Chapter 8

1251 Words
POV:Ericka Proud na proud sya sa sarili nya. Kasi nailabas nya na ang sama ng loob na matagal na niyang kinikimkim. Hindi na sya papayag na aapakan na naman ng mga ito. Lalaban na talaga sya.. Nagmumuni muni sya ng tumunog ang cellphone nya. Makulit ang isang to. Hi beautiful.. "Ano na namang kailangan mo?"mataray nyang sagot. Galit ka na naman love.. namimiss mo na siguro ako? tumawa pa ito. "Tse!! ano bang kailangan mo?" Yung date na nirerequest ko sayo,tatlong taon na yun.. "Alam mo,ayoko nga okay? parang tatay na kita. Mahiya ka naman!"nauubos na ang pasensiya nya dito kay Felipe. May mga negosyo rin ito at manager ng banko kung saan siya nagdedeposito. Lagi siyang kinukulit nito. Nagpalitan sila ng number para sa fast transaction,ngunit hindi nya akalaing magkakaroon ito ng hidden agenda sa kanya.. Malapit na itong maging senior cetizen. Napapanot na ang ulo. Pero matangkad at maganda ang katawan. Nagpakita ito ng interes sa kanya ilang taon na ang nakakaraan. Ayaw nya lang maging bastos,pero pag ganitong mainit ang ulo nya,wag itong paluko luko sa kanya. Love andyan ka pa ba? Kung hindi nya lang kailangan palagi ang tulong nito,hindi na nya ito kakausapin. Pero magaling ito sa mga transactions kaya hndi siya nahihirapan. Love?sumagot ka? "Felipe,alam mo,may boyfriend na ko. Ikakasal na nga ako eh,"pagsisinungaling nya. Paanong nangyari yun eh matagal na akong nanlliligaw sayo? "Never ako nagpaligaw sayo,kaya pwede?tantanan mo na ko?"sabay patay ng call. Masyadong makulit ang isang yun. Minsan mahirap ng sagutin ang mga tawag. Pero minsan mga importanteng bagay naman. Nitong nakaraan lang nakukulele na siya dito. Ang daming tanong na wala namang mga halaga. Binasa niya ang message nito. Mahal ko,hindi ako titigil na suyuin ka hanggang marealize mo na ako pala ang tamang lalaki para sayo. Kinilabutan siya ng matindi. Mas gugustuhin nya pang tumandang dalaga kesa mapunta sa taong ito na parang tatay nya na. Hindi naman sya against sa mga matatanda at batang relasyon,kaso hindi yun ang genre nya. Ayaw nya naman ng too old. May isa pang nagpapalipad hangin sa kanya,kaibigan ni Monte. Sa totoo lang,ito ang sumasapat sa kanyang standard. Hindi naman siya mahilig sa gwapo,para sa kanya,bonus na lang yun ni Lord. Mas prefer nya pa rin ang may sense of humor. Yung tipong magkakaroon sila ng magandang conversation tuwing magkikita. Nagitla siya ng tumunog ang phone,mula sa penthouse! "Yes,hello?" Hija,naistorbo ba kita? "Naku hindi naman po"boses yun ng señor,"Bakit po?" My pinuntahan kasi si Monte,pwede ka bang umakyat dito ng makakain? Nagcheck sya ng oras,past 1 na pala. "Baka po andyan pa ang mga bisita?" Wala na sila dito kanina pa. "Sige po paakyat na ko," Sadyang malambing ang matanda sa kanya noon pa. Hindi siya mausisang tao kaya hindi na niya ito tinatanong kung bakit napakabait nito sa kanila. Isang alalay at secretary lang naman nito ang mga magulang nya. Inayos nya muna ang sarili bago lumabas. Medyo nagugutom na nga siya dahil pasado alas dos na pala. Paglabas nya,binati siya ni Marie. "Ma'am saan po kayo pupunta?"tanong nito. "Ipinatawag ako ng señor sa penthouse."sagot nya. "Sana makaakyat din ako minsan don ma'am,"ngumiti pa ito sa kanya"kasi po sabi nung mga pinapaakyat nyo don para maglinis super ganda daw dun." "Wag kang mag alala Miss Marie,pag sa sunod ipinalinis ko yun,ikaw ang paaakyatin ko." "Para po magsupervise?" "Hindi,para maglinis," "Si Ma'am naman"napakamot ito sa ulo. Tatawa tawa syang iniwanan ito. Alam nitong nagbibiro lang naman sya. Hindi kasi gusto ni Monte na nagpapaakyat ng kung sino sino sa unit nito. Kaya kailangan ipagpaalam nya pa kung sino ang maglilinis don. Ayaw nito ng papalit palit ng tagalinis. Kinuha nya ang keycard at isinwipe sa elevator. Pagbukas nito,naaamoy nya agad ang masasarap na pagkain. Binuksan nya ang pinto,nakita nya agad ang señor na parang malalim ang iniisip. "Señor"tawag nya sa presensiya nito,"nasaan po si nurse Jeremy?" "Pinababa ko muna,dahil nalaman kong gusto mo pala ng milktea. Favorite mo raw angavocado flavor." "Naku hindi na naman po kailangan. Okay na po sa akin kung ano ang narito,"ngumiti sya."asan po si sir?" "Nagpaalam sya sakin may kakausapin daw. Tinatanong ko nga kung sino ayaw naman sabihin."sagot nito."kumain ka na." "Salamat po,kayo po kain tayo." "Tapos na ako.." Nag uumpisa na siyang kumain pero napansin nya pa rin ang señor na may malalim na iniisip. "May problema po ba?" "May itatanong ako sayo hija." "Ano po yun?" "Sino ang girlfriend ng apo ko?" "Po?"nagulat sya"di po ba si Almira?" "Sabi niya kasi,hindi daw nya gusto si Almira at matagal na daw silang hiwalay,alam mo ba kung bakit?" "Ang alam ko po,yun pa rin ang dahilan. Yung tungkol kay Montana." "May alam ka bang ibang nililigawan si Monte?yung idinidate man lang?" Napatigil siya pagkain at nag isip. Sa pagkakaalam nya,nakikiparty lang ito sa mga kaibigan. Nagbabar lang,pero pag tungkol sa babae wala syang alam. "Sa totoo lang po,wala po akong masyadong alam sa personal na buhay ni Sir. May private life din po kasi sya." "Ganoon ba?Kasi sabi nya sakin may iba na daw siyang gusto. At ayaw na niya kay Almira." "Yung ugali po kasi ni Almira ay kakaiba." "Mabait naman siyang bata di ba?" "Baka po sa inyo lang"napatawa siya. "Anong ibig mong sabihin?" "Bully po yun,madalas akong pagtripan." "Oh?"parang nagulat ito"bakit hindi ka nagsusumbong sa amin?" "May mga bagay pong sinasarili na lang dapat,kasi alam ko pong wala akong ginagawang masama. Pero ngayon po,lumalaban na ako." "Paano ka nung mga oras na binubully ka nya?" "Iniiiyak ko lang po sa tabi,at iniisip ko na lang na darating ang araw,at kaya ko na ang sarili ko,yung gumanda na po ba ako,magkakalakas din ako ng loob na lumaban." Biglang tumunog ang cellphone nya. Ang nurse. "Sinong tumatawag?"tanong ng señor. "Si nurse Jeremy po,sagot nya"hello?yes.. ah okay.."inoff nya na ang call. "Bakit daw?" "Hindi daw po sya makaakyat dito,kasi hindi po sya nakahiram ng card sa lobby." "Ay oo nga pala.. kasabay lang kasi ni Monte na bumaba yan." "Pupuntahan ko lang po sya." Tumayo na sya at binuksan ang elevator. Sinundo nya sa floor ng office nila si Jeremy. Kasama na nya itong umakyat. "Ang sosyal naman ma'am ng penthouse,my ibang keycard." "Para kasi sa CEO itong lugar na to." "Bakit meron ka?" "Binigay sakin ni sir." "Ah..buti hindi ka nililigawan ni sir no?" "Ssshhh"awat nya dito."Baka marinig ka ng señor." Pumasok sila sa kwarto ni Monte. Andun pa rin ang señor at kumakain ng apple. "Ito na po señor"ipinakita ni Jeremy ang dala. "Masarap siguro yan"sabi ng señor."ibigay mo kay Ericka ang avocado." Kinuha nya ito at itinusok ang straw. Tinikman nya... "Ang sarap,"napangiti pa sya. "Masarap nga ang avocado.."boses galing sa pinto. Sabay sabay silang napatingin sa pintuan. Si Monte,may dala ding milktea. "Hijo,bumili ka rin?"tanong ng señor. "Opo,sa favorite shop ni Ericka.."ngumiti ito. "Ha?"nagulat sya"ang layo nun ah." "Para sayo,walang malayo sakin"lumapit pa ito sa kanya at iniabot ang dala. "Saan ka ba galing apo?"tanong ng lolo nya."Kinausap mo na ba ang babaeng sinasabi mo?" "Hindi na kailangan lolo,kinausap nyo na pala sya." "Kinausap?"naguguluhan ang lolo nya. "Lolo,si Ericka po ang pakakasalan ko,"hinawakan sya nito sa beywang. "Sya?"tanong ng lolo nyang naninigurado. Kahit siya ay hindi nakapagsalita at naguguluhan. Mukhang ipapahamak siya ng amo nya ngayon. Ayaw naman nya itong mapahiya. Anong gagawin nya? Kahit kabang kaba..ngumiti sya ng alangan.. At nakatinginan si Monte. Nababasa nya ang nasa mata nito..sumang ayon ka lang ..yun ang nakikita nya. Bigla syang nawalan ng malay dahil sa sobrang kaba. Hindi na niya namalayan ang sumunod na nangyari....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD