Kabanata 12

2511 Words
Hanggang ngayon ay hila parin ako ni Dean. Di parin nga kami tumitigil sa paglalakad eh. San ba ko dadalhin nento?! "Bakit hindi ka lumaban kanina? Paano na lang kung hindi ako dumating?" tanong niya, may halong pagkainis at pag aalala angbawat pagbigkas niya nun kaya napangiti na lang ako bigla. "Sabi kasi ni Mama, wag nating sasaktan ang mga kaaway natin. Paalala, tao sila hindi lang halata," proud kong sabi. Bigla namang natawa si Dean sakin. "Bakit? Anong nakakatawa?" tanong ko. "Wala lang," Hindi ko na lang naman pinansin si Dean atsaka ako napatingin sa paligid at inalam kung nasan na ba kami. Nasa Garden o Likod na kami ng Academy. Mapuno na dito at walang tao. Nasa GUBAT na ata kami. "Hoy, san ba tayo pupunta?! napapagod na kong maglakad!" reklamo ko. "Di ko alam," sagot niya--- ano?! di niya alam?! "Aba, tumigil na tayo!!" sigaw ko, tapos tumigil na naman siya. So kung hindi ko pa pala sinabi na tumigil kami magpapatuloy pa kaming maglakad hanggang kadulo duluhan ng gubat na 'toh? Putengene, siguro ngayon, nasa gitna na kami nang gubat. "DEAN!!!!" sigaw ko sa kanya tapos napatingin naman siya sakin. "ANO?!" sigaw niya din. Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Ba't ba tayo nandito?!" tanong ko sa kanya. "Wala! gusto ko lang lumayo dun," umiwas naman siya nang tingin sakin pagkasagot niya. Naupo siya sa may ilalim ng isang puno atsaka sumandal doon. "What do you mean?!" taka kong tanong. Hehehe, english yun!! "Wala! tara samahan mo na lang akong maupo dito kahit napaka ingay at kulit mo," pang aasar pa niya. Grabe na siya ha! Ang sama niya, siya nagsama sama sakin dito tapos eh... "Ang sama mo ha!" naupo na lang naman ako sa tabi niya at sumandal din dun sa puno. Nakasandal din si Dean dun sa puno at nakapikit yung mata niya. Tinulugan ako?! Tulog ba siya? Naisipan kong kalikutin siya kaya kinuha ko yung isang kamay niya at nilaro laro yung mga daliri niya. Nakabracelet yung kanan niyang kamay. "Peram muna ha!!" tapos tinanggal ko nalang basta basta yung bracelet niya. "Oh.." bulong na lang niya bilang pagsang-ayon. Ang bait niya naman talaga ngayon. Hawak ko yung bracelet niya at napansin kong parehas sakin. Tinanggal ko din yung sakin at pinagtabi ko yung amin ni Dean. Parehas nga, pero may pagkakaiba din yung iba. Yung kay Dean may mga bilog na nakadrawing na usok?! yung parang AMOY?! tapos SHIELD, at ARAW. Tapos akin din, may USOK, SHIELD, ARAW at TAO...?? Dun sa likod ng bilog ng tao ay may nakasulat pa na 18?! What does it mean?! Tumayo na lang bigla si Dean tapos napatayo na din ako. "Tara na, baka malate tayo, next time na lang ulit tayo tumambay dito," sabi niya sakin. Ibibigay ko na sana yung bracelet niya nang may biglang humarang sa dadaanan namin na mga nakaitim at mga mapuputing lalaki. Tapos ang sasama nang tingin nila samin at naka EVIL SMILE. Bigla naman kaming napatigil ni Dean at napaurong patalikod. "Dyan ka lang sa likod ko," bulong niya sakin. Tumango naman ako bilang sagot at inilagay ko muna yung bracelet naming dalawa dun sa bag ko. Dalawa yung nasa harapan ni Dean pero pagtalikod ko, may dalawa din pala sa likod naming na mga lalaki. Nakita naman din yun ni Dean kaya mas lalo niya akong isiniksik sa likudan niya. Tangina din ni Dean eh, madaya. Gusto niyang siya mauna mamatay tapos iiwan niya ko mag isang buhay tapos papahirapan ako ng mga lalaking toh. Waaah, madaya ka Dean! "Kulet, magtago ka sa puno pag umatake na ko ha?!" bulong niya tapos tumango na lang ako. Tinignan ko yung mga lalaki, nagbago yung kulay ng mga mata nila. Naging DARK RED tapos nagkapangil din sila. Omyghad!! Bampira?! cool!! Hehehe. Tangina, nasa panganib na nga kami nagawa ko pang mag isip ng ganto?! Umataki na yung isa, dinambahan niya si Dean at ako naman, nagtago dun sa isang puno. Tapos nanood ako, sinapak ni Dean yung isang lalaki tapos bigla naman hinawakan nung dalawang lalaki yung braso ni Dean. Sinuntok nila si Dean sa tyan tapos bigla namang gumanti din si Dean pero nakailag yung mga lalaki. Napayuko na lang ako bigla kasi nanakit bigla yung ulo ko, parang may kung anong nagbabago sakin. Nahi... hilo ako. Naramdaman kong may nalabas na mga matutulis na ngipin sa gilid ng bunganga ko. A--Ano toh? Pangil? "WRAAAH!!!" Nakita kong papalapit sakin yung isang lalaki, si Dean naman nakayuko na atsaka nanghihina habang pinagsisisipa at pinagtutulungan ng mga lalaki. Di ko alam kung anong nangyari, kusang gumalaw yung katawan ko. Sinugod ko yung lalaking papalapit sakin, dinambahan ko siya tapos kinagat ko sa leeg at hindi ko na alam kung ano pa yung sunod ko pang ginawa. Pagkatapos nun, di pa ko nakontento at pinugot ko pa yung ulo niya. May papalapit na naman saking isang lalaki pero tinalunan ko siya tapos hinila ko yung buhok niya nang buong pwersa ko para pugutan din siya ng ulo at nagawa ko naman. Binitawan nung dalawa si Dean tapos sila naman yung sumugod sakin. Sinugod ko naman din sila nang walang takot. Binuhat ko yung isang lalaki tapos itinapon ko siya dun sa isa pang lalaki kaya natumba silang dalawa. Lumapit pa ko sa kanila at pinugutan ko din sila nang mga ulo. Habang kinakalaban ko sila, hindi ko alam kung ano ba ang mga ginagawa ko. Parang... hindi ako toh... Pagkatapos nun, naglaho na parang mga bula yung apat. Naramdaman ko na naman nananakit yung ulo ko. Sumasakit... Malalaglag na sana ako nang nasalo agad ako ni Dean na mukhang okay na. Napangiti na lang ako bigla. "Oky ka lang?!" tanong niya tapos tumango lang ako habang hawak parin yung ulo ko, pero di ko na nakaya at nalaglag na talaga ako nang tuluyan. +++ Minulat ko paunti unti yung mata ko. Ang liwanag nasa langit na ba ko?! Teka... sa langit ba ko mapupunta?! Hehehe, tangina mamamatay na ko kung ano ano iniisip ko. Nilibot ko yung paningin ko ng malinaw ko ng makita na ilaw pala yung liwanag na nakikita ko, nasa clinic lang pala ako. Tapos si Dean nandito sa gilid ng higaan ko. Bakit nga ba ko nandito?! Ahhh... Naalala ko na. "Gising ka na pala," biglang sabi ni Dean na nagising na sa gilid ng kama ko. Taena, nakakagulat naman siya. "Hindi ako gising, ganito talaga ako matulog, NakaMULAT!!" pamimilosopo ko. "Yan ka na naman eh," cute nyang sabi. Bakit ang cute niya pag bagong gising? Tangina, siguro may itinurok na drugs sakin yung nurse dito sa clinic kaya cute na cute at gwapong gwapo ako ngayon kay Dean. Tae!! Delikado kalagayan ko ngayon!! "Dito ka na ba matutulog?! Gabi na at gusto ko nang umuwi," Inilagay ko naman yung hintuturo ko sa baba ko at nag isip. "Ammm..." sa totoo lang, niloloko ko siya. Uuwi naman talaga ako eh. "HOY!!" sigaw ni Dean. Napatingin naman ako sa bintana at oo nga, gabi na. "Tara na..." sabi ko atsaka na ako bumaba ng kama. NICOLE POV. Nandito ulit ako sa pilipinas, may nangyari na namang p*****n eh. Siguro magsstay pa ako dito ng matagal dahil mas madalang na ang p*****n ngayon dito kaysa sa ibang bansa. Pagdating ko sa bayan, sumalubong agad sakin ang hingal na hingal sa pagtakbong si Derik. Napayuko pa nga ito at nag hahabol ng hininga, si Derik ang kanang kamay naming mag asawa habang wala kami dito sa pilipinas dahil may inaasikaso din kaming p*****n sa ibang bansa. "Anong nangyari?!" tanong ko sa kanya. "Si Dee.... Yung