POV: Ericka Ang unang address na napuntahan niya ay sarado. Nakalocked sa labas. Ibig sabihin walang tao doon. Isinunod niya ang condo sa Pasay. Pagkapark niya ng sasakyan, nagmamadali siyang bumaba at tumungo sa lobby ng condo. Halatang mayayaman ang nakatira doon. May magagandang chandelier at mga nakaunipormeng staff. Parang hotel ito. Nakita niya ang reception area. Nakangiti ang magandang babaeng naroroon. "Good morning," bati niya dito. "Yes ma'am good morning. What can I do for you?" magiliw na tanong nito. "Andito ba si Miss Almira Madrigal?" "For a moment ma'am," nagcheck ito sa computer. "Yes ma'am, sino po sila?" "A friend," "May I know your name ma'am?" "Ericka Reyes," Napakunot ang noo ng Receptionist "Ericka San Miguel po ba?" "Ye---yes," hindi niya sigurado kun

