Kapapasok nya pa lang sa floor nila ng mapansing nagbubulungan ang mga tao doon. Sinalubong siya ng dalawa niyang assistant at binitbit ang kanyang dala. Hindi siya napansin ng mga tao sa paligid. Pagdaan niya sa kumpulan ng mga babae, narinig niya ang mga ito. "Siguro kabit ni sir ang Marie na yan kaya napromote." "Kaya nga, ang tagal ko na dito hanggang ngayon clerk pa rin ako." "Pwede naman si sir sa atin na lang pumili ng magiging sekretarya. Humanap pa talaga ng iba." "Balita ko, vendor lang daw ng bulaklak yung Leandro na yun. Ano namang alam nun sa ganitong trabaho? mukhang hindi nakatapos ng elementary." "Wag kayong ganyan baka may makarinig sa inyo." "Wala kaming paki kung..." "You are all fired!" sigaw ni Monte na ikinagulat ng mga babae. "Si...sir.." namutla ang mga ito.

