DEAN POV.
Napatigil ako sa may pinto ng dressing room atsaka sumandal sa gilid nun habang nakatingin ako ngayon kay Kira na naghahanap ng isusuot niya para sa susunod.
"Ginalingan mo naman," ani ko atsaka siya napatingin sakin na para bang nagulat siya.
"Oh? Dean!!" Sigaw niya atsaka siya lumapit sakin habang sobrang lapad nung ngiti niya.
"Maganda ba kong kumanta? Nagustuhan mo ba?" Tanong niya. Napahawak naman ako sa baba ko atsaka nag isip.
"Ang panget mo kumanta," wala kong emosyong sabi.
"Ayt sayang... Para sayo pa naman yun..."
"Ano?" Tanong ko kasi hindi ko narinig yung sinasabi niya habang nakayuko siya at nakapout.
"ANG SABI KO I HATE YOU!!" sigaw niya atsaka niya ako inirapan. Bigla na lang akong napatawa ng hindi ko alam.
"Anong tinatawa tawa mo diyan? Kala mo naman kagaling galing kumanta!!" Hindi ko talaga mapigilang tumawa kasi ang cute cute niyang mainis.
"Teka... Kala ko ba sasayaw ka nga pala?" Tanong ko. "Ahhh, wala na kong oras eh. Kaya kumanta na lang ako kaso hindi mo pala nagustuhan." Nakapout parin siya at ang sarap kurutin nung pisngi niya.
Bakit ang cute cute niya ngayon habang nakapout?
"Tsss. Joke lang yun. Ang ganda mo talagang kumanta. Atsaka... Ang ganda mo habang kumakanta at nakangiti ka," ani ko at nakita kong namula medyo yung pisngi niya kaya bigla siyang tumalikod at tinakpan ang mukha niya.
"A--Ano, kasi--- magbibihis na ko."
"Ahh oo nga, sige na. Magbihis ka na,"
"Ma--Mamaya na lang." Atsaka na siya naglakad papalayo sakin. Umalis na din naman ako at habang naglalakad ako napansin kong nakangiti pala ako.
"Teka... Bakit ako nakangiti? Aish!! Nababaliw na ko," bulong ko atsaka ko tinampal tampal ng mahina ang sarili ko habang naglalakad.
"Dean..." Napatigil ako sa paglalakad ng may humarang na lang bigla sa harapan ko.
"Sino ka?!" tanong ko atsaka ko siya tinaasan ng isang kilay. Nasa gilid lang kami ng stage at alam kong nakikita kami ngayon nina Justine, Joshua at iba pa.
"Dean... mag usap naman tay---"
"Wala na tayong dapat pang pag usapan." cold kong sabi. Paalis na ako ng bigla niyang hinawakan ang magkabila kong braso.
"Get you dirty hands off me," pero imbes na bitawan niya ko. Bigla naman siyang umiyak sa harapan ko.
"Dean... mahal parin kita," aniya.
"Talaga ba? Nagsawa ka na dun kay Zeus?! Yung bago mong laruan kaya ngayon binabalika mo na ko?! Sorry kasi may nagmamay ari na saking iba eh. Hindi mo ba nabalitaan?"
"Dean!! Alam kong niloloko mo lang ako diba? Alam kong wala ka pang iba. Ako parin diba?!"
"DEAN!!!" Narinig kong sigaw ni Kira mula sa likudan ko at naramdaman ko na lang na hinampas niya ako sa braso.
"BEH!! pumunta ka na dun sa upuan mo!! Pipili na nang TOP 2!! Ayaw mo manood?!" naiirita nyang sabi. Napangiti na lang ako atsaka ko siya mabilis na inakbayan at hinalikan sa pisnge.
"S--Si Kira?!" Napatingin naman bigla si Kira sa babaeng nasa harapan namin ngayon at mukha siyang nagtataka kung sino ito.
Pero bago pa makapagtanong si Kira ay mabilis ng tumakbo yung babaeng nasa harapan namin kanina.
"DEAN WOLTER!! bakit mo ko kiniss?!" nanggagalaiti nyang sabi.
"Wala. Goodluck kiss? Sige na babalik na ko," tapos umalis na agad ako bago ako rayutin ng babaeng yun.
Pagkaupo ko sa pwesto ko ang seryoso ng tingin ng mga katabi ko sakin as in lahat sila.
"Bakit?!"
"Ayaw mo na talaga kay... alam mo na..." Tanong ni Niel.
"Tsss. Wala na pre. Matagal ko na siyang naiburol sa isip at puso ko. Ayaw ko na sa kanya."
"Bakit?!" sigaw nilang lahat sakin ng sabay sabay. Well, alam kasi nila dati na mahal na mahal ko si basta.
"Kasi ba may KIRA ka na?! Naku Dean, nakita namin yung pag akbay at pagkiss mo sa pisngi ni Kira kanina ha. Ayieeee! Ayieee!!" pangangasar ni Jerico.
"Ano ba mga pre. Wala yun akting lang yun. Si ano kasi basta basta na lang sumusulpot nagulat nga ako eh!!"
"Ahhh!"
"Okay okay!!"
Sumang ayon na lang naman silang lahat sa sinabi ko atsaka na ulit kami bumalik sa panonood dahil nag uumpisa na ang pilian para sa TOP 2 for Question and Answer.
At hindi na naman pinatagal pa ng Emcee ang pag aannounce at ang nakapasok lang sa next round ay sina Kira at Jessica.
"So dadaan lang ang TOP 2 sa Q&A at maghanda na kayo kung sino ang gusto niyo kasi magkakaroon ng VOTINGS. Ang pinakamaraming boto at ang magugustuhan ng mga judge ay siya ang magiging BLOODY QUEEN!!" Ani ng Emcee.
Umupo muna sina Kira at Jessica para daw sa Q&A habang yung Emcee nasa gitna nila. Kakaiba... Anong gagawin nila?! Brainstorming?
"So magtatanong ako kung sino ang ganto at ilalagay niyo sa whiteboard na yan yung sagot nyo. Maliwanag?!" sabi nung Emcee tapos tumango lang yung dalawa.
"First Question... Sino sa inyong dalawa ang mas sikat?!"
Tapos nagbilang yung Emcee at ipinakita na nila yung mga sagot nila. Si Jessica ang sagot ay "AKO" pati si Kira ang sagot ay "AKO"
"So... pano mo nasabing sikat ka Jessica?!" tanong nung Emcee.. grabe naman 'toh. Game show?!
"Matagal na ko dito at baka nakakalimutan niyo na ako ang BLOODY PRINCESS." paliwanag ni Jessica.
"Eh ikaw naman Kira?! pano mo agad nasabing sikat ka na dito eh new comer ka right?!"
"Ano bayan, di update?! So sikat na po ako. Di niyo po ba kita?! Kilala ako nang lahat dito!! Kilala nila akong girlfriend ni Dean at ako din po ang MVP sa basketball ng school na 'toh."
Hayyy, baka karerin ng babaeng 'toh ang pagiging girlfriend ko daw kahit hindi naman.
"Second Question... sino ang may magandang ugali sa inyong dalawa?!" Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganito yung Q&A nila.
Nang itaas ulit nila. Ang sagot ni Jessica ay "AKO" at si Kira ay "WALA"
"Sure ka?!!" Biglang tanong ni Kira ng makita niya ang sagot ni Jessica. Napa-facepalm na lang ako kasi hindi ko alam kung saan pa siya nakakakuha ng lakas ng loob para asarin si Jessica eh ilang beses na siyang sinaktan ng babaeng yan.
"Tapatan 'toh Jessica at hindi lokohan. Pakitang tao," bulong niya pa pero nakalimutan niyang nakamic siya kaya rinig ng lahat. Bigla naman siyang sinamaan ng tingin ni Jessica na mukhang ready ng sumabog sa galit.
"NEXT QUESTION!!"
"Last Question... sino ang bagay maging BLOODY QUEEN ng Academy?!"
Sagot na nama ni Jessica ay "AKO" at si Kira naman ay "EWAN". Hayyy, hindi talaga matinong kausap 'tong babaeng 'toh.
"Pano mo naman nasabing bagay kang maging Bloody Queen, Jessica?!" tanong nung Emcee.
"Kilala na ko dito at ako din ang Bloody Princess. Mas karapat dapat ako kumpara sa mga baguhan dyan na di naman natin kilala kung malandi ba o masama ang ugali,"
"And Kira? Anong masasabi mo sa sagot mo?"
"Amm... Sakin lang naman eh di ko alam kung sino ang karapat dapat. Kung si Jessica naman ang manalo edi siya na. Ano bang mapapana niya?! Edi sya na ang Queen. Pero pag isipan niyo din kung siya ang pipiliin niyo kesa sakin. Baka magdusa na ang mga estudyante dito sa kasamaan ng ugali nyan. kilala niyo nga naman siya diba?! ang nag rereyna reynahan dito sa academy. Kaya pag isipan niyo din ng mabuti."
Natapos na naman ang Q&A at nagsimula ng mag usap usap ang mga judge at may umikot sa lahat na isang lalaki na may dalang papel tapos tatanungin ka kung sino ang boto mo sa dalawa.
Syempre. KIRA ako.
Naghintay lang muna kami nang ilang oras para sa announcement for winner. Inantok na ko kaya pumunta muna ko nang canteen para bumili nang makakain.
Mhhh, napapaisip talaga ako. Kinakabahan ako na ewan. Isa sa mga judge si Cheska at maaari niyang ipatalo si Kira sa laban.
Hayyy, eh ano naman? Wala lang naman yun kay Kira.
"Kayo na pala ni Kira?" Tanong niya mula sa likudan ko. Si Cheska...
"Oo, may magagawa ka ba dun?!"
"Hu! Di ko kayo papayagang maging masaya." Aniya tapos pagharap ko sa likudan ko wala namang tao.
Edi wag. Di naman talaga kami eh. Uto uto ka lang talaga. Tumawa ako ng mahina atsaka kinuha ko na yung burger na binili ko at bumalik na dun sa hall.
"Now... madalian lang ang announcement. Our new BLOODY QUEEN this year is...."
Bakit ganyan lagi pag may i-aannounced na winner?! Pinapatagal pa.
Ahh. Exciting nga. Grave, excite na excite ako Author.
"Is..."
Ang tagal. Naiinip na ko layasan ko 'toh.
"Number 15!"
Pagkabanggit ng numerong iyon ay nagsitayuan ng sabay sabay ang mga katabi ko atsaka humiyaw ng malakas.
Napatingin ako kay Kira na kinokironahan at may dalawang bulaklak.
Napalingon siya bigla sa pwesto ko habang nakangiti. Bigla na namang bumilis ang t***k ng puso ko kaya napalunok ako.
Ilang segundo na ang lumipas at feeling ko nag-sslow lahat ang nasa paligid ko. Hanggang sa nakita ko na lang ang sarili ko ngayong niyayakap ni Kira.
"Thank you Dean,"
"F--For what?!"
"Wala lang. Effective yung GOODLUCK KISS mo. Hihihi," aniya atsaka niya pa mas hinigpitan ang yakap sakin.
+++
Matapos ng pageant ay umuwi na naman ang lahat pati kami. Nauna na kami nina Mam Nicole, Sir Renz at Kira. Tapos si Kuya Zane naman may hahanapin pa daw kaya naiwan siya. Sa kotse ni Kira sumakay sina Mam Nicole at Sir Renz atsaka kami napasabak ni Kira sa mga katanungan ng magulang niya.
"Kayo na pala?! Nak naman, di mo man lang sinabi samin?!" Sir Renz.
"Pa naman! Joke lang yun. Hindi naman ako papatol sa mga mukhang sanggol pa. Wala lang po talaga akong masabi kanina hehehe." Pagdadahilan naman niya. Tsss, kala mo naman may balak din akong patulan siya.
Madami pang itinanong sina Mam Nicole at Sir Renz hanggang sa nakarating na kami sa bahay.
Dumiretso kaming apat sa may dining room at doon ay nakita namin si Mama at Donna na mukhang mag-uumpisa palang kumain. Naupo naman kami agad para makasabay atsaka kami kumain ng TAHIMIK. Napagalitan kasi kanina si Kira kaya nananahimik ngayon yung bunganga niya. Napagalitan ni Sir Renz, nagsasalita kasi ng nagsasalita eh punong puno yung laman ng bibig.
Napatingin ako kay Sir Renz at Mam Nicole na napansin kong hindi pa nag uumpisang kumain kahit man lang kumuha ng kanin sa plato nila.
"Mam, Sir. Kain po," ani ko.
"Naku, sige kumain lang kayo dyan. Nabusog na ko kanina eh, hehehe." sabi ni Mam Nicole. Natahimik na lang muli kami atsaka kumain hanggang sa makarinig kami na may pumasok sa bahay.
"Oh. Andyan na si Zane," sabi ni Sir Renz. Tumayo mula sa pagkakaupo sina Sir Renz at Mam Nicole atsaka nila sinundo si Kuya Zane.
Patuloy lang ako sa pagkain hanggang makabalik dito sa dining room sina Mam Nicole.
Apat na tao ang naupo sa harapan ko--- teka, apat?! tapos babae yung isa.
Teka, sina Mam Nicole, Sir Renz at Zane lang naman dapat ahh. Eh sino naman 'tong---
"C-Cheska..." Gulat kong sabi ng tumunghay ako. Mukha din siyang nagulat ng makita ako ngayon sa harapan niya dahil magkatapat lang kami ng inuupuan dito sa lamesa. Well, katabi ko nga pala si Kira.
Biglang umubo si Mama kaya napatingin ako sa pwesto niya, mukhang bigla siyang nabulunan at ngayon ay umiinom na ng tubig. Napansin ko rin ang pagkagulat ni Donna na nasa tabi ni Mama.
"D-Dean?!" Hindi niya makapaniwala na tanong. Teka? Ano bang nangyayari? Bakit siya nandito? Relatives ba sila ni Kira?
"Ma, sino sya?!" tanong bigla ni Kira habang puno pa ng kanin ang bibig niya.
"Nak naman. ubusin mo muna yan!!" sigaw ni Sir Renz. Napatigil naman si Kira sa pagnguya atsaka niya dinura yung kinakain niya sa plato niya. Hindi ko alam na may pagka burara din pala siya.
"Ahhh, nak si Ate Cheska mo yan! Hindi mo ba siya natatandaan?!" Mabilis na umuling si Kira bilang sagot kay Mam Nicole. Ehhh? Magkamag anak talaga sila ni Kira?
"Naku Kira, di mo na ko matandaan?!" Natatawa namang tanong ni Cheska. Bigla namang tumingala si Kira na parang nag iisip. Kahit kelan puro siya kwela.
"Ahhh Oo!!! ikaw yung kasama namin dati ni Kuya Zane na babaeng nakaapak ng TAE. Hahaha, bulag ka daw sabi ni Kuya Zane eh!!! haha!!" ayus din siya mang asar eh 'noh?! Patuloy lang sa pagtawa si Kira na parang gusto na niyang mamatay. Yung tipong pinaka masaya na niyang araw yung ngayon?
"Pagpasensyahan mo na Cheska. Makulit parin eh!!" sabi ni Kuya Zane tapos tumango naman si Cheska at nabiling ulit yung tingin niya sakin. Bigla naman akong kinilabutan, at kung bakit ay hindi ko alam.
"Kapatid siya ni Kuya Zane mo nak, respect your cousin okay?!" sabi ni Ma'am Nicole.
COUSIN!!!? MAGPINSAN SILA!!!?
+++
Nang matapos na kaming kumain lahat ay ako na ang nag presenta at nagsabi kay Mama na maghuhugas ng pinggan. Hindi din naman ako nagtagal sa lababo kasi konti lang naman ang ligpitin.
Tumaas na naman ako at naglalakad na papuntang kwarto ni Kira. Nagulat ako ng may bigla na lang humila sakin ng saktong napadaan ako sa isang kwarto hindi kalayuan sa kwarto ni Kira.
Hindi agad ako nakagalaw dahil sa parang may nakapulupot sa buong katawan ko. Madilim ang paligid at wala akong tanging isang liwanag mang makita.
"Dean..." Biglaan ko siyang naitulak ng malaman ko kung kanino ang boses na iyon.
"Dean mahal kita!!" sigaw niya atsaka niya ulit ako nilapitan at niyakap. Sobrang higpit ng bawat yakap niya at aaminin ko na ang hirap kumawala.
"Dean... Hindi kayo ng pinsan ko hindi ba? Wala kayong relasyon. Dean bodyguard ka lang niya. Hindi ka maaaring mahulog sa katulad niya."
"Wala kang karapatan na diktahan ako." Matigas kong sabi. Nakahinga ako ng maluwag ng mailayo ko na siya mula sa akin.
"Dean... sabihin mo nga. Mahal mo na ba ang pinsan ko?" Napalunok ako bigla sa tanong niya dahil hindi ko alam ang tamang isasagot.
"Dean. Mahal na mahal kita. Kaya kong ibigay ang lahat sayo hindi gaya ng pinsan ko." Ani pa niya atsaka siya muling lumapit sakin at hinalikan ako sa aking mga labi.
Agad ko siyang naitulak ng malakas atsaka ko pinunasan ng palad ang labi ko. s**t! Feeling ko magkaka-allergy ako nito eh.
"Cheska!! Ano bang ginawa mo? Nahihibang ka na ba?" Tanong ko. Pero imbes na sagutin niya ang tanong ko ay tanging sunod sunod niyang mga hikbi ang narinig ko.
Naiyak na naman siya.
Well, ayaw ko talaga sa mga madrama at maarteng babae kaya aalis na ko habang may pagkakataon.
Napihit ko na ang doorknob ng bigla akong mapatigil muli sa sinabi niya.
"If I can't have you. Then... She CAN'T HAVE YOU TOO!!!"
Mabilis pa sa alas-kwatro ay lumabas na ako ng kwarto niya atsaka na muling nag lakad papuntang kwarto ni Kira.
Habang naglalakad ako... Sa bawat hakbang ko ay kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso ko. Biglang sumama ang kutob ko.
Cheska...
[Kinabukasan...]
Maaga akong nagising habang si Kira naman ay natutulog pa ng napakahimbing sa kama niya.
Sa may CR ng kwarto ni Kira ako dumiretso atsaka ako nagsimulang mag-toothbrush. Habang nag-totoothbrush naman ako ay nagulat ako ng makita ko si Kira sa may salamin na nasa harapan ko na naglalakad mula sa likudan ko.
Napatigil ako saglit sa pag-totoothbrush atsaka ko sinundan ng tingin si Kira kung ano bang gagawin niya.
Nanlaki ang mata ko ng bigla niya ibaba ang pajama niyang suot atsaka naupo sa may inodoro.
Mukhang inaantok pa siya at magulo pa ang buhok niya. s**t, ano nang gagawin ko? Aalis na ba ko? Lalabas ng CR?
Nag-ssleep walking ba siya?
"Good Morning..." Rinig kong sabi niya napatingin naman ako sa kanya ng dahan dahan. Nakaupo parin siya sa may inodoro habang na-ihi at nakangiti pa siya habang binabati ako ng 'Good Morning'.
"G--Good Morning..." Ani ko. Biglang lumapad lalo ang ngiti ni Kira na parang wala siyang kaalam alam na nasa CR ako at umiiwas ng tingin kasi nakikita ko na talaga yung pwet niya. Putengene... Ayaw kong magsalita ng kahit ano tungkol sa pwet niya... Pero... Maganda naman.
"Teka..." Ani Kira kaya napatingin ulit ako sa kanya ng dahan dahan at napatingin din siya sakin atsaka niya ako tinignan mula ulo hanggang paa.
"AHHHHH!!!! DEAN WOLTER!!!!!"
Agad ako lumabas kasama ang toothbrush na nasa bunganga ko atsaka ko mabilis na isinara ang pinto ng CR.
"DEAN WOLTER!!! WAAAH!! HUHUHU!!! DEAN!!! AHHHH!!!"
JUSTINE POV.
Well, well, well I'm ready for the night baby.
Nakasuot na ko ngayon ng tuxedo ko habang inaayos ko naman ang buhok ko sa tapat ng salamin.
Ng makita kong gwapong gwapo na ko ay umalis na naman ako sa kwarto ko. Well, I think this will be the BEST NIGHT for me. Because of Kira... Mhhh, Yes. Sabihin na nating may gusto ako sa babaeng yun.
Btw, sumakay na naman ako ng kulay asul kong ferrari atsaka na umalis. Susunduin ko kasi si Kira. Sabay kaming pupunta ng ball.
Mabilis naman akong nakarating sa bahay nina Kira atsaka na ako nag-doorbell. Mabilis pa sa alas kwatro ay may narinig na agad akong nag bubukas ng gate at si Zane ang sumalubong sakin.
Kilala ko si Zane, bata pa lang kami nina Dean ay kilala na namin siya. Well, hindi ko lang pala alam kung kilala ba siya ni Dean.
Pinatuloy naman ako ni Zane at pagpasok ko sa bahay nina Kira ay pinaupo niya agad ako.
"Kira!!! Bilisan mo na dyan!!!" sigaw ni Zane.
"Oo na!! Eto na!!!" Nakarinig agad kami ng mga hakbang na pababa na ng hagdan pagkasabi niya nun.
Pagkakita ko kay Kira na nakababa na ng hagdan ay kusa akong napatayo sa kinauupuan ko.
She's so beautiful. I can't deny it. My eyes... I feel my heart beating in my eyes. Well hindi naman natibok talaga ang puso naming mga bampira, we can only feel alive and feel our heart beats fast when we're seeing our love ones for life.
But... I'm not expecting for Kira to be mine, kasi mukhang si Dean ang gusto niya. Habang ang inosenteng batang yun wala talagang alam tungkol sa mga babae. Hayyy, nawalan na ng pag asa yun magka-asawa kahit ang dami daming mga chikababes na may gusto sa kanya.
Hindi ko namalayan ang oras at hinila na lang ako bigla ni Kira palabas ng bahay nila at doon ay naalala kong malalate na nga pala kami.
Pumasok na naman kami sa kotse atsaka ko pinaandar yun.
"You're beautiful." Ani ko.
"Alam ko na yan. 'Toh naman si Justine oh!" Ano ba yan bigla na lang humangin.
"Si Dean?!" tanong ko.
"Ayun, nasa school pa ata. Di na ko pumasok eh, tinamad na!! Siya lang pumasok, masipag daw siya eh!!" Sabi ni Kira. Biglaan namang nagring yung phone ko kaya sinagut ko agad.
Si Papa ang natawag.
"Oh Pa?! Bakit?! may problema po ba?!"
(Nak, sumugod na naman sina Dee. Kelangan namin ng tulong mo, si Joshua narito na.)
Pucha!! Bakit ngayon pa? Kahit kailan ang ganda ng timing ni Dee.
"Ammm.... Ano... Sige sige na nga, susunod na ko." Atsaka na ibinaba ni Papa ang tawag sa kabilang linya. Napakamot naman ako ng ulo atsaka napabuntong hininga.
"May problema ba?!" tanong ni Kira.
"Ammm... Wala, may kelangan lang akong puntahan. Madali lang yun. Mamaya na ako pupunta pagkahatid ko sayo." sabi ko sa kanya tapos tumango lang siya.
Tangina talaga.
Inihatid ko lang naman si Kira tapos umalis na din ako agad. Ng paalis na ako, nakita ko si Dean sa gilid ng kalsada at mukhang pauwi. s**t, mukhang hindi ata ako makakapunta ng ball.
DEAN POV.
Naglalakad na ko ngayon pauwi dahil wala naman akong balak pumunta ng ball. Wala din naman kasi akong isusuot.
"DEAN!" Napalingon ako sa may likudan ko at nakita ko sa loob ng isang kotseng asul si Justine. Teka isasabay niya ba ko?! Naku, mabuti yun!! Pero teka, pano yung BALL? Diba siya yung escort dun ni Kira?
Lumapit naman ako kay Justine atsaka siya tinanonh.
"Bakit?!"
"Pwede bang ikaw muna yung escort ni Kira? Baka di ako makapunta sa ball eh, kelangan ng tulong ni Papa. Sige, salamat pre bye."
"Uy, sandali---" di ko na natuloy yung sasabihin ko kasi bigla na nyang pinaandar yung kotse atsaka mabilis na umalis.
Teka... PINAPAPUNTA NIYA BA KO SA BALL?
+++
Hayyy, napatingin ako sa relo ko. 1 minute na lang at mag uumpisa na yung ball.
Uuwi na nga lang ako? Bayaan ko na dun mag isa si Kira. Pero nag request si Justine eh, kawawa naman si Kira kung di ko samahan.
Uuwi na nga lang ako.
+++
Nandito ako ngayon sa ball, no choice eh. Dito din ako dinala nang mga paa ko.
Hinanap ko naman si Kira, tapos ng makita ko na siya mukhang hinahanap niya si Justine dahil palinga linga siya sa paligid.
Nasa baba ang limang escort at si Justine na lang yung kulang. Di muna ko humilera sa limang nandoon para masurprise si Kira.
Nag umpisa na naman yung ball. Yung apat muna yung bumaba mula dun sa hagdan tapos yung bloody princess naman na si Jessica at si Kira yung pinaka huling bumaba.
Ang lungkot niya nung bumaba tapos nang nasa baba na nga siya, bigla akong sumabay sa kanya at hinawakan ang kamay niya. Mukha pa siyang nagulat ng makita ako
"Anong ginagawa mo?! Nasan si Justine?!" tanong ni Kira.
"Sabi ni Justine, baka di siya makapunta. Ako na lang muna daw. Wag ka na ngang maarte dyan, porket maganda ka na ha!! You look beautiful tonight." bulong ko sa kanya at nakita kong namula naman siya bigla.
Napahinto na naman kami sa paglalakad at ngayon ko lang napansin na nasa kalagitnaan na pala kami ng dance floor.
May special dance nga pala yung mga kasama dun sa contest. Tangina hindi ako na-inform, di ko pa naman alam yung step. Pero buti na lang ginabayan ako ni Kira tapos ng matapos na yung sayaw, umupo muna kami dun sa isang table. At sa di nga naman inaasahan, nandoon si Cheska.
Tahimik na lang akong naupo habang si Kira naman ay nakikipag daldalan kay Donna.
"Good evening everyone, Thank You for coming. We're here for crowning our new BLOODY QUEEN. Kira Mae Yien!!" Bigla namang nag palakpakan ang lahat kaya pumalakpak na lang din ako. Tumayo naman sa upuan si Kira atsaka ngumiti sa lahat, nagulat ako ng bigla niya akong hilaain patayo atsaka niya pinulupot yung braso niya sa braso ko.
"Ngumiti ka. Ikaw ngayon ang kapalit ni Justine kaya wag mo siyang bibiguin." Aniya kaya ngumiti nga ako atsaka na kami nagsimulang maglakad papuntang stage.
Nakakahiya, tataas din ako nang stage na ganito ang suot ko?! Uniform?! Di na kasi ako nakauwi eh nakatambay lang ako dun sa tabing kalsada at nagdadalawang isip kung pupunta dito o hindi.
Oky lang 'toh, gwapo naman ako.
"And her escort, D-Dean Wolter." nauutal na sabi nung Emcee. Nagulat siguro siya, dapat kasi si Justine yung nandito ngayon sa pwesto ko. Saan ba pumunta yung lalaksut na yun?!
Kinoronahan na naman si Kira, si Cheska yung nagsuot ng korona kay Kira kasi siya yung dating BLOODY QUEEN, tapos kinonggrats niya si Kira. Hinila naman ako ni Kira sa gitna nang stage para magpicture.
"Ngumiti ka ha!!" sabi niya tapos tumango na lang ako. Bigla ko naman syang inakbayan atsaka ngumiti. Nakita kong nagulat pa siya sakin kaya napatingin siya.
"Wag ka ng maarteng babae ka. Dapat nga magpasalamat ka pa eh," sabi ko.
"Wala akong balak mag inarte. Nagtataka lang ako, bakit ang layo mo. Lumapit ka pa kaya," aniya naman atsaka niya ako mas hinila papalapit sa kanya. Natapos na naman yung picture picture kaya bumaba na kami atsaka kumain.
JUSTINE POV.
Nandito na ko sa bayan, nakakainis naman yang DEE nayan eh. Pagnakita talaga kita, papatayin kita. Wrong timing ka ha!! Panira pa sa moment namin ni Kira.
Pagdating ko dun, nanduon sina Justine at Sam na nakikipaglaban pati sina Papa at ang hari at reyna.
Madami yung sumugod, duguan na ang hari at reyna, pati sina Papa. Lumapit naman ako at nakipaglaban nadin.
"Justine, buti dumating ka na, nandito yung kakampi ni Dee." sabi ni Sam
"Sino?!" tanong ko habang nakikipaglaban.
"Si Master M."
Natigilan ako sa sinabi ni Sam. Si.. Si Master M?! Yung kaaway namin nina Dean?! Bampira din siya?!
"Justine, sa kanan mo!!" sigaw ni Joshua kaya natauhan ako. Bwiset, siya yung kakampi ni Dee? Hindi talaga ako makapniwala.
DEAN POV.
"Please Welcome, for Solo Dance. Our Blood Queen and King. Ms. Yien and Mr. Wolter,"
Ano? Sasayaw na naman kami? Tapos kaming dalawa lang ni Kira?
Tumayo na lang ako kasi biglang piningot ni Kira yung tenga ko atsaka ako hinila papuntang dancr floor.
Nilagay ko yung mga kamay ko sa bewang niya, tapos siya niyapos yung leeg. Bakit ganito? Parang kung anong mga boltahe ng kuryente ang nararamdaman ko sa loob ng katawan ko ng titigan ko siya.
Nagsimula na naman kaming sumayaw habang sumusunod lang ang mga paa ko sa galaw ni Kira.
Seryoso lang kaming magkatinginan ni Kira at wala man lang naiingling magsalita.
"So, Dean pwede mo na kong maging girlfriend."
"Bakit?! Gusto lang naman kita ah?!"
"Ahh, so di pala pwedeng maging tayo?! Dahil gusto mo nga lang pala ako at yun lang yun pero pag naging gf mo na ko, di na nila iisipin na katulong mo ko diba?!" tanong niya tapos bigla naman akong natawa atsaka na lamang napatango. Hanggang ngayon iyon parin ba iniisip niya?
Bigla naman syang napayuko at sa pagyuko niya ay ipinatong niya ang ulo niya sa may dibdib ko. Nagulat ako ng makita ko si Cheska na di kalayuan samin habang ang sama ng mga tingin at umaagos ang mga luha niya sa mga mata niya. Nagkalat na ang make up niya sa mukha niya.
Binalewala ko na lang siya atsaka ko na lang ipinagpatuloy ang pagfofocus sa sayaw.
Nagulat ang lahat ng bigla na lang namatay ang mga ilaw. Tanging ilaw ng buwan lamang mula sa labas ang liwanag kaya hindi medyo madilim dito sa loob.
Nakarinig ako ng mga sigawan at nakita kong may mga taong pumasok na lang dito sa hall.
Napatingin ako sa mga mata nila at kulay pula ang mga ito. Nakakita din ako ng mga pangil sa ngipin nila at isa isa nilang sinunggaban ang nasa ball.
Mas ikinagulat ko pa ng maging katulad ng mga estudyante dito sa ball ang mga lalaki na pumasok dito sa hall.
Teka... Bampira? Bampira ba talaga sila? Bampira ba talaga 'tong mga nakikita ko?
Sina Jessica at iba pa... Nag-iba sila.
Magkahawak lang naman kami ngayon ng kamay ni Kira at pilit ko siyang itinatago sa may likudan ko para protektahan kapag may lumapit man samin.
Tumakbo na lang kami ni Kira para makalayo pero bigla namang natapilok si Kira kaya nalaglag siya. Lalapitan ko sana siya muli nang may biglang humila sakin.
"Bitawan mo ko Cheska, ililigtas ko si Kira!!" sigaw ko. Bakit ganun?! Dk ako makawala sa pagkakahawak niya. Ang lakas niya.
"Kira!!! takbo!!" sigaw ko habang hila parin ako ni Cheska.
"Cheska!! bitawan mo ko!!" Sigaw ko atsaka ko siya hinarap.
"Ayaw ko. Bayaan mo na siyang mamatay Dean. Magsama na lang tayo. Ano ba?!" sabi nya habang naiyak. Napalingon na lang ulit ako sa pwesto ni Kira na hindi parin makatayo dahil masakit ang paa niya. May isang bampira na ang papalapit sa kanya at handa na syang patayin.
"KIRA!!! SA LIKOD MO!!" sigaw ko, tapos tumingin siya sa likudan niya.
Mamamatay kana ba Kira?! Wala akong magawa. Umiwas na lang ako nang tingin kasi di ko kayang makita syang mamatay.
"KIRA!!!" sigaw ko habang nakatalikod na.
Binitawan na naman ako ni Cheska tapos nag tatakbo siya papalayo. Nilingon ko naman ulit ang pwesto ni Kira at nakita kong nandoon parin siya, nakaupo at buhay na buhay.
Nilapitan ko naman siya agad at niyakap ng mahigpit.
"Kira, okay ka lang?!" nag aalala kong tanong habang siya naman ay naiyak at tumango na lang lang bilang sagot. Ginantihan naman din niya ako ng yakap na sobrang higpit.
"Dean... natatakot ako... natatakot ako!! Huhuhu!!" Wala akong magawa kundi ang yakapin siya at pilit patahanin. Muntik na talaga yun.
"Dean... Paano ako nakaligtas?" Tanong niya bigla. Napatingin naman ako sa paligid at nawala na yung mga sumugod. Wala namang namatay, pero may mga nasugatan at nasaktan. Sinong nagligtas kay Kira?!
"Kami." Sabay naman kaming napatingila ni Kira ng makarinig kami ng boses.
"Z--Zeus?"
[CONTINUE...]