Para na lang siyang zombie araw araw. Kahit ang lolo niya, hindi na siya makausap. Sa pent house na lang siya tumuloy. Walang kumakausap sa kanya kung hindi rin lang tungkol sa trabaho. Tumunog ang telepono na nasa lamesa ng asawa. Hindi niya ito ipinagalaw, pati ang mga picture nila nungbikasal sila may nakadisplay dito. Pinagulong niya ang swivel chair para maabot ang awtibong tumutunog. 'Sir, tawag daw pi ng tawag ang lolo nyo sa inyo. Hindi daw po kayo sumasagot.' Chineck niya ang cellphone na nakasilent. 39 miskols. Tatlo ang galing kay Bernard. Anim ang mula kay Monica at ang iba ay mula sa bahay. "Sige Marie, salamat.' ibinaba na niya ang telepono. Binasa niya ang mga mensahe. BERNARD: pare kumusta ka na? busy ka ba? pwede ka ba tonight? answer me if hindi ka busy MONICA

