POV: Almira Nakangiti siya ng isara ang pinto ng kanyang condo. Uto uto din ang señor. Akala niya mauutukan niya ang isang Almira Madrigal. Pagkagupit niya sa buhok ng bata, pumunta siya sa kusina at kinuha ang buhok na ipinakuha niya sa bahay nina Monte. At nakangiti siyang bumalik sa señor. "Pag napatunayan nating apo ko ito, gagawin natin ang tama" paulit ulit na umaalingawngaw sa isipan niya ang binitiwang salita ng señor. "Paano po si Ericka?" kunwari nag aalala siya. "Alam ko kung paano ko siya kakausapin" sagot ng señor. Ang ngiti sa kanyang mga labi ay parang kay gandang ipinta. "Ikaw ang maghahatid ng swerte sa buhay ko," itinaas taas pa niya ang bata. Magaling talaga kumilos ang kanyang galamay. Iba pa rin talaga pag may pera kang pambayad o may alas kang panakot. Alam n

