Napatitig ako sa calling card na ibinigay ng tatay ko.
Iyon ang unang beses na lumapit sa akin ang ama kong hindi ako kinilala sa loob ng ilang taon. Unang beses kong nakita siyang umiyak at humihingi ng pabor para sa kanyang minamahal na anak...
"I am not begging you as a father, Sandy. Let's say, if you will accept my offer, it will be a big help for your son..."
Napapikit ako sa naalala dahil kahit sarili niyang apo ay 'di niya kinilala. Ano pa ang inaasahan ko? Hindi nga niya ako kinilalang anak, ang anak ko pa kaya?
"Bakit hindi siya ang gumawa ng bagay na iyan? Bakit ako?"
Biglang lumungkot ang mga mata ng lalaking nasa mahigit na singkwenta ang edad. Hindi ko maintindihan kung bakit ako pa? Kung nakapangalan sa kapatid ko ang magiging mapangasawa ng sinasabing business partner, bakit ako? Nasaan pala ang pinakakamamahal niyang anak?
"Sandy... please. Think about your son..."
Seryoso ko siyang tiningnan. Ngayong may kailangan siya sa akin, 'di niya pa rin ba ako pakikiusapan bilang anak niya? Gaano ba kalaki ang kasalanan ng nanay ko at pati ako ay 'di niya matanggap?
Umiling ako at tumayo sa pagkakaupo. Ayaw kong masali sa mga balak nila o problema sa buhay. Labas ako sa mga buhay nila at may sarili akong suliranin na kinakaharap. Kaya kong ipagamot ang anak sa sarili kong sikap na hindi humihingi ng ano mang tulong sa kanya o manloko ng tao para lang sa sariling mga interes. Kung nasaan man ang anak niya ngayon, dapat kaharapin nito ang lalaking iyon at hindi ako.
"Sa iba ka na lang humingi ng pabor. Hindi ko kaya ang pinapagawa ninyo. Aalis na ako..."
Hinay-hinay akong umalis sa kanyang harapan at nakatalikod na nang bigla siyang nagsalita.
"You will ring me, Sandy. I know you will..." Puno ng kasiguraduhan ang tinig ng boses niya at tila ba, diyos siya para kontrolin ang mga desisyon ko.
Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. Nakatayo na rin siya sa pagkakaupo at inilapag ang isang maliit na papel sa lamesa. Tiningnan ko pa iyon saglit at muli siyang simulyapan.
"I'll be waiting at your call, Sandi Lyn." Iyon lang at umalis na ng silid.
Nanatili akong nakatayo at titig na titig sa calling card na inilapag niya sa lamesa.
Tuwing naiisip ko ang ama, ay naiisip ko rin ang mga anak ko-- si Josh, na katulad ko ay 'di rin kinilala ng sariling tatay, ang kaibahan nga lang ay naniniwala ang anak ko na may paki ang tukmol niyang ama. Sa akin naman ay simula noon pa ay mulat na ako sa katotohanang wala akong magigisnan na tatay. Si Benedict naman, ni hindi ko kilala sino ang lalaking iyon dahil masiyadong malabo ang lahat. Takot na takot ako noon kaya hindi ko na siya nakilala.
Ewan ko ba, bakit ang malas ko sa mga lalaki. Jackpot na lang dahil may mga guwapo at mababait akong mga anak na maaari kong maging inspirasyon para mabuhay. Sinabi ko na sa sarili na hindi na muna ako makikipagrelasyon at kung maaari ay huwag na lang.
Masiyadong magulo magkaroon ng love life, masalimuot kaya mas mainam pang manatiling tuyo kaysa masaktan ang puso.
Kinuha ko sa bag ang calling card na hinabilin ng tatay ko sa akin noong pumunta siya rito. Ewan ko ba na imbis itapon iyon, dahil paninindigan ko na hindi ako hihingi ng tulong sa kanya at gagawin ang pabor niya ay isinilid ko pa talaga sa bag iyon. Baka kailanganin ko sa susunod. Ewan, baka maisipan kong tawagan siya para batiin kung magfa-father's day na. Malay natin...
"Sandy!" Napaikot ko ang mga mata nang narinig ang boses ng pinsan kong si Adie sa labas ng silid ko. Ano na naman kaya ang gagawin niya rito?
"Oh, Adie?" Iniligay ko paperclip sa buhok para mapuyos ito at kinuha ang isa pang clip na nasa bibig ko.
Natatanaw ko siya sa salamin na nakakrus ang mga braso sa dibdib. Akala mo naman ay pagpapatungan itong babaeng ito.
"Trabaho kahit sabado? Mag-enjoy kaya tayo, shot ba!"
Inirapan ko siya at iiling-iling na kinuha ang foundation powder sa lamesa. Binuksan ko ito at ipinahid ang maliit na sponge sa aking mukha.
Inaayos ko na ang sarili para sa trabaho sa club. Sabado ngayon at day off ko sana pero kailangan kong magtrabaho.
"Ate!"
"Kailangan kong kumayod, Adie."
"At kailangan mo ring kumiyod!"
Sinamaan ko siya ng tingin sa repleksiyon niya sa salamin at inirapan. Kung ano-ano na lang ang naiisip niya.
"Huwag ako. Wala akong time sa paglalandi."
"I-try mo kaya para magkaroon ka ng halay sa katawan, uy! Hindi lang ang baba ang dry mo, pati skin, kaya ka 'di nagblo-blooming dahil wala kang dilig!"
Walang-hiya talaga itong babaeng ito. Siyempre na kukulubot o magda-dry ang kutis ko dahil papatanda na ako! Dios ko, next year, kuwarenta na ako.
"Wala akong pakialam. Forty na ako kaya 'di na mahalaga sa akin iyan."
"Life starts at forty, dear ate! Tingnan mo kung makatikim ka, mababawasan ng limang taon ang edad mo taga-s*x! Pramis!"
Inikot ko ang mga mata at kinuha ang bag sa upuan. Wala akong time para makipag-usap sa mga walang kuwentang bagay kasama si Adie dahil puro kahalayan lang ang alam niya.
"I need to go."
She groaned in protest. Sinundan niya pa talaga ako kaya muli ko siyang nilingon at itinuro.
"Adie!"
"Fine!" Itinaas niya ang mga kamay bilang pagsuko kaya dire-diretso na ako sa labas.
Minsan ay naisip ko rin iyan. Paano kaya kung mag-enjoy ako kahit saglit. Maglibang ako para sa sarili...
Umiling ako sa naisip. Walang kuwenta dahil wala akong karapatan na lumandi. Pumara na ako ng jeep para 'di ako ma-late, mahirap ng mabawasan na naman ang sasahurin ko dahil sa ilang minutong late.
#
"Hoy!" untag sa akin ni Mae, ang isa sa mga kasamahan kong waitress sa club.
Panay kasi ang tingala ko sa may VIP lounge. Nandito kaya siya? Mukhang wala naman dahil kung mayroon, ire-request niya naman ako kung sakali.
O baka iba na ang gusto niya Ang ganda pa naman ng tip ng lalaking iyon.
"M-Mae, nandito ba ang VIP?"
Tumingala rin si Mae sa tinatanaw ko at nagkibit-balikat. "Parang wala. Ewan..."
Muli kong tinignan ang taas at napangiti. Naalala ko ang unang gabing kasama siya. Kahit ang arogante niya tingnan ay nakakatuwa naman. Kahit papaano, naging interesado ako, 'di dahil sa tip niya, kundi sa presensiya na rin.
Ngunit may kakaiba sa lalaking iyon. 'Di man lang marunong tumingin sa akin at tila saan nakatingin. Minsan naiisip ko, bulag ba siya?
Imposible naman. Ang galing ngang makiramdam ng unggoy na iyon. At ang gusto ko sa kanya, ang laki ng tip na binibigay, kahit papaano ay nakakadagdag sa perang iniipon ko para sa pagpapagamot kay Josh.
"Kete!"
Nandito na naman! Wala bang kahit kaunting tigas itong si Madam?
Nakakarindi ang boses kaya napaikot ko ang mga mata. Kung may choice lang sana ako, hindi na ako magtatagal dito.
Ngunit kahit ano'ng angal ko ay nandito pa rin ako.
"Serb ka sa VIP, ha? Naghihintay iyon sa iyo."
Napangiti ako dahil ako pa rin ang hahanap-hanapin niya. Kahit papaano ay may makausap ako at ang tip! Tiba-tiba!
Sabik akong tumungo sa taas bitbit ang menu ng mga inumin at tray. Ang ganda pa ng ngiti ko kahit may suot akong maskara. Ewan, feeling ko, ang guwapo ng lalaking iyon. Hindi naman sa paglalandi pero mukhang bet ko siya kaunti, lalo na sa tindig niya at tigas... ng katawan.
Ngunit laking dismaya ko nang hindi siya ang naabutan ko kundi mga grupo ng customers. Nasa apat ang mga iyon at may tig-iisang mga babae sa tabi.
"Miss!" sigaw ng isang lalaki kaya nagising ako sa kahibangan.
Asang-asang, girl? Hopia na magka-pera ng malaki?