Sinenyasan ko si Cres na magsalita para ilahad sa akin ang impormasyon patungkol sa anak ni Anecito. Kilala ko lang ito sa pangalan pero kailanman ay 'di ko nakita dahil nasa ibang bansa raw ito na naninirahan.
"Annika Margarett Pania, she's twenty-six... and a degree holder in fashion designing..."
Tumang-tango ako pinag-ikis ang mga tuhod. Pamilyar nga ang pangalan. Para bang nakilala ko na siya rati, hindi ko lang matandaan kung saan at kailan. Kung nagkita man kami ay hindi ko na matandaan. Marahil ay si Mary lang ang nasa isip ko noon pa at hindi ko kailanman naisip na lumingon sa iba.
Nang sabihin sa akin ni Anecito ay agad na pumasok sa isip ko na kalokohan ito. Though, in business, this will really happen. Ngunit hindi ko lang naisip na sa akin maaaring mangyari ito. Para sa akin, sagrado ang kasal at hindi dapat na gamitin para sa negosyo o ano mang mga plano para sa sariling interes. You will marry a person because you truly loves her and not a trade to business.
"Describe her face... how she smiles, her looks..."
Bulag ako at malabong makikita ko ito. Gusto ko lang makasiguro na maayos ang hitsura ng babaeng pakakasalan ko kung sakaling papayag ako sa alok ni Anecito.
"Uhm..."
Itinaas ko ang mukha at sinundan ang boses kung saan nakatayo si Cres. Dama ko ang pag-aalinlangan niya kaya napasandal na lang ako sa backrest ng upuan. I knew it.
"Sir Bernard... h-hindi po ako magaling sa description. Basta ang nasa larawan, maganda siya... may mata... may ilong... at labi."
"Enough! Bravo, Cres. Your description helps a lot. Bravo!" Napapikit ako at huminga nang malalim.
Magaling lang si Cres sa mga papeles sa trabaho pero hindi ko talaga maaasahan siya sa mga ganitong pagbibigay ng ano mang deskripsyon. He was too literal.
How could I imagine the woman I was going to marry?
Napaisip ako bigla sa naisip. Ibig bang sabihin ay pumapayag na ako sa alok ni Anecito sa akin na pakasalan ang anak niya? Kung oo, papayag din kaya ang dalaga gayong matatali siya sa isang relasyon na walang pagmamahal? At ang mas malala, bulag pa ang mapapangasawa niya.
Naiiling ako sa naisip. Kailangan ko munang pag-isipan ang lahat bago sumang-ayon sa gusto ni Anecito. Hindi man ang posisyon ko ang pakay ng lalaking ito pero alam ko sa sarili na may plano siyang iba. The resort he was asking for was too easy to give up. Wala na lahat ng mga pangarap ko kasama si Mary kaya hindi na mahalaga ito para sa akin. What I was aftering is the business I put all my hard works. Ayaw kong mapunta sa hindi karapat-dapat ang negosyo ko.
"Cres..." tawag ko sa assistant kaya rinig ko ang yabag niya palapit sa akin.
"Sir Bernard."
I rubbed my two palms together and thought for a while. I want to set a meeting first with this Annika, talk to her and ask the opinion about this business. Then, if we agree, we can do a good negotation and set up as partners-- not only business, but in bed.
***
"How can you this?"
Hindi pinakinggan ni Anecito ang tanong ng kanyang asawa at puno ng diin at awa siyang nakatingin sa anak na nakaratay sa higaan.
Dalawang taon na ang nakalilipas pero tila sariwa pa rin ang lahat. Nasa diwa niya pa rin kung paano gustong tapusin ng dalaga ang buhay dahil sa isang pagkakamali at kasawian.
"Anecito!"
"She will get married, Rosalyn. I assure you, she will get married."
Puno ng luha ang mukha ng kanyang maybahay at marahas siyang pinaharap dito.
Hindi maintindihan ni Rosalyn kung bakit ginagawa pa ito ng kanyang asawa. Ang anak nila ang may kasalanan ng lahat. Masiyado itong nabaliw at nabulag sa pag-ibig at ginawa ang mga bagay na makasisira sa isang relasyon at pati sariling buhay.
"Do not make her suffer like this, Anecito. For God's sake!"
"For Annika's sake! Gagawin ko ang lahat maikasal siya kay Bernard! Gagawin ko ang lahat para sa paggising niya, ang lalaking dahilan ng kanyang pagpapakamatay ang makasama niya. I don't want to lose my daughter anymore, Rosalyn. No!" iyak niya at napaluhod dahil sobrang sakit ng kanyang nararamdaman.
Hindi madali sa kanya ang lahat. Bilang ama ay walang mapaglagyan ang sakit na dulot ng pagkasawi ng sarili niyang anak sa pag-ibig, na kailanman ay hindi masusuklian. Pagmamahal na tanging ito lang ang nakakaalam...
"And how can you this? Bulag si Bernard pero hindi siya tanga para pakasalan ang isang walang malay na babae!"
Tiningnan niya ang asawa at ngumisi ng puno nang pighati.
"He will marry my daughter, darling."
"Paano kung 'di magising si Annika? Paano mo maipapaliwanag kay Bernard ito? Sino ang pakakasalan niya, ha? Sino ang ihaharap mo, Anecito?"
Mula sa asawa ay napatitig siya sa anak na puno ng aparato ang katawan. May tubo ito sa bibig at mga monitoring machines ang nasa gilid. Kung tutuusin ay makina na lang ang bumubuhay rito pero hindi kailanman mawawalan ng pag-asa si Anecito. Gigising si Annika at maikakasal ito sa lalaking pinapangarap nito buong buhay. Magiging masaya ang kanyang anak!
Isinilid niya ang anak sa isang pribadong silid ng kanilang mansiyon, ni walang nakakaalam nito at tanging pribadong doktor at dalawang nurses lang ang nakakapasok.
Ang pagkakaalam ng lahat ay nasa ibang bansa ang anak at nag-aaral para sa pagpapatakbo ng kanilang negosyo. Walang nakakakilala o bihira lang magpakita sa publiko ang anak dahil nasa may pagkamahiyain ito. Ngunit sa kabila ng lahat ay para sa kanya, ito na ang perpektong anak na pinapangarap ng mga magulang. Mabait, matalino at higit sa lahat, mapagmahal sa magulang. Sadyang nabago lang ang lahat dahil sa isang pag-ibig. Pag-ibig na hindi nito inaasahan na uusbong. Pag-ibig na nagpabago sa ugali ni Annika at pati kapalaran...
Lumuhod siya sa gilid ng kama at kinuha ang kamay ng anak na may nakatusok na suwero. Hinagkan niya pa ito at umiiyak.
"Anecito..."
"She will get married, Rosalyn. And someone will take her place while my dear daughter is not yet waking up from her sweet sleep..."
Abot ang kilay na tiningnan ni Rosalyn ang nakatalikod na asawa. Sa isip-isip niya, sino naman ang maaaring humalili sa na-comatose nilang anak?
Kita niya na puno ng determinasyon ang asawa sa binabalak. Mabuting ama si Anecito at dahil doon, minsan, hindi na niya ito nakikilala. Nagiging makasarili ito minsan at kahit suntok sa buwan na paraan ay kaya nitong maisagawa.
"Anecito?"
Lumingon sa kanya ang mister at ngumiti na hindi naman abot sa mga mata. Naaawa na rin siya rito dahil alam niyang nangungulila ito sa kanilang nag-iisang anak.
"Do not worry, darling..." Hinawakan nito ang kamay niya at hinalikan.
"S-Sino ang tinutukoy mo, Anecito? Sino ang hahalili kay Annika?"
Tiningala siya nito at napalabi. "She will marry Bernard Buenaventura as Annika. And this time, she could not say no to me... I assure you..."