Inabot ko ang kamay sa babaeng kaharap ko. I may not see her but I perfectly felt her. Her sweet, heavenly scent biting my nosetril. The lewd music of the place added an arousal to what I was imagining at this very moment...
Kitten...
Siya ang parating nasa isip ko tuwing nakakaramdam nang kakaibang init sa katawan. Ewan ko ba ano ang epekto ng babaeng iyon at baliw na baliw ang katawan sa kanya.
Naghintay ako ng ilang minuto ngunit wala akong naramdamang pagkuha sa kamay ko kaya ibinaba ko na lamang ito. Kung nakakakita lang sana ako...
"Am I too rude on the other night?" tanong ko pa sa kanya dahil mukhang nagalit siya sa sinabi ko.
Dinig ko ang pagbuga niya nang malalim na hininga kaya napatigil ako. I felt this woman was carrying heavy loads inside. Well, I do not care, I just want to show concern to her to get information to what I was looking for.
"Look, if you are upset to what I said, alright, I am sorry!"
Ngunit sa loob-loob ko ay naaasar na ako sa kanya. I don't want to lower down my pride and yet, here I am, begging for a forgiveness?
Begging? Not to that point. Let's just say, I am pretending and my dramatic gentleness will help me to disguise my real intentions. Kung gagamitan ko ng kaarogantihan ang babaeng ito ay wala akong mapapala dahil mukhang matigas ang babaeng ito.
"Next time po kasi, Sir, isip-isip muna bago nganga. Hindi lahat ng pagkakataon ay customer is always right."
Napakuyom ko ang aking kamao sa kadaldalan ng babaeng ito. Kung hindi ko lang siya kailangan ay hindi ako magtitiis sa kanya.
I need her to get information to the stripper who ruined my life. Ang sabi ng Mingming na rati kong waitress, magkaibigan sina Kitty at ang babaeng iyon.
I gathered all my composures and smiled at him. Hindi ko man siya nakikita pero alam kong sinusuri niya ako. I could feel it.
"Alright, my mistake and again... I am not a mafia or leader of any syndicate. I am just a small-time businessman."
"Small-time? Eh, bakit naka-VIP ka pa?"
Napapikit ako sa kadaldalan ng babaeng ito ngunit mas pinili kong ngumiti.
"If I could pay this whole club by my cents, why not?"
Saglit siyang tumahimik kaya inayos ko ang suot na jacket at ang baseball cap sa ulo. As much as possible, I don't want her to see my face. Nasa madilim na bahagi naman ako kaya hindi niya ako maaaninag. Hindi niya rin dapat malaman na hindi ako nakakakita dahil baka mag-take advantage sa akin.
"Sabagay. Sige na, Sir..." Dinig ko ang paggalaw ng silya kaya alam kong tumatayo na siya.
"Sige na, Sir, ano po ba ang gusto ninyong inumin at makausad na tayo," aniya na halata sa boses ang bagot. Ewan ko ba ang hospitality manner ng babaeng ito sa mga customer niya. It pissed me off but somehow, it made me smile. Ewan, nababaliw na ako.
"As usual."
"Low-hood? Ayan, ako na magsasabi dahil 'pag ikaw, masagwa pakinggan."
Tipid akong ngumiti ngunit pilit kong hindi maipakita ang tuwa at amusement sa babaeng ito. Nakakaaliw rin kahit papaano at mukhang madali kong makukunan ng impormasyon sa sobrang daldal.
I could imagine her face right now. Nasa utak ko ay isang babaeng maliit, balingkinitan ang katawan at medyo bata pa. I was basing on how she talks, her euphonic and ethereal voice lingered in my ear... so precious and young.
"Sir?"
Saglit akong napamulat sa pagkakapikit.
In my dark world, I only could live in my imagination.
"Masiyado kang lutang, Sir."
Mahina akong umiling at napayuko. "R-Right. Just give me anything. For two..."
"For two? Same lang po ba ang o-order-rin ng kasama ninyo?" Ang tinutukoy niya ay si Cres na nakatayo sa aking likuran.
"Not him, but you. I want to drink with you."
She groaned in protest, so I raised my hand and point my finger in front before she could talk.
"Lola gave me permission to let you stay and be at my side to serve. Now, I want you to serve me, drink with me."
"Hindi ako nagpapa-table, Sir. At wala sa trabaho namin iyan."
