Kabanata 14

4693 Words
KIRA'S POV. Ngayong araw ay hindi sumabay si Dean samin Ang alam niya pa kasi galit ako sa kanya Hayyy, mamaya na lang ako makikipagbati sa kanya pagkatapos ng laban. Naglalakad kami habang nag uusap ni Donna sa hallway at nakasalubong namin si Dean. Nagkatinginan kami bago namin lagpasan ang isa't isa pero yung tingin niya sakin ang sama sama. Para bang handa na niya akong patayin. Nakonsensya tuloy ako sa ginagawa ko. Hayaan ko na nga, makikipagbati naman ako mamaya sa kanya. Nakarating na naman kami ni Donna sa classroom at naupo na agad sa aming mga upuan dahil nandito na din si Ms. Fai. Boung klase, ramdam kong nakatingin lang sakin si Dean. Gusto ko nang dukutin yung mata niya. Parang nalulusaw ako. Bakit niya ba ko tinititigan?! Argh! Di tuloy ako makapag focus. Naiilang ako na ewan. Maya maya pa ay nagbell na kaya tumayo na ko agad atsaka lumabas ng classroom para pumasok sa susunod kong subject. Pumasok na ko sa Room kung saan ang room ko sa Filipino. Kaklase ko din siya at Naupo agad ako sa upuan ko, pero f*ck sh*t, katabi ko nga din pala siya. Dumating na din naman ang ibang mga estudyante at nagsimula na ang klase. Pero, salamat naman kasi hindi na niya ako tinitigan kanina. Hindi ko talaga alam, may sapak na ba si Dean? Bakit ba siya nakatingin sakin? Baka naman sa labas siya ng bintana nakatingin at hindi sakin? Oo nga, sa labas siguro ng bintana kasi kaninang Math nasa tabi ako ng bintana. Pero ngayon wala ng bintana sa tabi ko. Oo, nga siguro nga ganun. Pag karing nung bell, lumabas na agad ako. Naglakad akong tulala sa hallway at hindi ko alam kung ano bang iisipin ko. Magulo ang utak ko sa hindi ko malamang dahilan. "Uy! KIRA!!! HELLO???" napabalik ako sa ulira ng malaman kong kanina pa pala ako sinisigawan ni Donna na nasa harapan ko. "Uy Donna," "Jusko!! kanina pa kita tinatawag ha! iniisip mo na naman ba siya?!" Umiling agad ako. "Ano-- Hindi ah!! Tara, sabay tayo mag break. Nagugutom lang talaga ako," Yakag ko. "Ha?! hindi ako pwede eh. May gagawin pa kasi kaming project sa Science," "Ahhh, Oh sige. Next time na lang," sabi ko atsaka napayuko dahil ako lang pala ang kakain mag isa ngayon. Hinawakan ni Donna ang magkabila kong kamay kaya napatingin ako sa kanya. "Besty, sorry talaga!! Bukas na lang ahh? Bye!!" Ani niya atsaka na siya nag tatakbo papalayo ng tumango ako bilang pagsang ayon. Ng mawala na siya sa paningin ko ay naglakad na ako ngayon sa mataong hallway na ito. Pag baba ko dun sa cafeteria, nakasalubong ko pa yung bruha. Si Jessica. Tapos bigla niya akong hinarangan sa daan kasama yung mga bruha niyang kaibigan. Sa totoo lang wala ako sa mood ngayon para pakinggan ang asong 'toh sa mga pananambat niya sakin. Tinignan ko lang siya ng matamlay at para namang nagpipigil lang talaga sa galit 'tong si Jessica. Wala pa nga akong ginagawa eh. "Sinong tinatawag mong bruha ahh??" Sigaw niya atsaka niya ako tinulak sa may shoulder ko. Bruha? Wala naman akong tandang sinabihan ko siyang bruha? Masyado sigurong napalakas ang pag iisip ko at naibulong ko yung Bruha? Tsss. "Ano na naman bang problema mo?!" malumanay kong tanong. "Ikaw lang naman ang problema ko!! Bakit ba lagi kang tinitignan ni Dean?" Hay, sabi ko nga, si DEAN na naman. Kelan kaya nila ako tatantanan kay Dean? "Di ko kasalanan yun." "Siguro, mangkukulam ka. Pwede namang ginayuma mo si Dean kasi, mas maganda naman ako sayo. Alam mo yun?! Panget!!" Putangina, napagbintangan pa ko ng bruha? Is she talking to her self? Nagulat ako ng itulak niya ulit ako at sobrang lakas nun kaya napatalsik ako sa may pader malapit samin atsaka ako napaupo sa sahig. Ouch, parang nabali lahat ng buto buto ko sa likudan. Napatingin naman ulit ako sa pwesto ni Jessica at laking gulat ko ng papalapit na ulit siya ngayon sakin atsaka ako sinabunutan agad. Aray!! Parang feeling ko mapupugutan na ko ng ulo kesa sa makalbo sa sobrang lakas niyang hilain ang buhok ko. Tangina, bakit wala akong magawa? Hindi ako makalaban. Pano na?! Rayot tong pinasukan ko?! Di pa naman ako marunong makipag sabunutan. Pwede pa kung suntukan. Bigla akong nakahinga ng maluwag ng tumigil na siya sa pagsabunot sakin. Pero nagulat ako ng malaman kong natapunan na pala ako ng isa sa mga kaibigan ni Jessica sa mukha ng tubig. "Malandi kang babae ka!! Inagaw mo samin si Dean!!" Sigaw nung nasa likudan ko. Napataas naman ang tingin ko at marami na palang nakapalibot saking mga estudyante. Teka? As in lahat sila galit sakin? Ano bang ginawa kong kasalanan? Ang alam ko lang nagmahal ako ng hindi ko alam. "Kung makadikit, kala mo girlfriend ni Dean. Feelingera!!" sigaw din nung isa. Yung ibang estudyante sinisigawan ako. Lahat ata nang mga estudyante dito sa cafeteria, sinisiraan na ko. Napapikit ako at tinakpan ko ng dalawa kong kamay ang magkabila kong tenga. "BWISET!!" "PANGET!!" "MALANDI!!" "p****k!!" "TANGINA MO!! UMALIS KA NA DITO!!" "HALIPAROT!!" Nagulat ako ng may biglang nangbato sakin ng itlog. Tapos yung iba naman binato ako ng toyo na nasa kinakain nila. Yung iba naman binabato ako ng basura atbp. Gulong gulo na yung buhok ko, wala akong pake kung anong itsura ko. Basa na yung blouse ko at napayuko lang ako lalo dahil sa kahihiyan. Di ko magawang tumakbo man o lumayo sa lugar na toh. Hindi ko makayanang tumayo kahit kanina ko pa sinusubukang paganahin ang mga paa ko. Nanginginig ang tuhod ko at nanghihina. Napahigpit ang hawak ko sa tenga ko. Napapikit ako lalo para pigilan ang mga luhang nagbabadya sa mga mata ko. Bakit ganun? Bakit... Ang damot ng tadhana? Bakit ang malas ko? Bakit ganito ako kahina? Hindi ko makayanang lumaban mag isa. Hindi ko sila kayang kaharapin. Hindi ko kayang lumaban mag isa. Kailangan ko ng... Tulong. I want get away from here. Please... Someone... Help. "Help *sob* someone.. *sob* Help me," bulong ko. Feeling ko nanginginig na ang buong katawan ko. Hindi ko na alam ang gagawin. Natatakot ako. "I'm sorry... For making you wait in this kind of situation," agad kong naimulat ang mga mata ko ng may bigla na lang yumakap sakin. Pabango palang niya alam ko na kung sino siya. Tuluyan ng lumagpak ang mga luhang kanina pang gustong lumabas sa mga mata ko. "D--De--Dean," nanginginig ko pang wika. Niyakap niya ako ng mahigpit atsaka niya ako inalalayang tumayo habang yakap yakap niya parin ako. Hindi ko man lang makayanang bumitaw sa pagkakahawak ko sa may coat niya kahit alam kong magugusot ko iyon. Hindi ko makayanang tumayo ng diretso. Hindi ko makayanang tumayo ng wala siya. Para akong nalumpo. Nanginginig parin ang mga tuhod ko at nanghihina. Napapikit na lang ulit ako atsaka napangiti ng yakapin niya ako ng mas mahigpit pa kesa kanina. I can't lie. I'm really inlove with this guy. I'm totally fall inlove with him. "DEAN!! WHAT IS THIS F*CKING SCENE?!! ARE YOU CRAZY??" para akong bigla ulit nanghina nang marinig ko ang sigaw at mga mura ni Jessica. "Kira... don't fall. Hang in there" bulong sakin ni Dean. Napatango na lang naman ako bilang sagot atsaka ko hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya sa may batok niya. "Dean... I want.. to-- to get away from here," bulong ko. "Dean!! Are you really crazy??" Tanong nung isang estudyante na babae. Nakapikit man ako at hindi sila makita. Alam kong ang tatalim ng tingin nila sakin, lalo na kay Dean. Bakit ba ayaw na lang nila kaming pabayaan? Kailangan pa ba talaga namin i-explain ang mga sarili namin sa kanila? Bakit? May mababago ba? "Everyone. LISTEN!! I will let this pass because she asked. But don't ever think again on laying your f*cking dirty hands on her if you want live," "Dean!! WHY ARE YOU DOING THIS TO US?" sigaw ni Jessica. Malapit na talaga akong malaglag. Gusto ko na lang mahimatay ngayon. "SHE'S MY GIRLFRIEND!!" "GIRLFRIEND?!" Napamulat ako sa pagkakapikit ko at nagulat dahil bigla niya akong binuhat, yung parang sa mga newly wed. "Dean--- Hahaha!! Are you serious with this Girl? Even though she's lower than Che---" "STOP MENTIONING HER NAME!!!" sigaw ni Dean na ikinagulat ng lahat kahit ako. Napatingin ako sa mga mata ni Dean at kitang kita ko ang galit sa kanya. "I can kill if you if you hurt this woman again. Just stay away from her. She doesn't need to explain herself to everyone," cold na sabi ni Dean. Hindi ko alam pero parang lahat ng cells ko sa katawan nagpaparty party. Tapos yung puso ko parang gusto ng sumabog. At yung feeling ko... Parang cloud 9. "Dean, you can't fool us. You can't kill one for the sake of this clumsy ugly girl. Makukulong ka kapag ginagawa mo yun," natatawang wika ni Jessica. Tangina, dapat talaga may sabihin ako eh. Nakakaasar kasi wala akong magawa sa mga ganitong oras. "Talaga ba? I can kill. Don't try me. It's just easy. I've seen it on TV," sabi ni Dean atsaka na siya nagsimulang maglakad paalis. Nagulat ako ng banggain niya din si Jessica. Waaah, si Dean ba talaga yun? Hayyy!! +++ Nandito na kami sa may hallway at wala man lang estudyante ang nadaan dito. Siguro nasa kanya kanya na silang klase ngayon. Hayy, feeling ko ang haba ng break ko pero wala man lang akong nakain. Habang naglalakad si Dean at buhat buhat ako, nakatingin lang ako sa kanya. Totoo kaya yung mga sinabi mo kanina Dean? Paano kung girlfriend mo na talaga ako? Kaya mo bang pumatay para lang sa kaligtasan ko? Kaya mo bang pumatay kahit maliit lang na bagay yun pero nakasakit sakin? Hayy, para namang ang obsess nun. Ang hirap kaya nun, kriminal yung boyfriend mo. Pero ang sweet kaya nun. Parang yung sa CAMPUS QUEEN na nabasa ko sa w*****d. Hihihi, kenekeleg na naman ako. "Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo?" Tanong niya kaya natauhan ako. "Oh? Ohhh, medyo masakit yung likod ko kasi..." Napatigil ako sa pagsasalita kaya napatingin sakin si Dean at nakataas ang kilay niya. "Ahhh wala!! Wala, ayos lang ako. Medyo basa at madumi nga lang ang damit ko," sabi ko. Napatingin ulit ako sa paligid at nalaman kong nasa may garden kami. "Kung masakit ang likudan mo sabihin mo sakin at ng madala kita sa clinic," sabi niya. "Okay lang talaga ako..." Nakayuko kong sabi. Nagulat ako ng maglakad ulit siya at lumabas kami ng garden. "Dean? Saan na naman ba tayo pupunta?" Inis kong tanong. Bigla akong napahawak sa ulo ko dahil parang sumasakit ito at parang may basa akong nahawakan sa buhok ko. Tinignan ko ang kamay ko at ang akala ko ay tubig lang yung basa na nasa buhok ko pero... "D--Dugo..." Ani ko. Feeling ko nahihilo na talaga ako at... inaantok. Napapikit na lang ako bigla at hindi ko na alam ang mga sumunod pang nangyari. +++ Iminulat ko paunti unti ang mga mata ko at mukha niya agad ang nakita ko. Yung maamo niyang mukhang natutulog. Napababa ang tingin ko sa kanyang mapula at malambot na labi. Bigla naman akong napalunok at napakagat sa lower lips ko. "Gusto mo ba kong... Halikan?" Biglang nanlaki ang mata ko ng bigla siyang magsalita. "Te--Teka, kelan ka pa gising?" Tanong ko. Iminulat niya ang mapupungay niyang mata at diretsong tumingin sakin. Tangina... Yung feeling ko!! Ang saya saya!! Bakit ganun!! I can die now!! Ohmyghad!! "Kanina pa ko gising. I just want to close my eyes. Ikaw? Kelan ka pa gising?" Tanong niya. "Ano... Kakagising ko lang," "Okay ka na ba? May masakit ba sayo? Masama parin ba pakiramdam mo?" Tanong niya habang nakahiga parin siya ngayon dito sa tabi ko. Napatingin naman ako sa paligid at nalaman kong nasa clinic pala kami. Nakahiga ngayon si Dean sa tabi ko dahil malaki naman ang kama. "Okay na naman ako. At wala ng masakit sakin," sabi ko atsaka ko iginalaw galaw ang likudan ko at hindi na talaga siya masakit. "Hehehe, okay na din yung likudan ko," nakangiti kong sabi. Hindi naman nagbago yung ekspresyon ng mukha ni Dean at ang seryoso parin. Tsss, nakakaasar talaga yung mga lalaking ang seryoso!! Sana ganyan din siya kapag umibig. Seryoso. Tumayo na naman si Dean sa pagkakahiga niya atsaka naupo sa sofa na katabi ng kama. Naupo naman ako sa kama at napansin ko ngayon lang na may benda pala ako sa ulo. "May sugat ka daw sa ulo. Atsaka mukhang malakas yung pagkakaimpact mo sa samento at hindi ka pa nagtatanghalian kaya ka medyo nahilo at nawalan ng malay. Umalis muna yung nurse kaya ako muna nagbantay sayo," ani Dean atsaka naman ako napatango. Nung feeling ko okay na naman ako, tinanggal ko na yung benda sa ulo ko atsaka isinuot ko na ang black shoes ko para umalis. "Atsaka nga pala. Didiretso na tayo ng court. Nasabi ko na din sa mga teacher natin ang nangyari kaya ka absent kaya wag ka ng mag alala," "Oo nga pala!! May laban tayo ngayon ng basketball!!" Sigaw ko atsaka ko binilisan ang pag aayos ng gamit. Nakigamit muna kami ng CR dito sa clinic atsaka nagpalit ng pang basketball atsaka umalis. Naglalakad na kami ngayon ng sabay ni Dean papuntang court dahil nandun ang mga ka-team mates namin at hinihintay na kami dahil hindi kami dito sa School maglalaban. Sa iba kaming school lalaban. Omyghad, first time ko 'toh dito sa Bolter Academy na magiging Visitor sa ibang School. Kyaaah!! "Ano..." Napatingin ako kay Dean ng bigla siyang magsalita. At nagulat ako ng bigla niyang hawakan yung kamay ko. Napaiwas ako ng tingin dahil bigla akong napangiti ng di oras. Tangina talaga, baka mamaya sabihin nitong lalaking 'toh gustong gusto ko yung ginawa niya. Pero... Sabagay, medyo nagustuhan ko naman. "Hoy..." Ani ko naman kaya napatingin siya sakin at napatingin din ako sa kanya. Parehas kaming napaiwas ng tingin ng hindi ko alam. Gusto ko na talagang matawa sa nangyayari ngayon. Syete, parang namamawis na kamay ko. Bakit ganun, ang saya saya ko na kahit hinawakan niya lang ang kamay ko? Ano ba naman 'toh? Bigla kong tinanggal ang kamay ko sa pagkakahawak sa kanya atsaka ko ipinunas sa palda ko ang palad ko. Sh*t pasmado ako!! Patuloy parin kaming naglalakad habang pilit naming pinaglalapit ang mga kamay namin. Hindi ko na napigilan kaya hinawakan ko ulit si Dean atsaka ko inenter sa bawat pagitan ng mga daliri niya ang daliri ko. Hindi ko maalis ang ngiti sa mga labi ko habang naglalakad kami at magka holding hands. Wala na kong pake kung naglolokohan lang ba kami dito o naggagaguhan. Basta masaya ako sa ginagawa ko ngayon. "Nga pala... Anong sinasabi mo kanina na Girlfriend mo ko ahh?" Bigla kong tanong. "Ahh, wala yun. Trip trip ko lang yun para tantanan ka na nila. Pero... Siguro dahil sinabi ko yun mukhang mas lalo ka nilang kinainisan," natatawa niyang sabi. Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Tangina mo noh!!" "Aba? Minumura mo ba ko?" "Oo!! Tangina mo!! Putangina mo Dean!! Tangina mo!!" Sigaw ko pero pinitik niya lang ang noo ko. Tangina mo talaga Dean, masakit kaya yun. "Ikaw babae ka ang ganda ganda ng bunganga mo ahh!! Supalpalan kaya kita!!" ani Dean pero sinamaan ko lang siya ng tingin. "Tsss, Just to inform you. Wag kang mag alala babae. Hindi kita papatulan ahh? Kaya wag kang magalit dyan kung sinabi ko sa lahat na gf kita. Never akong nagkagusto at magkakagusto sa isang katulad mo!!" Sabi niya. Parang biglang sunod sunod na sinasaksak ang puso ko sa sinabi niya. Napatigil ako sa paglalakad kaya napatigil din siya at humarap sakin. Napayuko ako at napatingin sa mga kamay naming magkakahawak. Iginalaw ko dahan dahan ang kamay ko para bumitaw sa kanya pero mas hinigpitan niya lang ang hawak sakin. Hindi ko namalayan... Naiyak na pala ako? "Te---Teka!! Wala akong ginagawa sayo ahh!! Teka! Bakit ka ba naiyak?" Tanong niya. Tangina Dean Wolter. Hindi mo ba talaga alam kung bakit ako naiyak? Sabi mo never mo kong magugustuhan. Pero bakit ayaw mong bitawan ang kamay ko? Alam mo ba... Masakit sakin 'toh. Imbes na itaboy mo ko, nagbibigay ka ng motibo. Naguguluhan ako. "Uy, bakit ka ba naiyak?" Tanong niya muli. Hindi ko siya matignan ng diretso, hindi ko maalis ang tingin ko sa kamay naming magkahawak. Feeling ko pinaglalaruan niya lang ako. "Ahh wala!! Kinakabahan lang ako agad para mamaya. Ganito talaga ako kapag excited, hehehe!!" Sabi ko na lang atsaka na kami nagpatuloy maglakad habang magkahawak kamay. Naglakad lang kami ng tahimik at hindi pinapansin ang mga magkahawak namin kamay. Pagdating namin sa court, kami na lang pala ang iniintay. "AYIIEEE!!!" sigaw nilang lahat tapos para silang mga tanga at nagtatatalon pa na parang ewan. Naalala ko na magkahawak kamay parin nga pala kami. Sinubukan ko ulit ibitaw ang kamay ko sa pagkakahawak sa kanya pero hinigpitan niya lang ulit yung hawak sa kamay ko. Ang weird ngayon ni Dean, PROMISE.  Ng makalapit kami dun sa mga ka-teammates namin, pinaghahampas nila si Dean na akala mo nanalo sa lotto. Natatawa na lang ako kasi inis na inis na si Dean sa kanila pero hindi niya parin magawang bitawan yung kamay ko. Umalis na naman kami sa school at naglalakad na kami papunta sa kabilang Academy. Malapit lang kasi yung Academy kung saan kami magiging Visitor. Habang naglalakad kami, todo asar yung sina Justine, Joshua, Mark at iba pa. Pero mas nakakaasar syempre yung sina Justine at Joshua. Dang kukulit!! kanina pa kami sinusundot sa tagiliran tapos mag sasabi nang. "AYIE! AYIE!" Nakakabwiset na sila. Si Dean naman hindi na lang sila pinapansin kaya hindi ko na lang din sila pinapansin. Makailang ilang oras ay nakarating na kami agad. Dumiretso agad kami sa court at nandoon na lahat! Matao na din, pati yung mga kalaban, ang lalaki nila!! Sobrang tataas nang mga lalaki tanda niyo si KAPRE?! Ganun sila katataas. Tangina, mas matangkad pa sila samin. Pumunta na naman kami dun sa kabilang side kung saan ang upuan namin para paglagyan ng mga gamit namin. Nag ayos na naman kami at nag warm up. Habang nag shoshooting kami, biglang lumapit samin si Coach habang nagkakamot ng ulo. "Ano problema mo tanda?" Biglang tanong ni Dean dahil mukhang hindi mapakali si Coach. "Walang referee," banggit ni Coach. Ano? Walang referee? Seryoso sila? "Eh? Paano yun?" Tanong ni Dean. "So kahit ano pwede niyo namang gawin. Pero bawal manuntok, manipa, mantisod atsaka iba pang pwedeng maaaring makasakit sa iba. Bawal yun," ani Coach. Pare-parehas silang napabuntong hininga at parang nag iisip ng mga gagawin. "Kailangan ng mautak dito..." Bulong ko. +++ Maya maya pa ay nag umpisa na yung laban. Sa kabilang side ng bleacher yung mga students from Bolter Academy tapos yung sa kabila ay sa Zyx Academy, Yung mga kapreng kalaban namin. Nag umpisa na yung laban, masyadong maliit si Dean kaya yung kalaban yung nakatapik ng bola pag kabato nung lalaki. Ano bayan, si Dean na nga yung pinakamalaki samin pero... Hayyy. Nevermind. Hinabol na lang namin yung may hawak mg bola sa kabila. Nung nakita naming aktong mag shoshoot na yung may hawak ng bola ay agad namin siyang nilapitan at ini-screen namin nina Justine at Joshua. Pero... Wala din. Ang tangkad kasi niya eh, kaya naka-shoot din siya. Hayyy, parang walang kahirap hirap sa kalaban namin na talunin kami?! Napamewang ako at napatingin ako kina Dean, napapakamot na lang silang lahat ng ulo habang ang iba naman ay napapa-facepalm na lang. "GO KIRA!!!" Napaangat ako ng ulo at napatingin sa bleacher kung nasaan ang mga taga Bolter Academy. "KAYA MO YAN KIRA!!" Hindi ko alam pero napangiti nila ako. Omyghad, chinecheer na nila ako ngayon? Ang bait bait na nila ^______^' Nasa Zyx Academy ulit yung bola kasi sobrang bilis lang nila nakuha yun kay Mark. Tsk!! Hindi lang sila matatangkad, ang bibilis din nilang gumalaw. Mabilis naman akong kumilos at hinabol ko yung may hawak ng bola sa kabilang court. Mabilis ko siyang hinarangan at kinuha yung bola atsaka lumusot sa may ilalim niya. Sabay, umubra yung naisip ko. Ang laki laki kasi niya, kasya na ko sa ilalim niya kaya ayun. Hehehe, nakalusot ako ^____= '' Ngayon nasa kabila na naman ako at nakabantay naman samin ang mga taga Zyx. Ang masama nga lang, tatlo ang nagbabantay sakin at ini-screen nila ako. "Tangina!!" Bigla kong naisigaw. Tangina talaga. Lumusot na lang ulit ako dun sa ilalim atsaka ako diretsong nag slum dunk!! "AHHHH!!!! WOOO!!!" Nagsigawan ang lahat at naghiyawan. Tangina, first score namin yun!! Naglaro na ulit kami at nag teamwork naman kami ni Dean. Siya yung aagaw ako yung mag shoshoot. Pero... Pansin ko lang habang naglalaro ako, sobrang bibilis ng mga galaw ko. Yung mga talon, pag aagaw, pagtakbo, sobrang bilis. Feeling ko para akong hangin at kaya kong gumalaw ng sobrang bilis habang wala pang 1 second. Pero okay na din, atles naging TIE na yung score! 69-69 Oh! diba?! kami lang yan dalawa ni Dean. Joke, syempre pati sina Justine, Mark at Joshua ay tumulong din. Last Quarter na toh, at ilang minuto na lang din ang nalalabi. At eto na nga!! LAST na!! kung sino ang makaka-SHOOT, sila na ang panalo. Nag iinit na sa court. Pawis na pawis na kaming mga taga BOLTER!! ang hihirap kasing kalaban nentong mga Zyx na toh! Last 1 minute na lang. Naihagis na nung lalaki yung bola at dahil nga maliit ang CAPTAIN BALL namin, yung Zyx ang nakakuha!! Tangina, awang awa na ko kanina pa sa height ni Dean. Tumatakbo na siya ngayon at hinahabol ko siya. Ng tumigil na naman siya at nagddribble na lang, humarang naman ako sa harap niya. "Hindi ka na makakalusot ulit sa ilalim ko. Mautak ka ngang babae ka, kaso ngayon, lumang STYLE na yan!!" sabi niya tapos tuwang tuwa pa siya. Tangina wala talaga ako sa mood ngayon makipag gaguhan sa punyetang 'toh. Naaasar na ko kanina pa sa kanila. Seryoso ako ngayon ahh. "Talaga ba? Seryoso ka?" Bigla niyang tanong kaya napatingin ako sa kanya ng nagtataka. "Tsss. Your easy to read. You think loud," sabi niya tapos aktong shoshoot na siya pero inambahan ko siya sa kanan at dun niya naman sa kaliwa inilagay yung bola. Bigla akong napangisi at ng malaglag ako sa sahig ay nakita kong nakuha na ni Dean ang bola dun sa lalaki kanina. So, planado talaga yun. Dahil alam na nila na magkatulong kami ni Dean, ginawa ko namang pandistract ang sarili ko at si Dean naman ang sinabihan kong magshoot. Hindi parin umaalis dito sa court ng kalaban si Dean at mukhang mula dito ay plano niyang mag shoot. "DEAN!! ANO?? TUMAKBO KA NA!!" sigaw ko pero nginisian niya lang ako at pumorma siya na magshoshoot na siya. "Imposible," bulong nung lalaking taga Zyx na katabi ko. So, nakatayo na ako ngayon. Hindi ko feel mahiga at magdrama habang nakadapa sa sahig. Ilang segundo lang at ng mag 3 seconds na lang. Bigla ng ibinato ni Dean yung bola. Hindi ako makahinga. Makapigil hininga ang ginawa ni Dean. Hindi namin alam kung papasok ba yun o mabibitin. Ano bang akala niya? Siya si Midorima? Ginagago niya ba ko? Ngayon niya ba naisipang i-try yun? Tangina mo Dean kapag hindi shumoot yun--- "AHHHH!!! WOOO!!! DEAN WOLTER!! DEAN WOLTER!! D! E! A! N! DEAN WOLTER!! DEAN WOLTER!!" Naghiyawan ang lahat at literal kaming mga napanganga na nandito sa court. "Panalo Tayo!! Woo-hoo!!" Nagulat ako at hindi ko namalayan na nakalapit na pala sa pwesto ko si Dean at niyakap ako. Hindi ako nakagalaw at nawalan ako ng salitang sasabihin. Bakit? Bakit ganun? Bumilis ng sobra ang t***k ng puso ko. Ang saya ng nararamdaman ko. Natatakot ako na baka... Maramdaman niya ang sobrang bilis na t***k ng puso ko. Natatakot ako... Baka hindi niya ako matanggap. Natatakot akong masaktan. "HOY!! DEAN!! IBABA MO KO!!" Nagulat ako at napasigaw bigla ng buhatin niya ako pataas. "AYIEE!!!" Sigaw ng mga nasa bleachers kaya bigla akong nahiya at namula ang magkabilang pisngi ko. Hindi ko maalis ang ngiti na nasa labi ko. Hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko. Ibinaba na naman ako ni Dean atsaka na lamang niya ako inakbayan. "Tangina mo Dean, ang asim mo tapos isisiksik mo pa yung mukha ko sa kili kili mo!!" Sigaw ko atsaka ko pinaghahampas yung balikat niya pero mas hinigpitan niya lang ang akbay sakin kaya napayakap ako sa kanya at napalapit ang mukha ko sa may dibdib niya. Infierness, ang tigas ng dibdib niya. *Ba dum *ba dum *ba dum "Ang bilis..." Bulong ko ng marinig ko na lang bigla yung heartbeat niya. Parang... Heartbeat ko kapag niyayakap niya ko. Pero, siguro napagod lang siya kaya sobrang bilis ng t***k nang puso niya. Siguro... Dahil lang nga yan sa pagod. Hayyy, mahirap na umasa. Masasaktan lang ako. "Ang SWEET niyo HA!!!" Napalingon kami pareho ni Dean sa nagsalita at nakita namin sa likudan namin sina Mark, Joshua, Justine, Coach atbp na nakatingin samin. Hehehe, kanina pa siguro sila nakatingin samin. Tangina kasi ni Dean eh. Ang dami pang kaek ekan. "Panalo tayo!!!" sigaw nila Justine. Putah!! Hindi ako makapaniwala. Magagaling naman sina Mark, Justine at Joshua lalo na si Dean pero bakit hindi sila manalo dati? Hayyy. Siguro hindi lang nila ginagamit utak nila kaya ganun. Tsk! At syempre dahil kami ang panalo ay may trophy din kami. With medal pa. Tapos kami ni Dean may sash kasi parehas kaming MVP samin. Tapos nagpicture kami ni Dean. Yung kaming dalawa lang ^_____^ Yun yung una naming picture na magkasama kaming dalawa lang. Tapos naggroup picture na kami. Ang saya... Nung pauwi na kami ay kinuha ko muna yung cp ni Dean tapos ipinasa ko sa kanya at ginawa kong wallpaper niya yung kaming dalawa. Ako din, ginawa kong wallpaper sa cellphone ko. Diba? parehas kami. Bago talaga kami umuwi sa mga sari sarili naming bahay ay dumaan muna kami ng Bar. Grabe nga eh, ang mahal nung bar na pinuntahan nila. At grabe, ang dami kong nakitang mga model dun at artista. Pero wala ako sa mood makipag picture picture at maging FAN nila ngayon. Ewan ko ba, wala ako sa mood ngayon. Ahhh. Btw, sina Jerico ang may ari ng Bar na 'toh kaya dito kami pumunta. Sumaglit lang kami ni Dean tapos umuwi na din kami agad. Ayaw kasi namin malasing. Atsaka mahirap na kapag nalasing ako, may abnormal side pa naman ako. Hehehe. Makikita niyo din yung side na yun next time. Nandito na kami sa Ferrari ko at ngayon ko lang namalayan, magkahawak kamay na naman pala ulit kami ni Dean. Hindi ko talaga siya maintindihan ngayon. Naguguluhan ako na ewan. Pinaandar ko na naman ang Ferrari ko atsaka na kami umalis. "Ano... Dean---" "Kira..." Tawag niya sakin. Hindi ko alam pero bakit ganun? Naaakit ako sa boses niya? "Ba--Bakit?" Kinakabahan kong tanong. Hindi ko talaga maintindihan. Hindi ko talaga alam kung bakit. Bakit ganun? Sabik na sabik ako sa bawat na katagang sinasabi niya sakin? At kinakabahan din ako at the same time. Pero bakit ko 'toh nararamdaman? Bakit ang saya saya ko? Kahit alam kong niloloko niya lang ako? "Kira..." "Dean. Bakit? Bakit mo ba 'toh ginagawa sakin?" Tanong ko sa kanya atsaka ko dahan dahan ibinibitaw yung kamay ko sa kamay niya. Pero nagulat ako ng kunin niya muli ang kamay ko atsaka mahigpit niyang hinawakan. "Kira..." "Dean naman eh!! Babae din ako at may nararamdaman. Tapos ka na ba maglaro? Ano? Napasaya na ba kita? Pwede bang tantanan mo na ko sa mga motibong ibinibigay mo sakin? Alam mo... Ako yung sobrang masasaktan eh," napiyok piyok kong sabi. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang mga salitang yun. Hindi ko alam kung bakit ba wala talaga ako sa mood ngayon. Hindi ko alam kung bakit ba inis na inis ako ngayon kay Dean. "Kira... I need to tell you something," aniya. Nagpatuloy lang ako sa pagdadrive at hindi ko siya pinansin at hinintay ko lang ang mga susunod niyang sasabihin. "I think I like you Kira." [CONTINUE...]
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD