Kabanata 13

3872 Words
DEAN'S POV. "Nga pala, si Justine yung escort mo," paalala ko sa kanya habang nagdadrive siya. "Pano mo naman nalaman eh hindi naman tayo magkaklase sa Science?!" takang tanong niya. Dyan ako nainis eh. "Kasi, inilipat ni Mam Nicole lahat ng schedule ko na kaklase kita sa lahat ng subject kaya alam ko," dyan ako kanina nagmaktol eh. Sa lahat kasi nang oras, kasama niya ko tapos naging Section 9 pa ko sa pinaka favorite subject ko, ang SCIENCE!! "Ahahahaha" tinawanan pa ko nang bruha. Tangina, sumpain talaga sana yang tawa mo!! "Nga pala, may alam ka ba dun sa nangyaring meeting kanina sa theater?! yung mechanic ng contest?!" "Oo, sa huwebes daw yung contest, tapos sa biyernes yung ball at mag handa ka daw ng talent mo para sa huwebes, anim kayong maglalaban laban hanggang section 3 lang yun. Isang representative ng section 1, dalawa sa section 2 at section 3 at ikaw ang sa section 9 wala na kasing babae pa sa section 4,5 and etc. ikaw lang ang contestant sa lower section," paliwanag ko. "Ipapanalo ko yun Dean," mayabang niyang sabi. Hindi ko na lang naman siya pinansin kasi alam Kong hahaba na naman ang usapan namin at yayabang na naman siya lalo. Tumigil na naman siya sa pag drive at nakarating na pala kami sa bahay kaya lumabas na ako. Pagpasok namin sa bahay, dumiretso muna kami sa lamesa para kumain, sakto ngang pakain na din sila Mama at Donna. "Si Kuya Zane po?!" tanong ni Kulet. "Di ko alam eh, may pinuntahan ata," sagot naman ni Mama. Tahimik lang kaming kumakain, si Kulit naman tahimik lang din. Naka Schedule yung pagiging makulet niya ha!! Nang matapos na kami kumain ay tumaas na naman ako at pumasok na agad dun sa kwarto niya. Nauna na ako kasi may kukunin pa daw siya. Maya maya pa, dumating na siya at may dalang mga libro. "Dean... tulong..." sabi niya. "Ano yan?! bakit mo yan dala?!" takha kong tanong. Di na niya pala kailangan ng tulong eh nadala na niya sa kama lahat. "Turuan mo ko sa science," yun naman pala. "Hay naku," kinuha ko na lang yung isang libro. Lumapit naman siya sa tabi ko tapos tinuruan ko nga sa kanya paunti unti yung mga bagay bagay. Mabilis naman syang matuto, may pinasagot din ako sa kanya at magaling naman. May natutunan naman siya sa mga itinuro ko. Sabi ko isang libro muna, isang buong libro muna yung tinuro ko sa kanya. Tapos yung ibang gusto niyang matutunan sa ibang araw na. "Gusto mo mag wish sakin Dean?! for thanks dun sa pag tutor mo sakin," tanong niya sakin. "Bakit?!" takha kong tanong. "Wala lang... mag wish ka sakin ng kahit ano Dali!! Dali!! Excited na ko," sabi niya at kulang na lang pumalakpak yung tenga niya sa tuwa. "Ammm... Gusto kong makita kung paano magalit si Kira Mae Yien sakin,* "Ano? Gusto mo talaga akong makita magalit sayo?!" malungkot nyang tanong. "Oo, kelan ka ba nagagalit? Paano ka magalit? Kasi yung tipong pag ako yung nagagalit na, tawa ka lang ng tawa?" "So, gusto mong magalit ako sa'yo simula ngayon?" tanong niya ulit. "Oo, magalit ka sakin," "Deal, bukas galit na ko sayo, peram muna iyong ng cp mo," sabi niya tapos inabot ko na yung cellphone ko sa kanya.  