. KIRA POV. Napatigil ako sa kinatatayuan ko at nawalan ako ng mga salitang sasabihin. Hindi ko alam ang isasagot ko at hindi ko alam ang dapat at tama na salita. Napa iwas na lang ako ng tingin atsaka ako nakaisip ng isang paraan para medyo umayos ayos si Dean. "Tara samahan mo ko." Ani ko. "Saan naman?! Kanina ka pa nagala ah?!" Galit niyang tanong. "Basta!! tara na. Samahan mo na lang ako, para hindi ka na mag alala sakin." sabi ko sabay hila sa kanya papasok ng kotse. +++ Itinigil ko ang kotse malapit sa may 7/11 atsaka kami bumaba ni Dean. Bumili ako ng dalawang Ice Cream para saming dalawa at sa kotse ko na namin kinain. Nagtataka pa nga siya ng binilhan ko siya ng Ice Cream eh pero tinanggap naman din niya atsaka na kami umuwi. Pagkauwi namin, kulang na lang mapatalon ako sa gulat kung sino yung nilalang na nasa sala. "Kira. Mga kaibigan mo daw sila." sabi ni Tita Denis tapos tumango na lang ako. "Opo. Thank you Tita Denis." Ani ko atsaka na siya umalis. Lumapit naman kami pareho ni Dean sa may sofa kung saan nakaupo yung tatlong mga bwisita ko. "Ba't kayo nandito? Anong kelangan niyo?" naka cross arm kong sabi. "Eh si Dean bakit nandito?" Tanong ni Zeus. Tinaasan ko lang siya ng kilay atsaka nilakihan ng mata. Iniiba niya usapan eh. "Okay, okay. From now on we're staying here. For good..." Ani Zeus at literal akong napanganga sa sinabi niya. Seryoso ba siya? Sila? "Makakasama ka na namin Takaw!!" Masayang nagtatatalon si Rey sa sofa atsaka niya ako niyakap. "Ako din!! Yayakap kay Biscuit!!" pagmamaktol naman ni Roy. Tangina kelan sila lalaki? "Mag aaway na naman eh!!" suway ko tapos niyakap ko na lang silang dalawa. Namiss ko talaga 'tong dalawa kong pinsan. "Kira!!" Tawag sakin ni Tita Denis tapos napatingin ako sa likudan ko kung nasaan si Tita Denis. "Bakit po?" Tanong ko. Bumitae na naman sa pagkakayakap sakin sina Rey at Roy. "May isa ka pang bisita." Ani Tita Denis. Sabay sabay naman kaming napatingin sa pumasok sa may pinto at literal akong napanganga ng makita ko si Sam. "Pwede ba dito muna ako Kira?!" Nagkatinginan naman kaming lima nina Dean, Zeus, Rey at Roy. Ibinalik ako ang tingin kay Sam na naghihintay ng sagot. "O-Oo naman Sam. Bakit hindi?" Ano bang nangyayari sa mga lalaking 'toh?! Pinalayas? Mga naulila? Nagtatakbo na naman pataas sina Rey, Zeus, Roy, Dean at Sam. Grabe, nauna nang umakyat dun sa kwarto ko. Dun talaga sila matutulog. (╥╯﹏╰╥) Sa may dinning room ako dumiretso atsaka kumain. Nang matapos na kong kumain, umakyat na ko agad dun sa taas. Mamaya mukhang binagyo na yung kwarto ko dahil kina Roy at Rey. Grabe pa naman yun pag nagbatuhan. Pagtaas ko ng kwarto ko, hindi nga ko nagkamali. Yung mga kumot ko nasa sahig na, pati unan. Tapos lahat sila may hawak na unan. Nag PILLOW FIGHT sila?! Ang daya, hindi ako sinali. "Anong ginawa niyo sa kwarto ko!!!" naiiyak kong sabi tapos tinawanan lang ako nung lima. Namewang na lang ako tapos pinulot ko na yung mga unan at iba pang mga kalat. Inusog ko dun sa may tabi ng pader yung kama ko at nahiga na. Well, kaya ko inusog yun kasi sa may sahig matutulog yung lima. Mukha ba kaming magkakasya sa kama? Maya maya, naramdaman ko na lang na naiipit na ko sa dingding, kulang na lang ay dumikit ako o di kaya ay tumagos sa ding ding. Tangina, ang sikip. "AHHH!!!" sigaw ko tapos tumayo ako. Aba, nakisingit pala yung lima sa kama ko kaya naiipit ako. Ginawa nila akong PALAMAN?! "Bakit kayo nakikisingit dito?! dun kayo sa lapag!!!" sigaw ko tapos tinulak ko sila pababa, at nakaya ko naman. Teka, ang lakas ko ata?! parang ang easy lang ng pagtulak ko sa kanila pababa. Sinamaan ako nang tingin nung lima tapos ginantihan ko din ng tingin. Kumuha sila nang panlatag dun sa closet ko tapos nahiga na sila. "Musta na ba Sam?!" rinig kong tanong ni Zeus. "Eto, nabubuhay pa naman." pilosopong sagot ni Sam. Napaupo naman ako sa kama ko atsaka napakamot sa ulo. "Aish! di ako makatulog." singhal ko. "EDI HINDI KA INAANTOK!!" sigaw sakin nung lima. "Edi wow..." bulong ko na lang. Tangina, mamaya pagtulungan ako ng limang 'toh ah. "Takaw, magikan mo na lang ulit kami." sabi ni Rey tapos ng pout pa. "Oo nga." sang ayon naman ng kambal nyang si Roy. "Ahhh, yung sa number?!" tanong ko. "OO!!" sigaw nung dalawa. "Kayong tatlo? gusto niyo bang ma-exampulan?" tanong ko dun sa mga nananahimik, mukha kasi silang nagtataka sa pinag uusapan namin nina Rey at Roy eh. "Sige." cool lang na sabi ni Sam. "Game." ganado naman 'tong si Zeus. "Geh lang." Sabi naman ni Dean. "Sige, GAME na. So kayong lima mag isip kayo nang dalawang magkasunod na number. Kahit na ano basta magkasunod ha at wag nyong sasabihin sa akin." explain ko. "NEXT." Magkakasabay na sabi nila ng lima. "I-plus nyo yung malaki nyong naisip na number sa 5." "Tapos?" "Tapos, yung sagot dun sa PLUS. I-minus niyo naman dun sa maliit nyong naisip." sabi ko. "Ang sagot ay.... 6." Diba?! 6 ang sagot?! "Te--Teka? paano mo nalaman. Nabasa mo ba yung nasa utak namin?!" takang tanong ni Sam. "Pero Sam, Rey, Roy at Dean. 6 din yung sagot niyo?!" Tanong naman ni Zeus. "Oo." sabay sabay na sabi nung apat. Nahalata kaya nila kung ano yung teknik?! "Nakakabasa ka na nang utak Kulet?" Dagdag pa ni Zeus. "Hindi. Magic yun at may teknik. Pero di ko sasabihin kung paano, hindi ako MIND READER." mataray kong sabi. "Ahhh...." sabi na lang nila. "Pero paano mo nalaman ang sagot?!" Tanong ni Dean. Medyo may pagka-slow din siya. Kelangan ko na naman ulit sabihin yung sinabi ko kanina? "Basta. Secret ko na yung GIMIK nun." "Paano nga?" Putengene, kelan pa naging makulit si Dean? "Dean, nahawa ka na?!" tanong ni Sam. "Anong nahawa?! di naman ako makule---" di na niya na ituloy ang sasabihin niya nang ma-realize niyang makulit na din pala siya. "Logic?! Gusto niyo?" pag aaya ko, mamaya mag away yung dalawa eh. Tapos tumango na lang silang lima. "So, anong gumagapang sa ulo ng ASO?" tanong ko... "Garapata." sagot lang ni Dean. "Eh, sa TAO?!" "KUTO." sigaw nilang lima sakin. "Oky, oky, eh sa KABAYO?" tanong ko tapos yung lima biglang napaisip. Wahahaha. "Meron ba?" tanong ni Dean. "Oo, meron yan nagtanong ba ko kung wala?!" "Eh baka mamaya niloloko mo lang kami eh..." Sabi ni Dean. "BASTA SAGUTIN NIYO NA LANG. Dami pang dada di naman alam ang sagot." pag susungit ko. "Oh, ano na?" Yung lima, pilit nag iisip. "TAO?!" "AHAS?!" "LAMOK?!" "UOD?!" "PANIKI?!" "CATERPILLAR?!" Yan yung mga sagot nila sakin. "HINDI" yan naman yung sagot ko sa kanila. "EH ANO?!" tanong nung lima. "Teka, baka wala namang ulo yung kabayong tinutukoy ni Kulet?!" tanong ni Zeus. Tangina niyo, merong ulo yun. "Meron kaya. So, SIRET na ba kayo?!" masaya kong sabi. "HINDI!!!" "Bahala kayo." "Bigay ka naman ng CLUE." sabi ni Dean "Oo nga Kira." sabi naman ni Rey. "Ang talino mo talaga Dean!!" sabi ni Roy, parang mga sira ulo eh ngayon lang nakaisip humingi nang CLUE?! "So, seven letter. Letter 'A' ang huli and letter 'P' ang unahan." "P and A?! Papapaa?" takang sabi ni Dean. Hay naku, baka bukas pa nila masagot yan jaya nahiga muna ko at pumikit. "SIRET na kami." sigaw nilang na ikinagulat ko kaya naupo ulit ako sa kama. "Ang sagot ay..." "PLANTSA!!" "HA?!" takang tanong nung lima. "Oo, plantsa. Alam niyo ang kabayong pinagpaplantsahan?! Yun yung tinutukoy ko at ang gumagapang sa ulo nun diba ay PLANTSA. Hahaha." "Aish..." "Yun naman pala..." "Ano bayan..." "Kala ko naman kung ano na..." "Tangina mo kulet, sabi sa inyo wala talagang ulo yun eh." "Gusto niyo pa?!" tanong ko tapos nag si tango naman yung lima. Tumayo muna ko at pumunta nang CR tapos pumutol ng isang mahabang ting ting. Paglabas ko, nakiupo muna ako dun sa higaan nung lima. Pinutol ko yung mga ting ting ng 5 putol at inihilera ko sa harap nila nang ganto. | | | | | "Anong gagawin namin dyan?" cold na sabi ni Sam. "So, gumawa kayo nang tubig dyan." masaya kong sabi. "Ha?! pano yun?!" tanong ni Rey. "Bakit ko sasabihin, edi malalaman niyo agad?! basta kahit ilang MOVES gawin nyong tubig yan." Napakamot naman sa ulo yung lima tapos ginulo gulo nila yung ting ting. / - / | / / / Yan lang yung mga nagawa nila. After 1 year.... De jowk, mga after 15 minutes lang ay sumuko na sila. "So para magawa ko 'tong tubig ay 1 MOVE lang ang gagawin ko." "1 MOVE?! Imposible!!" sabi ni Dean. Kinuha ko yung isang putol na ting ting at nilagay ko dun sa pagitan nung dalawa... | |-| | "So, basahin niyo." sabi ko. "I.... HI?!" Rey "Ahhh... IHI!!!" gulat na sabi ni Sam. "Oo, diba tubig din yung IHI!!" sigaw ko tapos napa AHA na lang yung apat. "Hayyy naku, ang dami mo talagang alam Biscuit."" sabi ni Roy. "Teka, matanong ko lang. Bakit TAKAW ang tawag sayo ni Rey?!" tanong ni Dean. "Kasi, matakaw ako." sagot ko. "Eh bakit naman BISCUIT?!" "Kasi, mahilig ako sa biscuit ubos lagi sakin yun." "Eh lahat naman ng pagkain ubos sayo eh." bulong ni Rey.. "REY!!" sigaw ko. "Ikaw kasi Rey eh." sabi naman ni Roy. "Ako na naman eh bumulong lang ako." "May pabulong bulong ka pa kasing nalalaman eh." "TAMA NA NGA!! nag aaway na naman kayong dalawa." Sigaw ko sabay tayo at nahiga na sa kama ko. "Lagot... nagalit sa inyo si Kulet---" "ZEUS!!! ISA KA PA!!!" sigaw ko. Tapos nanahimik na siya. Maya maya di ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Inantok na ko sa pagmamaktol ko eh. Joke, di naman talaga ako nagalit. Acting lang yun. Palusot para tumahimik sila at makatulog na talaga ako. [CONTINUE...]
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD