KIRA'S POV.
"Z--Zeus?" Literal akong napanganga ng mapagtanto kong siya ng si Zeus.
"Omyghad!!!"
"Ako nga kulet, hahaha!!" Lumapit siya sakin atsaka niya ginulo ang buhok ko. Atsaka... Kasama niya din sina---
"TAKAW!!!"
"BISCUIT!!!"
Hanggang ngayon hindi parij pala sila nagbabago.
"Rey!! Roy!!" Sigaw ko. Lumapit sila sakin na nakaupo atsaka nila ako niyakap. Si Rey yung tumawag sakin ng TAKAW tapos si Roy yung tumawag ng BISCUIT.
At pagkatapos ng yakapan session namin inalalayan ako ni Dean tumayo. Masakit parin kasi paa ko eh. Hindi ko talaga alam kung bakit patanga tanga ako.
"Mag ingat ka kasi sa susunod. Baka dahil sa katangahan mo, sa susunod niyan mamatay ka na. Hindi sa lahat ng pagkakataon may laging poprotekta sayo." Inirapan ko lang naman si Zeus. Kahit kailan imbes na kamustahin niya ko kung ano ano pang sinasabi niya. Naiintindihan ko naman yung katangahan ko. Hindi ko na talaga yun uulitin.
"Ahh!! Oo nga pala, si Dean. Boyfriend ko." Atsaka ko hinawakan ang kamay ni Dean at ipinatong yung ulo ko sa balikat niya.
"BOYFRIEND??" sabay sabay nilang tatlong sabi. Pagkatapos nilang sumigaw ng sabay sabay ay bigla naman silang tumawa ng sabay sabay.
"Hahahaha!! Maniwala ako sayo Takaw?" Sabi ni Rey atsaka ko siya sinamaan ng tingin.
"Ang galing mo parin magbiro Biscuit." Sabi naman ni Roy.
"Ehhh!!! Paano niyo na laman na joke lang yun? Ang daya!!" Inis kong sabi. Napatingin naman ako kay Zeus na seryosong nakatingin kay Dean.
"Dean?! Ikaw na bayan?!" tanong ni Zeus. Eh? Magkakilala ba sila?
"Magkakilala kayo?!" tanong ko.
"Zeus?! PRE!! kamusta ka na." sabi naman ni Dean atsaka niya ako binitawan at niyakap niya si Zeus. Putangina mo Dean, ang sama mong nilalang. Muntik na kong malaglag sa kinatatayua ko kasi masakit parin paa ko. Mukhang mamamaga paa ko nito ahh!
"DEAN!! Ang gara mo, si Zeus lang ba tanda mo?!" tanong ni Rey.
"Syempre hindi, namiss ko din kayong dalawang loko eh." sabi ni Dean tapos nagyakapan silang apat. Tangina niyo nandito pa ko na walang kaalam alam sa mga nangyayari.
"HOY!!! NANDITO PA AKO!! ANO BANG NANGYAYARI!!!" Tangina talaga eh. Feel ko na naman magmura ng magmura sa time na 'toh.
"Ahh!! Kira, eto yung lagi kong naikukwento sayo na kaibigan kong gustong gusto kang makilala." Sabi ni Zeus atsaka niya itinuro si Dean. Ahh, siya pala yun? Si Dean? Grabe, tadhana nga naman. Pero hindi ko na nakilala si Dean nung bata pa kami kasi saktong umalis na kami nun papuntang SoKor (South Korea).
"Dean, eto yung gustong gusto mong babae." sabi ni Zeus sabay siko kay Dean. Sinamaan naman ni Dean ng tingin si Zeus tapos yung dalawang pinsan kong magkambal sa gilid nag aaway na naman.
"Ano ba kasi, ako nagligtas kay Takaw eh!!!"
"Hindi nga, si Zeus ang nagligtas. Nasa malayo ka kaya."
Hayyy, napa-facepalm na lang ako kasi nag uumpisa na naman 'tong dalawang 'toh.
JUSTINE POV.
Hinahabol namin ni Joshua at Joshua ngayon si Master M. Bwiset, bakit ba kasi ang galing galing niyang magtago?! Urgh!! Yung mga daan na hindi namin alam, siya lang nakakaalam.
"Justine, dun ka sa kanan." sigaw ni Joshua tapos tumango na lang ako.
Lumingon lingon ako sa paligid kung saan nakita kong tumigil si M, pero wala na kong makita sa paligid kundi mga puno at madilim na paligid. Napatadyak na lang ako kasi nakatakas na naman siya.
Maya maya pa ay bumalik na lang ako sa bayan kasama sina Sam at Joshua.
"Nahabol niyo ba siya?!" tanong ni Tita Nicole. Umiling naman kaming tatlo at napayuko na lang.
"Ayos lang ba kayong tatlo?! Wala bang nasaktan sa inyo?!"
"Wala naman po pero balita ko po kay Zeus na sumugod din daw po ang mga ibang alagad nila Dee sa ball nila Kira." paliwanag ko.
"Naku! ayos lang kaya sila?" nag aalala na tanong ni Tita.
"Ayos lang naman daw po si Kira pati na po ang iba, wala naman daw pong nasaktan." sabi ko.
Tsss, nandito na pala si Zeus sa Pilipinas. Mag uumpisa na ang totoong laban sa pagitan nila Dean. Ano ang gagawin mo Dean?
DEAN'S POV.
Di ako makapaniwala na si Kira na pala yung sinasabi ni Zeus na babaeng gustong gusto ko nung 10 years old palang ako.
So, actually si Zeus din yung lalaking kasama ni Cheska nung nakipag break ako sa kanya pero, ayos na naman ulit kami ni Zeus. Nakipag usap kasi ako sa kanya dati, at wala naman daw syang intensyon na agawin sakin si Cheska kasi may iba daw siyang mahal.
Kahit na nalaman kong walang siyang intensyong agawin si Cheska yun na yun eh. Nakipag Break na ko at wala na naman din akong interes na makipagbalikan pa kay Cheska. Wala na kong nararamdaman pa para sa kanya. Atsaka napapagod na ako. Parang ginagawa niya lang akong isang gamit niya na pwedeng ipagmalaki kasi gwapo.
Nasa kotse na kami ngayon ni Kira at bago kami umalis, sinigurado muna naming walang nasaktan kanina.
Ang weird lang, bampira yung lahat ng nasa ball?! Yung mga classmates ko ay mga bampira?!
Baka namamalikmata lang ako kanina. Aish!! umalis na kami si Kira na yung nagdrive. Kami naman nitong si Zeus, nag uusap.
"So, pre nakipagbalikan ka na ba kay Cheska?!" tanong niya agad.
"Anong ibig mong sabihin Zeus?! Naging sila ba ni Cheska?!" Biglang singit ni Kira sa usapan namin. Pwede bang i-pakingteyp muna yung bibig niya para hindi siya magtanong ng magtanong at magsalita?
"Kulet naman, usapang lalaki 'toh! Wag kang mangelam!!" sabi ni Zeus.
"Okay po Sir!!" Nanahimik na naman si Kira at humarap na naman sakin si Zeus. Tinignan naman ako ni Zeus na parang naghihintay siya sa sagot ko dun sa tanong niya kanina.
"Wala na akong balak siyang balikan." Cold kong sabi. Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng galit at inis parin pag si Cheska ang pinag uusapan.
"Bakit?!"
"It's just---"
"Baka naman... may iba ka nang gusto?!" Bulong ni Zeus atsaka niya tinignan si Kira na nasa driving seat at seryosong nagdadrive.
Well, nung bata ako si Kira ang gusto ko. Sasabihin kong siya ang naging first love ko even If i didn't even meet her in personal.
Maybe this time, we're destined to meet, and we're given a chance na dapat nung mga bata palang kami ay nangyari na magkita at magkakilala kami.
"Well, handa ka bang lumaban sakin?" bulong ni Zeus na ikinagulat ko. Anong ibig niyang sabihin?
Tinignan ko siya sa mga mata niya at hinintay ko kung tatawa ba siya at sasabihin joke lang pero... Mukhang seryoso siya.
Tinignan ko siya ng may katanungan sa mga mata ko atsaka ko ibinaling ang tingin kay Kira.
Tumingin ulit ako kay Zeus na nakangiti ngayon atsaka siya biglang tumango.
Ibig sabihin... May gusto siya kay Kira?
Eh ako? Gusto ko na ba talaga si Kira? Kelangan ko ba talagang labanan ngayon ng totoo at patas ang kaibigan ko sa pag ibig?
FLASHBACK
"Talaga Zeus, mabait ba siya?!"
"Ano... kasi... Makulet yun, masayahin, pasaway, matakaw at matigas ang ulo." kwento niya...
"Di naman siya malandi diba?!" tanong ko ulit. Ayoko kasi sa mga babaeng malalandi eh.
"Hindi yun malandi, kaso panget yun."
"Ahhhh, oky lang kung panget siya. Pero para sakin maganda na agad siya kahit di ko pa siya nakikita."
"Gusto mo na agad si Kira?!"
"Oo, gusto ko kasi yung pagiging masayahin ng isang babae eh kahit na makulet, pero di mataray, walang arte at hindi malandi." sabi ko.
"Ano bayan Dean, ang bilis mong mainlove."
"Ano naman!! Inggit ka lang. Ay ako pala yung naiinggit, kasi ikaw lagi mo syang nakakasama. Pangako ko, pag nagkita talaga kami, liligawan ko na siya." sabi ko tapos bigla akong binatukan ni Zeus.
"Ligaw agad?! Grabe ka naman ikinuwento ko lang sayo yung mga kalokohan at ugali niya, nagustuhan mo na siya?!"
"Oo, di ko nga alam. Habang kinukwento mo siya sakin gustong gusto ko na siyang makilala,"
"BALIW!! Hindi ko alam kung kelan ba nabagok ulo mo. Matalino ka ba talaga? Bigla bang huminto utak mo sa pag iisip? Nahihibang ka na ba Dean?"
"Kahit may iba siyang gusto, makikipaglaban ako para sa kanya. Aagawin ko siya kahit kanino kahit ikaw pa yun, Zeus!"
"Ang panget mo dre!! Umuwi ka nga muna tapos matulog ka. Pag gising mo nakalimutan mo na lahat ng sinasabi mo."
END OF FLASHBACK
Nakauwi na naman kami sa bahay nila Kira. Pero sina Zeus, Rey at Roy at uuwi na din daw. Inihatid lang daw nila si Kira sa bahay.
Sa totoo lang, inihatid nga talaga nila eh.
Pero kawawa naman si Zeus. Baka rayutin ng mga kasama niya. Nag aaway parin kasi yung dalawa eh.
"Anong pinag usapan niyo kanina?! Magkakilala pala kayo ha. Ang daya nyo, hindi kayo nag shashare kanina!! Hindi mo man lang sinabi na magkakilala kayo ni Zeus!!" napakamot na lang ako ng ulo ko kasi hindi ko alam ang sasabihin.
"Ang chismosa mo talaga. Tara na nga!! Malamok na!!" Bigla ko naman siyang inakbayan atsaka na kami sabay pumasok sa bahay.
[Kinabukasan...]
Nagising ako ngayon ng walang katabi. Teka--- nasan na yung babaeng yun? Ang aga naman atang bumangon nun? Sabado lang naman ngayon at walang pasok.
Gumapang ako sa kabilang side ng kama atsaka ako sumilip sa ilalim at hinanap si Kira. Baka kasi nalaglag lang yun sa kama kasi malikot matulog pero wala naman siya. Sinilip ko ang ilalim ng kama pero wala din akong Kira na nakita doon.
Bumangon na lang ako tapos nag toothbrush muna at naghilamos atsaka na ako bumaba para mag agahan.
Pagbaba ko, naabutan ko si Mama na natulong dun sa mga maid na mag hain.
"Ma, si Kira?!" tanong ko agad kay Mama.
"Abay, malay ko. Umalis agad eh, nagmamadali ata?!"
Umalis?! UMALIS YUNG BABAENG YUN NG HINDI AKO KASAMA?! SERYOSO BA SIYA?
"Bakit di niya ko ginising?!!!" Sigaw ko kay mama. Napabuntong hininga na lang ako ng mapagtanto kong napag taasan ko pala ng boses ni Mama.
"Ewan ko. Sabi niya wag na daw kasi alam niyang magagalit ka kapag ginising ka pa daw."
ANO?? Wag na?! Bodyguard niya ko at dapat kasama niya ko sa lahat ng pupuntahan niya. Paano na lang kung may mangyaring masama sa babaeng yun?! Edi ako pa mananagot?! Aish!!
Kinalma ko na lang yung sarili atsaka ako umupo sa upuan at kumain na lang.
"Good Morning Dean."
Ipinagpatuloy ko lang ang pagkain ko atsaka ko siya hindi pinansin.
"Ang sungit mo parin ha!!" Nawalan na tuloy ako nang gana kaya tumayo na ko at pumunta dun sa kwarto ni Kira para manood na lang. Putangina, saan ba pumunta yung babaeng yun?
KIRA'S POV.
Papunta ako ngayon ng SM BACOOR. Wala lang gusto ko lang maggala. Ayaw ko nang isama si Dean kasi alam ko namang pipilitin lang ako nun ng umuwi nang umuwi. Nakakabwisit kaya yung mga ganun kasama.
Well, alam ko namang malungkot mag isang gumala pero wala akong magagawa.
I-pinark ko na naman ang kotse ko atsaka na ako pumasok ng SM. Pero pagpasok ko hindi ko alam kung saan ako pupunta at kung anong una kong pupuntahan.
Mhhh... Kakain na lang muna ako nagutom ako sa byahe eh.
Dun ako pumunta sa may food court, tapos bumili ako ng tatlong waffles na hotdog atsaka Zagu na Hazelnut tapos bumioi din ako ng Ice Cream na Cookies 'n Cream. Well, kakain na ako!!!
Pagkatapos kong ubusin lahat ng yun sa food court ay diretso naman ako ng Starbucks. Nakapila ako ngayon sa may counter ng may tumawag sakin.
"Kira!!" Bigla akong kinilabutan ng tawagin niya ako. Nakakatakot naman kasi siyang magsalita. Napalingon naman ako sa may likudan ko at doon ay nakita ko si Sam.
"S--Sam..." Nauutal kong sabi. Hindi ko alam pero nginitian ko lang ng peke.
"Anong ginagawa mo dito?!" tanong ko. Napa-facepalm na lang ako kasi halata namang bibili din siya sa Starbucks kaya siya nakapila ngayon sa likuran ko.
"Pinagbabawal na bang mamasyal dito?!" nakangisi nyang tanong.
"Ano... hindi naman. Hehehe, nagulat lang ako. Gusto mo kong samahan mamasyal? Tara, sama tayo. Nakakalungkot mag isang pumasyal eh." Alok ko. Mas lalong lumapad ang ngiti niya atsaka tumango.
"Sige."
SAM POV.
"Sige." Nakangiti ko paring sabi tapos tumango tango siya at yumapos sa braso ko.
She still hasn't change. That's why my feelings has been always the same too.
But I don't know if she still remembers me when we were little.
FLASHBACK
"Ahahaha!! Ang cute mo panaman bata kaso ang lampa mo. Hahaha!!" sabi sakin nung babaeng kalaro ko kanina na nakitang madapa ako. Kainis naman kasi 'tong sintas na 'toh eh. Nauso pa!
"Isusumbong kita kay Kuya Zane!!" bintang ko.
"Edi wow!! Magsumbong ka!! Kuya ko yun eh. Hahaha, LAMPA LAMPA!! BAKLA!!" pangangasar niya pa. Nainis na ko sa kanya at tinignan ko siya nang masama tapos nagpalit na yung kulay ng mga mata ko. It turns to dark red.
And Yes, I'm still little but I already know that I am a vampire. But I'm not a full Vampire yet, when my 13th Birthday comes I will become a real Vampire.
I only had this Red Eyes at mahahabang kuko pero wala pa akong pangil.
"SAM!!" Napatigil ako sa ginagawa ko ng marinig ko ang sigaw ni Kuya Zane na parang kabute na basta bastang sumusulpot.
"Pasensya ka na Kay Kira, Sam ahh? Ako na ang humihingi ng tawad. Ikaw namang babae ka. Kung saan saan ka napunta kanina ka pa hinahanap ng mga magulang mo. Aalis na kayo!!"
"Okay po Kuya Zen, BYE LAMPA." pangangasar niya pa atsaka siya tumakbo paalis.
Pagkaalis nung babaeng yun bigla namang lumuhod sa haparan ko si Kuya Zane atsaka niya isinintas ng ayos ang sintas ko.
Ng matapos na niyang ayusin ang sinatas ko ay tumayo na siya.
"Thank You Kuya Zane." Ani ko atsaka ko siya niyakap.
"Ikaw naman ayusin mo kasi lagi yang sintas mo. Maasar ka na naman nung makulet na yun."
"Pero gusto ko siya Kuya Zane." Napatingin naman sakin si Kuya Zane ng nagtataka.
"What do you mean Sam?"
"Basta... Gusto ko siya."
END OF FLASHBACK
"SAM!!!" sigaw ni Kira kaya natauhan ako.
"Ano?!"
"O-order ka ba?!" Tanong niya. Ngayon ko lang napagtanto na kami na pala ang o-order sa counter.
"Ano... hindi." sabi ko sa kanya tapos nginitian niya lang ako at hinila na ko papunta dun sa isang table.
Nakatingin lang ako kay Kira at nagdadalawang isip kung papatayin ko ba siya ngayon. Oo, kelangan ko siyang patayin.
Bakit? Dahil siya ang prinsesa...
Hindi ko alam... Pero ang pagkakaalam ko, kapag malapit na sa ka-edadan ang isang maharlikang bampirang babae ay nagiging kulay Pitch Pink ang mga mata nila. Pero bakit wala pa rin ang mga kulay ng mga mata niya?
Hayyy, bago ko isipin yun papatayin ko ba siya?!
Matagal ko na 'tong plano kaso parang may pumipigil sa akin ngayon. Alam kong walang puso ang mga bampira at ang akala ko naipasantabi ko na ang nararamdaman ko para sa kanya pero Bakit? Bakit ganito?
Ano bang nangyayari sakin?! pag napatay ko na siya, ipagmamalaki na ko ni Dad. Iyon naman yung gusto ko eh.
Etong araw na 'toh ang pagpatay ko kay Kira, ang PRINSESA ng mga BAMPIRA.
"Uy, Sam. Kanina ka pa LUTANG dyan. Okay ka lang ba?! May dumi ba ko sa mukha para pakatitigan mo ko nang ganyan?!" tanong niya na may pagtataka sa mukha niya.
"Ano... amm.... Wala, wala!! nagandahan lang ako sayo."
Wala na pala syang iniinom ang bilis niya namang naubos. Ganun na din ba talaga ako katagal nag iisip?!
Bigla niya naman akong hinila patayo at palabas ng Starbucks. Saan naman ako dadalhin ng babaeng 'toh?!
Maya maya pa ay nakita ko na lang yung sarili ko na nasa tapat QUANTUM. Tapos hinila na niya kong papasok sa loob.
Bumili siya nang mga tokens. Naglaro kaming dalawa. Nagbasketball, nag-racing car at kung ano ano pa. Tapos sa lahat ng yun. TALO ako!! Hindi ko talaga alam kung paano siya nananalo? Magaling naman ako sa mga nilaro namin.
Nakakahiya, kalalaki ko natalo niya ako.
"Ano bayan SAM!! WEAK ka naman!" Kiniliti ko naman siya bigla dahil yan lang naman ang kahinaan niya.
"Ang--- Hahahahaha--- Ang.... daya mo-- SAM!!" sigaw niya tapos kiniliti ko pa siya. Maya maya pa ay tumigil na ko. Kawawa na eh, namula na sa kakatawa.
Tapos hinampas hampas niya ako bigla. Pero ang nakakatawa lang eh hindi naman masakit. Naggala pa kami, kumain -actually siya lang yung kumain- naglaro pa, bumili ng kung ano ano atsaka tumambay..
At maya maya ay umuwi na kami kasi mag gagabi na pala. Teka, ang bilis naman ata. I didn't even notice that time passes by so fast when I'm with her.
"Hatid pa ba kita?!" tanong niya.
"Ako dapat magtatanong niyan. Ihahatid pa ba kita?" Natatawa kong tanong.
"Sam naman. Ako kaya may kotseng dala sa ating dalawa. Okay na akong mag isa. Eh ikaw?"
"Ako pa? Lalaki kaya ako Kira. Atsaka malapit lang bahay ko. Kaya ko ng mag isa."
"Ahhh, kung ganun. Sige. Babye!!" Aniya.
"Bye!! Ingat!!" Atsaka na siya tumakbo papalayo sakin.
Mabilis naman akong tumakbo at nakarating agad ako sa bayan.
Ang saya saya ko ngayong araw. Hindi ko alam kung bakit. Parang kinikiliti ang buong katawan ko sa hindi malamang dahilan.
Hindi ko namalayan na kanina pa pala malapad ang ngiti ko habang naglalakad.
Napagkakamalan na siguro ako ng iba na baliw.
Pero... Ngayong araw na lang ulit ako nakaramdam ng ganitong saya sa buong buhay ko.
KIRA'S POV.
Pag uwi ko nakita ko si Dean sa labas ng gate na mukhang nilalamok na. Ano bang ginagawa niya?
I-pinark ko na naman agad ang kotse ko sa tabi atsaka na bumaba. Lumapit ako Dean habang nakangiti pero siya ang sama sama ng tingin niya sakin. Parang kakainin na niya ako kahit anong oras?
"Hi Dean." Tumigil ako sa harapan niya atsaka ko siya nginitian. Naka-cross arms lang si Dean at ang sama ng tingin sakin.
"Bakit ka pa nandito sa labas? Ayaw mo bang pumasok? Malamok na ahh!! May hinihintay ka pa ba?" Tanong ko pero buntong hininga lang ang isinagot niya sakin.
"Gusto mo umpisahan ko na?" Tanong niya. Tinaasan ko lang naman siya ng kilay at tinignan ng nagtataka.
"Umpisahan ang ali---"
"Saan ka nanggaling? Bakit ala-sais ka na umuwi? Bakit hindi mo ko isinama? Bakit hindi mo ko ginising? Bakit hindi mo sinabi kung saan ka pumunta? Paano na lang kung may masamang nangyari sayo? Ano ang gagawin ko? Paano ko i-eexplain yun kina Mam Nicole at Sir Renz? Sasabihin nila na pinabayaan kita. Sasabihin nila na susuwelduhan nila ako para sa wala. Bakit mo pa ko naging bodyguard kung hindi mo naman din ako pahalagahan---"
"OO NA!! TAMA NA!! TAMA NA!! SAGLIT LANG!!" sigaw ko atsaka na naman siya napatigil sa pagsasalita. Tinitignan niya parin ako ng masama.
"Pake mo ba kung saan ako pumunta? KAANO ANO BA KITA? BODYGUARD LANG NAMAN KITA AHH!! ATSAKA HINDI MO NA KAILANGAN MAG ALALA SAKIN!! Sa may SM lang naman ako pumunta. Kung makapag tanong wagas. Kala mo naman boyfriend ko siya..." Ani ko atsaka ko siya inirapan.
"Yan nga din ang gusto kong itanong eh." Aniya kaya napatingin ako sa kanya ng nagtataka.
"Bakit mo ba ko pinag aalala?"
[CONTINUE...]