Nagmulat siya ng mata. May aparatu siya sa katawan. Nakasuot siyang oxygen. 'anong nangyari? nasa ospital na naman ako? simula ikasal kami pangatlong ospital na to sakin. ang malas ko naman ata?' Nakita niya si Monica na nakaupo sa malapit sa kanya. Ito lang ang bantay. Itinaas niya ang kamay para makita siya nito. "Ericka!" nilapitan siya nito "kumusta ka na?" "Asan si Monte?" "Umalis siya. May pupuntahan daw. Ano bang nangyari sayo?" Wala na siyang mapatulong luha. Naiga na ata ito. Inalis niya ang oxygen at naupo. Malakas naman siya yun ang pakiramdam niya. "Anong nangyari?" "Hindi pa nila naiikwento sakin eh. Ang sabi ng doctor kinapos ka lang daw sa oxygen. Akala ko pa naman buntis ka na nung tawagan nila ako." huminga ito "aligaga sila ni Bernard, pakiramdam ko nga may inilili