mga alagad niya, sinugod na naman ang bayan... pinupuntirya niya ngayon ang prinsesa. Alam na niya ngayon wala sa ibang bansa ang Prinsesa," paliwanag niya. Agad naman akong kinabahan, si KIRA. Si Dee lang naman ang misteryosong bampira na di pa namin makaharap. Matagal na niya tong ginagawa. Sino ka ba talaga DEE?! Pumunta na naman kami ng sabay sa bayan at may tatlong bampira ang patay. Sakto pang pagdating namin ay naging abo na sila. May tatlo namang bampira ang pumapatay, pinuntahan ko agad sila nang mabilis at kinalaban. Agad naging abo ang dalawang bampiramg sumugod sakin. Habang yung isa ay hinabol ko pa at nagmamakaawa. "Wag po! wag po!" Tsss... kung makapatay nga sila eh mga walang hiya, harap harapan ko pa talaga. Hinawakan ko yung buhok niya tapos pinugutan ko nang ulo. Pinatulong ko muna si Derik para makarecover yung iba at ako naman ay pumunta na sa headquarters para sa meeting. "Ano nang gagawin natin ngayon Nicole?!" tanong ni Rek. "Puntirya nila ang prinsesa," dagdag naman ni Robert. "Masyadong misteryoso si DEE, magaling ang mga tauhan niya," ani Derik. "Uh.. pinapunta ko na si Zane dito para bantayan din si Kira. Pati sina Rek at Robert ang mga anak nyong si Joshua at Justine lalo na Derik si Sam," sabi ko atsaka ako tumingin kay Derik. Isa sa mga magagaling kong estudyante sa pakikipaglaban si Sam. "Makakaasa po kayo..." sabi nung tatlo, naguguluhan na ko. Inaalala ko si Kira. Baka mapahamak siya. Alam na nila na nandito sa Pilipinas si Kira kaya pala wala ng gaanong patayang nagaganap sa ibang bansa. "Pano na?! sumusugod sila dito nang basta basta lang at may mga namamatay na," Rek "Uh... si Derik muna ang bahala dun, siya ang inaasahan namin kaya habang di pa prinsesa ang anak ko, siya muna ang mamamahala. May problema din kami sa LA, New York at Korea. Sumusugod di yung mga alagad dun ni Dee at ang malala ay may katululong siya," Napatingin naman ng sabay sabay sila saking tatlo na mukhang nagulat pa. "Sino?!" tanong ni Robert. "Si M," "Lumalakas na sila, nahihigitan na nila tayo. Si Kira lang ang makakatalo sa kanila," "Alam ko pero.. wala pa siya sa tamang edad," nag aalala kong sagot. "Kelangan na din natin syang sanayin," dagdag pa ni Derik. "Kilala niyo naman si Kira diba?! makulet yun, pasaway at matigas ang ulo. Sino naman ang magtratrain dun sa ganung ugali?!" "Ako ayaw ko..." Rek "Ako din.." Robert "Lalo naman ako," Derik Napabuntong hininga na lang ako dahil sa mga sagot nila. "Di parin siya nagbabago?!" Robert "Ano pa bang aasahan mo, eh ganun talaga eh. Wala sa ugali niya yung katawagang PEOPLE CHANGES," "Di na niya kelangan yun," sabay sabay kaming apat na napatingin sa may pintuan ng HQ kung saan nanggaling ang boses na yun. Si Zane. "Anong ibig mong sabihin Zane?!" taka kong tanong. "Di na niya kelangan pa magsanay," sabi niya sabay pumasok na siya dito sa loob ng headquarters. "Bakit?! marunong na ba syang makipaglaban?!" natatawang tanong ni Rek. "Oo, nakapatay nga siya nang apat na bampira eh, pinugutan niya pa ng ulo!!" "Wee... hindi 'toh JOKE TIME Zane," ani Robert. "Oo nga, at imposibleng magawa niya yun," di ko paring makapaniwala tanong. "Edi itanong niyo pa sa bodyguard niya, tauhan ni Dee ang sumugod sa kanila, muntik pa nga silang mamatay eh kaso pinugutan nga ni Kira ng ulo yung apat tapos bigla naman syang nahimatay," naging seryoso na yung mukha ni Zane kaya medyo naniwala na ko. "Ayos lang ba si Kira, Zane?!" nag aalala kong tanong. "Oo, ayos naman siya," cold nyang sabi tapos ngumisi siya. Mabuti naman at maayos lang ang anak ko. 3RD PERSON POV. "Balita ko ama, nakipag meeting daw sa inyo ang reyna," sabi nang anak niya habang naglalakad sila sa isang daan ng kanyang ama. "Oo, sakin niya pa nga ipinagkatiwala ang bayan," masaya namang sabi nang ama niya tapos uminom ito nang dugo. "Hu! ang laki nang tiwala sayo dad, nga pala. Bakit mo pinasugod ang mga alagad mo kanina at mukhang papatayin pa sina Dean at Kira," takang tanong ng anak niya. "Eh ikaw?! diba sabi ko sayo patayin mo na agad ang prinsesa?!" nanggagalaiting tanong ng ama niya. "Pinaglalaruan ko pa siya Dad," "Siguraduhin mo lang na papatayin mo talga siya," bigla namang ngumiti ng nakakaloko ang anak nito at sumagot. "Oo naman Dad," DEAN'S POV. "Talaga? di pala totoo yung kanina!! ano bayan, ang saya ko pa naman na may nakita na kong totoong bampira. Di talaga totoo yun?!" nakakainis na yung tanong niya. Kanina pa siya paulit ulit. Hindi ko na mabilang bilang kung pang ilan na niyang tanong yan. Simula kanina paglabas niya nang clinic yan agad yung tanong niya sakin. "Ano ba, mamaya masagasaan tayo. Magconcentrate ka mga sa pagddrive. Kanina ka pa nangungulet. Huli na toh.. HINDI NGA YUN TOTOO!!" sigaw ko na sa kanya. sa Totoo lang, totoo talaga yung nangyari kanina. FLASHBACK Nahimatay nalang bigla si Kulet at buti na lang nasalo ko siya. "Akin na siya," napatingala naman ako bigla at nakita ko dun si Kuya Zane na nakatayo. "Ako na ang magbubuhat sa kanya," sabi niya kaya ibinigay ko nalang sa kanya si Kira. Nag umpisa na naman kaming maglakad at nasa likudan lang ako ngayon ni Kuya Zane. Tangina... Ano ba talagang nangyari kanina? Bakit--- ganun si Kira? "Dean..." napatigil naman ako sa pag iisip at napatingin kay Kuya Zane. "Hu?!" tanong ko naman. "Wag mo na lang sana muna ipaalam toh kay Kira, pagkinulit ka niya. Sabihin mo, hindi ito totoo. At ilihim mo na lang din sana ang mga nangyari," sabi ni Kuya Zane tapos nagpatuloy nakami sa pagalalakad. "Anong nagyari kanina kay Kira?! Ba't siya nagkaganun?!" natanong ko nalang habang naglalakad kami. Hindi kasi ako mapakali. Kanina ko pa gustong itanong yun. "Wag mo nang alamin pa, di ka lang din maniniwala at saka wag ka na ding madaming tanong. Ayaw ko sa mga taong matanong. Also, don't let your curiosity place to you in danger Dean. It's better not to know everything," napatikom na lang naman ako ng bibig. "Oh sige," tugon ko na lang tapos dinala na namin si Kira sa Clinic. "Lagi niyo nga palang isuot yung bracelet," paalala ni Kuya Zane bago siya umalis. END OF FLASHBACK "Nga pala, yung bracelet ko," tanong ko sa kanya ng maalala ko. "Nasa bag ko, pakikuha na lang din nung akin ha," utos niya tapos kinuha ko nalang yung bag niya dun sa backseat. Kinuha ko yung akin tapos ibinigay ko naman sa kanya yung kanya tapos isinuot naming pareho. "Nga pala, ikaw ang representative ng Section 9 para sa Bloody Queen," sabi ko sa kanya. Naalala ko lang. "AKO?!" taka nyang tanong. "Hindi.. ako ata si Kira Mae M. Yien," "M?!" "Oo, Kira Mae Makulet Yien," pangangasar ko sa kanya. Tapos bigla niya kong binatukan, may pagka amazona din tong babaeng toh eh. "Ikaw naman si Dean KOANMU Wolter," ganti niya. Ang haba naman nun?! "Ano namang KOANMU?!" taka ko namang tanong. "Dean King Of All Na Mukhang Unggoy Wolter... Hahaha!!" "KIRA!!" sigaw ko. "Ahahaha" natawa lang siya. Tangina ng tawa mo!! Siya lang talaga ang nakakaasar sakin. Kung hindi ko lang toh amo, natikman niya yung pagka BAD BOY ko, pagtitripan at papahiyain ko siya, bubulihin pa. Kaso ngayon, ako ang nagtatanggol sa kanya at pinagtitripan niya pa. Hay naku Kira Mae Yien. Ang Kulit kulit mong babae ka. [CONTINUE...]
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD