POV: Monte Nasa meeting siya ng makatanggap ng message mula kay Marie. Sir, nasa hospital po si Ma'am Ericka. watch this video para po alam nyo kung ano ang nangyari. Binuksan niya ang files na isinend ni Marie. Kita niya kung paano binato ng baso ni Mrs. Dominguez. Napakawalanghiya talaga ng matandang yun. No wonder masama din ang ugali ni Khaye dahil mana sa kanya. Napagdesisyunan niyang hindi tapusin ang expo. Uuwian na niya ang asawa. Kailangan magbayad ng matandang yun sa ginawa sa asawa nya. Nagpaalam siya sa lolo niya. Hindi niya sinabi ang dahilan kung bakit mauuna na siya pag uwing Pilipinas. Naunawaan naman siya nito. Unang flight kinabukasan sakay agad siya. Walang nakakaalam na uuwi siya. Gusto na niyang hilahin ang oras para mapabilis ang pag uwi nya sa bahay dahil labi

