Isang linggo ang lumipas.. POV: Ericka Nasa garden siya at nagdidilig ng mga halaman ng may tumawag sa gate. "Ma'am, sulat po." sabi ng karterong naka tayo sa harapan ng gate. "Salamat po," inabot niya ito 'confidential? Nakaaddress kay lolo' Dinala niya ito sa study room. Nagbabasa ng araw na yun ng mga reports ang mag lolo. "Lolo may sulat po." iniabot niya sa matanda ang hawak na sobre. Tiningnan ito ng matanda "resulta ito ng DNA." Kymabog ang dibdib niya na parang tinatambol. Nanlalamig ang mga kamay at paa. Pawis na pawis siya kahit malamig ang aircon. "Are you okay?" buling ni Monte at inalalayan siyang maupo. "Yes," sagot niya kahit hindi pa siya handa sa maririnig. Napakunot ang noo ng matanda. Napatingin sa kanila. "Take a look" umunat ang matanda ng upo. Lumapit si