Mahina akong humalakhak at nagkibit-balikat. "It's not what you're thinking, Kitty. I just want companion. Babayaran kita sa serbisyo mong... pagsasama sa akin, is that good?"
Saglit siyang natahimik kaya muli akong nagsalita. "Just this night. Gusto ko lang ng may makausap..."
Muli ko na namang narinig ang pagbuntong-hininga niya.
"Magkano ang bayad ng extra-service?"
Hmm... hindi halatang nangangailangan ng pera, ano? Sabagay, kaya nga siguro nakakagawa nang masama dahil sa pangangailangan ng pera.
Ika nga, money is the root of all evil. And that woman did something bad because of money for sure. Sino ang baliw na gagawa ng ikakasira ng sarili kung hindi dahil sa pera at gagawin ko ang lahat, mahanap lang siya. Ipapatikim ko sa kanya ang kadiliman na tinatahak ko ngayon.
"Name the price, Kitty, I don't mind..."
Narinig ko ang mahina niyang halakhak sabay sabi, "One million per night, kaya?"
Saglit akong natigilan at halos masamid ako ng sariling laway sa sinabi n'ya. She is joking, isn't she?
"Joke lang, tip lang, Sir, sakto na. Basta table and chika-chika lang, walang aabot sa border line."
I just smirked at her. "As if, interesado ako sa iyo..." bulong ko sa sarili.
"Ano?"
"Just give me my drink and sit down, Kitty, we have a lot of things to talk about..."
SANDY
In fairness sa lalaking 'to, ang laki ng tip. Hindi na masama sa tatlong oras na pag-upo. Nakikipagkuwentuhan lang naman siya patungkol sa club. Pati pa mga kaibigan ko na mga dancers ay interesado siya.
"Do you know... anyone who wears kitty mask when they have..."
"Naku, Sir! Halos lahat dito ay nakasuot ng maskara. Tingnan mo nga ako, obvious naman, 'di ba?"
Kita ko ang saglit niyang pagkagulat at pagtitig sa akin. Medyo madilim ang paligid pero natatanaw ko ang kabuuan niya. Hindi ko man kita ang buong mukha pero parang nakita ko na siya rati, parang...
"Right... sorry..."
Bigla kong naalala na ilang oras na akong nakaupo ngunit 'di ko alam ang pangalan niya. Sa akin, obvious naman na pseudo name lang ang mabibigay ko dahil protocol namin na hindi magsabi ng totoong pangalan.
"Sir, ano po ba ang pangalan ninyo?"
Bigla na lang siyang luminga sa gilid at isinandal ang likod sa sandalan ng silya. Pagkaraa'y ibinaba niya ang visor ng sombrero at tumayo.
"I need to go, Kitty. Thank you for this night. We'll see you again next time, alright?"
Naitaas ko ang kilay sa biglaang pagtayo niya. Gusto ko pa sanang usisain siya ngunit lumapit na ang assistant niya na nalaman kong Cres ang pangalan.
"S-Sige po... ingat."
Mahina siyang tumango at tuluyan na akong tinalikuran. Nakasunod si Cres sa likuran ng lalaki at tila inaalalayan ito.
Hindi ko alam pero may kakaiba sa lalaking iyon. Ang dami niyang tanong patungkol sa iisang stripper na nagtatrabaho raw dalawang taon na ang nakararaan.
"Bakit niya tinatanong si Luna?" Ang tinutukoy ko ay kaibigan kong hiningan ko ng tulong isang beses.
Si Luna sana ang magseserbisyo sa isang party ngunit ako ang nakiusap na mangtatrabaho dahil kailangan na kailangan ko ng pera sa panahong iyon.
Hindi ko nabanggit si Luna sa kanya dahil matagal ng nagtatago ang kaibigan ko dahil sa isang pagkakasala sa isang customer, inuusig umano siya kaya hindi ko na alam kung nasaan.
Bigla tuloy akong napaisip. Baka ang lalaking ito ang nagawan ni Luna ng kasalanan kaya nag-iimbestiga ito? Maaari kaya?
Mukhang mabait naman ang lalaki kahit medyo may pagka-arogante. Wala rin siyang nabanggit na ginawa nang masama ng sino man pero sigurado akong interesado siya kung sino ang babaeng iniregalo umano ng kaibigan niya.
Ang tanong na naglalaro sa utak ko, sino ang lalaking ito?