Nahiga na naman ako sa kama habang siya naman ay nakaupo parin at kinukutingting yung phone ko. Di ko alam kung anong ginagawa niya dun, bahala nga siya. Maya maya ay bigla na lang siyang nahiga sa may tabi ko at sa may dibdib ko talaga siya umunan. Tapos may bigla syang pinlay na video at nanood kaming dalawa. "Ano yan?!" tanong ko. Tangina, ang sesexy nung nasa video. "Cosmic Girls, nung 2016 lang sila nag debut," kwento niya. "Ayaw ko nyan ang lalandi nang mga babae. Naaalibadbaran ako sa suot nila," "Panoorin mo lang, maganda toh ganyan lang talaga yan," sabi niya, tapos nanuod na lang ako na parang ewan. Teka, pinasa niya yang video na yan sa cellphone ko?! Tanginang yan... Wala talaga akong naiintindihan sa pinapanood namin dahil putangina nung lyrics hindi ko alam kung saang sulok ng mundo ba nila nakukuha ang mga lengguwahe na yan! Nung medyo huli na di ko maipagkaila na namangha ako dun sa babaeng tumambling. Ang galing niya. "Di ba!! ang galing ni Cheng Xiao," sabi niya. Ano daw? Teng Taw? "Sino si Teng Taw?!" taka kong tanong. "Bobo!! CHENG XIAO!! TANGA EH!! Siya yung babaeng tumambling lang kanina," paliwanag niya. Tangina, na-bobo at tanga pa ko? Pagkatapos niyang manood sa cellphone ko ay ibinalik na ulit niya sakin atsaka siya umalis sa pagkakahiga sa tabi ko at binuksan ang TV. Nanuod muna siya sa TV niya nang kpop. Dun sa M na channel tapos parang pamilyar yung nagpeperform. Pinabayaan ko na lang at di na inisip pa, tapos tama nga!! Yung COSMIC GIRLS yung nagpeperfrom, tumambling na naman yung Cheng Xiao na babae. Walang daya, ang galing. Sobra!! "Yan yung gagawin kong talent," sabi niya. Tsss... pwede na. "Maganda kung gagawin mo din yung tumbling," suggest ko. "Oo naman, kaya ko kaya yun," wee, kaya niya?! kung ako nga hindi, siya pa kaya?! edi tignan na lang natin sa huwebes. Maya maya pa, natulog na lang ako inaantok na ko eh. [Next Morning...] Nandito na kami ni Kulet ngayon sa academy, di niya ko pinapansin. Anong nangyari dun?! Nawawala ata si Kira Mae Yien? Ang alam kong Kira Mae yung babaeng bigla na lang bibitin sa braso ko at magkasabay kaming maglalakad sa hallway. Pero bakit parang nangunguna siya ngayon? At parang hindi niya ko nakikita? Tangina, kelan naging FAMOUS yung babaeng makulet na yan? Aba, ang lakas mang snob!! Iniwan na nga lang ako basta basta habang hilahila niya si Donna. "Kulet!!" sigaw ko sa hallway. "Kira!!" wa epek parin. "KIRA MAE YIEN!!" ano bang magpapatingin sa babaeng toh?! hay, bakit ko ba siya pinoproblema?! ano naman kung di niya ko pansinin?! Kasi bodyguard niya ko kaya dapat niya din ako pansinin. Pero bakit di niya ko pansinin?! Galit ba siya--- Teka nga lang.. "Deal... bukas galit na ko sayo, peram muna iyong ng cp mo," "Hahaha--- Wahahaha!! ahahahaha!! Wow, tangina wow!!" napatawa na lang ako bigla at napatakip sa bibig ko. Sineryoso niya?! Putangina, bahala siya dyan magdusang wag akong pansinin. Tsss, kala mo kawalan ka? Pakyu!! Nabuhay kaya akong wala ka!! Nakarating na naman ako sa room, wala dedma niya parin ako. Bakit ko ba siya iniisip. Nang makarating na ako sa likudan, tinignan ko muna si Kira habang nakangiti ng nakakaloko atsaka naupo. Taena, natatawa na ko ngayon. Hahaha, putangina? Hindi ako niyan matitiis!! Papansin din ako ng babaeng 'toh, I swear!! "Mr. Wolter, enjoy staring Ms. Yien or my class?! kanina pa kita pinapasagot sa tanong ko," tanong ni Ms. Fai kaya natauhan ako, nakatitig pala ko kay Kira ngayon. Teka? Kelan pa nag umpisang magklase si Ms. Fai? "Sorry Mam, " pagpapasensya ko na lang. Teka nga lang--- nag SORRY ako?! san ko nakuha yung word na yun?! SORRY?! ano?! marunong kana magganun Dean?! REAL?! "It's oky Mr. Wolter, but just listen to my class not staring Kira and good to say na marunong kana mag SORRY," hay, na nga ba sinasabi ko. Pag uusapan na naman nila yung paghingi ko nang SORRY. Nakakairita, bakit ba lumabas yun sa bibig ko?! "Hoy Dean, ano ba?! kanina ka pa nag day dream dyan?!" natauhan ako kay Sam, wala na palang tao sa room. Uwian na?! kanina lang pinapagalitan ako ni Ms. Fai. Hay, na lutang na naman pala ako. Tangina... Kumalma ka nga Dean Wolter? Anong nangyayari sayo? Mamaya may gawin na lang ako basta basta dito ng hindi ko alam. Tanginang buhay toh!! Lumabas na ko nang room tapos nakasalubong ko yung dalawang ugok kasama si Kira. "Uy Dean!!" sigaw ni Joshua, tapos lumapit lang ako sa kanila nang COOL. "Uy PRE!!" sabi ko sabay akbay kay Joshua dun sa kanan kasi nasa kaliwa si Kira. "Magkasama ata kayo?!" tanong ko. "Oo, si Kira Pre, di mo na kilala? diba Bodyguard ka niya---" tapos binatukan ko ng mabilis si Joshua, ang lakas lakas ng boses buti na lang at di matao atsaka walang nakarinig. "Bakit mo ginawa yun?!" nangingiyak na nyang tanong. "Diba nga SECRET lang natin yun sira ka talaga, mamaya hanggang amerika na yung balita ha," "Amm. Sige Joshua, dun na kami ni Justine sa Section 9," Tapos tumakbo na siya hila hila si Justine. Eto naman si Justine nagpahila. "Teka.. sabay na ko," sabi ko pero, dinedma lang ako. "LQ pre,?!" "Bakit, kami ba?!" tanong ko. "Bagay talaga kayo eh. Pilosopo, nahawa ka na Dean. Tsk tsk sige na, pasok na ko sa room pre," sabi niya tapos umalis na. Napansin ko na ako na lang pala mag isa dito sa hallway tapos nagtatakbo na ko papuntang room. At ng nakarating na ako ng room, buti na lang kakarating lang din nung prof. Hay salamat, di ako nalate pero wala na kong upuan, dun pala nakaupo si Kulet sa inupuan ko kahapon. Dun na lang ako sa tabi pa niya, nasa gitna namin ngayon ni Justine si Kulet. Nang naupo na ko, nag discuss na naman yung prof. Di ako makomportable sa upuan ko, naiilang ako kay Kira. Ewan ko, teka bakit ako naiilang?! di naman niya ko tinitignan?! ako lang talaga tong hindi mapakali. Bakit ba ang AFFECTED ko?! nakakainis, di ako makapag focus dun sa lesson. Di ko nga maintindihan. Puro K lang ang nakikita ko. Puro din mukha ni Kira ang nalabas sa utak ko imbes na yung idinidiscus nung prof. Anong nangyayari sakin? Pilit ko naman ikinakalma ang sarili ko. Bakit ba parang si Kira na lang ngayon naiisip ko? Ano ba talagang nangyayari sakin? May sakit ata ako. Nababaliw na ko. Kelangan ko na magpatingin. Napatingin ako kay Kira. Tapos, parang ayaw ko nang tanggalin pa yung tingin ko sa kanya. Ano ba Dean, wag mo syang titigan. "Uy, Dean.." Hala, tumigil ka na Dean sa kakatitig sa kanya, mamaya mapagalitan ka na naman nung prof. "DEAN!!" "Ay Teteng Kalbo!!" nagulat ako dun sa sumigaw, si Justine pala. "Bakit?!" taka kong tanong. "Anong bakit?! wala na si Kira sa upuan niya, kung makatitig ka kanina sa kanya ha. Ayieee~ huli ko yun Dean kakaiba yun," inasar pa ko, tapos napatingin ako sa upuan ni Kira, oo nga wala na siya. Imagination lang pala yung kanina. Napa facepalm na lang ako. Hayyy, ano bang nangyayari sakin?! wag mo na nga syang intindihin. "Tara na," sabi ni Justine. "San naman tayo pupunta?!" taka kong tanong. "So di ka nga nakikinig sakin kanina? may praktis tayo ngayon ng basketball, bukas po ang laban. Ano bayan, kanina pa ko ngawa nang ngawa dito tapos di ka pala nakikinig, lakas ng tama mo!!" "Tangina mo!! Ang dami mong sinabi, gago!!" irita Kong sabu atsaka tumayo at sabay kami ni Justine lumabas mg room. Hayyy, tangina aalisin ko na si Kira sa utak ko. +++ Nandito na naman kami sa may Court. At si Kira, nandito din. Oo nga pala, kasali siya. Ano bayan, paano ako makakapag concentrate?! nandito nga pala siya. Hayyy, ano naman? Wala lang naman sakin si Kira ahh? Bakit ba ko nagkakaganto? Nilalagnat lang talaga ako. Atsaka, Hindi lang talaga ako siguro nasanay na wala so Kira at kinukulit na naman ako. Bago ako pumunta dito sa court, nagpalit na din ako nang pangpraktis.. Lumapit na ko dun sa gitna nang court kung nasaan si Tanda at iba pa. "So, our Principal was glad dahil nanalo tayo nung nakaraan and expect niya na manalo din tayo para makarating for championship. Pasok tayo dun pag nanalo tayo dito kaya galingan niyo," maikling paliwanag ni Tanda tapos nagpraktis na kami. Boung praktis na yun, ewan ko kung nakapag praktis talaga ako. Di ko maiwasang mapatitig kay Kira. Ano ba, galit lang siya atsaka WALA AKONG PAKE SA KANYA!! I DON'T GIVE A s**t!! Nakakainis, kung ano anong pumapasok sa utak ko na di ko maintindihan. Minsan nga, nilalapitan ako nila Justine at Joshua tapos babatukan para matauhan ako.. Nag d'day dream kasi ako pag napapatitig ako kay Kirangot. Bakit niya ba ko ginugulo, babae lang yan Dean. Ngayon lang ulit toh nangyari. Simula nung nagkagusto ako kay--- Argh! Past na yun Dean, ayaw mo na sa kanya kaya tama na iniwan ka na niya. Iniwan ng basta basta... Natapos na yung praktis at nag ayos muna kami. Gabi na din ng matapos kami, pinaghandaan kasi talaga namin toh para bukas. Mabilis namang natapos mag ayos ang lahat hanggang sa dalawa na lang kami ngayon dito ni Kira na naiwan. Kami na lang ata sa Academy na toh. Napansin Kong nagmamadali siyang mag ayos ng gamut niya at mukhang hindi siya mapalagay ng ayos. Gusto ko sanang matawa ngayon habang pinapanood siyang mukhang natataranta. Gusto ko na din siyang kausapin. Para kasi akong nasisiraan na ng ulo kapag hindi niya ako pinapansin. Natapos na namang mag ayos ng gamit si Kira. At aktong kakausapin ko na siya ng bigla siyang tumakbo na palabas. "KIRA!" sigaw ko pero di niya ko nilingon. Napatayo na din naman ako sa pwesto ko atsaka isinakbit ang bag ko sa may balikat ko. Kanina pa talaga ako tapos mag ayos. Gusto ko lang hintayin si Kira at makausap. "Kira, sandali," sabi ko ng maabutan ko na siya atsaka ko hinawakan ang braso niya, ang bilis niya talagang tumakbo. Nagpupumiglas pa siya sa pagkakahawak ko sa kanya pero mas malakas ako kaya di siya makawala. "Nasasaktan ako!!! ano ba?!" sabi niya, galit na galit nga siya. Kita mo talagang galit siya. "Ano bang nangyayari sayo?! Promise, ang OA mo na," sabi niya. Tinignan ko siya sa mga mata niya habang nakangisi pero magkasalubong parin hanggang ngayon ang kilay niya. "Answer your Question," sabi niya atsaka niya kinagat ang kamay ko kaya nabitawan ko siya. Mabilis naman siyang tumakbo at nakatakas pero hinabol ko ulit siya at niyakap mula sa likod niya ng maabutan ko ulit siya. "Kira... ano ba?! itigil mo na nga yang i-winish ko. Nasisiraan na ako ng bait, promise. Bakit ko toh nararamdaman sayo eh normal lang naman din ako katulad ng iba?! Atsaka... Hindi ko talaga maipaliwanag... kung bakit ba ko nag kapake sayo? I'm insane," sabi ko sa kanya tapos kumawala lang ulit siya dun sa pagkayakap ko. Hinayaan ko na naman siyang makawala dahil nasabi ko na ang mga gusto kong sabihin. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganto. Hindi ko Alam kung bakit ang drama ko? Mag aartista na ba ko nito? Talaga ba? Hindi ko na Alam ang nangyayari sakin. Pagkauwi ko, di muna ko dumiretso sa kwarto ni Kira at dun muna ko kay Mama, baka makatulong. EXPERT yun eh sa mga ganitong problema. Buti na lang, si Donna nandun sa kwarto ni Kira at nakikipag kulitan, kami lang ngayon dito ni Mama. "Nak?! bakit?! anong problem?!" tanong ni Mama pagpasok ko agad. Tangina ginagalingan agad ni Mama. Alam na niya agad na may problema ako!! Umupo naman ako dun sa tabi niya, dun sa kama habang nagtutupi naman siya ng mga damit. "Ma. Anong klaseng FEELINGS yung galit sayo yung isang babae, pero ginusto mo naman yun. Tapos nung galit na siya, parang nagdudusa ka na?!" Tanong ko. Napatingin naman ako agad kay Mama na nakatingin na ngayon sa may kisame at mukhang nag iisip. "Amm... Ano pa bang nararamdaman mo nung galit siya sayo?!" Nabaling naman ang tingin ko sa .at sahig ng tanungin ako ni Mamaat nag isip. "Natatameme ako sa kanya, naiinis ako dahil di niya ko pinapansin, pinapairal niya yung pag ka snober niya. Naguguluhan ako sa kanya. Para akong nasisiraan ng ulo pero siya yung naiisip ko. Lagi akong lutang at siya lagi yung lumalabas sa utak ko imbes na yung lesson," bigla namang lumawak hung ngiti in Mama sa labi niya Maya kinabahan agad ako. Tangina, Parang alam ko na sasabihin ni Mama. "Nak... IN LOVE ka!" matuwa tuwa niyang sabi at nag ngiting aso siya. Hahaha, IN LOVE?! sure?! weee, in love kay Kulet?! Hahaha. Nakakamatay pakinggan. "Sure ka Ma?! ako maiinlove dun sa babaeng yun?! baka di lang ako sanay na di niya pinapansin kasi lagi ko siyang kasama," "Si Kira ba anak?! naku, nahahalata ko nga. May gusto din sayo yun," nakangiting sabi ni Mama. Minsan talaga ang sarap ding ihagis ni Mama sa malayo eh. Naaasar ako sa mga advice niya nakakaloko. Niloloko lang ata ako ni Mama eh. Mas expert siya sa pagbibiro. Tumayo na naman ako sa pagkakaupo ko para umalis. Makaalis na nga, mamaya kung ano pang sabihin ni Mama. "Nak, IN LOVE ka nga, diba iyan din yung tinanong mo sakin nung kay---" pinutol ko agad bigla yung sinasabi ni Mama, ayaw ko nang marinig pa yung pangalan niya. Nag iinit lang ulo ko. "Ma, don't mention that name again. I hate her!" sabi ko at lumabas na nang kwarto. Paglabas ko, nakasalubong ko naman si Donna. "Ano Dean, dun na lang daw ako sa kwarto ni Kira. Dyan ka na lang daw kay Mama," sabi niya sabay takbo. Ganun ba siya ka galit sakin?? Ganito ba siya magalit? IN LOVE ka nak, IN LOVE ka nak. Nag eeco sa utak ko yung sinabi ni Mama, hayyy. Makabalik na nga lang sa loob. DENIS'S POV. (Dean's Mother) Lumabas na si Dean. Hay mga bata talaga ngayon. Di mo lang alam Dean anak, may nagmamahal na sayo ngayon na nasasaktan din dahil sa wish na yan. Natatawa na lang tuloy ako sa dalawang yun. FLASHBACK Biglang bumukas yung pinto nang kwarto habang nag aayos ng kwarto. "Oh, Kira, hija. Bakit?! may kailangan ka ba?!" tanong ko at umupo dun sa kama, tapos tumabi naman siya sakin at mukhang malungkot siya. "Bakit ka nakasimangot?! pwede nang pagsabitan ng kaldero yang nguso mo," pagbibiro ko. Lumingon naman siya sakin habang ganun parim yung mukha niya. "Kasi daw po nabanggit po ni Donna na Expert daw po kayo sa mga Feelings?! at gusto ko din po i share sa inyo yung nararamdaman ko para kay Dean," "Ano bang problema?!" interesado kong tanong. "Naiinis po ako sa kanya, alam niyo yung binigyan mo siya nang wish tapos ang winish niya yung gusto niya akong magalit ako sa kanya simula ngayon?! Ang daming pwedeng iwish na sobrang sweet kala ko naman i-wiwish niya na mag-DATE kami," kwento niya. Ang exaggerated naman mag isip ng babaeng toh. "Date agad?!" nakataas kilay kong tanong. Tumango naman siya. "Kasi po dun sa nabasa kong story na Ms. Gang Hater and Mr. Gang Leader. Naglaban po yung babae at lalaki na mag swimming tapos ang mananalo ay may WISH tapos yung lalaki yung nanalo. Winish nyang magdate sila nung babae pero kakakilala lang nila nung mga nakaraan na araw, di pa nga nila kilala yung isa't isa nakikipag date na agad yung lalaki sa babae. Kala ko panaman iyon yung iwiwish ni Dean,* malungkot nyang sabi. Kulang na lang ay mapatawa ako at humandusay sa sahig kakatawa. Praning pala tong si Kira?! Ang layo nang iniisip. "Kasi hija, yung nandoon sa nabasa mong story nagkaroon sila ng tinatawag na LOVE AT FIRST SIGHT. May sparks kaagad sila. Eh kayo mukhang impyerno yung pagkakakilala niyo nang anak ko. Para di ka masaktan ng ganyan. Wag kung ano ano ang pinag iisip ahh? Atsaka bata pa kayo. Mag aral muna," sabi ko sa kanya sabay hawak dun sa balikat niya. "Sabi niya din po na gusto na nyang itigil yung wish, nasisiraan na daw po kasi siya nang ulo. Nababaliw na daw siya kapag di ko siya pinapansin. Kinilig naman po ako kasi po, mahal ko si Dean," sabi niya. Medyo nagulat pa ako ng konti dahil medyo straight-forward siya magsalita. "Oky lang naman kung mahal mo yung anak ko pero mahal ka ba niya? masaya ako sa kahit na anong desisyon niyo nang anak ko. Pero... gusto na niyang itigil yung WISH niya, bati na ba kayo?!" Tanong ko. Nag iwas naman siya bigla mg tingin sakin at mukhang nahihiya pa siya sa isasagot niya. "Kasi po... choosy ako... di po ako pumayag. Nagpapakipot pa ko eh. Kinikilig pa, kanina nga po, natutunaw na ko sa mga titig niya. Buo po ba namang araw, tinititigan niya ko. Ako lang talaga," pagmamayabang niya pa. Hay... kakaibang babae. "Sige na ang gusto ko makipagbati ka na sa anak ko. Wag na kayong mag away away ha?" sabi ko tapos tumango lang siya. "Bukas po, makikipagbati na lang po ako," sabi niya sabay alis na. END OF FLASHBACK Biglang bumukas ulit yung pinto at pumasok ulit si Dean. "Oh, bakit?! may nakalimutan ka ba nak?" tanong ko. "Wala Ma. Dun daw tutulog si Donna sa kwarto ni Kulet. Tapos ako dito," nakasimangot niyang sabi. "Bakit ganyan mukha mo?! gusto mong katabi si Kira noh?! naku naku, anak!" pangangasar ko habang natatawa taaa pa. "MA!! ano ba!! Pinaalala na naman yung babaeng yun, nasisiraan na nga ako nang ulo kakaisip sa babaitang yun eh. Bakit ba ang apektado ko?!" Tanong niya sabay punta dun sa kama at dumapa habang nakataklob sa kanya yung unan. Nagkibit balikat na lang ako habang ang lapad parin ng ngiti ko. "Ahhhh!!!" sigaw niya. Hay naku, mga bata talaga ngayon. "Hindi! Hindi pwedeng IN LOVE ako sa kanya. KIRA!!!" natawa na lang ako. Di na lang muna ko mangengelam sa kanilang dalawa, bayaan ko silang magkabukingan. Hayyy, nahiga na lang din ako para natulog. "Ahhhh!!" makakatulog ba ko?! ang ingay ingay ng anak ko. Ganto din sya dati nung una. Pero mas malakas yung tama nya ngayon. Kaya ayaw nya sa babae. KIRA POV. Kinuwento ko lahat kay Donna, na gusto ko si Dean, na mahal ko na pala, na yung katangahan kong ginawa kagabi, yung tungkol dun sa WISH. Hayyy, ayaw ko lang muna putulin yung WISH kasi pag naumpisahan ko na, parang ayaw ko nang tapusin?! Nagtampo ako sa kanya, na galit din at kung ano ano pa ang nararamdaman ko. Pero isa lang ang gusto ko dun. Yung mahal ko si Dean. Kinilig talaga ako dun sa hallway kanina nung niyakap niya ko kaya tumakbo na ko, mamaya di ko mapigilan yung sarili ko wahahaha. Hayyy, DEAN!! ang lakas ng TAMA ko sayo!!! IN LOVE na ako!! Dito ko na lang muna pinatulog si Donna, mamaya di ko mapigilan si Dean at kung ano ang magawa ko sa kanya, nakakainis kasi siya. Patay na patay ako sa kanya. Nanuod muna kami ni Donna tapos natulog na din. hayyy, may laban na nga pala kami bukas. Kaya namin toh!! 3RD PERSON POV. "So sige, alam niyo naman yung bahay namin dito diba?!" sabi nang babae. "Opo Tita. Sige, pag tapos na po namin tulungan si Tito at pag may time na kami. Pupuntahan na namin si TAKAW," sabi naman nang isang lalaki sa kabilang linya. "Si BISCUIT!!" sigaw pa nang isang lalaki na nagmula din sa kabilang linya. "Haha, sige na nga. Di parin kayo nagbabago ha?! yun parin tawag nyo sa kanya. Sige ibaba ko na toh!" Atsaka na nga binaba nang babae ang tawag. I wish this war would END now, we're just waiting for you... PRINCESS. [CONTINUE...]
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD