Chapter 7

1019 Words
POV:Monte Laking gulat niya na ganun na pala itong klase ng babae ngayon. Sa loob ng walong taon na nakakasama nya ito,hindi nya ito nakitang ganun magsalita. Wala siyang maipipintas sa ugali nito. Kaya namangha siya dito kanina. Hindi na ito natatakot na gaya ng dati. Hindi pa natatapos ang araw ay napahanga siya nito. Bumukas na ang elevator sa penthouse. Napakaayos nito. Maraming pagkakataon na nakakapunta sya dito para magpahinga,subalit ang araw na ito ay kakaiba. Napahanga siya. Nasa ayos ang lahat ng bagay. Nakita niya ang kanyang lolo na nakaupo sa wheelchair habang nagpapahinga naman ang nurse nito sa couch na nasa gilid. "Lolo,"agaw nya sa atensiyon nito. Humarap ang matanda at ngumiti. "Lo"lumapit si Almira at nagbeso dito,"kumusta na kayo?" "Señor"bati ni Gov at ng asawa nito. "Kumusta na kayo mga balae?"nakangiting tanong ng matanda. Napangiwi naman siya sa tinuran nito. Talagang naniniwala ito na pakakasalan niya si Almira. "Okay naman kami Señor"sagot ni Miranda."Ang daming pagkain ah." "Kumain na muna tayo,"yaya ng Señor"pakihanda nyo na ang lamesa."utos ng Señor sa dalawang waiter na naghatid ng pagkain. Pag may bisita sila,nagbibigay talaga ng dalawang taga serve ang resto na inorderan nila,at dahil marunong silang mag appreciate ng effort,may magandang compensation ang mga ito. Umalingasaw ang mabangong aroma ng pagkain. Sa amoy pa lang masarap na ito. May kutsinilyo,bulalo ,kanin, stir vegetable, buttered sea foods at mix fruits. Talagang nakakapaglaway ito. "Mukhang masasarap ang nakahain ah"wika ni Almira. "Siyempre,si Ericka ang nagready nyan"ngumiti ang matanda. Hindi nito napansin ang pagsimangot ng mag ina."Sige,kain na.." Inasikaso niya ang kanyang lolo. Hindi na nila inabala ang nurse para makapagpahinga ito ng mabuti. Marahil ay napapagod na rin dahil literal na makulit ang kanyang lolo. "Señor,ano bang pag uusapan nating mahalaga?"tanong ni Gov habang kumakain. "Bweno,itong unica hija nyo ay tumawag sa akin kanina,may good news daw sya."ngumiti ito kay Almira. "Anong good news?"tanong ni Gov. "Ikaw na hija ang magsabi"utos nito. "Well,"masayang masaya ang hitsura nito,"i'm getting married!." "Talaga?"patay malisya nyang tanong"congrats sa inyo!" "Mag aasawa ka na?"tanong ni Gov"sino?dapat doon tayo pumunta."sinakyan nito ang sinabi nya. "Daddy naman eh"kunwaring bata na nagmamaktol si Almira"siyempre,kay Monte." "Apo,nagpropose ka na raw kay Almira. Kakakausap ko lang sayo kanina ah.. "hinawakan siya ng lolo nya sa braso. "Wow,tuloy na talaga ang pagmemerge ng ating family"masayang sabi ni Miranda."kailan ang engagement party?" "Ako?"tanong nya"pero wala naman po akong sinasabi sa kanyang ganun." "Monte,baby ano ka ba?wag mo naman akong ipahiya dito,"bulong sa kanya ni Almira. Bawat salita nito ay may diin. "Pero wala namang katotohanan ang sinasabi mo"may diin din sa salita nya. "Sakyan mo na lang pwede?" "Ayoko nga." "Gusto mo bang madisappoint si lolo?" Natahimik sya. Yun ang huling gusto nyang mangyari,ang masaktan ang lolo nya. Kahit kailan talaga puro sakit na lang ng ulo ang ibinibigay ni Almira sa kanya. Napangiti naman si Almira sa pagtahimik niya. Para sa babae ang ibig sabihin nito ay sumasang ayon na sya sa sinabi nito. Masaya ang naging kwentuhan ng mga ito habang kumakain at pagpaplano ng tungkol sa kasal. Hindi na sya nakialam pa. Hanggang magpaalam ang pamilya ni Almira,hindi nya makuhang maging masaya. Binuksan nya lang ng card ang elevator at hindi na siya nag insist na ihatid ang mga ito. Napansin ng lolo nya ang kawalan nya ng kibo. "Monte,may dinaramdam ka ba?"nag aalala ito. Kumakain ang nurse nito kaya sila lamang dalawa ang nasa salas. "Wala po lolo"sagot nya. "Kilala kita,alam kong may pinoproblema ka." "Ayokong magpakasal lolo" "Ha?bakit naman?" "Hiwalay na kami ni Almira lolo,last year pa,"sagot nya. "Pero bakit hindi ko alam?" "Kasi lolo,masaya kayo pag naiikwento nyo na magiging mag asawa kami,kaya hindi na ko nagsasalita,hindi ko naman akalaing may kalokohang gagawin si Almira." "Hindi ka nagpropose?" "Never lo..ayoko sa babaeng yun. Masyadong masama ang ugali..saka..." "Saka ano?" "May kutob akong may kinalaman sya sa pagkamatay ni Montana." "Aksidente lang daw yun" "Lolo,kilala ko kung gaano kaingat ang kapatid ko. Saka hindi naman sya lasing nung time na yun." Napaisip din ang lolo nya. Pero sadyang si Almira ang gusto nito. Simula pa lang bata sya ipinipair na sya dito. Beauty pageant, santa cruzan, escort.. Sa lahat. Kaya ang akala ng iba sila talaga. Aminado naman siya na sinubukan niyang makipagrelasyon sa babae. Hindi na sila dumaan sa ligawan. Nagkaroon sila ng monthsary at anniversary na hindi niya malaman kung paano nangyari. Naging best friend ito ni Montana,kaya minahal nya na rin talaga ito. Makita nya lang maging masaya ang kapatid,masaya na rin sya. Ilang taon din na nakisama sya dito,Mahigit sampung taon. Kasal na lang sana ang kailangan nila. Bago mangyari ang trahedya kay Montana,nagpaplano na talaga siyang magpropose sa dalaga. Subalit ito na rin ang naging daan para bumukas ang kanyang mga mata sa haba ng panahon na magkarelasyon sila. Pinapalampas niya lahat ng kagaspangan ng ugali nito at kahit pambubully kung kanikanino. Pero ngayon,ayaw nya na talaga. Hindi siya magpapatali dito kahit anong mangyari. "Anong plano mo ngayon?"untag ng lolo nya sa kanyang isipin. "Hindi ko siya pakakasalan lolo,"tigas ang loob na sagot nya. "Bigyan mo ako ng mga dahilan kung bakit ayaw mo sa kanya,at baka makumbinsi mo ako."hamon ng lolo nya sa kanya. "Masyado siyang isip bata." "Malambing lang siya at medyo spoiled." "Insensitive sya kung magsalita." "Prangka lang talagang bata si Almira." "Bully siya lolo." "Mabiro lang na bata yun,kaya naiisip nyong bully." "May pakiramdam akong may kinalaman siya sa pagkamatay ng kapatid ko." "Nagbibintang ka na naman apo,masama yan." Wala na siyang masabi na walang sagot ang lolo nya. Lahat na lang ng sabihin nya,may katwiran ito. Ano pa kaya ang pinakamagandang alibi na gagawin. Nag isip siya saglit bago nagsalita na siyang gumulat sa matanda. "May mahal na akong iba lolo.. Kaya hindi ko na maaaring mahalin pa si Almira." "Pakiulit mo nga at pakilinaw ang sinasabi mo Monte?" "May mahal na ho akong iba." "Sino?"nakakunot na tanong ng lolo nya. "Basta,may mahal na ho akong iba,at mabuti siyang tao." "Sino sya?kilala ko ba siya?" "Saka ko na lang po ipapakilala sa inyo." "Anong klaseng babae naman yang ipinalit mo kay Almira?" "Isang mabuting babae,lolo"sagot niya dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD