"Hahahaha."
Ano yun?! grabe ang landi naman ng tawang yun?!
"Ah?! talaga?! hahahaha"
Minulat ko yung mga mata ko dahan dahan, sino pa ba ang inaasahan ko kundi si Kulet lang pala ang natawa. Ano ba yan!! nagising tuloy ako. Ang landi naman niyang tumawa. Atsaka bakit ang aga aga natawa siya?
"Oh! gising na siya," pagtingin ko ulit. May lalaking kasama si Kira. Sino toh?! mukhang ngayon ko lang siya nakita?!
"Goodmorning DEAN!!"
"Tssss..." yun lang yung sinagot ko sa kanya.
"I SAID GOOD MORNING!!" sigaw niya sakin.
"EDI WOW...." atsaka ko siya inirapan.
"Mali, dapat ang isasagot mo 'Good Morning Mam," kailangan pa ba yun?! ang arte niya naman.
"Ayoko nga... utot mong BLUE,"
"At bakit ayaw mo?! boss mo ko kaya dapat sundin mo ko!!" Hay, nga pala. Bodyguard niya ko.
"Nga pala Kuya Zane, siya yung bago kong bodyguard, si Dean,"
Zane? Kuya Zane... Parang natatandaan ko siya. Kaso hindi. Nakalimutan ko na.
"Pagpasensyahan mo na Dean tong si Kira ha. Makulit lang talaga tong abnormal na toh," hay, buti naman di lang ako ang nakakapansin na abnormal din tong babaeng toh. May sayad.
"KUYA ZANE!!!" nasigaw na naman tong babaitang toh!
"Bakit?!" tanong naman ni Kuya Zane, naki KUYA na ko. Mukhang mas matanda sakin eh.
"Inaasar mo ko!!" naka sad face na sabi ni Kulet.
"Bakit?! di ba totoo na abnormal ka?!" natatawang tanong ni Kuya Zane.
"KUYA ZANE NAMAN EH!!!"
KIRA'S POV.
"KUYA ZANE NAMAN EH!!!" kahit kailan inaasar parin ako ni Kuya Zane.
Pinsan ko yang si Kuya Zane. Pinauwi daw siya dito nila Mama para bantayan ako. Kaya nung nag text sakin si mama na nandito na si Kuya Zane sa Pinas, nag txt naman ako kay Kuya Zane na sunduin niya kami dito.
Si Kuya Zane na ang pinaka sweet na kuya kong pinsan sa lahat. Lakas mang asar sakin pero mahal ko yan kasi laging may pabaong JOKES. kaya nga ko tawa nang tawa dito kanina kaya siguro nagising si Dean dahil sa lakas kong tumawa.
"So, tara na.. uwi na tayo," yakag ni Kuya Zane at tumayo na naman kami tapos lumabas na. Bago pumunta si Kuya Zane dito, nagpadala na din ako ng gas sa kotse ko. Hay, thanks talaga Kuya Zane.
Nang nanduon na kami sa mga kotse, aba dun sasabay si Dean sa kotse ni Kuya Zane.
"HOY DEAN!! bakit ka dyan sasakay?!" sigaw ko sa kanya at napalingon naman siya sakin ng nagtataka.
"Ayaw ko sayong sumabay," sagot agad niya. Aba---
"Hoy, amo mo ko kaya dito ka sumakay!!" Pag mamataray ko.
"Sige na Dean, dun ka na sa kotse ni Kira, mamimiss ka kaagad nyan eh,"
"KUYA ZANE!!!" sigaw ko, lumapit na naman agad si Dean dun sa kotse ko at pumasok na.
"Kita na lang tayo sa bahay," sabi ni Kuya Zane at nauna na siyang umalis.
Sumunod na naman agad ako tapos biglang nag salita si Dean.
"Make it slow...." sabi niya.
"WHAT?!" anong ibig niyang sabihin?!
"MAKE IT SLOW!!"
"Ang ano?!" taka ko talagang tanong, di ko magets.
"Ba--bagalan mo yung pagdadrive mo, nasusuka na ko!!" napatingin naman ako sa pwesto niya saglit at mukha ngang nasusuka na siya.
"Hahaha..." tawa ko sa kanya.
"Sige tawa pa, di ko lang naman gusto sa mga mabibilis eh. Bwiset," Hahaha, mukha na nga siyang nasusuka. Naawa na ko kaya binagalan ko na.
Hanggang makadating kami sa bahay, natatawa parin ako sa kanya.
Pagpasok namin, sinalubong naman kami nung tatlong maids.
"Handa na ba ang breakfast?!" tanong ko agad.
"Pagkain agad?! matakaw ka parin pala Kira," biglang sulpot ni Kuya Zane na kasabay lang pala namin. Kung hindi ko lang toh kuya, narayot ko na toh matagal na.
"Opo Mam, si mam Denis po ang nagluto," sabi nung isang Maid.
"Si Mama?!" gulat na tanong ni Dean.
"Opo, tinulungan po siya ni Mam Donna," sabi naman nung isa pang maid.
"Oh! tara na sa loob, gutom na talaga ako eh!!" sabi ko sabay hipo nang tyan ko, nagrarambulan na yung mga alaga ko sa loob, nagugutom na.
"Halata naman eh," Napairap naman ako kay Dean, bubulong ka pa Ilong, eh rinig ko naman. Di ko na nga lang pinansin at pumasok na talaga kami.
"Kira, saan kayo galing?! bakit di kayo umuwi ni Dean kagabi?! nag date ba kayong dalawa?!" grabe naman tong si Donna, makapagtanong sunod sunod?!
"Nawalan lang ako nang GAS," tipid kong sagot.
"Ikaw naman Dean, kala ko ba aalis na tayo kagabi?! bakit di ka naman umuwi?!" Tanong ni Tita Denis at nag cross arms pa.
"Kasi Ma, dito na talaga tayo titira. Si Kulet po pala ang Amo ko, anak po siya nila Mam Nicole at Sir Renz na MABABAIT!!" kailangan talaga ipag diinan yung MABABAIT?! mabait naman din ako ah?!
Ano bayan!! di pa ba kami kakain?!
"GUTOM na ko, tara na dun sa lamesa. Hehehehe," pagmamaktol ko, gutom na talaga eh!!
"Lagi naman eh..." bulong ni Kuya Zane. Narinig ko yun ha, lagi na lang sila bubulong tapos yung maririnig ko pa talaga ha?!
"Tara na nga, kain na nga lang tayo!" yakag ni Kuya Zane tapos hinila na niya ako. Oo nga pala, gutom na ko hehehehe.
Magkaharap kami ni Dean tapos katabi ko si Kuya Zane at katabi naman ni Kuya Zane si Donna. Tapos katabi ni Dean si Tita Denis.
"Dean, kuhanan mo ko nang pagkain," sabi ko sa kanya.
"Bodyguard mo ko at hindi MAID. Kung hindi ka makakuha, mamatay ka dyan sa gutom," bigla naman siyang hinampas ni Tita Denis. Oh sige na, bodyguard ko nga lang pala siya.
"Oky FINE!! paabot na lang,"
"May kamay ka diba?! at nakain na ko kaya wag mo akong istorbohin,"
"Bababaan ko sweldo mo!!" pananakot ko sa kanya.
"Wag kang assuming, hindi ikaw ang nagpapa sweldo," So tinutukoy niya sina Mama at Lapa. Ang gara,bakit alam niya? Bakit ang talino niyang nilalang.
"Edi sasabihin ko sa kanila," pananakot ko ulit.
"Edi Wow.." sagot niya lang tapos sumubo na siya ulit.
"Hay naku, spoil ka parin Kira. Oh eto na, mamaya di ka pa makakain nyan," tapos inabutan ako ni Kuya Zane ng Kanin at Adobo.
"Ikaw Kuya Zane, bakit di ka nakain?!" taka kong tanong.
"Di naman ako nakain nyan ay este nakakain na ko, busog na nga ko eh,"
"Subuan mo na lang ako..." tapos nag sad face ako.
"Mage Eighteen ka na Kira, isip bata ka parin. Dalaga ka na at magiging prins--" biglang napatigil si Kuya Zane sa pagsasalita at mukhang may naalala siya tapos natulala na lang si Kuya Zane.
"Magiging Prinsesa?" takha kong tanong.
"Hindi, ang ibig kong sabihin. Hindi ka na Prinsesa kaya wag ka nang masyadong spoiled," sabi ni Kuya Zane tapos sinubuan niya na ko. Hihi, di njya ko matanggihan. Kukulitin ko kasi siya eh.
Grabe, bata parin pala ang asta ko?! di ko alam... Ganun ba?! EDI WOW!!!
Nang matapos na kaming kumain, pumunta muna kami sa kani kanila naming kwarto. Si Kuya Zane dun siya sa kwarto talaga niya pag napunta siya dito. Si Dean naman dun parin sa kwarto ko.
"WAHH!!" gulat na sigaw ni Dean, nagulat na naman kasi siya dun sa biglang sumulpot na pugot na ulo na dinisplay ko kapag pumapasok ako.
"Hihihi," bungisngis ko.
"Kira, pwede bang tanggalin mo na toh?! nakakaasar na!!" sabi niya sabay turo dun sa pugot na ulo na nakasabit.
"Ayaw ko nga, kwarto ko toh kaya wala kang magagawa," sabi ko sa kanya habang nilapit ko nang nilalapit yung mukha ko sa kanya.
"Sige, lilipat na lang ako nang ibang kwarto, dun kina Mama---"
"Wag! wag! sige na, tatanggalin ko na Pero bukas na lang. Hehehe," sabi ko sa kanya at hinawakan ko pa yung mga braso niya para pigilan sya.
"Tssss.." yun lang yung sagot niya at pumasok na sa kwarto ko. Maganda naman yung panakot ko ah?! para naman pag may magnanakaw matakot sila.
Nahiga na ko tapos siya nakaupo dun sa kabilang dulo ng kama ko.
You Have New Message
Narinig kong sabi nung ringtone... kanino naman yun?! pan TAE yung ringtone!! napatingin ako kay Dean, inilabas niya yung?! ano ba yung hawak nya?!
Ahh.. Cellphone pala na dipindot. Sira na nga yung likudan tapos bungi bungi pa yung keyboards.
"Ano yan?!" natatawa kong tanong at lumapit pa ko sa kanyam
"Cellphone..." cold niya lang na sabi.
"Ah... kala ko basura na napulot mo lang," pang aasar ko.
"Yabang mo naman.. porke touch screen yang sayo ha?! at 5 inches ang laki inaaway mo na tong cellphone ko," sabi niya pa.
"Tara, samahan mo ko..." sabi ko sa kanya sabay tayo sa kama ko.
"San naman tayo pupunta?!" tanong niya habang nakatingin padin dun sa basurang cellphone niya.
"Basta samahan mo ko," lumapit ako sa kanya at hinila ko pa siya. Buti naman at nag padala.
"KUYA ZANE!! aalis lang ako!! dito ka lang ha!!!" sigaw ko, sure naman akong narinig niya yun, sa laki nang tenga nun eh.
"Oo!!" sigaw ni Kuya Zane, sabi sa inyo eh.
Pumasok na naman kami dun sa Ferrari ko, si Dean nakafocus dun sa basura niyang CP. Teka... May katext ba siya? Sino naman kaya?
Wala pang 3 minutes ay nakarating agad kami dun sa SM Bacoor. Sa bilis ko ba namang mag drive.
"HOY baba na," sabi ko sa kanya, tapos namumutla siya nung tinignan ko siya.
"Teka, yung kaluluwa ko, naiwan ko dun sa bahay..." sabi niya, haha di talaga siya sanay sa mga mabibilis. Pumunta naman ako dun sa kabilang pintuan ng kotse ko at pinagbuksan ko na. Nakakahiya naman sa Amo niya diba?! pagbukas ko hinila ko siya.
"DEAN!! nagpapabigat pa eh,"
Lumabas na naman ng tuluyan si Dean atsaka na kami sabay na pumasok sa mall.
Nakasunod lang si Dean sakin, mas nauuna ko sa kanya pero nang tingnan ko siya sa may likuran ko. Jusko, isang metro ang layo niya sakin. Ang bagal nya namang maglakad?! sigurado ba siyang naglakad siya?!
Tumakbo naman ako papalapit sa kanya at hinila ko yung braso nya...
"Bakit ba ang bagal mo?!" tanong ko sa kanya.
"Bakit naman sobrang bilis mo?!"
"Mabagal ka kasi. MALL toh at hindi BUWAN!!!" pagdidiin ko pa sa kanya.
"Ah, kala ko na sa MARS ako," tinalikuran ko na lang ulit siya atsaka naglakad.
+++
Hay, salamat nakita na din namin kung nasaan yung SAMSUNG.
"Bakit tayo nandito?!" takang tanong ni Dean.
"Nasa Mars ka nga. Syempre kaya tayo nandito para bumili,"
"Diba walang ganito sa MARS?!" hay DEAN!! Nasa ilong ba UTAK mo?! nakakainis.
"Tama na nga... back to reality, dito ka lang sa labas at hintayin mo ko," sigaw ko sa kanya, tapos pinagtitinginan na din pala kami ng mga dumadaan. Ayt, si Dean lang pala.
"Oh sige," sabi niya sabay tumagilid na siya sakin. Ako naman ay pumasok na sa store.
Lumapit ako dun sa Sales lady tapos nagtanong ako kung ano yung pinaka latest nilang cellphone. Ayaw ko naman ng APPLE hindi dahil sa kuripot ako, ang gusto ko kasing phone eh yung simple lang na maganda na. Basta kagaya ng Samsung minsan naman Cherry Mobile. Pake niyo ba kung yan lang ang gusto kong brand?!
Binigay niya sakin yung bago daw nilang labas na cellphone, nagsasalita yung sales lady pero di ko inintindi. Tumango na lang ako ng tumango tapos umorder ako nang dalawa. Black yung isa tapos white naman yung isa pa. Malaki din ang phone, 6 or 7 inches ba yun?!
Binilhan ko na din ng memory card ang isang cellphone.
Tapos bumili na din ako nang jelly case, ang ganda nga eh. Sakin black parin yung case tapos dun sa cp na white, ginawa ko na lang blue yung case... Kasi kay Dean yung white, bago ako lumabas, kinalikot ko muna yung cellphone na white bago ko ibigay kay Dean.
Nang matapos na ko, lumabas na ko nang tuluyan.
"OH!" sabi ko sabay abot kay Dean yung cellphone.
"Ano yan?!" taka niya pang tanong. Taga EARTH ba talaga siya?! malamang cellphone toh noh?!
"Cellphone..."
"Per----" di ko na siya pinatapos pa kasi alam kong tatanggi siya.
"Ops.. walang pero pero, just take it," kinuha niya naman kaso.
"Pero---" na ayaw pa?
"Mm?!" tanong ko.
"Pero---"
"Ang kulet?! di ba sabi ko walang pero pero?!"
"Pero bakit sakin White tapos sa'yo black?! dapat akin yang black kasi lalaki ako," pagmamaktol niya, ang cute niya magmaktol.
"Sorry ka!! Wala nang black dun eh at ayaw ko naman ng White kaya kunin mo na lang, maganda naman yung case eh," sabi ko sa kanya... aarte pa?!
"Wag ka na nga magtanong tara na, aabutin tayo nang bukas nento kaka explain sayo eh," sabi ko sabay hinila ko na siya dun sa Jollibee.
Nagutom agad ako eh. Umupo na naman si Ilong tapos ako na yung umorder. Tapos hinintay nalang namin yung order namin.
Maya maya pa ay dumating na din. Hag salamat.
"Bakit ganun?! Sakin Spaghetti tapos sayo Spaghetti at Chicken?! ang takaw mo naman...." sabi niya, di ko na nga lang pinansin at kumain na lang ulit. May sawa nga daw kasi ako sa tyan.
Tapos umorder din naman ako ng dalawang sundae at dalawang Coke Float. Ganyang ako kagastos kaya wag niyong isipin na kuripot ako.
"Tara," Yakag ko ulit kay Dean nang makalabas na kami nang Jollibee.
Hinila ko naman siya dun sa Ice Cream Parlor.
"Anong Gusto mo Dean?!" tanong ko sa kanya. "Gusto ko nang umuwi," masungit niyang sabi.
"Sorry Deam, wala silang ice cream na ganun. Sige, ako na lang pipili sayo," sabi ko sa kanya, tapos nagulat pa siya.
"Pero, kakakain lang natin kanina diba?!" taka nyang tanong.
"Sige na, bayaan mo na. Gutom pa ko eh. Wag ka nang umayaw, libre ko naman eh," sabi ko sa kanya tapos umorder na ko nang dalawang malaking cookies and cream.
"Oh Dean, kuhanin mo na at wag ka nang maarte pa," di na naman siya nag inarte pa at kinuha na lang niya. Subukan niya mag inarte, mag wawala ako dito.
Wala pang 3 minutes, naubos ko na yung akin. Yung kay Dean naman, one fourth palang yung nakakain.
"TARA!!" yakag ko ulit.
"SAN NA NAMAN?!" taka na naman niyang tanong tapos kumain ulit siya ng ice cream.
Di ko na lang siya sinagot at hinila ko siya dun sa may Starbucks. Gutom pa ko eh. Sarap mag FOOD trip ngayon eh.
Pinaupo ko muna siya at nag order naman ako ng dalawang choco mucho coffee.
"Kunin mo!" sabi ko tapos tinignan niya lang ako nang ilagay-mo-nalang-dyan look.
Tapos inilagay ko na lang dun sa harap niya at naupo na ako.
Naubos na pala niya yung ice cream. Tapos ininom na naman niya yung Coffee na inorder ko.
"Kelan tayo uuwi?!" tanong niya. Excited talaga siyang umuwi ha?!
"Kapag gusto ko na,"
"Tsss..." sabi niya sabay sipsip ng coffee niya.
"Masyado na kong madaming utang sayo," sabi niya habang nakatingin sa malayo.
"Wag mo nang alalahanin yun. Wala yun,"
"Mahirap lang kami, paano ko yun mababayaran?!" sabi niya sabay yumuko na siya. Omyghad!! Iiyak ba siya? Anong gagawin ko? Ang drama naman kasi ni Dean eh!!
"Ano ka ba naman... kung gusto mo talaga mabayaran yun, sumunod ka lang sa ipag uutos ko at bayad na lahat yun... Deal?!"
"DEAL," masaya niyang sabi at tumingin na naman siya sakin ng nakakalusaw, bakit ba ang gwapo niya? kung alam mo lang talaga na mahal kita.
Ewan ko ba, hindi ko alam kung kelan nagsimula ang lahat. I just found myself that I loving Dean.
"DEAN!!" rinig naming dalawang may sumigaw kaya napalingon kami dun sa likudan ko.
Nakita namin yung dalawang sina Justine at Joshua, papalapit na nga samin eh. Napatayo naman kami agad ni Dean at lumabas na nang Starbucks.
"Anong ginagawa niyo dito?!" tanong agad ni Joshua.
"Natambay, paalis na nga kami eh kasi Mall pala toh kala namin kanto," pamimilosopo ko.
"Ano ba!! eto naman kasing si Joshua kita namang nagdadate yung dalawa, tinatanong pa!!" sabi naman ni Justine. Aba!! Tangina nito!!
"ANO?!" sabay naming sigaw ni Dean.
"Bagay nga kayo. Parehas BINGI!!" pang aasar pa nento ni Joshua tapos binatukan nga naming dalawa ni Dean.
"Aray... bakit niyo ginawa yun?!" tanong pa niya habang nakahawak sa ulo niya.
"Sige, mag PATAY MALISYA ka lang. Kaya ko ginawa yun kasi gusto ko lang," mayabang kong sabi. Hanggang ngayon hawak parin niya yung ulo niya. Napalakas ata namin ni Dean yung pagbatok..
"So bakit nga kayo nandito?! gusto niyo sumama?! nood tayo sine?!" pagyayakag ni Justine.
"Wag na lang dito, dun na lang sa bahay. Kahit ano pang panoorin niyo, may Cinema Room kami," sabi ko.
"Woh!!" mangha pang sabi ni Joshua.
"Wow, sige tara na.. para naman makalibre," bigla na lang ako natawa sa sinabi ni Justine.
Tapos umalis na kami, dun na lang sila sumakay sa kotse ko. Walang dala yung dalawang ugok eh.
Ako na nag drive, nakakahiya naman dun sa tatlong nag uusap. Na OP tuloy ako.
Natigilan na silang mag usap tatlo nang binilisan ko yung pag dadrive ko.
"Kira, nasa Rollercoaster ba tayo?! a--ang bilis mo naman magpatakbo," Natatakot na nasabi ni Justine.
"Haha, Racer ako dati sa California, at normal lang sa kotse kong paandarin ng sobrang bilis kasi Sports Car toh. Mabilis talaga akong magpaandar,"
"Tangina mo walang nagtatanong ng history mo!" sabi ni Dean.
"Pwe--pwede bang bagalan mo?!" pakiusap naman ni Joshua.
"Bakit pa?! eh nandito na tayo?!" Sabi ko, oo nga ang bilis naming nakarating?!
"Dito ka nakatira?!" taka pang tanong ni Joshua ng mapatingin siya sa labas ng bintana at ipinark ko na yung kotse ko.
"Hindi! hindi ako dyan nakatira, dun ako sa likudan nyan nakatira, ako yung nuno dun sa punso," pagbibiro ko..
"Nai, mukha nga. Di na ko magtataka pa,!" sagot naman ni Justine, tinignan ko nga nang masama. Tapos tumigil na sila sa kakatawa. Buti naman at natakot... rayutin ko sila!!
"Ano Kira?! dito ba tayo manonood?!" biglang tanong ni Dean.
"Try mo!" pilosopo kong sabi, "Tsss.." yan na lang yung nasabi niya.
"Tara na nga.." palabas na sana ako nang magsalita ulit si Joshua.
"Uy Kira, siguraduhin mong hindi modus toh!" baliw talaga tong si Joshua, kung ano anong iniisip.
"Wag ka na lang maingay, sige ka malalaman nilang magnanakaw tayo,!" pagbibiro ko na lang. Sira ulo talaga tong mga kaibigan ni Dean, ayaw maniwalang bahay ko toh?!
Nagpark muna ko nang kotse tapos ng nasa may pinto na kami pinigilan ako ni Justine... ano na namang problema?!
"Teka, baka may BEAST dyan," natatakot na sabi ni Justine. Yumuko naman ako tapos nagsalita.
"Oo meron... at ako yun!! ROAR!!" pananakot ko. Natakot naman yung dalawa. Hayyy kahit kailan.
"Ahhhh!!!" sigaw nung dalawa, tinawanan ko lang yung dalawa. Pati si Dean natawa, napatitig tuloy ako kay Dean. Ang cute niya kasing tumawa. Nakaka FALL. Ang gwapo nyang mag smile, parang ayaw mo nang dumating pa ang bukas na mawawala siya.
"Ayieee... Enjoying the view Kira?!" sabi ni Joshua kaya natauhan ako tapos biglang napatingin sakin si Dean. Nakita niya tuloy na nakatingin ako sa kanya kaya umiwas agad ako.
Grabe, namumula na tuloy ako ngayon, bwiset naman kasi tong si Joshua eh.
"STOP THAT!!" sigaw ko dun sa dalawa, inaasar pa din kasi ako.
"Tara na nga mga ugok!!" sabi na lang ni Dean at inakbayan yung dalawa, ako naman binuksan ko na yung pinto.
"Ayaw kong makulong ha!!" Pahabol pa ni Justine pero di ko na lang pinansin.
Pagbukas ko, bumungad agad yung tatlong maid.
"Good Morning Mam," sabay sabay nilang sabing tatlo. Kala ko talaga Maid sila? Bakit mukhang nags security guard na sila? Lagi na lang sila nandiyan tatlo kapag darating ako.
"Paki Ready manang yung Cinema Room," Utos ko.
"Yes Mam," sabi ulit nila.
"See, akin toh," sabi ko sa kanila at humarap pa ako.
"Tara na," sabi ko dun sa tatlo at pumasok na talaga kami.
"Kira.." Napalingon naman ako dun sa may hagdanan at nakita ko si Donna.
"Oh! Donna, gusto mo sumama?! nood Cine?!" tanong ko sa kanya.
"Donna?!" Joshua
"Bakit ka nandito?!" Justine
Oo nga pala, di pa nila alam na dito nakatira sina Donna.
"Ano kasi..." anong idadahilan ko?!
"Bodyguard ako ni Kira," cold na sabi ni Dean.
"Ah... kaya pala. Oh sige Naiintindihan ka naman namin pre, Buti nga may trabaho ka at JACKPOT pa ang napasukan mo ha!!" sabi ni Joshua sabay tapik kay Dean
"Thanks Bro," nasabi na lang ni Dean.
"Kayo namang dalawa, wag niyong sasabihin toh kahit kanino ha!!" sabi ko sa kanila.
"At bakit?!" sabay pa nilang tanong.
"Ayaw niyo, secret lang natin. Oh sige, ipamalita niyo ha. Ang Heather niyo ay isa lang bodyguard. Wahahaha ano na lang kaya ang mangyayari?"
"Oh sige, basta SECRET lang!!" sabi naman ni Dean.
"Hahaha," tawa nung dalawa
"Ba't kayo natawa?!" takang tanong ni Dean.
"Wala lang, ang sweet kasi sayo ni Kira,!" nananadya talaga tong si Joshua eh!!
AKO?! SWEET kay DEAN?! so, sa totoo naman... OO?! ewan ko pala... hehehs!!
Tapos sinamaan ko na lang sila nang tingin. Nakakainis silang dalawa,humanda sila sakin kapag nabuking ako ni Dean na may gusto sa kanya!
"Tara na nga, dami nyong alam manonood na nga lang tayo," sabi ni Deanat inakbayan yung dalawa nyang ugok na kaibigan. Tapos pumunta na kami dun sa Cinema Room ni Donna.
+++
Pagpasok namin dun sa Cinema Room namin, black lahat pati upuan black. Pero yung ilaw naman WHITE.
Yung upuan ay Good For 12 person..
- - - -
- - - -
- - - -
May dalawang row, isang row pahiga 2 lang ang kasya...
"Oh! manonood kayo?!" paglingon ko, si Kuya Zane pala.
"Oo Kuya, manonood ka din?!" tanong ko
"Sige," sang ayon na lang niya.
"So.. anong panonoorin natin?!" tanong ko.
"The Conjuring..." sabi ni Justine
"Sige..." Kuya Zane
"Sige! Sige" Donna
"Oky na yun.." Dean
"A-ano?!"
Sakin di okay, nakakatakot kaya yun.
"Bakit?! takot ka?!" tanong ni Justine.
"Hi-hindi, o sige.." pumasok na ko dun sa maliit na kwarto nung Cinema Room para i ready yung panonoorin namin.
Isinet ko na yung The Conjuring tapos lumabas na ko, paglabas ko pinatay ko agad yung ilaw.
Isang Row lang yung ginamit namin, sina Joshua at Justine yung magkatabi sa likod, sina Kuya at Donna naman dun sa pinaka unahan.. Tapos si Deam naman nag iisa dun sa gitna.
Tatabi ako kay Deam?! alangan namang dun ako sa isang row?! ayoko! natatakot ako. Wala din, dun ako umupo sa tabi ni Dean.
"Pst! Donna,, tawag ko at kinalabit ko pa. "Ano?!"
"Bat ka dyan?! palit tayo!"
"Ayoko nga, oky na ko dito, ayaw ko nang masungit ang katabi ko kapag nanonood. Dyan ka na lang kay Dean!!" Tsss.. di ko na nga lang pinansin. Aish! kainis..
Ako yung sa ding ding tapos si Dean yung malapit dun sa daanan.
Joshua / Justine - -
Kira / Dean - -
Donna / K. Zane - -
Maya maya, nung tumatagal na yung scene, natatakot na ko. Rrrr.... may babae daw dun kaninang nakabitin sa puno.
Ano bayan, umpisa palang natatakot nako.
"Wag mo namang gawing kamatis yang kamay ko," sabi ni Dean, pinipiga ko na pala yung kamay niya. Natatakot na kasi ako eh... sobrang higpit nang hawak ko. Teka? Hindi ko napansin na hawak ko na pala kamay niya? Hehehehe.
+++
"Ahhh!!" sigaw ko. Nakayakap na ko kay Dean. Tapos nakatago din ako.
May babae kasing pumalakpak dun sa closet. Nag hihiding clap kasi yung mag ina. Nakakainis, natatakot na ko.. Huhu, ayaw ko na.
"Wag mo nga kong yakapin," Pagbitaw ko sa kanya, tumayo na ko sa kinauupuan ko. Di ko na kaya, aalis na ko.
"Oky FINE! aalis na nga lang ako!" sabi ko.
*POOT*POOT*
"Ahhh!!!" sigaw ko, sa taranta ko, nalaglag ako sa dibdib ni Dean. Na out of balance ako eh >_____[CONTINUE...]