Kabanata 9 (Bernard's POV)

1640 Words
"Sandy..." Bigla na lang hinablot ni Michael ang braso ko nang nakapasok ang mag-iina niya sa loob ng kanyang bahay. Alam kong kanina pa siya nanggagalaiti sa inis sa akin dahil sa pasimple kong patama sa kanya. Hindi ko rin naman kasalanan kung may asawa siyang madada at mausisa. Malay ko ba... "Ito na ang huling beses na pupunta ka rito sa bahay ko. Patahimikin mo na ako, please." Puno ng diin ang bawat salita n'ya kaya napatitig ako sa kanya. Hindi ko akalain na ang lalaking ito ang minahal ko noon. Ang lalaking ito ang inalayan ko ng pag-ibig at isinuko ang mapa ng bataan ko, kaya ayun, bata ang lumabas! Nagkatitigan pa kaming dalawa. Nagbabanta ang mga mata niya sa akin kaya iniwas ko na ang tingin at ngumisi. "I felt so sad for you, Michael," sabi ko sabay tapik sa balikat niya at baba ng tingin. Siya rin ay naibaba ang mga mata at sinundan kung saan ako nakatingin. "You are not bearing a small d**k only..." Napasinghap siya sa narinig kaya mas lalo akong natuwa. "Wala ka rin palang bayag. Buti natitiis ka ng asawa mo?" "Sandy!" "Fine, I'll go. At sinisigurado ko sa iyo, isinusumpa ko sa three-inch mo lang na t**i na ito na ang huling pagkikita natin at kailanman, hinding-hindi ako lalapit na sa iyo, kahit na si Josh!" Napalunok siya sa pahayag ko kaya tinampal ko ang pisngi niya. Inilapit ko pa ang bibig sa gilid ng kanyang mukha at binulungan, "Effective na pen*s enlarger ang pertroleum jelly, i-try mo baka mag-work sa iyo!" Iyon lang at mabilis na umalis sa kanyang harapan, grabe pa naman ang pang-iinsulto ko sa kanya ngayon mas mainam nang makalipad na bago pa ako maumbangan ng jutay na ito! Sa kabila ng mga sinabi ko ay hindi ko pa rin maiwasan na masaktan sa harap-harapang pambabalewala ni Michael sa sarili naming anak. Hindi ko alam paano ko mapapaliwanag kay Josh ang lahat kung sakaling hahanapin na naman niya ang walang bayag niyang ama. Ako ang labis na nasasaktan para kay Josh. Nakalabas na ako ng village nila nang biglang tumunog ang telepono ko at si Nanay Emma iyon. Grabe ang kabog ng puso ko sa tuwing tumatawag siya dahil hindi ko alam kung maganda o masamang balita ang ibibigay niya sa akin. Natatakot ako na baka sa tawag na ito... "Hindi..." may riin akong umiling. Hindi maaaring mawala ang anak ko dahil makakahanap ako ng paraan para mapagamot siya. Gagawin ko ang lahat para madugtungan ang buhay niya at kahit ano, kahit lunukin ko na ang natitirang pride ko ay wala na akong pakialam. Mas importante sa akin na mabuhay ang anak ko kaysa sa ano mang dignidad mayroon ako. Napaisip ako bigla nang naalala ang huling sinabi ni Nanay Emma. May isang tao akong huli kong tatakbuhan at iyon ang tatay kong umalipusta sa akin-- sarili kong ama na hindi rin ako kinilala dahil sa isang pagkakamali. "Hello, Nanay?" Pinilit kong patatagin ang boses ngunit gumaralgal na ito dahil sa sobrang inis ko kay Michael. Ang kolerang iyon! "Mama?" "J-Josh?" Inilayo ko ang telepono at pinahid ang luha at tumikhim para maging maayos ang tinig ko. Ayaw kong marinig ako ng anak ko na galing sa pag-iyak. Binata na si Josh at alam kong maiintindihan na niya ang lahat. "Umiiyak ka po ba?" Halata sa boses niya ang pag-aalala kaya humalakhak ako. "Ako? Iiyak? Hindi, ah!" Tumahimik ang kabilang linya kaya tinawag ko ang pangalan niya. "Joshua? N-Napatawag ka? Saan si Nanay? Dapat nagpapahinga ka, anak." Dinig ko ang mabibigat niyang hininga at ang mahina niyang pagtawa. "Tsaka na po ako mamahinga kung hindi na titibok ang puso ko." "Joshua!" Ang binata ko na naman ngayon ang humalakhak habang ako ay naaasar sa biro niya. Ayaw na ayaw ko sa mga ganitong biro dahil kinakabahan ako. "Huwag kang magbiro ng ganyan, Josh. Tsi-tsinelasin kita! Liliparin ko talaga ang Manila papuntang isla ng Samal para mapalo kita." Mahina siyang tumawa kaya napangiti na lang ako. "Sorry, Mama. Nagjo-joke lang po ako." "Ay, hindi magandang joke iyan." Isang mahinang ungol lang tinuran niya at bigla ng tumahimik ang kabilang linya. "Josh? Nandiyan ka pa ba?" "Opo. Mama, nagkikita po ba kayo ni Papa?" Hindi ako agad nakaimik at muling nilingon ang b****a ng village kung saan ako nanggaling. Masama akong tumingin sa kinaroroonan ng pamamahay ni Michael at muling ibinaling ang atensiyon sa katawag ko. "G-Galing ako sa papa mo ngayon." "Talaga po?" Halata sa boses ni Josh ang pananabik kahit hirap siyang huminga kaya hindi ko maiwasang manubig ang mga mata ko. Kung bakit ba naman ang anak ko pa ang nagkaroon ng ganyang sakit? Kung bakit siya pa na maraming pangarap sa buhay? Gusto kong dugtungan ang buhay niya. Gusto kong magpaka-Diyos para mapatuloy ni Josh ang pangarap niyang maging piloto. "M-Mama... tinatanong niya po ba ako? Ano po ang sinabi niya? Kinamusta niya ba ako? Chat ako nang chat sa f*******: messenger niya pero 'di naman siya nagse-seen. Baka busy po..." Mas lalong nanikip ang dibdib ko sa paghina ng boses ni Josh na halata ang pagtatampo. Kung alam niya lang talaga na kinahihiya siya ng sarili niyang ama. Kung alam niya lang talaga na wala siyang tatay na maaasahan sa ngayon. Hinakot ko lahat ng lakas ko at iniwasang manginig ang boses habang kinakausap ang anak ko. Ayaw ko siyang bigyan ng ideya na walang pakialam ang tatay niya sa kanya. Ayaw kong masaktan siya nang labis kaya titiisin ko lahat ng sakit, lulunukin ko ang pride ko at babalewalain ko ang lahat ng panghahamak ni Michael sa amin. "O-Oo..." Sinapo ko ang sariling bibig dahil hindi ko kaya. Nasasaktan ako nang lubusan sa ginagawa kong pagsisinungaling pero mas labis na masasaktan ang anak ko kung sakaling malaman niya ang lahat. "Oo, J-Josh... kakaalis ko lang galing sa bahay niya. Sayang at late ka nang tumawag." "Ano po? Ano po ang sinabi niya sa akin? Dadalawin niya ba ako?" Napakurap ako at marahas na pinahid ang mga luha sa aking mata. Ang sarap putulan ng patotoy itong si Michael at ipakain sa aso. Sugat na sugat na ang puso ko sa pagsisinungaling sa anak ko. "Uhm... m-miss ka na niya. Sa katunayan, m-magbibigay siya ng pera p-para sa operasyon mo, anak." "Talaga po? Nanay Emma, mapapagamot na ako!" tuwang-tuwang sabi ng anak ko sa kabilang linya. "Josh..." "Mama, pakisabi kay Papa, salamat talaga! Hayaan niya po, sa oras na gumaling ako, ako na mismo ang dadalaw sa kanya dahil gusto ko na ring makilala ang iba kong mga kapatid." Kinagat ko ang labi at tumango. "S-Sige... a-anak. Tatawag na lang ako kung may ibibigay na ang tatay mo. Mag-iingat ka, ha?" Dinig ko ang tuwa ni Josh kaya ayaw ko ng sirain iyon. Kahit habang buhay akong magsinungaling sa kanya, kahit na bente-kuwatro oras akong magtrabaho sa club at paaralan, kahit na ano ay gagawin ko, mabuhay lang ang anak ko. Mabilis akong bumalik sa eskuwelahan at muntikan pa akong ma-late sa klase. Nasa loob ako ng silid kung saan may kanya-kanyang ginagawa ang mga paslit kong estudyante. Ang diwa ko ay nasa labas at kung saan-saan napupunta. Ewan ko ba... Bigla kong naisip ang pangalawa kong anak na si Benedict. Na-miss ko na ang bunso ko. Wala sa sarili kong kinuha ang cellphone at tiningnan ang larawan ng anak kong bunso. Nasa isang taon pa siya rito at ang taba niya pa. Kahit ilang beses kong sinabi kay Nanay Emma na iisa lang ng ama sina Josh at Benedict ay hindi siya naniniwala. Unang-una ay alam na niyang hindi na kami magkakabalikan ni Michael dahil may pamilya na siya nang nabuntis ako kay Benedict. Pangalawa ay ang layo ng hitsura ng bunso ko kay Joshua, lalong lalo na kay Michael na tukmol na may dating ang pagmumukha. Mabuti na lamang at nagmana sa akin si Josh dahil kung nagkataon, baka mukha siyang isdang magkalayo ang mga mata. Si Benedict naman ay may pinong kutis, medyo kulot din ang medyo brown nitong buhok at ang pinaka nakakaguwapo sa maliit ko ay ang kulay ng kanyang mga mata. Tila nakasuot ito ng contact lens dahil sa mala-asul na nahahaluan ng berde kung nasisinagan ng araw minsan. Malalalim din iyon. Kaya hindi talaga naniniwala si Nanay Emma na anak ni Michael si Benedict dahil hindi naman talaga. Anak siya ng isa kong pagkakamali na naman sa buhay. Ang katangahan ko habang nangangailangan ako ng pera. Natawa na lang ako dahil sa naisip. Ang gaga ko sa gabing iyon. Biro mo? Imbis na pera ang nadala ko, bata ang pumasok? "Teacher Sandy!" Halos mapalundag ako sa boses na galing sa bungad ng pinto ng classroom ko. Si Teacher Juvy iyon, ang nursery teacher dito. "May bisita ka, nasa lounge." Kunot-noo kong tiningnan siya. Wala naman akong inaasahan na bisita ngayon. Tumango lamang ako at tumayo. Iniwan ko saglit ang mga bata sa kanya at tinungo ang waiting lounge ng eskuwelahan. May mga estudyanteng bumabati sa akin habang nilalakad ko ang daan patungo sa lounge. May iilan din na mga guro ang ngumingiti sa akin. Sino naman kaya ito? Baka si Michael dahil nakokonsensiya. Dapat lang! Hinay-hinay kong binuksan ang double door ng maliit na silid at nang nabuksan ko ito ay bumungad sa akin ang isang lalaking nakatalikod. Sa tindig niya pa lang ay kilala ko na siya. Sino ba ang hindi? "Excuse p-po..." Hinay-hinay na humarap sa akin ang lalaki at hindi nga ako nagkamali. Siya nga ang nandito ngayon. "Sandy..." Walang tinig na pagsusuyo ang boses niya. Alam ko naman iyon dahil wala naman ako sa kanya. "Kumusta?" "Ano po ang ginagawa ninyo rito?" Ngumisi siya at hinay-hinay na lumapit sa akin. Hindi naman siya gaanong malapit ngunit mas nakikita ko ang hitsura ko sa kanya. Ang hitsura ng amang hindi ako kailanman kinilala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD