DEAN POV.
"Forget what happened..." cold kong sabi.
"Don't Worry, I already forgot about it!" masaya niya namang sabi tapos lumabas na ko sa Cinema Room.
Grabe naman siya, nakalimutan niya agad yun?! baka nga di na naman ako makatulog nento eh.
Patakbong lumabas si Kira sa cinema room na parang takot na takot siya.
"Bakit ka natakbo?!" taka kong tanong.
"Amm... ano... WALA!! Hehehe," Sus, deny pa nang babaitang toh. Halata namang natakot siya sa loob.
"Tara na," yakag niya sabay bitin na naman sa braso ko.
UNGGOY ba siya?! at mukha ba kong PUNO para lagi nyang bitinan?! Hindi ko na lang pinansin at nagsimula na kaming dalawa maglakad papuntang sala.
Pagdating namin sa sala, sina Kuya Zane at Donna lang yung nanonood ng TV.
"Nasaan yung dalawang ugok?!" tanong ni Kira.
"Amm.. andoon sa kwarto mo Kira," ani Donna.
"Ah... ANO?!" bumitiw na siya sa pagkakahawak sakin atsaka siya mabilis na tumakbo papataas ng kwarto niya. Sumunod naman si ako.
Pag akyat namin nasa labas ng kwarto ni Kira yung dalawa at mukhang natatakot.
"Kira, may kapatid kabang lalaki?! sa kanya ba tong kwarto?!" takhang tanong ni Joshua.
"At may nalalaman pang PRANK! ang COOL niya, natakot ako dun sa pugot na ulong yun!!" sabi naman ni Justine.
"Sakin yan,"
"SAYO TOH?!" pasigaw na sabi nung dalawa na nagulat pa.
"Oo nga!!" naglakad naman si Kira papasok sa kwarto niya habang sina Justine at Joshua ay nakasunod lang ang tingin sa kanya.
"Sa kanya nga yan," sabi ko naman dun sa dalawa, di na naman maniniwala eh.
Sumunod naman sakin yung dalawa pagpasok ko sa kwarto ni Kira.
"Kira, kung di mo mamasamain... TOMBOY ka ba?!" biglang tanong ni Justine kaya napatingin kami ng seryoso tatlo ni Joshua kay Kira.
"Hindi,"
"Para kang lalaki, tignan mo, kung umupo ka nga nakabukaka na pang lalaki,"
"Bakit masama bang umastang lalaki?!"
"Oo naman," sabay sabay naming sabing tatlo.
"Ha?! Bakit?! may mga kaibigan nga kong mga lalaki sa ibang bansa eh!!" mayabang niya pang sabi. Tsss, ipinagmamalaki niya pa yun ahhh?
"UTOT MO!!" sigaw ni Joshua.
"JOKE lang, pero may mga kaibigan nga kong mga lalaki,"
"Wee, di pa ba TOMBOY ang tawag dyan?!" tanong ko sa kanya.
"TOMBOY agad?! mas gusto ko kasing kaibigan ang mga lalaki kesa sa mga babaeng puro purihan lang ang alam sa buhay at nagpaplastikan,"
Naramdaman kong nagvibrate yung cellphone ko sa bulsa. Sinailent ko lang kasi muna. Nandito na din yung SIM Card ko sa bago kong cellphone.
Unknown:
Masyado kang pakealamero. Gusto mo atang malintikan. We will meet soon again Dean. And I swear, you will lose this time.
-M
Hind na ako magugulat pa, kilala ko yang Master M na yan. Siya lang naman ang Mastermind ng lahat ng nakawan dito pero magaling siya magtago kaya di mahuli huli nang mga pulis. Ang tatanga din naman kasi ng mga pulis.
Siya din kaya ang may pakana nang nakawang nangyari kay Mam Nicole at Kira?!
Kinakatakutan ni Master M yung mga kaibigan ko kaya di niya kami malaban labanan, so ngayon lumalakas na pala ang loob niya. Asa syang matalo niya ko. GURANG na nga yun eh.
Maya maya pa ay umuwi na sila Justine at Joshua. Gabi na din kaya nahiga na kami ni Kira.
Habang nakahiga kami, di ako mapakali sa kinahihigaan ko.
Hindi ko alam kung anong sakit ba ang meron ako? Hindi talaga ako makatulog kapag may nahalikan ako.
Tangina, bakit ba hindi ako makatulog? Hindi ako normal!!!
+++
Sa kinaugalian, 1:09 AM na at gising parin ako. Tinitigan ko na lang si Kira habang tulog. Nakakainggit. Ang sarap niyang matulog.
Ngayon ko lang napansin na mukha siyang anghel kapag natutulog. Cute siya at mukha siyang kuting. Hindi naman siya kagandahan. Hilig niya lang talaga ang mangulet. Medyo may pimples siya pero hindi naman yung mukhang tinadtad na.
Masarap kaya syang mahalin?!
Teka.... WHAT?! mahalin?! Anong bang sinasabi ko?! Isa din ba ko sa tinatawag na ABNORMAL?!
Tsss... kinuha ko na lang yung cellphone na binili sakin ni Kira sakin kanina para matigil na ako sa kakaisip ng kung ano ano. Alam niyo ba, mukha niya yung wallpaper ko sa cellphone.
Nagselfie muna siya kanina bago niya ibinigay 'toh sakin, wala ngang box eh at hanggang ngayon, di ko parin pinapaltan yung wallpaper ko.
Parang okay lang kasi sakin na wallpaper ko yung mukha niya. Hayyy, atsaka malay ko ba kung paano mapapaltan yung wallpaper nito? Hindi pa nga ako nakakagamit ng cellphone na sobrang laki at touch screen kaya ang alam ko lang, i-unlock at patayin toh.
Di ko na sinilent yung phone ko, baka may magtxt eh. Ano kayang magawa?! nakatitig lang ako kay Kira ngayon---
"Hahahahaha"
Agad akong napabalikwas at kulang na lang ay malaglag ako sa kama dahil sa gulat ko dun sa tawang yun. Tanginang tawa gun, 'ba naman may tumawang katulad ni Kira. Biglang nag ilaw yung cellphone ko kaya kinuha ko agad gun. So, ringtone pala ng cellphone ko yung tawa niya?!
Cellphone ba niya toh?! lahat ng laman eh sa kanya. Hayyyy.
Kala ko naman kung dining kaimportantihan na ang nagtxt. Operator lang pala.
Nag open na lang ako nang sss ko. Putengene. Sabog na naman Friend Request, Messages at Notification ko. Syempre, yung mga kilala ko lang i-naaccpet ko. Mga 100+ nga lang friends ko sa sss pero thousand na yung FR ko.
Pinindot ko yung messages at nakita kong nagchat sakin si Justine. Kanina pa siguro toh.
Justine:
Brad, tignan mo yung CHIKATALKS. Yung HOT ISSUE nila. Siguradong magugulat ka.
11:43 na nung chinat nya. Pero ngayong ala una ko lang nabasa.
(CHIKATALKS ang tawag nila sa balitang chismis tungkol sa mga sikat sa campus nila)
Ngayon ko lang bibisitahin tong site na toh, puro chismis lang naman laman nento eh. Walang kwenta.
Biglang nanlaki ang mata ko ng ma-open ko na ang site na yun. Grabe, nagulat talaga ako. Taena, sinong nagpost nento?!
HOT ISSUE >
[KIRA MAE and DEAN are dating?! IS THIS REAL?!]
Tapos may picture kami ni Kulet na may nag-comment. Yung nasa Starbucks kami kanina habang naguusap tungkol sa DEAL.
Bwiset na mga chismosang yun, kung ano anong pinaglalagay.
Bumalik na lang ako sa pag e-sss. Pag open ko ulit, grabe trending din sa sss yung chismis na yun. Ang lala pala nang chismis pag may kasama akong ibang babae. Nilagyan agad ng MALISYA?!
Binasa ko na lang yung mga comments, 5000+ yung comments tapos 30000 likes at karamihan sa reaction, Angry at Haha.
"Para kasing ahas yang babaeng yan, laging nakabuntot kay Dean"
"Sure ba kayo?! di napatol sa ganyan si Dean, baka nga walang magkagusto dyan. Ang panget panget,"
"Napaka b***h naman ng babaeng yan, Ang landi landi. Lalandi na nga lang, sa pinakasikat pa ha! taas ng PRIDE!"
Natigilan ako dun sa huli kong nabasang comment. Si Kulet b***h?! at ang sama naman nila. Ako lang ang may karapatang sabihan si Kulet na walang magkakagusto sa kanya.
Sa panget niya lang wala na agad magkakagusto kay Kulet?! pwede na din, pero di parin tama yun. Lalo kasi nilang pinamumukha kay kulet na walang magkakagusto sa kanya. Masakit yun!!
May itsura naman si Kira ahh, di naman siya nag iinarte kasi wala syang arte at hindi b***h o malandi si Kira, di nga nila kilala yung tao kung makapanlait sila wagas!
"Hahahahaha"
May nagtxt naman sakin, astig talaga nang ringtone ko.
Ma'am Nicole:
Lagi ka lang sa tabi ni Kira ha, and protect her. Make her always happy, oky?! i trust you.
Pagbasa ko nun, tumitig na lang ulit ako kay Kulet. Natutuwa kasi ako kapag tulog siya.
Maya maya pa ay naramdaman ko ng dinalaw ako ni antok at nakatulog na ko.
+++
"Hahahahaha"
Narinig ko na naman yung tawang yun. Nag alarm na yung cellphone eh.
Iminulat ko paunti unti ang mata ko. At--- WTF??
Grabe, nagulat ako dun ha. Ang lapit na nang mukha namin ni Kulet, isang maling galaw ko nalang at maglalapat na talaga yung mga labi namin. Napaurong nalang ako, pero nalaglag na ko sa kama.
Aray ko! ang sakit ng pwetan ko!
"Hahahahahaha"
Nakakaasar pala yung ringtone, nalaglag ka na nga tinawanan ka pa?!
Ini-off ko na lang yung alarm. Naaasar lang ako. Nagising na naman si Kulet at umupo sa kama niya tapos nag unat at tumingin sakin, nagulat pa nga nung siya napatingin sakin.
"Uy, Dean! dyan ka natulog?!" taka nyang tanong.
"Tangina mo, isinusumpa ko tawa mo!!" cold kong sabi.
"Ahahahaha!!!" nang aasar talaga siya eh? bumaba na naman siya dun sa kama niya at pumasok na siya dun sa CR ng kwarto niya.
Ako naman dun sa isang CR sa baba.
+++
Di na samin sumabay si Donna, Nauna na daw eh. Hinatid na ni Kuya Zane, nainip na daw samin ni Kulet, kanina pa nag iinatay.
Bago makalabas si Kulet ng kotse, hinawakan ko muna siya at pinigilan. Napatitig naman siya sakin.
"Ba--bakit?!" nag bublush na siya. Tsss, hinawakan ko lang nainlove na. Tangina ano ba tong pinagsasasabi ko.
"Ano... kung tanungin ka kasi nang mga classmates natin kung ano mo ko, wag mong sasabihin ha. Hayaan mong sakin manggaling,"
"Oh sige,"
"Tara na.. nangangamatis ka na eh," pangangasar ko sa kanya tapos napaiwas na siya nang tingin sakin.
Bumaba na naman kami ng sabay at nang naglalakad na kami sa hallway, pinagbubulungan kami. Si Kira lang pala, ba naman, nakayakap na naman siya sa may braso ko kala mo 6 years old na batang mawawala pag bumitaw. Tangina, para akong may dalang unggoy sa kaliwa kong kamay.
"Dean, wag kang lalayo sakin ahh," sabi niya, oky FINE!! bodyguard niya naman ako eh. Pero... bakit parang nung sinabi niya sakin yun parang may mangyayaring masama sa kanya?
"Beh, nandito na tayo,"
"Ahhh, O--oo nga," nagulat kong sabi, lalakad pa kasi ako eh. Tapos pumasok na kami.
"Ano daw?! beh?!"
"Beh daw?!"
"b***h!"
"Oo nga, siya nga yung babae,"
Sabi nung mga classmates namin, pumunta na lang kami dun sa likod at naupo. Nandoon na din sina Sam at Donna.
"Ano... Dean... sorry kung natawag kitang BEH, kasi ganun ako minsan kahit di ko kilala nasasabihan kong BEH! sorry," sabi niya habang nakayuko. Natatawa na ko ngayon sa itsura niya.
"Ano ba?! okay lang yun," cold kong sabi.
"TALAGA?!" tapos biglang nabuhayan yung dugo niya.
"Gusto mo bawiin ko?!"
"Ah.. wag!! thank you!" sabi niya atsaka niya ako niyakap. Parang nanigas ang lahat ng buto ko at hindi ako makagalaw sa ginawa niya.
"Thank You DEAN!!" sabi niya sabay---
Sabay kiss sa pisngi ko. Lalo tuloy ako di makagalaw. Ganyan ka ba pagmasaya Kira?! ang babaw mo naman. Tinanggap ko lang yung sorry mo at pumayag na tawagin mong BEH, niyakap at kiniss mo pa ko sa pisngi?!
"HOY DEAN"
"Ay KALABAW!!"
"Hahaha" yan na naman yung tawa ni Kulet. Tangina, i curse that laugh!!
"Sam, wag ka namang manggulat!" sigaw ko sa kanya.
"Eh baka maging istatwa ka na dyan sa sobrang pagka FREEZE mo!" sabi ni Sam. Tinignan ko lang siya ng walang gana.
"STOP!" suway ko at tinignan ko sila nang masama.
"Good Morning Class, sorry I'm late," biglang pasok ni Ms. Fai sa classroom kaya mabilis na nagsibalikan ang lahat ng estudyante sa kani kanilang upuan.
"I just want to announce this time ang pinakahihintay ng lahat. Finding Bloody Queen,"
Tsss, iyan na naman yung contest na yan. Ang gara kamo nang contest nayan. Ang corny. I don't like that.
Tapos BLOODY QUEEN pa yung pamagat, matagal ko na yun pinagtataka. Pwede namang CAMPUS QUEEN o ano, pero bakit BLOODY QUEEN?! Tangina, hindi naman madugo ang labanan.
"So, every section ay may representative. Who will be the representative in our section?!" tanong ni Mam samin, di ko nalang inintindi, nakinig nalang ako.
"Mam, si Jessica"
"JESSICA!"
"Jessica! Jessica!"
sigaw nung mga kaklase namin,
"Jessica?! what do you think?!" tanong ni Mam.
"If the whole class insist and want me then... Okay, I'll join the contest," tsss, WHOLE CLASS AHH? Talaga lang hu?
Tapos tumayo siya dun sa upuan niya,
"So, sinong gusto mong maging escort mo?!"
"Amm... Dean?! what do you think?!" tanong niya bigla. Alam kong nakatingin ngayon ang lahat sakin at iniintay ang sagot ko. Napatingin naman ako bigla kay Kira ng hindi ko alam.
Pfft!! Bigla akong natawa kasi yung mukha niya, parang gusto niya akong sumali sa contest.
"Sige na, sali ka na!!" sabi niya. Sigurado siya gusto niya akong pasalihin? Masaya sana kung siya kapartner ko.
"Urgh! you know my answer. I don't want to join that stupid dumb contest," cold kong sabi. Madami namang nadismaya na kaklase ko at narinig ko pang paulit ulit along minumura no Kira sa tabi ko.
"Sayang naman Mr. Wolter, ang gwapo mo pa naman," pinipilit pa ko ni Ms. Fai.
"Then what?!" nakakatakot kong tanong sa kanya.
"No--nothing," nauutal nyang sabi.
"Si Niel na lang Mam o di kaya si Sam," rekomenda ko, natakot na sakin si Ms. Fai eh. Kasi my father is the owner of this school. It was a long long and complicated story that's why. Don't ask me to tell about that.
"Ayaw ko..." Sam
"Oky lang sakin," masayang sabi ni Niel, isa sa mga gwapo sa Academy pero mas gwapo ako.
"Good, so meron na tayong representative, so ang mga escort ay sa ball lang lalabas. Kaya wala naman kayong gagawin Niel, sina Jessica lang. Mamayang 3:00 PM at theater, ikaw Jessica ay kelangang pumunta dun para sa mechanic ng contest," paliwanag ni Ms. Fai. Tumunog na naman yung bell kaya nakalabas na din ako.
KIRA'S POV.
Dire diretsong lumabas si Dean ng classroom, di man lang ako inantay?! ang sama niya talagang nilalang na nabubuhay sa mundong ibabaw na toh!!
"Beh! wait lang---" naputol ko ang sinasabi ko atsaka napa facepalm kasi putangina. Napapa-beh na naman si ako.
Tatakbo at hahabulin ko na sana si Dean ng bigla naman akong harangin NINA Jessica.
"WHAT?! BEH?! feeling CLOSE ha?!" mataray nyang tanong, wala naman akong kakampi ngayon kasi si Donna nawala na din bigla.
"YES! WERE CLOSE," pag didiin ko sa kanya. Nasa labas na kami nang room ngayon at madami na ding nakatingin samin.
"Oh Right!! Free to assume nga diba?!" natatawa niya pang sabi. "It's true na CLOSE kami!!" pagmamalaki ko pa.
"ASSUMINGERANG MALANDI!" sigaw niya atsaka niya ako tinulak. I stay calm at hindi ako nakagalaw sa pwesto ko ngayon.
Parang nanghihina ako. Hindi naman sa talunan ako... ayaw ko lang talaga ng away. Atsaka baka ma-turn off sakin si Dean noh!! Sabihin warfreak pa ko.
Ilang oras din akong hindi gumagalaw sa pwesto ko hanggang sa bigla na lang may humawak sa wrist ko at inalalayan niya akong tumayo. Nakayuko parin ako hanggang makatayo ako.
"Ayos ka lang?" tanong niya. Tumango naman ako bilang sagot. Para akong wala sa sarili. Hindi ako makaayos. Hindi ko man lang napansin kung kanino bang boses at sino itong nasa harapan ko at tinulungan ako.
Pumunta siya sa may harapan ko at itinago niya ako sa may likudan niya.
"Dea---"
"Sa oras na makita ko ulit na sinasaktan niyo si Kira, hindi ko na papalagpasin pa yun. At ikaw namang babae ka, saan ka ba pumupunta? Kanina pa kita hinahanap!" Biglang bumilis ang pagkalabog ng aking puso at napatingala na lang ako sa lalaki nasa harapan ko ngayon. Kahit na sinesermonan niya ako, parang isang magandang view sa paningin ko ang mga mata niyang punong puno ng pag aalala sakin.
Napabalik na lang ako sa wisyo ko ng bigla niya akong hinila at lumayo na kami doon sa pwesto nina Jessica.
Napalingon pa ako sa likudan ko kung nasaan sina Jessica. Ayun parang nakakita nang multo kasama yung dalawa niyang alipores.
Pero bago pa kami makalayo ng tuluyan ni Dean ay sumigaw muna ako.
"SABI SAYO! CLOSE KAMI EH!!"
[CONTINUE...]